Chapter 9

1735 Words
Warning: Medyo SPG po. :) BITBIT ang pagkaing tinake-out ko sa KFC ay bumaba na ako ng taxi at agad na sumakay ng elevator. Baka kasi umalis ang bad boy na 'yon, mahirap na. Alam ko namang kahit ibinilin ko siya sa mga receptionist at guards ng condo ay hindi makikinig ang isang iyon.   "Tsk. Typical bad boy."    Iling-iling ako ng lumabas ng elevator. Hawak-hawak ang dalawang plastic na may lamang pagkain ng matigilan ako ng makita ang isang bulto ng lalaking kahit nakatalikod ay kilalang kilala ko pa din. Na kahit matagal ko na siyang hindi nakikita ay tandang tanda ko pa din.     "Wala si Denise dito. Bakit? Sino ka ba?" Walang emosyong sabi ni Tyler sa lalaking hindi ko na sana gustong makita pa.     "Nasan siya? At sino ka? Anong ginagawa mo sa unit niya?" Sunod-sunod na tanong ng lalaki na akala mo kung sino kung umasta. Akala mo parte pa din ng buhay ko.     "Bakit? Ano bang pakialam mo kung nandito ako? Sino ka ba ha?" Mayabang naman na sabi ni Tyler dito. Sa itsura ni Tyler ay mukang handa itong makipagsuntukan sa kausap.     At bago pa sila mag-suntukang dalawa ay tinawag ko na agad si Tyler. "Babe!" F*ck! Babe? Really? Baliw ka na nga talaga, Denise! Pero wala na akong choice. Kailangan kong makaalis sa kahihiyang ito. Gusto kong ipamuka sa lalaking 'to na naka-move on na ako sakaniya.     Sabay silang lumingon sakin at kung kanina ay nakasimangot si Tyler dahil sa 'bwiset na bisita' ko, ngayon naman ay nakakaloko na ang ngiti sa mga labi nito habang nakatitig sakin.     Gusto ko tong suntukin sa muka pero hinayaan ko na lang. Paninindigan ko na ang 'babe' na tinawag ko sakaniya. mas mabuti na din to para naman makahalata tong 'bisita' ko na ito na wala na akong pakialam pa sakaniya!     "Mahal ko." Tawag naman ni Tyler sakin. Psh. Mahal your face! Pero sige, ngayon lang 'to. Kailangan ko lang talagang gawin 'to.     "Den." Tawag naman ng bisita ko. Mariin akong napapikit ng muli kong narinig ang boses niya. Parang nag-flashback lang sakin ang kahapon. Parang bumalik lang ulit yung sakit na matagal ko ng kinalimutan. Bakit kasi? Bakit pa kasi siya bumalik? Nananahimik na ang buhay ko. Ano na naman bang ginagawa niya dito?     I mentally rolled my eyes and looked at him with void of emotions kahit pa nangangati na ang kamao kong masapak ang k*pal na ''to ay pinakalma ko pa din ang sarili ko. Kailangan kong ipakita sakaniya na hindi na ako apektado sa presensya niya. Na wala na akong pakialam pa sakaniya. Na hindi na niya ako mauuto pa.     "What are you doing here?" Nakataas na kilay na tanong ko dito. "Anong kailangan mo sakin? Last time I checked, hindi na tayo dapat magusap pa." Kapal naman ng muka ng isang 'to. After a year, magpapakita siya sakin na parang wala lang?     "I came here for you, love. Please let us talk." Nagsusumamong sabi nito sakin at akmang lalapitan ako nito ng humarang na si Tyler sa pagitan namin.     "No. So please, umalis ka na dito." Puno ng tapang na sabi ko habang nakahawak ng mahigpit sa kamay ni Tyler. Sorry Tyler, kailangan ko lang talagang gawin 'to. Bahala na mamaya.     Nakita ko namang nagbaba ng tingin si Edison sa magkahugpong naming mga kamay at nakita ko ang sakit sa mga mata niya.     Sakit para saan? Di ko alam. At wala na akong pakialam pa sa lalaking nanira ng buhay ko. Baka naman isa na naman to sa drama niya para gaguhin na naman ako.     "I'm begging you Denise. Please kausapin mo ako. Handa akong magpaliwanag sa lahat. Love, please." I saw sadness again in his eyes pero hindi na ako maapektuhan pa don. Alam ko namang walang katotohanan lahat ng pinapakita niya. After a year, ngayon pa niya naisipang magpaliwanag? Nagpapatawa ba siya?     I am not the old Denise anymore. Kaya, pasensya na lang siya!     "Pre, hindi ka ba nakakaintindi? Ayaw kang kausapin ng girlfriend ko. So please lang umalis ka na. Stop calling her love because she's mine." Nilingon ako ni Tyler at kahit siya ay kita ko ang awa sa mga mata niya. Naaawa siguro siya sakin dahil alam niyang isa akong loser. "Let's go na mahal ko." Hindi na ako nagreklamo pa at hinayaan ko na lang na tangayin ako ni Tyler papasok sa loob ng unit ko.     Naririnig ko pa ang pagtawag ni Edison sa pangalan ko pero hindi ko na lang 'yon pinansin pa at nagmistulang parang bingi sa lalaking matagal ko ng kinalimutan. Para saan pa diba? Nung time nga na kailangang-kailangan ko siya ay hindi ko siya mahagilap. Mag-isa lang akong hinarap ang problema na dapat ay kaming dalawa 'yon.     Kaya walang kapatawaran ang ginawa niya sakin, kahit ano pang gawin niya. I hate him! I hate him so much!     Napatingin ako sa likod ni Tyler habang hinihila ako papasok ng condo unit ko. Kahit hindi kami magkaibigan, ay pinrotektahan niya pa din ako. "Salamat, Tyler. Salamat." Bulong ko. - "ANO bang nangyari? Atsaka sino yung lalaki sa labas?" Kunot noong tanong ni Tyler ng makapasok kami sa loob ng unit ko.     "Hm, galing pala ako sa office ni chief. Hm, ano sabi niya we need to go back to Mindoro na tonight." Hindi ko na pinansin ang tanong sa mga mata ni Tyler. Pumasok na lang agad ako sa kwarto ko at agad na nagimpake ng mga gamit ko.     Mabilis ang naging pagkilos ko na para bang hinahabol ako ng kung sino. Yeah right. Hindi sino, kundi ano. Hinahabol ako ng nakaraan ko na hanggang ngayon ay hindi ko pa din malimot-limutan.     Kung ano-ano na lang ang pinaglalagay kong gamit sa maliit kong duffel bag ng maramdamang kong may nakatingin mula sa likuran ko. Kaya agad ko itong nilingon at hindi sinasadyang tumama ang muka ko sa dibdib nito.     Sobrang lapit pala niya sakin. I didn't know. Paano ba naman kasi ay nawala na naman ako sa sarili ko. At dahil sa Edison na 'yon!     Habang hawak ang nasaktang noo ay nagangat ako ng tingin. Nagkasalubong kami ng mga mata ni Tyler. His eyes are telling something. Na para bang ang daming tanong nito sakin.     Kunot na kunot ang noo nito habang nakasandal ang likod sa hamba ng pintuan ng kwarto ko. Matagal kaming nagtagisan ng tingin ng ako na ang kusang nagiwas at pinagpatuloy na lamang ang pagaayos ng mga gamit ko ng biglang hawakan nito ang mga kamay ko.     "T-yler." s**t! Bakit ako nakaramdaman ng takot dahil sa mahigpit na hawak niya sa mga kamay ko idagdag pa ang galit sa mga mata niya. "T-yler ba-" And before I utter any word ay mabilis na niya akong inilapit sakaniya at niyakap ng sobrang higpit. I even saw his eyes got softened. At kahit hindi ko siya maintindihan ay tinugon ko pa din ang yakap niya.     "Go. Cry now." Mahinang sabi niya sakin na siyang lalong nagpagulat sakin. "I didn't know anything about your past. Pero lagi kitang nakikitang umiiyak saying a baby's name. And now, dahil sa lalaking nag-punta dito kanina, medyo naiintindihan ko na ang lahat." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya at ang papatulong luha sana sa mga mata ko ay biglang nabitin sa ere.     H-a? Nakikita pala niya ako. Napapansin pala niya ako. Pero bakit? Bakit ganito siya? Tyler, ano ba? Wag mong gawin sakin to, oh! Don't make me confused! Stop being kind, please!     "Yeah, you look tough and strong outside but f**k! Cry. Cry all the pain, smile after and forget everything about the past and start again a new life." I heard him took a deep breath. "I'm not good at this. Pero may nagsabi sakin dati na lahat ng sakit at lungkot na pinagdaanan natin ay walang wala sa saya na paparating satin." He sincerely said while stroking my hair.     Mas lalo lang akong naiyak pero natatawa na lang din. Oh my. Who would have taught that Tyler is a bad boy. And I can't help but to admire him even more.     "f**k! I can't believed na ako pa ang nagsabi non." Iling-iling na sabi nito pero natatawa na lang.     "Yeah right." I said and started to tell him about my past. Walang mawawala if malaman niya ang totoo. Maybe this is the right time to face my past. Mas gagaan siguro ang pakiramdam ko kapag may masasabihan ako ng lahat ng sakit dito sa puso ko. And I think, Tyler is the right person to talk to. Isa pa, matagal pa kaming magkakasamang dalawa kaya wala naman sigurong masama kung kahit konti sa buhay ko ay magkwento ako, diba?     "Yes Tyler. I lost my baby. I lost my baby because of my love to Edison." Pagkwento ko dito. Nagpakagaga ako sa pagmamahal.     Pinaupo niya ako sa couch ko at agad binigyan ng tubig. Hindi na ata mauubos ang luha ko. But it's okay kasi unti-unti ko na din naman natatanggap ang lahat.     I looked at him sitting beside me after drinking a glass of water. Nakakunot ang noo nito at nakatingin lang sa kawalan. Maya-maya lang ay napailing na lang ito at napangiti. He started to mumbled words na hindi ko naman maintindihan. Kaya nagulat na lang ako ng hawakan niya ang kamay ko at hinalikan ang likod ng palad ko.     "I know that I shouldn't say this pero thankful ako dahil naghiwalay kayo ni-" Nagsalubong ang kilay nito. "Whatever his name is, I don't care. Hmm, yeah thankful ako at nag-break kayo. Because his lost is my gain." He whispered the last words pero hindi ko na narinig iyon.     "Ano iyon?" I asked him out of curiosity but instead of answering ay binigyan lang niya ako ng isang makahulugang ngiti na siyang nakapagpangiti na din sakin.     And yes! After I lost my baby ay hindi na ako ulit nakakangiti ng totoo tulad nito. Ngayon na lang ulit. And thanks to this bad boy. Kahit pa bago palang kaming magkakilala. Kahit pa hindi maganda ang unang pagkikita namin. Kahit pa marami kaming hindi pinagkakasunduan. Atleast, nandito siya para sakin. Para pagaanin ang loob ko. And I'm very thankful for it.     I hate to admit it pero mukang thankful pa ako sa misyong ito na binigay ni Daddy sakin. Guarding a bad boy is not that bad for me especially to my heart.     Sana lang ay iba nga si Tyler kay Edison.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD