Chapter 4
MIKAY
Kabayaran ng ginawa ng magulang ko?
Kanina pa iyan tumatakbo sa isip ko. Gusto kong tanungin si Papa kung ano ba ang ginawa nila para ako ang maging bayad sa kung ano man ang ginawa nila, pero ayoko ng dagdagan pa ang iisipin ni Papa dahil panigurado naman ako na gaya ko ay ayaw niya rin sa sitwasyon na kinasasangkutan ko ngayon.
Hindi ko rin naman sila p'wedeng sisihin dahil sure rin ako na may dahilan ang lahat.
"Hija, from now on, you're going to live now to your husband's place," saad ni Mr. Ynares na kahit kanina pa niya ako sinasabihan na lolo na lang ang itawag ko ay hindi ko magawa.
Kahit sobrang dami kong tanong at reklamo ay mas pinili ko na lamang na itikom ang bibig ko. Hindi rin naman sila makikinig sa akin, magsasayang lang ako ng oras at laway kung magsasalita ako.
Damon Monverde? Kilalang-kilala nga siya ng lahat, dahil gaya ng sabi nila mahusay talaga siyang Doctor. Pero sa kabila ng kahusayan niya ay gano'n naman kalupit ng ugali niya sa sobrang pangit. Istrikto ito at perfectionist, wala itong pinapalampas na maliit na detalye ng pagkakamali. Kahit nga ata kapiranggot na pagkakamali ay hindi niya papalampasin. Minsan na akong nakinig sa lecture niya, at hindi na iyon naulit pa dahil nga sobrang demanding nito sa mga sagot. May pa quiz at exam pa siya pagkatapos. Hindi pa naman keri ng braincells ko ang mga gano'n.
"P'wede po ba akong manatili muna sa bahay kahit ilang araw lang po?" tanong ko.
Sa totoo lang ayoko talaga, kaya lang wala na akong magagawa. Nakapirma na rin naman ako sa kontrata dahil sa katangahan ko.
"No. You will stay at my place at the end of this meeting."
Napatingin ako sa nagsalita. Sobrang lalim ng boses niya, kalmado man ito ngunit mababakas ang pagkairita sa kanyang mga mata.
Bumusangot ako. "Bakit hindi p'wede?" tanong ko habang nakanguso.
Pero sa halip na sagutin niya ako ay mataman niya lang akong tinignan na para bang pinag-aaralan niyang mabuti ang aking mukha.
"Hija, if you're concern about your life, you don't need to. My son Damon is nice, and he can take good care of you. In fact, for the mean time no one will know about your marriage. We still want your safety and privacy at times like this, especially you're still studying,"saad ni Mrs. Monverde na may ngiti sa kanyang labi.
Buti pa 'to, sobrang hinahon. Makikita mo talaga sa mukha niya na sobrang bait nito. Friends kaya siya ng mama ko? Siguro, dahil nga pinagkasundo nga nila kami.
"However, we will make it publicly when you graduate," saad naman ni Mr. Monverde.
Kahit na anong sabihin nila, hindi ito nakakagaan ng loob. Mas lalo pa akong nanlulumo dahil sa mga sinasabi nila. Ibig sabihin mananatiling sikreto ang kasal namin? Tapos ang pagtira ko rin sa bahay niya? Mas pinapahirap nilang lalo ang buhay ko.
Kahit na ano naman ata ang sasabihin ko ay hindi nila ako pakikinggan, kaya mas pinili ko na lang na tumahimik. Hinayaan ko na lang sila na mag-usap at magdesisyon para sa amin. Sila nga nagdecide tungkol sa buhay ko eh.
"May gusto ka bang sabihin, Hija? You can tell everything you want," saad ni Mrs. Monverde. Nakangiti pa rin siya sa akin.
"Sigurado na po ba talaga 'to? Sa totoo lang po ayokong matali sa ganitong sitwasyon," umpisa ko. Naglaro ang aking daliri sa laylayan ng suot kong damit. "Sobrang dami ko pong pangarap, ayokong masira iyon dahil lang sa kontrata o kasunduang ginawa niyo. For sure rin naman na ayaw ni Damon ito."
Tinignan ko si Damon na nagtaas ng kilay sa akin at nanatiling pacool. Wala ba siyang balak magsalita laban sa mga matatanda? Kita naman sa mukha niya na napipilitan lang din siya, na ayaw niya rin ang ideyang ito.
"Hija, hindi niyo man mahal ang isa't isa sa ngayon, panigurado na darating ang panahon na mahuhulog din kayo sa isa't isa," ani Mrs. Monverde na mukhang naniniwala sa mga gano'ng bagay.
"Di mo sure," bulong ko saka ako bumusangot.
"What is it, Hija?"
Nanlaki ng bahagya ang mata ko. "Ah w-wala po." Jusmiyo! Baka mamaya isipin nila na hindi ako pinalaki ng maayos ng mga magulang ko.
Pero mahuhulog sa isa't isa? Parang napakaimposible naman ata 'yon. Parang hindi si Damon Monverde ang tipo ng tao na mahuhulog sa isang katulad ko. Oo, siguro ay pareho na kami ngayon ng estado sa buhay, pero iba pa rin ang buhay na kinagisnan namin.
"P'wede ko ba itong ichismis sa kaibigan ko?" tanong ko nang bigla kong maalala ang mga kaibigan ko na for sure magtataka kung bakit bigla akong mawawala sa bahay.
Nagkatinginan sila na para bang pinag-iisipan nilang mabuti ang isasagot nila sa akin.
Marahas na bumuntong hininga si lolo. "Not for now, Hija."
"Hala! Bakit po?" pagmamaktol ko.
Gusto ko sanang panatilihin na maging kalmado at maging isang presentableng binibini sa kanilang mga mata kaya lang parang hindi keri ng sistema ko ang lahat.
"Hindi naman po mga marites ang mga kaibigan ko. Mapagkakatiwalaan po sila ng bongga. At saka po hindi naman po ako makakapagsinungaling sa kanila..."
"Then learn to lie." Napatigil ako ng bahagya dahil sa pagputol ni Damon sa aking sasabihin.
Mas lalo akong napabusangot. Magsisinungaling ako?
"This is not only about you. Kung meron mang isang tao na mas apektado sa sitwasyon na ito, ako iyon at hindi ikaw," wika nito habang matamang nakatingin sa akin.
Bigla akong natameme.
"Kaya sundin mo na lang ang gusto nila para wala tayong problema." He's cold. Nakapakasuplado.
---
DAMON
She probably cursing me out right now, but I don’t give a hell damn to her. Kung sa tingin niya apektado siya, mas apektado ang buhay ko. I'm being tied up in a situation with no out again. This is not the life I have plan to live.
Nanatili sa babaeng katabi ko sa sasakyan ang aking tingin. Nakabusangot ito at hindi maipinta ang kanyang mukha. Wala na rin naman siyang nagawa nang sabihin sa kanya na tumira sa bahay ko. Oh damn! Thinking about her living in my house makes my system uncomfortable. Kaya naman bago pa ako masiraan ng ulo, nagsulat ako ng rules na kailangan niyang sundin.
Hindi naman ito ang unang pagkakataon na nakita ko siya, dahil matagal ko ng alam ang buong pagkatao niya. Alam kong darating ang araw na ito, kaya naman inihanda ko ang sarili ko para rito.
Nang marating namin ang bahay ko ay kita ko ang paghanga sa kanyang mga mata. I smirk arrogantly. Hindi ko maintindihan kung bakit inilihim ng mga Mendoza ang tungkol sa pagkatao niya.
"Bahay mo 'to? Mag-isa ka lang dito?" tanong niya habang patuloy niyang inililibot ang kanyang mga mata sa paligid.
"It's mine, and yes I'm living alone," I answered in a plain tone.
Akmang maglalakad na sana ako sa hagdang nang muli itong nagsalita.
"Edi ang lungkot," saad niya.
Salubong ang kilay na binalingan ko siya ng tingin.
"What do you know?" I asked coldly.
"Wala. Wala akong alam sa buhay mo. Kaya lang kung mag-isa kang nakatira sa malaking bahay na ito, ang lungkot. Ang lungkot pa naman mag-isa." She's now staring at me as if I'm the saddest person she ever seen.
Sino siya para tignan ako ng ganyan? Anong karapatan niya para kaawaan ako?
"Saan pala ang kwarto ko?" pagkakwa'y tanong niya. "Hindi naman tayo magkatabi di ba? Ganito yung napapanood ko sa T.V, tungkol sa mga puwersang ipinakasal. Pero wala tayo sa T.V kaya alam ko ang limitasyon ng lahat ng 'to."
Muli ko siyang tinalikuran.
"Second floor, left side the first door," saad ko saka ako naunang naglakad sa kanya.
I'm so sick listening to her shits.
---
MIKAY
Suplado talaga. Sinasabi ko lang naman ang saloobin ko. Totoo naman kasi na malungkot talaga mag-isa, kaya nga kung tutuusin ayokong nag-iisa ako.
Bago ko tinungo ang kwarto ko ay nilibot ko na muna ang buong bahay niya. Sobrang laki at luwang! Para akong nasa isang mamahaling hotel. May garden, may pool... meron ang lahat. Grabe! Sobrang yaman niya.
"Wow!" bulalas ko nang makita ko ang laman ng malaki niyang refrigerator. "Ang daming laman!" Bigla akong naexcite. Kumpleto ang laman ng refrigerator niya, like... I can't talaga! Parang ang sarap tumambay dito sa kusina.
May mga gamit din siya na sobrang hirap hawakan dahil baka mas mahal pa ang gamit niya kesa sa buhay ko. Jusmiyo! Ang T.V, pang sine sa sobrang laki. Ang sofa, kasya hanggang sampung katao. I can't naman this house.
"Let's talk."
"Ay kabayo!" gulat na sigaw ko nang biglang sumulpot si Damon sa kung saan.
Namilog ang aking labi nang makita ko ang presentable niyang itsura. Simpleng pambahay na short at plain shirt lang ang suot niya pero halatang mamahalin ang mga ito.
"Anong pag-uusapan natin?" tanong ko habang hindi ko pa rin magawang alisin na idescribe siya.
Grabe ang body proportion niya. Para siyang model. Bumagay ang pagkasuplado niya sa kanya kahit papaano.
"Are you done fantasizing me? Can we start talking now?" tanong niya sa isang iritableng tinig.
"Uy grabe ka! Hindi naman kita pina-fantasize 'no. Huwag mo ngang isalubong madalas ang kilay mo, parang lagi kang may galit sa mundo eh," saad ko ng may ngiti sa aking labi.
Umirap ito sa akin bago umupo sa sofa. Nabaling naman ang atensyon ko sa folder na inilapag niya sa mesa.
"Here's my house rules," wika niya sa isang seryosong tinig.
House rules? Kinuha ko ang folder at halos malukot ang mukha ko dahil sa sandamakmak na house rules na nakasulat. Seryoso ba siya rito?
"Babalaan na kita ngayon pa lang, sundin mo ang rules na 'yan para wala tayong problema. Titira ka sa bahay ko, pero hindi ibig sabihin no'n gagawin mo na ang lahat ng gusto mo. Respect my privacy, and I respect yours too."
Lahat ata na p'wede niyang isulat at ipagbawal ay naisulat niya.
"Paano tayo mag-uusap kung ayaw mo ng maingay? Magbubulungan tayo gano'n?" tanong ko habang nakangiwi.
Mas lalong napakunot ang noo ko nang makabasa ulit ako ng kakaibang rules.
"Ayaw mong makita ang mukha ko? Seryoso ka? Anong gagawin ko magsusuot ng maskara?"
Napapatampal na lang ako ng noo dahil sa mga nababasa ko.
"Seryoso ba talaga 'to?" tanong ko.
"Mukha ba akong nagbibiro?" pagtataray niya.
"Eh napakaimposible naman ata ng gusto mong mangyari. Itong ayaw mo pa lang makita ang mukha ko napakaimposible na eh."
"It's not my problem anymore."
Napabusangot na lang ako.
"I had also written a contract between us. Basahin mo at kung may gusto kang idagdag, we'll talk about it," saad niya.
Napakaimposible talaga ng lalakeng 'to.
Mataman kong binasa ang kontrata na isinulat niya. Medyo okay naman ito kumpara sa house rules niya.
"So ibig sabihin, saka lang tayo magsasama sa isang kwarto kung nandito ang magulang mo o nandito si lolo?" tanong ko.
"Why? You want to sleep with me now?"
"Uy hindi ah!" saad ko with hand gesture pa. "Grabe ka naman. Ang akin lang, bakit kailangan pa nating magsama sa isang kwarto kung meron sila? Alam naman nila na hindi natin magugustuhan ang isa't isa," dagdag ko.
Mariin niyang ipinikit ang kanyang mga mata.
"Uy! Baka iniisip mo mafall sa akin ah, wala akong interes sa loob sa totoo lang," saad ko, para naman magkaroon kami ng ideya sa isa't isa.
Ngumisi ito na para bang napakaimposible ng sinabi ko.
"Mataas ang standard ko sa mga babae, at kung ikaw ang pagbabasehan ng standard ko, you're not worthy."
Napamaang ako sa sinabi niya. Ang sama ng ugali nito.
"Madami kayang nanliligaw sa akin. Ayoko lang kasi study first ako," saad ko saka ako umirap ng bongga.
"Madami ngang nanligaw sa'yo, pero same standard kayo. Too low."
Mariin kong naipikit ang aking mga mata dahil sa inis na nararamdaman ko.
"Ginagago mo ba ako?" Hindi ko napigilan ang pagtaas ng boses ko dahil sa pagkairitang nararamdaman ko.
Nakakainis naman kausap ng lalakeng ito. Pareho ng pangalan niya ang ugali niya... Damonyo. Gigil!
"Check the last part," saad niya at kahit naiinis ako ay tinignan ko pa rin.
Nagtaas ng bahagya ang kilay ko. "Divorce?"
"Yes. As soon as you graduate, we will divorce."
---