CHAPTER SIX

1634 Words
“I WON’T! I-I’d still pursue my destiny. I am destined not to marry and love anybody…” Napasandal si Gunther sa labas ng pader ng bahay ni Dannah. He heard it all. Narinig niya ang lahat ng napag-usapan ng dalawang magkaibigan. Hindi naman iyon imposible sapagkat malapit lamang ang sala sa pintuan ng bahay ni Dannah. At wala ring gate ang bahay nito kaya’t dederetso sa pintuan ang kung sinumang bisita na gaya niya. Kaya dinig na dinig niya ang bawat mga katagang namutawi sa mga labi nito. Mga katagang hindi niya maintindihan kung bakit nagpapatarak sa kanyang puso. Gusto niyang isiping dahil lamang iyon sa natapakan niyang pride at wala nang ibang rason—rasong mahihirapan yata siyang tanggapin. Napahilamos siya sa sariling mukha at napabuga ng hangin. He couldn’t understand hisself. Naguguluhan na siya. Tila may nabago sa kanya magmula nang makilala niya ang dalaga… magmula nang gabing may pinagsaluhan sila. Palagi nalang itong laman ng isip niya, kaya nga napagpasyahan niyang manirahan nalang sa Pilipinas para malaman ang kasagutang bumabagabag sa tuliro niyang isip at damdamin. He knew that it was far more different from the lust he usually felt every time he was having s*x to different kinds of women. Naguguluhan na siya. Gusto nalang niyang isipin na marahil ay dahil iyon sa rasong magkakaanak na sila. He drew a deep breath again. He doesn’t believe in commitment but it seemed he was already having second thoughts with it… it seemed he would dare be committed. He doesn’t believe in marriage but it seemed he’d already like to marry someone. He doesn’t believe in spark, yet it felt different… as if he was already feeling such electrifying sensation every time he sees Dannah…  -- “HEY, KUYA! What are you doing here outside?” nagtatakang tanong ni Sandy nang makita siya nitong nakasandal sa pader ng bahay nina Dannah. Naabutan siya nitong malalim ang iniisip. Gunther smiled curtly. “Bibisitahin ko lang si… ang anak ko,” tugon niyang iminuwestra ang mga dala-dalang iba’t ibang klaseng prutas at gatas sa plastic bag na hawak. Sandy snorted. Napangiti ito sa sinabi niya. “Talaga bang anak niyo lang ang binibisita mo? O pati ang ina?” tukso nito. Bahagya siyang natigilan. He smiled reluctantly. “Kasama na rin `yon, hindi pa naman kasi lumalabas ang anak namin.” Ewan ba niya kung bakit may nadarama siyang kilig kapag tinutukso kay Dannah. Call it crazy, yet he felt like a teenager again. “O siya, sige. Mag-doorbell ka na riyan para masilayan mo na ang angking kagandahan ng ina ng anak mo,” humahagikhik na tukso nito na siyang ikinahalakhak niya.  --- NAPAKUNOT-NOO si Dannah nang marinig ang malutong na halakhak ng isang lalaki sa labas ng bahay nila. Kasunod niyon ay ang ingay ng doorbell kaya’t maingat niyang inilapag ang baso ng tubig na iniinom at dali-daling naglakad patungong pintuan para pagbuksan ang taong bisita. “Good afternoon,” masiglang bati ni Gunther, sabay halik sa pisngi niya. Napanganga siya sa iginawi nito. She couldn’t help but to imagine him as her husband na kakauwi lang galing sa trabaho nito. “Fruits and milk for our baby,” he added. Napatingin siya sa plastic bag na hawak nito. She couldn’t understand, yet she felt a little disappointed sa katotohanang nagpunta lamang ito sa bahay niya para sa sanggol na pumipintig sa kanyang sinapupunan, at hindi dahil sa kanya. She slightly shook her head. Bakit ba siya nag-iisip nang ganoon gayong alam naman niya na ang lahat ng ginagawa ni Gunther ay para lang sa bata? And besides, she certainly knew from the very start the real score between them. Their compatibility and ideals in life were the same—pareho silang allergic sa commitment. “Dannah?” untag ng binata sa saglit niyang pagkatulala. She winked, then formally glanced at him. Kailangan niyang magtayo ng pader sa pagitan nila ng lalaking ito. Ayaw niyang mahulog dito sapagkat iyon ang sisira sa tadhanang noon pa ma’y pinlano na niya para sa sarili. “Is this your first step para mapagtagumpayan ang balak na pagkuha sa anak ko sa oras na lumabas na ito?” she blankly asked. Naglaho ang mumunting ngiti nito. He harshly blew an air while seriously glaring at her. “Look, Dannah. Let’s not argue about it, okay? I came here to give you these.” Iminuwestra nito ang mga dala. “Kailangan mong kumain ng prutas at uminom ng gatas para malusog ang sanggol paglabas.” Again, she felt disappointed. It was all about the baby. Napabuntong-hininga na lamang siya, saka kinuha sa kamay nito ang mga dala-dala para dalhin sa kusina. “Bakit ka sumusunod?” she turned her head towards him and yelled nang mapansing nasa likuran niya ito. Akala pa naman niya ay aalis na ang binata pagkabigay sa kanya ng mga pasalubong nito. She heard him chuckled. “Huwag kang masyadong masungit. Baka paglabas ng anak natin, mukha `yang tsonggo,” anitong nahihimigan niya ng ngiti ang boses. She secretly smiled at his corny joke, subalit agad din niyang sinaway ang sarili. Hindi niya maintindihan, it really felt good every time he used those pronouns—our, natin, atin na patungkol sa anak nila. It seemed like he was really emphasizing the fact that they both, were the parents of the child inside her womb. “Was it a joke or what? Dapat na ba akong tumawa?” bagkus ay kunwaring inis at pabalang niyang tanong para itago ang tunay na nararamdaman. She heard such burst of laughter from Gunther, kaya naman inis siyang humarap dito. “What’s funny with what I’ve said?” kunot-noo niyang tanong. Lumapit ito sa kanya at masuyong hinaplos ang maumbok niyang tiyan. Napakislot siya, kasabay rin ng pagpadyak ng bata sa sinapupunan niya. Marahil ay naramdaman nito ang haplos ng ama nito. Gunther stared at her intently. Pilit niyang iniwas ang mga mata sa nakakapaso nitong titig. Tila nanunuot iyon sa bawat himaymay ng kanyang pagkatao. She heard him took a deep breath. “Ingatan mo ang anak natin, huh? Huwag mo muna masyadong isipin ang sinabi kong ipaglalaban ko ang karapatan sa bata. Baka makasama lang iyon sa inyong dalawa kung poproblemahin mo pa,” he seriously said in a mellow voice. Napatitig siya sa binata. She heard concern on his voice upon uttering those words. Napakaimportante talaga rito ng anak nila. How she’d wish na siya rin ay mahalaga para rito. Agad niyang sinaway ang sarili. She must not think about it. Tumango na lang siya. It was an assurance that she would take care of their child in her womb. After all ay anak niya ang iingatan niya. Napangiti si Gunther. “What do you want to eat? Apple, mangga o pinya? Ipagbabalat kita.” “Huwag na. Umalis ka—” “I won’t,” agaw nito sa sinasabi niya. “…not unless you eat those fruits I gave you. Nasaan ang kusina rito?” tanong nitong nagpalinga-linga. Wala na siyang nagawa kundi ituro ang kinaroroonan ng kumedor. Mukha kasing hindi ito aalis hangga’t hindi niya sinusunod ang gusto nito. Naroong ipagbalat siya nito ng prutas, ipaghimay at suboan. Naiilang man sa kasalukuyang iniaakto ng binata ay lihim namang nagagalak ang isang bahagi ng pagkatao niya sa hindi niya maipaliwanag na dahilan. Ilang sandali ring nanatili si Gunther sa bahay nila, saka ito nagpaalam nang halos hindi na niya kayang kainin ang mga dala nito. Inihatid na lamang niya nang tanaw ang papaalis na binata, saka naman tumunog ang cell phone niya. Agad niya iyong sinagot nang makitang nanay niya ang tumatawag. Umalis kasi ito kanina para mamalengke.  --- HALOS araw-araw ay binibisita ni Gunther si Dannah. Hindi nito nakakalimutang magdala ng kung anu-anong masusustansyang mga pagkain at bitamina para sa kanila ng kanyang anak. Kilala na rin ito ng nanay niya at magkasundong-magkasundo ang dalawa. Paminsan-minsan ay palihim pa siyang tinutukso ng kanyang ina na dapat daw ay magpakasal na lang sila ng binata, tutal daw ay may instant baby na sila. Naipagtapat na rin kasi niya sa Nanay Dina niya na ang binata ang ama ng kanyang ipinagbubuntis. “Alam mo, anak, tingin ko magiging mabuting asawa at ama si Gunther,” anang nanay niya habang nagmi-merienda sila sa terasa ng kanilang bahay. Bigla siyang nabilaukan sa sinabi nito. Agad naman siyang inabutan ng tubig ng butihing ina. Sunod-sunod niya iyong nilagok. “Nanay naman, eh! Hayan na naman kayo,” nakanguso niyang wika nang mahimasmasan. “Aba! Ano’ng masama sa sinabi ko? Talaga namang napakabait na bata ni Gunther. Maalaga, hindi nakakalimutang dalhan kayong mag-ina ng pasalubong at halos araw-araw ay binibisita kayo. Kulang na lang talaga ay ikasal kayo. Kung makaasta ang batang iyon ay waring pamilyadong tao,” pagtatanggol ng ina sa binata. “Natural lang po iyon. Siya po ang tatay ng ipinagbubuntis ko kaya’t natural lang na maging maalaga siya. Lahat po ng ginagawa niya ay para sa bata,” aniyang itinago ang lungkot sa boses. Ewan ba niya kung bakit nalulungkot siya sa katotohanang ang lahat ng ipinapakita ng binata ay para lamang sa bata at nadadamay lamang siya sapagkat siya ang ina. “Mukhang mahal ka niya, anak.” She stared at her mom. Bakit nito nasabi ang bagay na iyon? Was it a motherly instinct? Nahahalata ba iyon ng kanyang ina? Subalit bigla rin siyang napangiti nang pagak. Imposibleng mangyari iyon. Gunther was the kind of man who doesn’t believe in love. Sa mga labi pa mismo nito namutawi ang katotohanang iyon. “He doesn’t love me, `Nay. He’s the kind of man who doesn’t believe in love,” aniya sa ina. Napailing na lamang ito sa sinabi niya. Tila may gusto pa itong sabihin ngunit hindi na lamang nagsalita at nakipagdiskusyon pa.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD