CHAPTER 5: Damonyo at B*b*

2010 Words
Chapter 5 MIKAY Divorce? Seryoso ba siya? Ngayon ko pa nga lang nalaman na kasal ako tapos divorce agad? Well, ayoko rin namang matali sa isang tao na hindi ko mahal, kaya good thing na rin na may plano siyang putulin ang ugnayan namin once na grumaduate ako. Divorce pala ang nais ah. Sana kasi hindi na lang siya pumayag. "May rules at say din ako sa contract," wika ko habang nakataas ang aking kilay. Lahat ng rules na sinulat niya para sa bahay at contract, siya lang ang makikinabang. At ano ako? Tanga? Hindi. Kaya hindi ako papayag na isahan niya ako sa mga ganito. Sabi nga sa kasabihan matuso man ang matsing, matsing pa rin? Ha? Tama ba? Basta yun na yun. "Huwag mo akong taasan ng kilay. Hindi mo bagay," saad niya sa isang bugnot na tinig. Panira 'to ng taray moments. Sapakin ko ito eh. Kanina sa meeting akala mo kung isang bata na oo na lang ng oo, tapos ngayon ipapakita niya sa akin ang masagwa niyang pagkatao. Napaka plastik ng lokong ito. Sarap pektusan sa veins! "Ah basta!" saad ko with pitik pa sa hangin. Tumayo ako at nakapamewang na humarap sa kanya. "Isusulat ko later tapos ibibigay ko sa'yo." May naiisip kasi ako eh. Pero kailangan kong pag-isipan pa ito ng mabuti. Hindi naman p'wede na gawin niya ang lahat ng gusto niya, por que kanya itong bahay? Oh come on! May karapatan ako dahil asawa pa rin niya ako, sa papel nga lang. "Oo nga pala, gutom na ako. P'wede ba akong magluto, Master?" sarkastikong saad ko. Tumayo siya. "Marunong ka bang magluto? Baka sisirain mo lang ang mga gamit ko. At base sa rules na isinulat ko, I hate things which not properly place on their place. Ayoko ng makalat. Ayoko ng magulo." Napamaang ako dahil sa sinabi niya. "Ang arte mo naman. Oo, liligpitin ko, huwag kang mag-alala. At saka for your information, magaling akong magluto, baka pag natikman mo ang luto ko humanga ka," pagyayabang ko. "You're too full of yourself. Sana ganyan ka sa eskwelahan mo," saad niya sa isang mapang-insultong tinig. Mukhang mamemersonal na ang ulupong na ito ah. Nakakagigil! Lahat na lang ng sasabihin niya nakakainsulto. "Noodles lang ata ang kaya mong lutuin. May cup noodles diyan." Napamaang ako nang umirap siya sa akin saka walang pasintabing nilayasan ako. Suplado. Akala mo naman gwapo! "Ang pangit mo kabonding!" singhal ko sa kanya na ngayon ay naglalakad na pataas. Inambaan ko siya ng suntok. Gigil! Bago pa ako maubusan ng pasensya sa kanya, tinungo ko na lang ang kusina. Cup noodles pala ah! Humanda ka sa akin! Matitikman mo ang bangis ng isang nursing student na iganagapang ang grades. Malademonyo akong nakangiti habang tinitignan ang mga putahe na p'wede kong lutuin. Lahat ng cuts ng mga karne ay meron siya. Unti-unti kong nilabas ang lahat. "Mag p-piyesta tayo!" masayang saad ko with evil laugh pa. Humanda talaga sa akin ang ulupong na 'yon. Huh! Akala niya maiisahan niya ako? Aba! Binangga niya ang maling tao. Si Mikay ata 'to. "Uh? Ito yung mamahaling kutsilyo ah. Bakit naka display lang dito?" tanong ko sa aking sarili. "Don't you dare use that." "Ay gago!" sigaw ko dahil sa gulat nang bigla kong narinig ang boses ni Damon. Nilibot ko ang mga mata ko sa paligid. Wala naman akong nakitang anino niya. "Stupid." Bahagyang nagtaas ang aking kilay nang mabaling ang atensyon ko sa CCTV, dahil doon nanggagaling ang tunog. Seryoso ba ang lalakeng 'to? "Ibalik mo lahat ng 'yan. Sinabi ko sa'yo na may cup noodles diyan." Nakapamewang akong humarap sa CCTV with taas kilay effect pa. "Ey! Cup noodles ba ang pawelcome party mo sa akin? Grabe ka naman master. Huwag kang mag-alala, akong bahala sa tiyan mo. Bubusugin kita. Kaya seat back and relax. Just chill," pacool na saad ko. Wala naman na akong narinig mula sa kanya. Siguro ay natauhan na ito. Kaya naman nag-umpisa na akong tirahin ang mga putahe na iluluto ko. Sa sobrang daming laman ng ref niya baka masira lang ang mga ito, kaya why not coconut na gamitin na ito baka pa mahuli ang lahat. Buti na lang talaga cookerist ako. Hahanga ka sa akin for todays vidyow ulupong na gago. Hindi mawala ang pagkakangiti ko habang kumakanta ako. Ngayon pa lang ay naeexcite na ako. --- DAMON She looks so stupid right now. Kahit pinapanood ko lang siya sa CCTV ay kitang-kita ko na ang katangahan nito. Hinayaan kong nakaopen ang mic ng CCTV para marinig ko ang sinasabi nito. Ngayon pa lang ay naiirita na ako sa nakakarinding boses niya na akala niya siguro ay sobrang ganda. Ngayon naiintindihan ko na kung bakit ngayon ay nag-aaral pa rin siya. So stupid. Ang pinakaayaw ko sa lahat ay ang mga bobong kagaya niya. Sakit lang siya sa ulo. Kitang-kita ko kung paano niya umpisahan ang pagluluto. Lahat ng mga cuts ng karne sa refrigerator ay kinuha niya. Sino naman kaya sa tingin niya ang kakain sa luto niya? Napailing na lang ako. Instead wasting my time watching her, I just diverted my eyes to my tablet which I need to study a medical case, but I couldn't focus as I still can hear her annoying voice. "Stop singing, Stupid," I ordered coldly. Muli akong napatingin sa monitor. She's standing right in front of the CCTV again. Nakatutok ang kutsilyong hawak niya sa CCTV. "Are you a murderer, Stupid?" She frowned. "Bak ikaw pa lang ang mapatay ko kung tatawagin mo pa akong bobo," saad niya. I was taken back for a second when she raised her middle finger to me. This woman is crazy! Before I literally lost my temper, I turn off the mic. Dealing with her will only waste my time. Muli ko na lamang itinuon ang atensiyon ko sa binabasa ko. Ngunit nakuha naman ng atensiyon ko ang phone ko nang tumunog ito. Damn! "Yes?" (Doc, emergency.) I took a deep breath. Hindi na ako nag salita pa. Binaba ko ang tawag at agad kinuha ang mga gamit ko. I guess, I will sleep in my office again tonight. Habang pababa ako sa hagdan ay naririyan ko pa rin ang babae na kumakanta. Hindi na ako nag-aksaya pa ng panahon na lapitan siya dahil baka maubos lang ang pasensya ko sa kanya, ngunit bago pa man ako makalabas ng bahay ay tinawag niya ako. "Oy DAMONyo!" What the hell? Damon— what? Is she calling me a devil? Mariin kong na ipikit ang aking mga mata. Huminga ako ng malalim lalo na nang kalabitin niya ako. "What?" I asked annoyed, however my brows immediately furrowed when she's handing me a paper bag. "Foods, Master." She's smiling, but I know she's faking it. Sapilitan niyang ibinigay sa akin ang pagkain. "Uuwi ka ba? Mukhang hindi 'no? Pero oks lang. Sanay naman akong mag-isa." Tinalikuran niya ako. "When I got home, prepare your rules and things you want to be written in our contract," I said as I turn my back at her too. Napatingin ako sa paper bag na ibinigay niya sa akin. Does she think I will eat it? Stupid. Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras. I drive my way to our hospital. At nang marating ko ang hospital, lahat ay tumitigil upang bumati lang sa akin. "Doc! The patient has a severe bleeding in her head. We already take a CT scan, and it's now doing good." Mataman kong binasa ang patient information. "Where's her guardian? Talk to them. She needs to be operated as soon as possible." Muli ko siyang chineck. Her eyes are still responsive. "Prepare the operation room. Now." Kung tatagal pa ito ay baka mahuli pa ang lahat. --- MIKAY Hindi ko mapigilan ang paghalakhak ko. Naiimagine ko na agad ang itsura niya if ever na tignan niya ang laman ng paper bag. Huh! Akala niya ah! Lintik lang ang walang ganti. Muli ko na lang ipinagpatuloy ang aking ginagawa. Basta ako, kakain ako ng marami mamaya dahil forda gutom na ang ferson. "Dadalhan ko sila Papa mamaya ng foods. P'wede naman siguro akong umalis. Saglit lang naman." At saka wala naman akong kasama rito. Sinong kakausapin ko? Sarili ko? Sa sobrang laki ng bahay niya baka mabaliw na lang ako rito pag-uwi niya. Sa totoo lang, ayoko pa namang mag-isa. Ang lungkot kaya no'n. "Ay erase!" Pumitik ako sa hangin. Ayokong magdrama. "Mikay, mag-isip ka ng magandang memories. Bawal ang sad girl," saad ko sa aking sarili. Ang isipin ko na lang ngayon ay marami akong kakaining foods. Libre pa! Matutuwa sila papa nito kung sakali. Habang nagluluto ako ay sinasabayan ko ito ng kanta. Sobrang ganda talaga ng boses ko. I can't talaga. Tumagal ng halos ilang oras ang pagluluto ko dahil limang putahe ang niluto ko. Nakakapagod man pero worth it naman dahil sobrang sarap ng niluto ko. Isinalin ko sa limang tupperware ang ulam. Miss ko na agad ang bahay. Kinuha ko ang phone ko bago ako tuluyang lumabas sa bahay ni Damonyo. Sobrang liwanag ng paligid at sobrang tahimik. Parang pinagbabawal ang kaingayan sa lugar na ito. Magkano naman kaya ang multa? Char! Dahil alam ko naman na wala akong mahihintay na sasakyan dito, naglakad ako palabas. Halos kapusin pa ako ng hangin sa katawan dahil sa pagod bago ko narating ang gate. Jusmiyo! Hindi naman ako nainform na malayo pala ang gate. "Miss, p'wede bang malaman kung saan ka nanggaling?" Maaari ko bang tignan ang I.D mo?" tanong ni Manang security guard na humarang sa akin bago pa man ako makalabas ng subdibisyon. Huminga ako ng malalim. "Kuya wait. Taympers muna. Napagod ang lola niyo sa lakad eh. Jusme! Ang layo pala nung bahay ng ulupong na 'yon sa main gate. Hindi ako na orient ah." Naglabas ako ng panyo saka ko pinunasan ang tagaktak kong pawis. "May bottled water ka ba riyan, Kuya?" "Meron. Pero itinitinda ko. Kinse lang," saad niya. Nilabas ko ang wallet ko at naglabas ng kinse pesos. "Salamat. Ito nga po pala ang I.D ko." Pinakita ko sa kanya ang student I.D ko. Titig na titig siya sa I.D ko na parang nakakita ito ng multo. "May problema po ba, Kuya?" "Naku! Malaking problema po! Base po kasi sa ibinigay na utos sa akin, hindi ho kayo maaaring lumabas ng subdibisyon." Kumunot ang noo ko ng bongga. "Ano? Bakit? Kaninong utos?" naguguluhang tanong ko. "Utos po ni Doc." Napamaang ako sa sinabi niya. "Ni Damonyo?" Gagong 'yon. Anong akala niya sa akin preso na hindi p'wedeng mag go sa place na want ko? Aba! Hindi ako papayag sa ganito ah. "Pasensya na po. Utos lang. Mawawalan po ako ng trabaho kung lalabag kayo. Kung gusto mo Ma'am, tawagan mo siya." Yun nga ang problema! Nakalimutan kong kunin ang number niya. Nakakainis naman! Sayang naman ang effort ko sa pagluluto. "Kahit saglit lang, Kuya. Promise. Babalik din ako agad. Kailangan ko lang ibigay sa magulang ko ang niluto kong putahe," saad ko. Nagpacute pa ako para lang payagan niya ako pero hindi tumalab ang cuteness ko sa kanya. Kaya sa huli bumalik na lang ako sa bahay ni Damonyo, at ang pagkain sana na para sa magulang ko ay ibinigay ko na lang kay Kuya dahil matatapos na rin ito sa night duty niya. At least may pasalubong siya sa pamilya niya. Nakabusangot kong tinitigan ang kabuuan ng bahay ni Damonyo. Sobrang laki nito kumpara sa iba. Paano kaya niya natitiis na tumira sa ganitong kalaking bahay na mag-isa? Nalulungkot ako para sa kanya. "Siguro gusto niya rin akong malungkot kaya gusto niya dito lang din ako. Ang selfish ah," pagmamaktol ko saka ako padabog na naglakad papasok sa loob. Inopen ko ang lahat ng ilaw. Ayoko ng madilim eh. At saka mayaman naman siya, for sure na mababayaran niya ang bill ng kuryente niya. Ibinagsak ko ang aking katawan sa malaki niyang sofa. Nabaling naman ang atensyon ko sa rules at contract na nakalagay sa center table. "Humanda 'to sa akin. Matitikman niya ang bangis ng hindi pinayagang lumabas!" ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD