Nagbaba ako ng tingin at tiningnan ang bata. Tila may kung anong pumitik sa'kin puso. Tingin ko, nasa tatlong taon ito at kung andito ang pamangkin ko, magkasing-edad siguro sila. Ang pinagtaka ko lang ay kung bakit ako tinawag nito ng daddy. Sa huling sinabi nito ang nagbigay ng pagtatanong sa'king isipan. "Thank you for coming home daddy! Thank you papa Jesus." Parang sirang plakang naulit ito sa'kin pandinig. Ganito na ba ka-common itong mukha ko? Napailing ako at yumukod. "Hello," bati ko. Isinantabi ko muna 'yung perang ibibigay ko. Parang biglang nawala ang init ng ulo na aking naramdaman. Napansin kong umiiyak ito. Masaganang pumapatak ang mga luha sa singkitan nitong mata. Tila hinaplos ng anghel ang puso ko. "Shh... stop crying," anas ko. Suminghot-singhot naman ito at nagpa