“HI, DANNAH!” bati ni Gunther, sabay tanggal nito ng suot na raven shades, saka isinukbit iyon sa ulo nito. Bigla ring bumaba ang paningin nito sa maumbok niyang tiyan. And she was able to see amusement portrayed in his tantalizing eyes while glaring at her big-rounded belly.
Hindi makagalaw sa kinatatayuan si Dannah. She just stiffly glanced at the man standing in front of her. Gulat siya sa kasalukuyang nangyayari. Hindi niya inaasahang makikita ang binata sa mismong harapan pa ng pamamahay nilang mag-ina.
What is he doing here? piping tanong ng isip niya habang nakatunghay kay Gunther.
“Aren’t you inviting me to come in?” tanong nitong may nakaguhit na imbing ngiti sa mga labi.
Noon lamang siya tila nahimasmasan, saka marahang napakurap ng mga mata. “W-what are you doing here?” she formally and seriously asked.
Natigilan ang binata. Waring nagkaroon ng lambong ang mga mata nitong nakatitig sa kanya. Ngunit saglit lang iyon at napalitan din iyon ng pormal na mukha. “Can we talk, Dannah?” he pensively commanded.
She felt perturbed the way he uttered those words. It seemed like it was full of authority. Na dapat siyang sumunod dito sa ayaw at sa gusto niya. “A-about what? We have nothing to talk to, Mister de Guzman,” instead she courageously said.
Napatiim-bagang ang binata. Walang paalam na bigla na lamang itong pumasok sa loob ng kabahayan.
“Hey, you! Wala kang karapatang basta-basta na lang pumasok dito! This is trespassing!” she irritatingly yelled.
“I’ve changed my mind, Dannah Sarmiento!” Gunther blurted na pabiglang humarap sa kanya.
Napakunot-noo siya. Tila alam na niya ang ibig nitong ipahiwatig subalit gusto pa rin niyang makatiyak. “C-changed your mind about what?” kinakabahan niyang tanong.
He stared at her in the eye. “I want to have the custody of my child.”
Umasim ang mukha niya sa narinig. Sunod-sunod siyang napailing. “Y-you wouldn’t dare,” usal niyang napakagat-labi sa pinipigilang luha. Ngayon lang niya napagtantong wala palang isang salita ang Gunther de Guzman na ito.
“I would. Anak ko rin `yan, Dannah, kaya may karapatan ako sa kanya,” matigas nitong saad na muling napasulyap sa kanyang tiyan.
“P-pero napag-usapan na natin ang bagay na ito. A-akala ko ba ay payag kang akin lang ang isisilang kong sanggol? I thought you’re willing to give me solely the custody of this child,” aniyang napahimas sa maumbok na tiyan habang may namumuong luha sa mga mata.
Nag-iwas ng tingin ang binata. “As I’ve said, I changed my mind. Wala tayong pinirmahang kontrata hinggil doon,” he replied sarcastically.
Tuluyan nang bumagsak ang luha sa kanyang mga mata habang nakatitig sa binatang matigas ang anyong hindi tumitingin sa kanya. “W-wala kang isang salita, Gunther! Hindi ka marunong tumupad sa usapan. Kung alam ko lang na magiging ganito, sana’y noon pa naghanap na lang ako ng iba at hindi pinatulan ang kasinungalingang inilatag mo,” puno ng pait niyang pahayag.
Hindi ito umimik. Bigla itong natahimik sa sinabi niya. She heard him drew a deep breathe. “Huwag ka nang magpakonsensiya. Hindi mo ako madadala niyan,” kapagkuwan ay sabi nito.
“Puwes, hindi ko hahayaang mangyari ang gusto mo. Kung kinakailangang lumayo kami ng sanggol sa sinapupunan ko, gagawin ko. Huwag mo lang sirain ang mga plano ko!” matigas niyang pahayag na puno na ng luha ang mga mata. Ngayon niya pinagsisisihan ang lahat. Ngayon niya pinagsisisihan kung bakit pa siya pumayag sa inilatag nitong proposal na pawang mga kasinungalingan lamang.
“Iyan ang huwag mong susubukang gawin. Dahil kahit saan ka mang lupalop magtago, ipahahanap kita! I won’t allow you to take my child away from me!” matigas na saad nito, saka naglakad papuntang pintuan. Saglit itong huminto at nilingon siya. “I want to have the custody of my child, Dannah. Kahit saang husgado ay lalabanan kita!” he added firmly, then left her crying.
---
“DANNAH, I’m so sorry kung nasabi ko kay Kuya Gunther kung saan ka nakatira. Masyado niya kasi akong kinukulit, eh,” Sandy softly uttered in an apologetic tone habang magkaharap sila nitong nakaupo sa sala ng bahay nilang mag-ina. Pabiglang sumugod ang kaibigan nang malaman nitong nagpunta ang binata sa bahay nila kahapon.
Hindi umimik si Dannah. She felt annoyed sa ginawa nito subalit hindi naman niya ito masisi sapagkat kung siya man ang kulitin, marahil ay makapagsumbong din siya.
“Dan—”
“It’s okay, Sand. I understand,” she consoled.
“Thanks, Dannah,” anito. “Pero… teka, bakit pala nagpunta rito si Kuya?” nagtatakang tanong ni Sandy.
Napatitig siya sa kaibigan. Gusto sana niyang itanong kung nagsabi ba ito ng buong katotohanan nang isuhestiyon nito ang binata sa kanya. But she urged to stop herself. Marahil ay hindi naman kayang magsinungaling ni Sandy sa tunay na katauhan ng kinakapatid nito. Hindi nga lang yata nito alam na walang isang salita si Gunther. “H-he wants to have the custody of… of our child…” aniyang tugon na napatitig sa kawalan.
“Oh, my God!” Sandy swayed in surprise. Napatutop ito sa sariling bibig. “Akala ko ba’y napag-usapan niyo na nang maayos ang bagay na iyon?”
Napangiti siya nang pagak. “Yup. But he doesn’t know how to stick to his own words.”
“Danz, I’m sorry. I didn’t know na gagawin iyon ni Kuya. All along I thought, he’s staying really for good in the U.S.,” anitong tila nagsisi sa pagsuhestiyon nito sa binata. “At hindi ko rin akalaing maghahabol siya sa magiging anak ninyo. Pero sabagay, maybe it’s the fatherly instinct of him that changed his mind.”
She didn’t discourse. Marahil nga ay tama si Sandy na fatherly instinct ang dahilan ng lahat.
“Did he propose marriage?” mayamaya’y tanong ng kaibigan.
Napabaling ang tingin niya rito. “Ikaw pa lang ang nagsabing hindi siya naniniwala sa salitang kasal. And he, too, said it to me kaya imposible `yang katanungan mo,” she simply said.
“Malay mo, nagbago ang isip ni Kuya dahil sa iluluwal mong sanggol,” nakapangalumbaba nitong wika.
“I doubt, Sandy.”
“But what if he’d propose marriage, are you willing to accept?” curious nitong tanong.
Bigla siyang natigilan. Tatanggapin niya ba iyon? Tila may parte ng pagkatao niya ang nagsasabing “oo” alang-alang sa bata. Ngunit pilit naman iyong kinokontra ng takot na namamahay sa puso niya. “I won’t!” she blurted without thinking twice. Huli na para bawiin niya iyon. “I-I’d still pursue my destiny. I am destined not to marry and love anybody…”