“ISASAMA kita sa hacienda,” sabi ni Gunther kay Dannah habang magkaharap silang nakaupo sa terasa ng bahay nilang mag-ina. Kasalukuyan siya nitong ipinagbabalat ng pinaglilihian niyang mangga.
Pabigla siyang napahinto sa kasusubo at napatitig sa binata. “Bakit?” tanong niya.
Nagkibit-balikat ito. “I just want to. Makakalanghap ka roon ng sariwang hangin. Makakabuti `yon para sa inyong dalawa ng anak natin,” nakangiti nitong tugon.
“Kailan naman tayo pupunta r’on?” wala sa loob niyang tanong. Sunod-sunod na naman siyang napasubo ng mangga.
“This coming Saturday and we will stay there for less than two months. Babalik na lang tayo rito kapag kabuwanan mo na at sa tuwing magpapa-prenatal ka,” anito.
“What?!” gulat niyang bulalas. She wasn’t expecting na magtatagal sila roon. Ang buong-akala niya’y babalik din sila agad.
Ngumiti ito. “Hindi ka pa naman manganganak. Magpipitong buwan pa lang naman ang tiyan mo kaya doon ka lang muna para mabantayan kita palagi.”
Tila tumalon sa galak ang puso niya sa sinabi nito. Siya? Babantayan ng binata? For the first time, hindi nito sinabi na dahil sa ipinagbubuntis niya kaya nito ginagawa ang lahat ng iyon. May sumilay na mumunting ngiti sa mga labi niya. At hindi iyon nakaligtas sa paningin ni Gunther.
“Bakit ka nangingiti? Masaya ka ba dahil ako mismo ang magbabantay sa `yo? Sa inyo ng anak natin?” pilyo ang pagkakangiting tanong nito.
She blushed delicately. Lintik! Mukhang nahulaan pa ng herodes ang bagay na iyon! himutok ng isip niya. Subalit hindi siya kailanman aamin dito. Never! “Okay ka lang?!” kunwari’y inis niyang bulyaw. “Why should I be happy for that? Hambog talaga nito, oh! Napakahangin!” She rolled her eyes.
Gunther laughed loudly. “Is it really hard for you, Dannah, to at least, somehow, be true to yourself?” he teased.
Tiningnan niya ito ng masama. She must admit she was holding back her emotions `cause as much as possible she doesn’t want to accept even just a smallest strand of reality which keeps on haunting her. Nasa puso pa rin niya ang takot. “I-I’m true to myself, okay?” she said stiffly. “Bakit pa kasi pupunta r’on? Eh, nandito naman si Nanay na magbabantay sa akin,” pag-iiba niya sa usapan.
“Naipagpaalam na kita kay Nanay,” anito. “Nanay” na rin kasi ang tawag nito sa kanyang ina. Ganoon ka-close ang dalawa.
“At pumayag naman siya agad? Pinagkakaisahan niyo ako, ah,” nakaismid niyang turan.
“Siyempre, papayag `yon. She likes me for you,” anitong may ngiti sa mga labi.
“Hindi ko alam kung ano ang ipinakain mo r’on at gustong-gusto ka niya,” wala sa sariling komento niya.
Gunther cackled. “Because I’m easy to be liked. I can use my charm wherever and whenever I want to. I’m easy to be loved, as well. Iyon nga lang, hindi ko `yon nagagamit sa `yo. I can’t make you love me,” he said softly. Tila may narinig siyang pait sa boses nito ngunit nang sulyapan niya ang binata ay pormal ang mukha nito. Wala siyang mabasa ni anumang emosyon.
Napahalakhak siya. “Ayos ka ring magdrama, parang totoo. You’re indeed a best actor, Mister Man-who-can’t-be-moved. A man who doesn’t believe in love,” tumatawa niyang wika, but deep inside ay natuliro siya sa iginawi nito. Tila gusto niyang magpadala at maniwala sa narinig niyang paghihirap sa tinig nito.
Nang dahil sa kunwaring kakatawa niya ay hindi niya nasilayan ang mapait na ngiti na gumuhit sa mga labi ni Gunther.
---
“INAY, sumama na lang po kasi kayo, eh,” lambing ni Dannah sa ina. Nakaabrisyete siya rito. Ito ang araw na isasama siya ni Gunther sa hacienda ng pamilya nito.
“Huwag na. Sagabal lang ako sa inyo,” humahagikhik na tudyo ni Nanay Dina.
Napanguso siya. “Ayaw niyo talagang magpapilit.”
“Kayo na lang, anak. Hindi ka naman papabayaan ni Gunther doon. Nangako siya, `di ba, hijo?” Nakangiting bumaling ang nanay niya kay Gunther.
Pabirong sumaludo ang binata. “Oo, ako ang bahala sa mag-ina ko. Aalagaan ko sila,” pangako nito, saka bumaling sa kanya. “I will be your handsome and hunk slave,” simpatiko nitong saad.
Iningusan niya si Gunther. Ngunit sa kaloob-looban niya ay talaga namang nagrambulan sa kilig ang puso niya. Pilit nga lamang niya iyong inignora.
“O siya, sige. Humayo na kayo para hindi kayo gabihin,” anang nanay niya na halatang nag-e-enjoy sa kakamasid sa kanila.
Humalik muna sila ng binata sa pisngi ng kanyang ina bago tuluyang umalis.
---
“ANG GANDA pala rito,” namamanghang wika ni Dannah habang inililibot ang paningin sa buong hacienda. Kararating lang nila ni Gunther at agad niyang napansin ang kagandahan ng naturang lugar.
Naggagandahang puno at mga halaman ang sumalubong sa kanyang mga mata. Naroon din ang iba’t ibang uri ng bulaklak na ngayon lamang niya nakita. Nakadagdag iyon sa ganda ng hacienda dahil na rin sa iba’t ibang kulay at desinyo. Naghahatid din iyon ng halimuyak sa preskong hangin na nalalanghap niya. Sa isang bahagi naman ng hacienda ay nakita niya ang rancho kung saan naroon ang iba’t ibang uri ng mga hayop na kasalukuyang pinapakain ng tagapamahala roon.
Hindi maitatago sa maganda niyang mukha ang paghanga sa nasisilayang obra ng Diyos. “Ang presko ng hangin. Malayo sa polusyon at ingay ng siyudad,” aniya pa habang nakapikit na sinasamyo ang simoy ng preskong hangin.
Ngumiti si Gunther habang maingat siyang inaalalayan sa siko. “Kaya nga kita dinala rito. This is the right place for a pregnant like you,” anito.
Hindi siya umimik, bagkus ay nakangiti lang siyang nakamasid sa napakagandang tanawin kaya’t hindi niya namalayang mataman na pala siyang tinititigan ng binata. Waring nahihipnotismo ito sa kagandahang taglay niya. “B-bakit?” naiilang niyang tanong nang mapansing titig na titig ito sa kanya.
“Wala.” Nagbawi ito ng tingin. “Magpahinga ka na muna. Paggising mo’y ililibot kita sa buong hacienda,” anito, saka inutusan ang naroong binatilyo na dalhin ang mga gamit niya sa gagamiting kuwarto.
Nginitian na lamang niya ang binatilyo na tantiya niya ay nasa labing-anim na taong gulang pa lamang.
---
“PAANO ang mga naiwan mong trabaho sa kompanya?” tanong ni Dannah kay Gunther habang nasa rancho sila at pinanonood ang mga kabayong naroon. Matapos niyang makapagpahinga ay kumain muna sila, saka siya inilibot ng binata sa buong hacienda gaya ng naipangako nito.
“The Senior Vice President will take charge of it. Anyway, for the meantime lang naman ito habang nandito pa tayo. And besides, dadalaw naman ako roon, one to two times a week perhaps.”
Napatango-tango siya. “Kung sabagay, kayo naman ang may-ari niyon kaya magagawa mo ang gusto mong gawin.”
Gunther softly snorted. “Baka isipin mong malakas ang loob ko dahil doon. It’s not that, Dannah, gusto ko lang talagang ako ang mag-asikaso sa `yo, sa inyo ng iluluwal mong sanggol. I felt safe kapag alam kong malusog kayo pareho,” he seriously explained.
Lihim siyang nagalak sa narinig buhat dito. “Salamat, Gunther.”
“It’s my obligation. I’m the father of your child,” anito, saka ngumiti. “Kapag manganak ka na, sasakay tayo kay Apollo,” he added na ang tinutukoy ay ang paborito nitong puting kabayo. “Hindi naman kasi kita puwedeng isakay ngayon, baka mamaya manganak ka pa nang wala sa oras.” Tumawa ito nang malakas sa sariling biro.
Napahalakhak na rin siya. Iyon ang kauna-unahang pagkakataong narinig niya ang pagtawa ni Guther na may kaakibat na ngiti sa mga mata. She felt something upon hearing and seeing him on that scenic situation. It was something different that she could hardly explain. Sinabayan na lamang niya ang paghalakhak ng lalaking ama ng kanyang anak. Ngunit bigla rin siyang natigilan. Paano mangyayaring isasakay pa siya ni Gunther sa paborito nitong kabayo? Paano mangyayaring makakapunta pa siya sa haciendang ito kung sa oras na mailuwal na niya ang sanggol ay kakaharapin na niya ang kaakibat na katotohanang igigiit nito ang karapatan sa bata?
Wala sa oras na napahawak siya sa kanyang tiyan.
“Why, Dannah?” Napansin marahil nito ang biglang pag-iiba ng aura niya. Marahil ay napansin nito ang kalungkutang bahagyang rumehistro sa maamo niyang mukha.
“N-nothing,” she replied briefly, then managed to bestow him a curt smile kahit sa kaloob-looban niya’y nagsisimula na siyang kabahan sa oras na dumating ang kinatatakutan niyang mangyari.
Ngumiti na lamang ang binata. Alam ni Dannah na hindi ito kumbinsedo sa sinabi niya. Ngunit hindi na lamang ito nagtanong pa. “Halika, doon naman tayo sa may manggahan,” yakag nito na ikinaliwanag ng mukha niya.
She absolutely loved mango. Iyon ang pinaglilihian niya.
---
“I’M ON a vacation, Lorielle. No, huwag kang pupunta rito!” narinig ni Dannah ang maawtoridad na tinig ni Gunther habang pababa siya ng hagdan. Napatunghay ang binata sa kanya. “Alright, alright. I’ll call you later. Sige, bye,” he ended up. Ibinulsa nito ang hawak na cell phone, saka nakangiting bumaling sa kanya. “Nagugutom ka na ba? Ipaghahanda kita,” anito.
Umiling siya. “S-sino si Lorielle?” wala sa loob niyang tanong.
Tila natigilan si Gunther sa mga katagang lumabas sa bibig niya. Marahil ay hindi nito inaasahan ang tanong niyang iyon.
“Never mind answering,” biglang bawi niya. Baka isipin pa ng binatang masyado siyang pakialamera at usyosera gayong wala naman siyang karapatang alamin ang personal na buhay nito.
“No, it’s okay. I’ll answer,” he said. “Lorielle is one of my flings, my partner in bed,” he frankly confessed while intently glaring at her na tila pinag-aaralan ang magiging reaksyon niya.
She nodded vaguely, saka napakibit-balikat. It was as if she doesn't care, ngunit sa kaibuturan niya’y tila sinuntok ang damdamin niya. Isipin pa lang na may ibang babaeng kahalikan at kaulayaw si Gunther ay tila naninibugho na siya gayong wala naman siyang karapatan. At iyon ang damdamin na hindi niya maintidihan at hindi niya mapangalanan.
“But that was before. Ngayon hindi na,” he continued na tila asawa niya itong nag-eespleka.
“W-why? I mean bakit hindi na ngayon?”
Nagkibit-balikat ito at pinakatitigan siya. “I need to. Maybe it’s time to make a change. Sawa na rin siguro ako sa nakagisnan kong buhay. Maybe I’m already tired flirting and playing with girls,” sabi nito, saka marahang natawa.
Lihim na umarko ang kilay niya. Tila mahirap yatang paniwalaan ang sinabi nito `cause how could anybody change his lifestyle and his tenacious vitality kung iyon mismo ang nakasanayan nito magmula pa noon? Truly, there’s a room for change ngunit hindi basta-basta madali ang magbago. It certainly required time.
“Dannah?” untag ni Gunther sa paglipad ng kanyang diwa.
“H-ha? May sinasabi ka, Gunther?”
“Ang sabi ko, umupo muna tayo at pag-usapan natin ang ipapangalan sa ating anak,” nakangiti nitong wika.
“Ah, sige,” napatangong tugon niya. Inakay siya ng binatang umupo. Napakamaalaga mo talaga, Gunther. Sana ay hindi ito pakitang-tao lang, sambit ng isip niya.
“What name do you wanna give her?” Nagpa-ultrasound na siya kaya’t alam na nilang babae ang kanilang anak. Tama rin ang naging hula noon ng kanyang Nanay Dina sa kasarian ng magiging apo nito sapagkat napakaganda raw niyang buntis.
“Ahm… Eh,” she mumbled for she was thinking what would be the child’s name. Hindi pa kasi niya iyon napaghandaan.
Gunther chuckled. “Hindi ka pa nag-isip, right?”
She smiled cutely, saka napatango.
Napahalakhak ang binata. “Sinasabi ko na nga ba, eh,” anito. “Would you mind if I’ll be the one to suggest or give her her name?” he asked.
“Sige, ano’ng gusto mo?” Nasisiyahan siya sa nasisilayang excitement sa mga mata ni Gunther.
“Feliza Vida!” he expressed with that radiance in his smile.
Napangiwi siya sa binanggit nitong pangalan. “Ay, pangit! Ayoko! Palitan mo `yan.” She grimaced.
“Hindi iyon pangit. Maganda `yon. `Such a feminine name for our pretty baby,” pagtatanggol nito.
“Pangit! Parang panahon pa ni kupong-kupong!” tila batang maktol niya na napapadyak pa ng paa. Hindi niya papayagang iyon ang ipangalan nila sa bata. Ano na lang ang sasabihin ng mga kaibigan nito sa oras na lumaki na ito? Baka kantiyawan pa ito at tawaging “Lola Feliza” o `di kaya “Lola Vida.” Puwede ring “Lola Felizing” o “Lola Vidang.” `Worst is “Lola Fedang” na pinaghalo ang “Felizing” at “Vidang.”
Mas lalo siyang napangiwi sa mga naisip.
“Hindi nga, eh. Feliza Vida is the most beautiful and unique name.” Tila hindi rin magpapatalo si Gunther.
“Sige nga, aber? Bakit most beautiful name iyon?” hamon niya. “Give me valid reasons so I’ll be convinced na maganda nga ang pangit na pangalang iyan,” she receptively said. “Porke’t maganda ang pangalang ‘Gunther,’ eh, hahamakin na lang ang magiging pangalan ng anak niya,” bubulong-bulong niyang dugtong na itinirik pa ang mga mata.
“Okay, let me elaborate,” sabi ni Gunther na hindi narinig ang huling sinabi niya. “Feliza and vida are Spanish words. Feliz or feliza means happy and vida means life. To combine them both, it means happy life,” tila instructor na pahayag nito.
Wala sa oras na napahagikhik siya sa narinig na pag-eespleka ng binata.
“Why?” kunot-noong tanong nito.
“Eh, paano, nakakatawa ka kasi.” She giggled like a kid. “Para kang nagli-lecture sa Unibersidad. Dapat sa `yo, kumuha na lang ng Education course at naging guro.” Hindi na niya napigilan ang mapahalakhak.
She heard him laugh loudly. They shared joyous laughter for a moment. Ewan ba niya ngunit napakasaya niya nang mga sandaling iyon. How she’d wish na wala nang bukas—bukas na magdudulot lamang sa kanya ng pait kapag ilayo nito sa kanya ang kanilang anak.
Mayamaya’y kapwa sila dahan-dahang tumigil at napatitig sa isa’t isa.
“I chose that name for it represents me the moment I knew you. It’s you who bring me happiness. You made my life happy, Dannah,” matiim ang pagkakatitig na sambit nito. She felt his warmth palm gently tapping her hand. Napatitig siya sa mga kamay nilang magkadikit. “Dannah, I just hope—”
“S-sige, pumapayag na ako,” she butted in, saka pasimpleng tinanggal ang sariling kamay na hawak nito. Tila napapaso siya ng mga iyon na nagdudulot ng misteryoso at hindi maipaliwanag na damdamin sa kanya.
She heard him drew a deep breathe. “Salamat,” nakangiti nitong turan. Ngunit ngiti iyong hindi naman umabot sa mga mata nito.
She couldn’t discern, yet she’d seen something in his eyes. Na tila may gusto pa itong sabihin ngunit nag-aalangan naman itong gawin iyon.
---
MARAHAS na napabuga ng hangin si Gunther habang wala sa sariling nilalaro-laro ang sign pen na hawak. Kasalukuyan siyang nasa kompanya nang araw na iyon, tulad ng naikuwento niya kay Dannah na dadalaw siya roon isa o dalawang beses kada isang linggo.
“Sir, ito na po ang pipirmahan niyong mga papeles,” bungad ng kanyang sekretaryang si Bernadette.
“Sige, ilapag mo na lang dito sa mesa ko,” aniya na hindi man lang ito tinapunan ng tingin.
Agad namang tumalima ang babae. “Sir, lalabas na po ako,” anito nang mailapag ang mga dokumento.
Tumango siya. “Sige, salamat.”
Nakalabas na ang kanyang sekretarya ngunit blangko pa rin siyang nakatitig lamang sa mga papeles. Wala siya sa mood na magtrabaho ngayon. Ang gusto niya ay umuwi agad sa hacienda para masilayan at makasama ang ina ng kanyang isisilang na anak. Wala sa sariling napangiti siya, saka napailing. “What the heck is happening to me?” he terribly grumbled while scraping his hair.
Sakto namang bumukas ang pintuan ng kanyang pribadong opisina at iniluwa mula roon ang matalik niyang kaibigang si Art. “Attaboy! In love, at last!” tatawa-tawang komento nito.
“What brought you here?” he bluffed as if he didn’t hear what Art said.
Walang paalam na umupo ito sa couch na naroon. “May itinanan ka raw sa hacienda?” nakadekuwatro nitong tanong, saka kinuha ang magazine na nasa kanyang mesa.
“Hindi kami nagtanan. Alam iyon ng nanay niya,” he corrected.
“Kailan ka pa natutong magpaalam at ligawan ang ina ng babaeng s*x mate or fling mo?” napahalakhak nitong pambubuska.
“She isn’t my fling nor s*x mate, either! She’s more than that,” he blurted na tinitigan nang masama ang kaibigan.
“Ows?” pang-aasar ni Art. Hindi ito natinag sa masamang tinging ipinupukol niya. “Not a fling or s*x mate? But surely, a woman to be played for and left. Right, Gunther the hunter?” Ngingisi-ngisi ito.
“That’s bullshit! Stop those nefarious, negative words. Hindi ko na ginagawa `yan, ni maisip man lang,” inis niyang saway kay Art.
Napahalakhak ito, saka inilapag ulit ang magazine na hindi man lang nito nabuksan. “Kailan ka pa nagbago? At sino ang babaeng nakapagpabago sa `yo, Mister Playboy?”
Natigilan siya sa tanong nito. Hindi siya nakakibo.
Art snorted. “Love strikes in the least moment you expect, the moment you think you will never fall,” makahulugan nitong saad. “Imagine, kung hindi ka magti-treinta y uno, hindi mo mararamdaman `yan,” Art frankly said.
Mas lalo siyang natigilan sa sinabi nito. Ngunit mayamaya’y dahan-dahan siyang napangiti. Hindi ito ang panahon para kontrahin ang sinabi ng kaibigan sapagkat aminin man niya o hindi ay iyon talaga ang totoo. Yes, he would finally admit loving Dannah in the least expected time. Ang problema nga lang ay na kay Dannah sapagkat nasa puso pa rin ng dalaga ang takot. Paano siya nito matatanggap? Paano nito paniniwalaan ang pag-ibig niya kung nag-aalangan pa rin itong sumuong sa isang relasyon? Paano siya paniniwalaan nito kung ang alam lamang nito ay ang negatibong katangian ng pagkatao niya? Ang negatibong katangiang ayaw na ayaw nito.
Napangiti siya nang pagak. Gagawin na lamang niya ang lahat para magbago ang tingin nito sa mga lalaki, partikular na sa kanya.
“Aalis na ako, tol,” narinig niyang paalam ni Art, kasabay ng pagtayo nito. Tinanguan na lamang niya ang kaibigan. Nasa may pintuan na ito nang bigla itong lumingon at nakakaloko siyang nginitian. “Best man ako sa kasal, ah?” anito na siyang nagpahalakhak sa kanya. Pabiro pa niya itong binato ng magazine. Ngunit nakailag ito at tatawa-tawang umalis na.