MR. RICO NATIVIDAD. Siya ang mayari ng sasakyang nakita mo kagabi. At base din sa report ng Mindoro Police, iniwan na ang kotseng iyan sa malapit sa police station at walang may alam kung nasaan si Mr. Natividad.'
I read Eugene's message ng magising ako kinabukasan. I replied thank you at tatawagan ko na lang siya kapag kailangan ko na lang ulit ng backup sa kasong ito.
Kinusot-kusot ko ang mga mata ko at ka-agad akong napabangon ng mapagtanto kong nakahiga na pala ako sa kamang inookyupa ko dito. Natigalgal ako sa kaisipang may bumuhat sakin kagabi at dinala ako dito. Hindi ako makakalimuting tao at sure akong sa mahabang upuan sa may garden ako nag-patuloy ng tulog kagabi. Kaya nagtataka ako kung sinong pontio pilato ang nag-dala sakin dito sa kwarto to. Don't tell me si Tyler? That's impossible!
Nakakapag-taka lang din at hindi man lang ako nagising ng buhatin ako para dalhin dito. Hmm, weird.
Inayos ko na lamang ang higaan ko at isinawalang-bahala na lamang ang mga tanong sa isip ko, at saka dumiretso sa banyo para maligo na. Kakausapin ko na lang siguro si Tyler mamaya at tatanungin kung nakita niya ba kung sinong bumuhat sakin dito.
Nag-toothbrush na ako at mabilis na naligo at saka lumabas ng CR para mag-bihis bago lumabas ng kwarto. Inikot ko agad ang paningin ko pagkalabas ko ng kwarto. Malinis na ang buong bahay miski ang mga naghilatang mga kaibigan ni Tyler sa sala ay wala na din. Ang mga pinaginuman nila kagabi ay hindi ko na din makita pa.
Hindi ko inaasahan na malinis din pala sa bahay ang mga bad boy na 'yon.
Nagkibit-balikat na lamang ako at saka dumiretso sa kusina para sana mag-agahan nang matigilan ako ng makitang sobrang daming pagkain sa lamesa. At lahat pa ng mga nandito ay mga paborito kong pagkain.
Nag-ningning ang mga mata ko habang nakatingin sa mga pagkain. Although, hindi ako makagalaw dahil hindi ko inaasahang ito ang madadatnan ko ngayon kagaya lang noon. I closed my eyes as the memories flashes back to my mind. That's all in the past now. Pangungumbinsi ko pa sa sarili ko.
"Hindi ka ba kakain?" Napatalon ako sa sobrang gulat ng may mag-salita mula sa likuran ko. Sa lalim pa lang ng boses niya ay sigurado na akong si Tyler ang nasa likuran ko. Maingat ko siyang nilingon para sana tarayan siya dahil sa ginawa niyang pag-buhat sakin pero natigilan ako ng makita ko siya. Kulang na lang ay bumagsak na ang panga at malaglag na ang eyeballs ko sa nakikita ko. "Inorder ko lang iyan sa malapit na restaurant dito. I don't know how to cook, pag-pasensyahan mo na." Parang wala lang na sabi nito pero ang puso ko ay hindi na kumalma. Sobrang bilis pa din ng pagtibok nito.
Because, Tyler Allegre is half naked in front of my very own eyes. Naka-boxer shorts lang ito na kulay itim at wala itong suot na kahit anong pang-itaas at may nakasabit lang na towel sa balikat nito. Idagdag pa ang mamasa-masa nitong buhok at dibdib. Hindi siya mukang bagong paligo pero sigurado akong pawis nito ang tumutulo ngayon pababa hanggang sa impis niyang tyan. Mukang nag-work out ito ngayon kaya ganito ang itsura niya.
I swallowed the imaginary lump in my throat at mahinang nag-mura. Sh*t lang!
OMY! I can't believe that I'm seeing his naked body right now. And I find it sexy! Kainis!
Oo nga't hindi naman masyadong muscular ang katawan niya, at ano nga ulit iyon? Ahh, abs. Yes, abs. Wala siya n'on! Pero iba ang dating ng katawan niya. Lalo na't sobrang puti pala ng lalaking 'to. Parang hindi ito nasisinagan ng araw o ano e.
Nag-taas ako ng tingin mula sa tyan niya papunta sa muka niya kundi lang siya tumikhim ng malakas. Nakita ko naman ang pagsilay ng maliit na ngisi sa gilid ng labi niya. Halos pamulaanan naman ako ng buong muka sa sobrang kahihiyan dahil nahuli niya palang pinagmamasdan ko ang katawan niya.
Ano ka ba naman Denise! Parang first time mo kasing makakita ng katawan ng lalaki e? Eh di naman hamak na mas malaki pa din ang katawan nila Eugene at Bobby sa kupal na 'to! Tsk, umayos ka nga kasi. Nakakahiya ka talaga kahit kailan!
Mariin akong umiling at tumalikod na sakaniya bago pa may magawa na naman akong katangahan ulit. Umupo na lamang ako sa isang bakanteng upuan sa pinaka-dulo at kumuha na lang pagkain. Ikakain ko na lang 'to para naman mawala ang kahihiyang inabot ko sa harap ng bad boy na 'to.
Kitang kita niyang pinagnanasahan ko ang hubad niyang katawan. Jusme! Nakakahiya talaga!
Nakayuko lang ako at naka-focus ang mga tingin ko sa pagkain na parang ito na ang pinaka-kakaibang bagay na nakita ko sa buong buhay ko at pilit iniignora ang presensya ng lalaking nakatayo pa din sa harapan ko. Rinig ko pa ang mahina niyang pagtawa at akala ko ay magsasalita pa siya para asarin ako pero laking pasalamat ko na lang na wala akong narinig na salita mula sakaniya.
Kaya naman nagangat ako ng tingin para tignan siya at nakatalikod na pala siya sakin at naglalakad papunta sa kwarto niya sa may second floor.
Napatingin naman ako sa likod niya, sa balikat niya hanggang sa bumaba na ang tingin ko sa pang-upo niya. "Sh*t!" Hindi ko maiwasang isatinig ang salitang 'yon. Para na talaga akong tanga! Ano ba naman iyan PO2 Rocky Mariano! Nakakadiri ka! Wag mong pagnasahan ang bad boy na 'yon! Mag-hulos dili ka babae ka!
Paano ba naman kasi ay kung wala siyang abs, meron naman siyang magandang pang-upo. T*ng*na! Hindi ko inaasahan na magiging ganito ako sa lalaking kinaiinisan ko. Hindi ako manyak 'no, lalong-lalo ng hindi naman ako masyadong fan ng mga magagandang katawan lalo na ang may firm na butt. Pero bakit nagiging ganito ako ngayon? Bakit pakiramdam ko ay may kung ano akong naramdaman sa buong katawan ko ngayon-ngayon lang. Hindi ko alam iyon at hindi ako pamilyar don. Pero, nakakainis lang talaga!
Napabuga na lang ako ng hangin at akmang tatayo na sana para makaiwas sa 'tukso' ng marinig kong magsalita siya na nakapagpagulo sa buong sistema ko. "I know that staring is rude, pero kung ikaw lang naman din ang titig ng ganyan sakin, ay ayos na ayos lang sakin. I'm very willing, babe." I heard him chuckled na nakapagpapula lalo sa buong muka ko. "See you later, PO2 Mariano." Nag-salute pa ito sakin bago tuluyang pumasok sa kwarto niya. Ako naman ay napabuga na lang ng hangin.
Kung ano man tong tawag sa nararamdaman ko na hindi ko alam ay hindi 'to dapat magpatuloy pa. Ayoko, dahil 'di 'to maaari. Wala pang isang linggo mula ng dumating kami dito sa Mindoro pero eto na agad ako? "Sh*t! Nakakainis talaga!" I hissed. Tinapos ko na lang agad ang pagkain ko at matapos hugasan ang pinagkainan ko ay pumasok na din ako sa kwarto ko.
I will just focus on my mission here. Iyon lang. Iyon lang dapat.
-
LUMIPAS ang mga araw at wala na ulit nangyaring kakaiba sa bahay na 'to. Naging normal na ang takbo ng buhay ko at maging ang buhay niya. Binabantayan ko siya at lagi akong kasama kung nasan man siya naroon. Mas dumoble ang pagiingat ko dahil sa nalaman ko tungkol sa mga taong gustong saktan ang pamilya Allegre. At kahit hindi naman kami friends ni Tyler, ayoko pa din naman siyang mapahamak lalo na't responsibilidad ko na siya ngayon.
Isang buwan na din ang nakakalipas pero hindi ko na ulit nakita ang lalaking nakita kong nagmamasid samin at hindi na din bumalik ang mga kaibigan ni Tyler. At isa lang ang ibig sabihin non, kami lang ni Tyler ang nandito. Kaming dalawa lang ang laging magkasama. Pero sa tuwing lalabas kami ni Tyler ay ramdam kong may ilang pares pa din na mga matang nakatingin samin. Nagkikibit-balikat na lamang ako pero syempre nakahanda ang aking 'best friend' na baril. But as of now, okay naman kami. All is well, ika nga.
"What the f*ck?! Ano ako bata? That's my friend's party, bakit kailangan mo pang sumama?" Histerical na sigaw niya sakin. Tumayo pa ito at nakipagtitigan sakin. Nandito kami ngayon sa living room at nanonood kami ng TV at nagsabi nga siyang babalik ng Manila bukas ng gabi para daw sa engagement party ng barkada niya. Pero hindi ako pumayag na hindi ako kasama. That's my mission, to be with him all the time.
Napapikit na lang ako para pakalmahin ang sarili ko. Kung papatulan ko pa ang kagaspangan ng ugali ng lalaking 'to ay mas lalo lang kaming magkakagulo at baka 'di ko din siya matantya.
Sa loob ng isang buwan na pagtira namin dito sa Mindoro ay wala na kaming pinagkasunduan. We clashed like kids, mas worst pa nga ata sa mga bata. Eh wala naman akong magagawa kung kailangang nakabuntot ako sakaniya, diba? As his body guard, dapat lang na kung nasan siya ay nandon din dapat ako. Lalo na at baka bigla na namang lumutang sa kung saan ang mga kalaban ng Daddy niya. Mahirap na, hindi pwedeng mapahamak ang bad boy na 'to. Hindi pwede.
"You don't have any choice. Kung nasan ka, nandoon din dapat ako. Kung ayaw mo akong isama, edi wag ka ng tumuloy sa party na iyan. I know that he will understand." Pinag-krus ko pa ang mga hita ko at matamang tinignan siya. Akala ba niya ay matatakot niya ako? Utot niya! Ako ang batas dito.
Napatingin din naman siya sakin and after a while, nawala na ang kunot ng noo niya at napalitan ng ngisi. Bumaba ang tingin niya mula sa muka ko hanggang sa legs ko at nakaramdam ako ng pagkailang. Kinuha ko ang unan sa tabi ko at tinakpan ang legs ko. Nawala na sa isip ko na naka-cotton shorts nga lang pala ako.
Tsk, wala pa ding pagbabago. Manyak pa din ang gago.
"Hmm, alright. Sige na nga papayag na ako na sumama ka sakin sa Manila. But in one condition." Sumandal pa siya sa couch at tinitigan akong mabuti, this time sa muka ko na ulit siya nakatingin pero mas lumapad ang ngisi niya. Tinaasan ko naman siya ng kilay dahil sa sinabi niya. Condition? Bakit may ganon pa? Gagong 'to talaga oh! "Sleep with me." He smirked.
Nagtaasan ata lahat ng dugo ko sa muka ko at pakiramdam ko ay puputok na ako na parang bulkan sa sobrang inis. Tumayo ako at ibinato sakaniya ang unan na nakatakip sa legs ko kanina bago siya sinipa sa pinakaiingatan niya.
"F*ck!" He hissed.
"p*****t! You *ssh*le, go to hell! F*ck you! F*ck yourself. Jerk" Sigaw ko at pinaghahampas pa siya ng unan. Hindi ko siya titigilan. Gago siya e, gago talaga siya!
"Yeah later!" Nakangising sagot niya kaya mas lalong nagpintig ang tenga ko at mas nilakasan pa ang paghampas ko ng unan sa k*pal na 'to. "Wait- Ahhh! F*ck, ano ba Rocky! Hoy! Stop it" Kahit anong gawin niyang daing ay mistula akong bingi. Patuloy pa din ako sa paghahampas sakaniya. Nanggigigil ako. Gusto ko siyang bugbugin hanggang sa magmakaawa siya sakin. "Ano ba Rocky! Nasasaktan na ako! Tama na!" Hindi ko pa din siya pinapansin at natigil lang ako ng maramdaman kong hinawakan niya ng dalawang kamay ang bewang ko at pinagpalit ang pwesto namin. This time nasa ibabaw ko na siya.
"I told you stop but you never listened." Seryoso an muka niya habang nakatingin sakin. Kita ko ang pagtagis ng bagang niya at nagmistula naman akong pipi dahil sa kaba. Sa loob ng isang buwang pagtira ko dito sa Mindoro kasama ang bad boy na 'to ay ngayon ko lang siya nakitang ganitong kaseryoso. At ang walang kinatatakutang pulis na tulad ko ay nanginginig na ang dalawang tuhod.
But no! Hindi ako papayag. Kaya kahit nangangatal na ako ay nagawa ko pa din siyang malakas na itulak at agad akong naglakad palayo sakaniya.
Hindi ako papatinag, hindi ako papasindak, hindi ako matatakot sakaniya. Inirapan ko pa siya at pinagtaasan ng kilay. "Sorry to burst your bubble pero hindi ako natatakot sayo." Buong tapang kong sabi sakaniya atsaka siya muling inirapan.
Bigla naman nagbago ang expression ng muka niya. Kung kanina ay nakakatakot talaga siya, ngayon naman ay wala ng emosyong makikita sa mga mata niya.
Hindi siya nagsalita at tumalikod na lang siya sakin at umakyat na sa kwarto niya. Napapitlag pa ako ng malakas niyang sinara ang pinto niya.
"Childish bad boy." Bulong ko at iling-iling na bumalik sa pagkakaupo sa couch at nagpasyang manood na lang ng TV.
Kahit ano atang gawin ko ay never na kaming magkakasundong dalawa. We clashed and clashed like there's no tomorrow. Ganon ata talaga e. Hindi pwedeng maging mag-kaibigan ang isang bad boy at ang pulis na tulad ko. Or let me say, hindi ko talagang makakasundo ang isang Tyler Adam Allegre.
-