WALA NAMANG nangyaring hindi maganda sa party ni Vincent. Walang sumulpot na basta na lang nagbaba-baril doon at wala din namang kahina-hinala sa party. In short, walang kakaibang nangyari except from Tyler who got so wasted. Parang ininom na ata nito ang lahat ng alak sa party ng kaibigang nitong lalagay na sa tahimik.
"Hoy, umayos ka nga!" Iritado kong sabi sa lalaking naka-akbay sakin at pagewang-gewang sa paglalakad. Muntik na kaming matumba dahil sa kalikutan niya. "TYLER!" Sigaw ko ng bumitaw ito sakin at sumalampak sa kalsada.
"Hmm.. Oh, n-andyan ka pal-a." Pasinok-sinok na sabi pa nito habang nakatitig sakin. Halos nakapikit na ang isang mata nito at gulo-gulo pa ang buhok.
Napailing na lang ako bago kinuha ang kamay niya at muling inakbay sakin. Akala ko ay magrereklamo pa siya, buti na lang at hindi na. Mukang nakatulog na dahil sa sobrang kalasingan. Mabuti naman kundi mapipilitan akong suntukin ang isang 'to para lang makatulog na ng tuluyan!
Kahit mabigat si Tyler ay nagawa ko pa ding siyang akayin hanggang sa makarating kami sa tapat ng kotseng dala nito. Isinakay ko siya sa passenger's seat at maingat na inihiga doon. Ako naman ay nagmadaling pumunta sa driver's seat at mabilis na nagmaneho paalis ng hotel.
Halos maguumaga na at sa tingin ko ay mag-aalas singko na siguro ng umaga ng matapos ang party ni Vincent. Kung hindi pa nga dumating ang mga girlfriends at mga asawa ng mga iyon ay baka hanggang umaga ay nandon pa din kami.
Nilingon ko si Tyler saglit bago muling tumingin sa kalsada. Hindi ko alam kung saan ko ba dadalhin ang isang 'to. Hindi ko naman kasi alam ang bahay ng mga Allegre dito sa Manila. Gustuhin ko man siyang pabayaan sa hotel nila Vincent at pag-check-in-in na lang siya sa isa sa mga rooms doon ay hindi naman kaya ng konsensya kong basta na lang siyang iwan doon ng mag-isa. Mahirap na, baka malingat lang ako saglit ay bigla na lang lumitaw ang mga kalaban ng mga ito. Sabi nga nila, 'prevention is better than cure'.
Pero ikaw naman tong mamomroblema kung saan mo siya dadalhin? Hay nako, Rocky!
"Tsk. Lecheng konsensya to oh! Mas lalo lang akong naguguluhan e!"
Nagpakawala na lang ako ng malalim na buntong hininga at nag-patuloy na lang sa pagmamaneho. I don't have any choice kundi iuwi siya sa condo unit ko na hindi ko naman masyadong napupuntahan. Simula ng iwan niya ako ay hindi na ako nagstay sa condo ko na iyon para na din siguro hindi ko na siya maalala pa. Buti na lang at laging nandon si Mommy para maglinis sa unit ko at kumpleto pa din iyon sa gamit kaya pwede pa kami don magstay pansamantala. Dalawa naman ang rooms ko don kaya pwede na din. Di hamak na mas safe doon kaysa sa anong hotel dito sa Manila.
After a long drive, nakarating na din kami sa tapat ng building ng unit ko. Nilingon ko si Tyler na mahimbing ng natutulog. Ay grabe lang! Akala mo kung sinong mabait pag-tulog! Bwiset!
"Hoy boss. Gising na!" Medyo nilakasan ko ang pagtapik sa psingi niya pero wala akong napala. I rolled my eyeballs at bumaba na lang ako para alalayan na naman siyang makababa sa kotse niya.
Sobrang bigat niya at parang mauubusan na ako ng lakas sa ginagawa ko. Thank God at may nakapansin saking dalawang security guards ng condo at tinulungan nila akong buhatin si Tyler. Kilala na naman nila ako dito kahit pa hindi ako masyadong nagagawi dito.
"Thank you po mga sir." Pasasalamat ko sa dalawa ng maihiga nila si Tyler sa isang kwarto don.
"Wala pong anuman PO2!" Sumaludo pa sila sakin bago nagpaalam na babalik na sa duty nila. Hinatid ko pa sila hanggang sa pintuan at nang hindi ko na sila matanaw ay bumalik na din ako sa loob ng unit ko para puntahan si Tyler.
Kumuha agad ako ng basin at nilagyan iyon ng maligamgam na tubig. Kumuha din ako ng bimpo sa closet ko para ipampunas sakaniya. This is my first time taking care of a drunk man. Kasi dati ay naiinis ako sa mga lasinggero. Kahit nga si Edison ay hindi ako ganito pag nalalasing siya. Hinahayaan ko lang siyang mag-isa niya!
Edison.
Upon saying that name makes my heart torn into pieces again and again and again.
Iwinaksi ko na lamang ang pangalang 'yon sa isip ko at bago pa ako mainis ay dinala ko na lang lahat ng kailangan ko para kay Tyler at pumasok na ako sa kwarto. Pinatong ko sa side table ang basin na may lamang tubig at bimpo.
Sinimulan ko na din agad na punasan siya. Sa braso, sa muka, sa leeg at kahit naiilang ako ay nagawa kong hubadin ang pang-itaas niya para punasan pati ang dibdib niya. Nang matapos ako sa ginagawa ko ay kumuha na ako ng malinis na puting shirt na naiwan ni Daddy dito ng minsan siyang matulog dito sa unit ko at isinuot 'yon sakaniya.
Nang makitang maayos na siya ay tumayo na ako bitbit ang basin na dala ko kanina. Sa itsura ng paghinga nito ay mukang mahimbing na ang tulog ng isang 'to. Hindi ko namang maiwasang hindi tumitig sa maamo nitong muka.
"Tsk. Akala mo kung sinong mabait. Pag tulog nga lang."
Mula sa mga mata niya, ilong ay kusa na lang nagbaba ang tingin ko sa manipis nitong labi. Hindi ko maintindihan ang sarili ko habang nakatitig kay Tyler. Buti na lang biglang tumunog ang cellphone ko na siyang nakapagpabalik sa katinuan ko.
Hay, thank God. Nababaliw na ata ako.
Maingat akong lumabas ng kwarto para sagutin ang cellphone ko.
"Hello." Pabulong na sagot ko sa kabilang linya para hindi magising ang bad boy kong boss atska lumabas sa balcony ng condo ko. I need some fresh air lalo na at muka at tanging labi lang ni Tyler ang nasa isip ko. Great!
"Denise?" Napapitlag ako ng marinig ang boses sa kabilang linya. Sh*t! Ano ba yan, nawala na sa isip ko na may tumawag nga pala sakin. "Anak, I need to talk to you. Pasensya ka na kung nagising kita." Hm, Dad kung alam mo lang. Wala pa akong tulog. Hay nako. "Pati si Governor ay gusto ka ding makausap. Can you come over here in my office? Alam kong nasa Manila ka ngayon." Tuloy-tuloy na sabi ni Dad sa kabilang linya.
Tumingin ako sa relo ko at mag-aalasais na nga ng umaga at kahit di niya kita ay tumango na lang ako. "Sige Dad. I will fix myself first. See you in an hour." Di ko na inantay ang sagot niya at binaba ko na ang tawag.
I really need to see Dad at syempre si Governor din. Madami akong sasabihin at gustong itanong sakaniya.
Bago ko pa malimutan ang talagang pakay ko sa misyon na 'to ay umalis na ako sa condo ko at nag-iwan na lang ng mensahe kay Tyler just in case na magising na siya at wala pa din ako.
"Miss, kapag umalis ang nasa room 304 sabihin niyo intayin ako dito. Wag siyang aalis dito. May pupuntahan lang ako saglit." Habilin ko sa dalawang receptionists na agad namang umoo sakin. Nagpasalamat lang ako sakanila at agad na pumara sa dumaang taxi.
Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko habang binabagtas namin ang daan papunta sa opisina ni Daddy. Nagaalala ako kay Tyler na naiwan sa condo unit ko at the same time, iniisip ko kung anong sasabihin ni Dad at ni Governor sakin.
"Sana hindi bad news." Pabagsak akong sumandal sa upuan sa backseat at tinignan na lamang ang paligid.
Napabuga na lang ako ng hangin at mariing pinikit ang aking mga mata. Bigla na lang pumasok sa isip ko ang nakaraang pilit kong kinalilimutan na naging dahilan kung bakit ako naging ganito. Bakit ang dating malambing na si Denise ay naging isang pusong bato na pulis. Kaya ayaw ko ng bumalik sa unit na 'to e, kasi maalala ko lang ang nakaraang pilit kong kinakalimutan.
"Mahal na mahal kita, Denise. Ikaw lang ang babaeng gusto kong makasama habang buhay." Hinawakan nito ang kamay ko at tinitigan ako nito sa mga mata ko. Parang natutunaw naman ang puso ko dahil sakaniya. Oo nga't wala pa kaming isang taong magkasintahan pero alam ko na sa sarili kong siya na nga talaga ang lalaking para sakin.
"Mahal din kita Ed. Sana wag mo kong iiwan." Malambing na sabi ko dito.
Ngumiti naman siya sa isinagot ko at naramdaman ko na lang ang pagdampi ng labi niya sa labi ko. Nung una ay akala ko smack lang pero di rin nagtagal ay lumalalim na ang halik na pinagsaluhan namin. Wala na akong nagawa kundi ang hayaan siya sa ginagawa niya. I love him... So much.
"Edison, natatakot ako. Baka mabuntis ako." Puno ng pangambang sabi ko dito habang nakahiga ako sa dibdib niya at parehas kaming walang suot na damit.
Hinawakan nito ang kamay ko at dinala niya iyon sa labi niya. "Nandito lang ako, Denise. Pangako, di kita pababayaan. Pananagutan kita. Pakakasalan kita kahit saan pang simbahan. Kasi mahal na mahal kita. Ikaw lang babae para sakin." Nabuhayan naman ako dahil sa sinabi niya at parang bulang napawi ang pangamba sa puso ko ng marinig iyon sakaniya.
Pero akala ko lang pala 'yon. Dahil nung panahong kailangang kailangan ko siya ay nawala na din siyang parang bula. Iniwan niya akong magisa, sinaktan niya ako at pinaasa na hindi niya ako pababayaan.
At kahit ilang taon na ang nakakalipas ay ramdam na ramdam ko pa din ang sakit ng kahapon. Parang pinipiga pa din ang puso ko dahil don. Kaya ang dating art student na tulad ko ay naging isang pulis. Isang matapang na pulis at kailanman ay hindi na magagawang saktan ng kahit sino. Mas buo na ang loob ko at hindi na ulit ako matatakot maiwang magisa.
Bigla namang sumagi sa isip ko ang maamong muka ni Tyler lalo na ang mga labi nito. Hanggang ngayon ay di ko pa din maunawaan kung bakit may kakaiba akong naramdaman habang nakatitig sa bad boy na 'yon. Hindi ko pa siya lubos na kakilala para makaramdam ng ganito. Wala pang isang buwan simula ng magsama kami sa iisang bahay.
"Baka nga imahinasyon ko lang 'yon. Baka naguguluhan lang ako gawa ni Edison. Tama. Malabong magkagusto ako agad kay Tyler. Never."
Ayoko na ulit masaktan. Tama na ang minsan.
-
"ALAM KONG nakatanggap ka ng death threat, PO2 at miski ako ay araw araw ng nakakatanggap ng kung ano-anong warning mula sakanila. Ayoko lang sabihin iyon sa asawa ko. Ayokong matakot siyang lalo. Please, do something about this." Frustrated na sigaw ni Governor samin ni Dad. Napaupo na lang ito sa couch sa opisina ni Daddy at napasabunot ng sarili. Alam ko ang nararamdaman niya. Isa siyang mapagmahal na asawa't ama at ayaw niyang may mangyaring masama sa pamilya niya. "Ako lang naman ang gusto nilang patayin e. Wag lang sana nilang idadamay ang asawa't anak ko." Dagdag pa nito na puno ng hinanakit ang tinig.
Tinignan ko si Daddy na nakatingin lang kay Governor atsaka muli kong binalik ang tingin ko sa Daddy ni Tyler. Sa nakikita ko ngayon ay nakakaramdam ako ng awa sa pamilya nila. Akala ko ay ang pinaka-magulo ng buhay ay sa katulad naming mga pulis dahil sa kasabihang nasa hukay ang isa naming paa pero mas mahirap pala talaga ang buhay ng mga pulitiko lalo na't laging kang nasa tama. Kagaya lang ni Governor Allegre. Dahil lang sa kagustuhang mapaganda ang lugar na pinaglilingkuran ay buhay na ng pamilya niya ang nakasalalay.
"Relax lang Gov. Magagawan natin ng paraan yan. I will add more security around your vicinity at wala ka namang dapat pang alalahanin kay Tyler dahil hindi siya pababayaan ni PO2 Mariano. Right Denise?" Baling sakin ni Dad na siyang tinanguan ko naman.
Yes. Kahit hindi naman nila ipakiusap sakin na mas doblehin pa ang pagbabantay kay Tyler ay gagawin kong talaga. Ayokong may mangyaring masama sakaniya. Kahit naman siraulo ang isang iyon ay hindi maaatim ng konsensya kong may mangyaring masama sakaniya.
Weird right? Ako tong babae pero ako pa ang dapat magprotekta sa lalaki, imbes na ito ang gumawa non sakin. Pero syempre, iba naman ang sitwasyon naming dalawa sa sitwasyong nasa teleserye o mga love stories ng katulad ng mga nasa libro. Pulis ako, kaya mas dapat lang na ako ang magprotekta sakaniya. Wala naman sigurong masama kung magbaliktad ang tungkulin ng babae at lalaki, diba?
"Maraming salamat PO2. Ipagkakatiwala ko sayo ang anak ko. Wag mo sana siyang pabayaan." Tumayo si Governor at lumapit sakin. Kinuha niya ang kamay ko at ang kaninang galit na muka ay napalitan na ng lungkot at pagsusumamo sakin.
Hindi naman ako nagdalawang isip na tumango sa sinabi niya. "Wag po kayong magalala, Gov. Handa ko pong ibuwis ang buhay ko para lang kay Tyler." Late ko ng na-realize ang sinabi ko. Nanlaki ang mga mata ko at di ko na napansin pa ang pagkunot ng noo ni Daddy. "Ganon naman po ang isang pulis. Wala pong pagaalinlangang ibigay ang buhay nila para sa ibang tao. Katungkulan po namin iyon. Kaya wag po kayong magalala." Bawi ko na lang na tinanguan na lamang nito sabay ngiti ng malapad.
Nagpapasalamat akong hindi na lang niya inungkat pa ang nadulas kong dila kani-kanina lang. Minsan talaga ay gusto kong tapalan ang bibig ko sa bigla na lang lumalabas dito. Buti na lang talaga at hindi na nila binigyang kahulugan pa ang sinabi kong iyon.
Isa pa, wala naman talagang ibang kahulugan iyon. Tyler is just an assignment for me. Walang malisya.
Matapos ang paguusap namin para mahuli na ang nagpapadala ng death threats sa pamilya Allegre ay hindi na din nagtagal pa si Gov at umalis na din ito dahil may aasikasuhin pa daw itong bagong proyektong itatayo sa lugar nila. Naiwan ako at si Daddy sa opisina nito na hindi inaalis ang tingin sakin.
"Alis na din ako, Dad. Kailangan ko pang puntahan si Tyler at baka masalisihan ako ng mga gustong manakit sa pamilya nila." Pagiwas ko ng tingin sakaniya at akmang lalabas na ako ng opisina nito nang tawagin niya ako.
"I'm so proud of you anak." Nagulat ako sa sinabi nito. "Maraming salamat sa pagsunod mo sa pakiusap ko sayo. Magingat ka palagi, anak." Dugsong pa nito.
"Thanks Dad." Niyakap ko siya ng mahigpit. Madami pa siyang binilin sakin bago ako umalis ng opisina niya.
Wag kang mag-alala Daddy. Hindi ko po kayong ipapahiya at lalong lalo ng hindi ko po sisirain ang tiwala nyo sakin.
"Denise, trabaho lang ito. Wala ng iba pa Wala na dapat." Pagkukumbinsi ko sa sarili ko bago muling sumakay ng taxi para bumalik na ng condo.
---