Chapter 7

2410 Words
"ANO YANG SUOT MO?"     Bungad agad na tanong sakin ni Tyler ng makalabas ako sa kwarto ko.     Nagbaba naman ako ng tingin sa suot ko. Ano na naman kayang problema ng ugok kong boss na 'to sa damit ko? Ano bang masama sa itim kong pants, itim na long sleeves at itim na leather jacket? Eh kung sa dito ako komportable e, bakit ba pati 'yon ay pakikialamanan niya pa?     "Damit." Kibit-balikat kong sagot atsaka siya inirapan. Tumalikod ako sakaniya para isarado ang pinto ng kwarto ko ng hawakan niya ako sa may balikat at sapilitang iniharap sakaniya. Nakakunot ang noo nito at matalim ang titig na ipinupukol nito sakin.     "Wag mo akong pilosopohin." Mapanganib niyang sabi sakin. "We're going to my friend bachelor's party at hindi tayo pupunta sa isang raid na siyang ginagawa mo lagi. Kaya bakit ganyan ang suot mo?" He hissed. I heard him cursed and I can't help but to rolled my eyeballs again. Kaloka naman 'to e! Wala na siyang pakialam sa gusto kong suotin! Kasi from the first place, hindi naman talaga ako invited sa party na sinasabi niya e! Sa labas lang naman ako! Sa labas lang! I just need to be there to protect him. Hindi para makipag-sosyalan sa mga tulad nila. Nakakainis!     "Eh sa wala akong dress or mga girly na damit, e. Isa pa, hindi naman ako makikijoin sa party na 'yon. I just want to go with you at bantayan kang mabuti." Pinag-krus ko pa ang mga braso ko sa harap ng dibdib ko at tinaasan siya ng kilay. Baka akala niya ha. Di ako natatakot sakaniya!     Yes, after ilang sigawan at away kagabi ay pumayag na din siyang sumama ako sa party ng kaibigan niya sa Manila. Sa pagkakaalam ko ay si Vincent ang host ng nasabing party at lalagay na daw ito sa tahimik. I already met him once nung unang araw nga namin dito at masasabi kong he's a good man. Unlike sa lalaking 'to mukang wala sa isip ang pag-sesettle down. Tsk! Sabagay, pake ko nga ba?     "Kung ayaw mo sa suot ko, edi dito na lang ako at syempre dito ka lang din at hindi ka pwedeng umalis!" Inismiran ko siya at saka tumalikod na sakaniya. Naglakad na lang ako palabas ng bahay. Ayoko ng makipag-talo pa sakaniya. Nakakaubos siya ng energy.     I need fresh air! Parang sasabog na kasi ako sa init! Ngayon lang may nangialam sa suot ko. At ang lalaking 'to pa na akala mo kung sino!     Naramdaman ko naman ang pag-sunod niya sakin. I smirked. Bahala siya dyan! Kung magaaway na naman kaming dalawa, mas pabor sakin. Hindi kami aalis dito. Mas safe siya dito. Mas mababantayan ko siyang mabuti.     Natigilan naman ako sa paglalakad nang maalala ko ang natanggap kong death threat nung isang araw. Actually, kay Tyler talaga naka-address ang box na iyon from an unknown sender. Pero syempre as his body guard, I opened it right away nang hindi niya nalalaman. Nagulat ako ng makita ko ang isang papel sa loob ng box na may nakasulat na 'your end is near'. Kulay pulang tinta ang pinansulat doon kaya mahahalata mong galit na galit ang nagpadala nito kay Tyler and as far as I know, sa Daddy talaga ni Tyler galit ang mga ito. At kung kalaban ito sa pulitika o isang maimpluwensyang tao na kinalaban nito ay hindi pa ako sigurado. Aalamin ko pa ang lahat para matapos na 'to at makabalik na ako sa serbisyo.     And aside from the letter, may 5 orange seeds ang kasama sa loob ng box. At napagaralan namin 'yon sa isang subject sa criminology. And I'm very much aware that it's a warning sign na may mangyayari masama sa taong pinagpadalhan nito.     Kaya simula ng makatanggap ako ng ganon ay mas doble-doble ingat na ako pagdating sakaniya. Hindi man kami magkasundo at malimit kaming magaway, pero gusto kong protektahan siya. And I don't know why. Pero siguro kasi ganon naman dapat ang mga pulis. Ang mag-protekta ng buhay ng tao kahit sino pa 'yon.     And that's the main reason why I'm coming with him to his friend's party tonight. We will never know what's await for him there. Baka may nakamasid sakaniya o sundan siya doon. Mahirap na baka malingat lang ako ay may mangyari ng hindi maganda sakaniya.     "Tsk." He hissed na nakapagpabalik sakin sa reyalidad. "You know what? For a body guard, you're rude." Nakasimangot na sabi niya sakin at umupo sa tabi ko.     Nginisian ko naman siya dahil sa sinabi niyang 'yon. "Kasi po boss." I emphasized the word 'boss' para bwisitin siyang lalo. "Hindi ako basta-basta body guard lang. I'm a policewoman for your information. Kaya 'di pwede saking yang ganyang ugali mo. And one more thing, Mr. Allegre, if you want to live any longer and build your own family, follow my rules and instructions. That's for your own good. Kaya wag ng matigas ang ulo." Mataray na usal ko sakaniya.     Nakakainis talaga siya. Para siyang bata kung pagsabihan. Nadaig pa niya yung batang binantayan ko din nung nakaraang buwan. Anak naman 'yon ng magasawang attorney na nakiusap kay Daddy para bantayan ang 6 years old niyang anak dahil pupunta ang mga ito sa Cebu. Walang pinagkakatiwalaan ang magasawa kundi ang Daddy lang niya. And knowing my Dad, ako talaga ang uutusan niya don para nga malayo ako sa gulo. At kahit nga bata pa lang 'yon ay marunong makinig at hindi sakit sa ulo. Unlike this man, sobrang tigas na ng bungo! Kakainis!     I heard him laugh his ass out. "What's funny?" Taas kilay kong sagot. Imbyerna na nga ako sakaniya tapos tatawanan pa niya ako. Baliw talaga!     "Sweet." Nakangising asar pa nito sakin na nagpainit ng punong tenga ko.     "What?" Hindi ko na napigilang sigawan siya. Wala akong pakialam kung boss ko siya. Kung ganito ba naman kasi ang ugali niya ay talagang hindi siya kagalang-galang. At anong sinasabi niyang sweet? Sweet sino? Ako? Baliw!     Nanlaki ang mga mata ko ng ma-realize ko ang mga sinabi ko sakaniya kani-kanina lang? Di nga kaya'y masyado na nga akong concern sakaniya? Di kaya'y sobra-sobra ko naman siya kung protektahan?     I'm not new to this job. Minsan pa nga ay mismong Presidente ng Pilipinas ang binabantayan ko pero hindi naman ako ganito ka-over protective tulad lang ng ginagawa ko ngayon sa bad boy na 'to. Pero bakit nga pagdating sakaniya para akong asawang alalang-alala sa asawa niya?     "F*ck." I whispered. This can't be. No! Hindi na pwedeng maulit ang nakaraan. Hindi pwede! - NANINGKIT ang mga mata ko ng maramdaman ko ang malalagkit na tingin na ipinupukol ng mga taong nadadanan namin. Papasok kami sa Gonzales Auberge ngayon at nasa hallway pa lang kami ay napapansin ko na ang pagsunod ng mga tao sakin, lalo na ang mga lalaki na akala mo'y asong ulol kung maglaway.     Nandito na kami sa hotel kung saan gaganapin ang party ng friend ni Tyler. Pamilya daw ni Vincent ang may-ari ng hotel na 'to ayon sa kwento nito kanina. And I know, this hotel is one of the best hotels in the Philippines. Although may kamahalan, worth it naman dahil sa ganda ng view, amenities and even the staffs are very approachable and friendly. And I can't believe it, na sobrang yayaman pala talaga ng magkakaibigang 'to kaya pala puro mayayabang. Tsk. Tsk.     Nakarinig ako ng may sumitsit sa likod ko sabay sabing 'miss kahit isang gabi lang oh', na sinamahan pa ng mga tawanan ng mga kasama nito. Naginit ang buong muka ko at parang sasabog na ako, konti na lang.     Tinignan ko si Tyler, k*pal talaga ang isang 'yon. Hindi man lang niya ako inaantay at dire-diretso lang 'to sa paglalakad. Hindi ko na lang siya tinawag at tumigil na lang ako at hinarap ang mga lalaking mga manyak na kanina pa nakasunod ang tingin sakin. Nasa anim sila at masasabi kong mga gwapo naman ang mga 'to pero halata mong mga gago. Walang pinipiling babastusin.     Tsk. Naka-pants na ako't lahat, naka-jacket pa pero binabastos pa din ako. Tsk. Mga lalaki talaga!     "Ayon oh. Lumalapit na si miss sexy." Sabi ng isang lalaki habang nakangisi.     "Oo nga, mukang type ako mga pre. Sakin nakatingin e." Segunda naman nung isa pa na singkit ang mga mata.     "F*ck! Ganyan ang mga gusto ko. Lakas ng s*x appeal. Kaya siguro nitong umibabaw." Nakangising sabi naman ng isa pa na mukang siya ang sumitsit sakin kanina. Mukang anak mayaman din gaya nila Tyler. But he's not my type kahit pa sobrang gwapo niya. Kung ganito lang din namang kamanyak at kagago, wag na lang 'uy. Tatandang dalaga na lang ako.     I smiled sweetly at them at mukang natuwa naman ang mga manyak na ito sa ginawa ko. Tsk!     "Hi boys. Ako ba ang kailangan niyo? May problema ba tayo?" Mas pinalambing ko pa ang boses ko kahit pa gustong gusto ko ng pagsisipain ang mga ito sa mga balls nila.     "Oo miss. Tara! Game ka ba sa group s*x?" Manyak na tanong agad sakin nung sumitsit kanina na mukang ikinatuwa naman ng mga kasama nito dahil nagpalakpakan pa sa pagiging straight forward ng kasama nila.     "Talaga? Magaling ba kayo don?" Nakangisi kong tanong sakanila at nilapitan ako agad ng dalawa sa kanila at bago pa lumapat ang mga kamay nila sakin ay agad ko 'yon nahawakan at pinilipit patalikod. "Ano? Ulitin niyo nga ulit yung sinabi niyo kanina?" Buong tapang na tanong ko sa lalaking mukang leader nila. Kita ko ang pamumutla nito at ang paglaki ng mga mata ng dalawa pa nitong kasama na umaaray na sa ginawa kong pagpilit sa mga braso nila.     "H-indi. Hindi na po." Magkasabay na sagot ng dalawa. "Pasensya na po kayo." Parang tutang takot na takot na dagdag pa ng mga ito. Ang kaninang ngisi sa mga muka ng anim na lalaki ay napalitan na ng takot at kaba. Nauutal-utal pa nga ang mga gago. Tsk! Puro yabang wala naman pa lang ibubuga!     "Mabuti kung ganon." Sabi ko at basta na lang binitawan ang dalawang lalaking hawak ko na agad namang napaupo sa sahig. "Sa uulitin na malaman kong nambabastos na naman kayo ng mga guests dito, humanda kayo sakin. Wala na akong magagawa kundi ang pagdadamputin kayo at ikulong! Understand?" Sunod-sunod ang ginawang pagtango ng mga ito sakin at mabilis na kumaripas ng takbo at paulit-ulit na humihingi ng sorry sakin. Napangiti na lang ako habang pinagmamasdan silang anim na nagmamadali sa pagtakbo palayo.     Napailing na lang ako at pupuntahan ko na sana si Tyler sa kung saan man ito nagsuot ng marinig ko ang mahinang pagpalakpak sa likod ko ng kung sino man.     Marahan ko itong nilingon at nakangiting muka ni Tyler ang nakita ko. Mukang masaya sa nasaksihan. Pumapalakpak pa din ito hanggang sa makalapit ng tuluyan sakin. Bakas sa muka niya na sobrang saya niya at hindi ko alam sa kung anong dahilan. Baka nababaliw na naman!     "Bakit?" Mataray na tanong ko dito.     "Nothing. I'm just so proud of you." He said.     I was about to ask him kung ano bang pinagsasabi niya nang tumalikod na siya agad at naglakad palapit sa isang pintuan doon. "Halika na. Nandito na silang lahat." Yaya nito sakin at wala na akong nagawa ng buksan na nito ang pintuan.     Sumunod na lang ako sa sinabi niya pero hindi muna ako pumasok sa loob at tumigil muna ako sa labas para ma-icheck ang paligid. Baka kasi sa sobrang abala ko sa pananakot sa grupo ng mga lalaking manyak kanina ay nasalisihan na kami.     I stayed few more minutes outside the hall ng maisip kong pumasok na sa loob. Walang kahina-hinala sa paligid at kailangan ko ng pumasok sa loob kasi baka magalit pa si master. Tsk. Hinubad ko muna ang jacket ko atsaka ako pumasok sa loob.     Medyo dim ang ilaw na bumungad sakin at amoy na amoy ko agad ang amoy alak sa loob ng kwarto. Inikot ko ang paningin ko para hanapin si Tyler ng mapansin kong nakatingin na pala sakin ang lahat ng bisita sa loob. Puro ito lalaki at ako lang ang babaeng nasa loob. Pero hindi ko na lang sila pinansin at nagtuloy-tuloy na ako sa paglalakad. Pero habang naglalakad ako ay naririnig ko pa ang kaniya-kaniyang sigaw ng mga lalaki pero wala akong pakialam sakanila.     Patuloy ako sa paghahanap kay Tyler ng makita ko ang grupo ng mga lalaki sa unahan sa may gilid. Nagkukumpulan ang mga ito at busy sa paguusap pero ang mga mata ay nakatingin sakin. Don ko nakita si Tyler kasama ang mga kaibigan niya.     Nilapitan ko sila at natigilan ako sa sinabi ng isa sakanila. "Yeah beybe sayaw na." Sabi nito. Nagtaas ako ng kilay. Anong sayaw ang pinagsasabi nito? At ng ma-realize ko ang ibig niyang sabihin ay napangisi na lang ako at pabirong inilabas ang baril ko.     Halata naman ang gulat sakanilang mga muka at takot gaya nung anim na lalaking nakita ko sa labas. Psh. Puro yabang din pala tong mga bad boys na 'to e!     Walang may gustong magsalita sakanila kaya si Tyler na ang bumasag sa katahimikan. Malakas itong tumawa na halatang amuse na amuse sa nangyayari. "Hahahaha. Mga gago kasi kayo e!" Napahawak na ito sa tyan sa sobrang saya. I rolled my eyeballs on him at binalik sa pantalon ko ang baril. "Guys meet PO2 Rocky Mariano. She's my personal body guard." Pakilala nito sakin. "Siya yung babaeng kasama ko sa rest house sa Mindoro. Remember?"     "Body guard?" Sabay sabay na sigaw nila. Mukang hindi na nila ako natandaan nung nagpunta sila sa Mindoro nung nakaraan. Sabagay, wala pa atang isang oras ng makita nila ako.     Patago akong umirap sakanila. "Yes, I'm PO2 Mariano and I'm guarding that bad boy." Turo ko kay Tyler sa tabi ko.     "IKAW 'YON?" Hindi makapaniwalang sabi nila.     Mas lalong nangunot ang noo ko dahil sa reaksyon ng mga ito. Hindi ba nila ako talaga matandaan talaga? Ganon na ba nagbago ang itsura ko at di nila ako nakikilala agad? Oo nga't isang beses pa lang kaming nagkita ng mga ito pero bakit naman ako tandang tanda ko pa ang mga itsura nila?     Psh. Sabagay, mga babaero ang mga ito at sa sobrang daming babaeng nakilala nila baka nga hindi nila matandaan ang lahat ng 'yon, lalo na ako.     Tsk! Ano pa nga bang aasahan ko sa mga lalaking 'to? Syempre wala 'no! Kakainis talaga sila ha! Kaya never akong magkakagusto sa mga tulad nila e. Never in my life! I swear! -
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD