Kabanata 13 Daig ko pa ang nakikipaghabulan sa bilis ng t***k ng puso ko ngayon habang nakatingin kay Dashiel. His gaze was too sharp and intimidating as if I did something he would never accept. Kailan pa siya nakauwi? Hindi ba at dalawang araw pa bago siya dapat bumalik rito? At isa pa, bakit narito siya sa eskwelahan namin? Gusto ko siyang iwasan, pero mayroong parte sa akin ang gustong tumakbo palapit sa kanya at kausapin siya. Pero hindi dapat. I should learn how to distance myself from him... and I've already started doing it three days ago. Nga lang, wala akong pagpipilian kung hindi ang lapitan siya. Mas mabuti na rin siguro iyon, nang sa ganoon ay maibalik ko na rin ang cellphone na bigay niya sa kanya. Palagi ko itong dala kahit pa hindi ko naman na ginagamit. Pinuno ko