CHAPTER 6: Suplado versus Asar

2187 Words
Chapter 6 DAMON "Congratulation with the successful operation, Doc. You're indeed have the golden hands." I just nodded. Panay ang papuri nila sa akin na madalas ko namang marinig. I didn't bother to speak nor even cast them a glance, I continued walking until I reach my office. I massage my back as soon as I get inside my office. Such a tiring operation. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata. I check the time. It's already 2:32 in the morning. I closed my eyes for a second, and when I open it the paperbag that she gave me caught my attention. I was about to check it when suddenly the door opens. "Dame, let's go eat." Nabaling ang atensyon ko sa pagpasok ni Caitlyn. May hawak itong paperbag na sa tingin ko ay may laman itong pagkain. Katulad ng madalas niyang gawin ay siya ang naghahatid sa akin ng pagkain o kaya naman sinasabayan niya ako sa pagkain. She knows my schedule and I know hers too. "I know you're tired with your operation, so I bought you something to eat." She placed the paperbag in my center table. "Oh wait! What is this? A food?" "Someone gave it to me. Ikaw na lang kumain kung gusto mo." Katulad ng sabi ng matatanda, hindi namin p'wedeng ipaalam sa kahit na sino ang kasal na ginawa nila. If everyone found out that I'm married, for sure there's a chaos. "The hell is wrong with you? Balak mo bang magluto rito?" She laugh sarcastically. Ipinakita niya sa akin ang laman ng paperbag, at agad kumunot ang noo ko nang isa-isahin niyang ilabas ito. "Seriously Dame?" Mas lalo itong natawa. F*ck! That stupid woman! Instead lutong ulam ang ibinigay niya sa akin, pagkaing iluluto ang laman nito. "Fresh meats, at mga sangkap. Are you really going to cook here? Kulang na lang paglutuhan para mailuluto mo na ito. You've got to be kidding me." Tumatawa pa rin ito. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata at panay mura ang lumalabas sa aking isipan. Oh come on! This is seriously out of hand! Ang lakas ng loob niyang paglaruan ako? She will surely pay for this. "I didn't know naman na sa kagalingan mong magluto, dadalhin mo pa hanggang dito. You're too perpect to handle, Dame." Hindi ko pinansin ang sinabi ni Cait. Tumayo ako at kinuha ang paperbag mula sa kanya. "Hey! What are you doing? Sayang naman 'yan kung itatapon mo lang," wika niya pero hindi ko siya pinansin. Napailing na lang ako. Muli kong binaba sa may side table ang paperbag. "Are you annoyed?" she then asked. I took a deep breath. "No," I said impatiently. She frowned. "Sorry na. Natuwa lang kasi ako." I gave her a warning stare. She cleared her throat. "Okay. Let's not talk about it anymore. Let's eat muna. For sure later, we will be busy again. Stop frowning, Dame." I still can't believe that this is happening right now. That woman! Kung sa tingin niya nanalo siya ngayon, sisiguraduhin ko na she will regret putting a prank to me. --- MIKAY Inubos ko ang oras ko kagabi para mag-isip ng house rules at kung ano ang maidadagdag ko sa contract. Pinangalanan ko ito ng Mikay version 1003. Tignan na lang natin ang masasabi niya once na mabasa niya ang laman nito. Akala niya ah! Iinat-inat akong lumabas sa aking kwarto ngunit halos mapatalon ako sa gulat nang bumungad siya sa akin. "Good morning...aray!" daing ko nang ibinato niya sa akin ang paperbag na hawak niya. "Ano ba? Paano kung natanggal ang ilong ko dahil sa ginawa mo?" singhal ko sa kanya habang hawak-hawak ko ang aking ilong na mukhang lumiit na dahil sa pagtama ng matigas na bagay sa aking ilong. Umagang-umaga na nanakit ang ulupong na ito. Taas kilay ko siyang tinignan na masama pa rin ang tingin sa akin. Nanatili siyang nakatayo sa harap ko. Naka cross arms, salubong ang kilay, at akala mo kung kriminal ang nasa harapan niya kung makatingin ito. Ganitong-ganito siya sa tuwing nag le-lecture siya sa school. Iyong tipong hindi mo p'wedeng sumbatan dahil for sure sa kangkungan pupulutin kung sakali. "If you want to play, don't add to your childish act the foods. May mga taong nagugutom at hindi kumakain, tapos heto ka sinasayang ang pagkain. Bakit? Por que nalaman mong mayaman ka, you'll act as if small things never matter?" mahabang litanya niya. Ni hindi siya nag-iwas ng tingin sa akin o kumurap man lang. Ito na nga ba ang lecture na sinasabi ko. Pero hindi dapat ako magpatalo sa kanya. "Hindi naman masasayang 'yan kung niluto mo sana. Kumpleto naman ang sangkap ah." Pinagtaasan ko siya ng kilay. "You're indeed stupid," malamig at malalim na turan niya. Bago pa man ako makapagsalita ay tinalikuran na niya ako, at padabog pa niyang isinara ang pintuan ng kwarto niya. Suplado akala mo naman gwapo. Kesa masira ng tuluyan ang araw ko, hindi ko na lang inabala ang sarili ko sa kanya. "Good morning Mam." Bahagya akong napahinto nang may isang hindi katandang babae ang bumati sa akin. Kasalukuyan siyang nagluluto at mukhang gamay na gamay niya ang buong kusina. Bago ko pa man maitanong kung ano ang pangalan niya ay nagpakilala ito sa akin. "Ako nga po pala si Cristy. Tawagin mo na lang akong Manang Cristy o Nanay Cristy. Matagal na akong namamasukan dito, nasabi na rin sa akin ni Damon ang sitwasyon niyo kaya huwag kang mag-alala, Hija." Ngumiti ito sa akin ng pagkatamis-tamis. Nabanggit nga sa akin ng ina ni Damonyo na may matagal ng katiwala ito. Siya rin ang nag-alaga kay Damonyo noong bata pa ito. kasama nito ang kanyang asawa. Ibig sabihin lang ay parang sila Manang Cristy na ang tumayong pangalawang magulang sa kanya. "Manang Cristy, masaya po akong nakilala kita," masayang saad ko. Nakakahiya naman kung tawagin ko agad siya ng Nanay Cristy eh hindi pa naman kami masyadong close. "Naku Hija! Mas masaya ako na muli kang makita. Parang kailan lang noong maliit na bata ka pa. Patakbo-takbo... sobrang kukulit. Siguro ay hindi mo na ito maalala kasi matagal na. Pero Hija..." Lumapit siya sa akin. Nanatili siyang nakangiti. "Kamukhang-kamukha mo ang mama mo," pagkakwa'y tuloy niya sa kanyang sasabihin. "Kilala mo po ang mama ko?" Katangahang tanong, Mikay. "Pero pasensya na po, hindi ko kayo maalala," saad ko. "Okay lang. Bata ka pa naman noon. O siya, mag-ayos ka muna, dahil baka mahuli ka pa sa pagpasok mo. Hayaan mo na lamang ako rito sa kusina." Buti na lang may makakausap ako na medyo matino ang pag-iisip dito sa malaking bahay na ito, dahil kung wala ay baka mabaliw lang ako. Mukhang ito na talaga ang aking reyalidad. Wala na talaga akong kawala sa kontratang ito. Nakuha ng papel na nasa side table ang atensyon. Mikay version 1003. Bago ako tuluyang lumabas sa aking kwarto ay inayos ko na muna ang aking sarili. Plantsadong-plantsado ang aking suot. Maayos ang aking buhok. Makinis ang aking sapatos. Feeling ko isa akong mabuting mag-aaral sa pustura ko. Kinuha ko ang papel sa side table saka ko isinukbit ang aking tote bag sa aking balikat bago ako lumabas. Kumatok ako sa pintuan ni Damonyo pero ang gago, mukhang wala atang balak na pagbuksan ako. Sumilip ako ng bahagya, pero halos sumubsob ako nang biglaan niya itong binuksan buti na lang napahawak ako sa dibdib niya. "What the hell do you think you're doing?" Isang baritono at puno ng pagbabanta ang tinig nito. "Aray naman," pagmamaktol ko nang walang pakundangan niya akong winasiwas palayo sa kanya. "P'wede namang sabihin ng maayos eh. Kailangan talaga manulak?" pagtataray ko. Inayos kong muli ang suot ko. Professional look pa naman ako ngayon. "What do you want again?" Bawat salitang lumalabas sa bibig niya ay puno ng pagbabanta. Apaka suplado! Dinaig pa ang babaeng may regla. "Oh eto na yung listahan na nagawa ko." Inabot ko sa kanya ang papel na pinagpuyatan ko ng bongga. Nakataas lang naman ang kilay niya sa akin na para bang dudang-duda pa ito. Kita mo talaga ang lalakeng 'to, hindi marunong mag appreciate ng effort ng iba gusto ata siya lang lagi ang tama. "I'll review it later. Now, leave." Hindi na ako nakipagtalo sa kanya. Lumabas na lang ako sa kwarto niya. Baka kasi sipain pa niya ako palabas edi ako na lang magkusa, pero in fairness ah, ang luwang ng kwarto niya, hindi ko man ito napagmasdang mabuti, masasabi kong mas maganda ang kwarto niya kesa sa akin. Hanggang sa matapos kong kumain ay hindi na lumabas si Damonyo. Mukhang pangangatawanan niyang ayaw niyang makita ni anino ko. Duh? Edi huwag! As if naman gusto ko siyang makita o makasama man lang. "Miss Mikay, sa araw na ito, ako na po ang maghahatid sa inyo sa inyong eskwelahan," bungad sa akin ni Mang Kanor. Ang asawa ni Manang Cristy. Napakilala na siya sa akin kanina ni Manang Cristy noong kumakain kami dahil nakiusap ako na sabayan nila ako sa pagkain dahil hindi ako sanay na kumain mag-isa. "Maraming salamat po. Pero Mang Kanor, p'wede po ba na huwag po sa mismong gate ng school namin ako bababa? Ayoko kasing mag-isip ng kung ano ang mga kaschoolmate ko o kung sino man ang makakakita sa akin," saad ko. Mamaya magtaka pa silang kung bakit isang iglap ay makikita nila akong nakasakay sa kotse. "Sige po Miss Mikay..." "At saka huwag na po 'yong 'miss'. Mikay na lang ho." --- DAMON "Oh Hijo, bakit ngayon ka lang bumaba? Sana ay nasamahan mo si Mikay na kumain," ani Nanay Cristy nang makita niya ako. "How's your vacation, Nay?" I asked instead answering her question. Wala akong interes na pag-usapan ang babaeng iyon. I just read her house rules and what she wants to add to the contract, and it's a damn f*cked up! Paano na ang isang bobong tulad niya ay nagagawang mabuhay sa mundo? She's indeed stupid! No wonder her grades are all mess. Mikay house rules version 1003 1. MWF and TTH maglinis ng bahay (switch every week) 2. Matutong magluto 3. Iligpit ang kalat... Hindi ko kayang basahin ang house rules niya dahil sobrang pangbata ito. Mas matalino pa nga ata ang bata sa kanya. Mikay contract version 1003 1. No touch. (Don't you ever lay your hands at me or else... eme! Huwag mo akong hahawakan ng walang pasabi. Dalagang Pilipina ako.) 2. No kiss. (Ayoko naman na ikaw ang maging first kiss ko. Yuck!) 3. No hug. (Huwag mo lang talagang tatangkain na yakapin ako.) 4. Respect privacy. (walang pakealamanan. Mind your own business eka nga nila.) Her contract rules are kind of okay. Kaya lang sa sobrang dami niyang sinulat ay hindi ko na binasa lahat. Isa lang naman ang pinapahiwatig niya 'ayaw niya sa akin', and the feeling is mutual. --- MIKAY Natapos ng mag discuss ang teacher namin pero wala man lang pumasok ni isa sa isip ko. Ang tanging naintindihan ko lang ay 'class dismiss'. kaya heto ako ngayon nagliligpit na ng gamit. "Miss Mendoza, meet me at my office." Oh my gosh! Ito na nga ba ang sinasabi ko. Mukhang natunugan ng teacher namin na wala na naman akong natutunan for today's lesson. Ewan ko ba sa utak ko, madalas ayaw makipagtulungan sa akin. Kaya ako bumabagsak eh. "Mikay, sunod ka na lang sa canteen ah," saad ni Judy, isa sa mga kaibigan ko rito sa school. "Okay. Orderan mo na lang ako ng foods ah." Naghiwalay kami ng daan. Dumiretso naman ako sa office ni Miss Cruz kung saan may one by one battle na naman kami. Huminga ako ng malalim saka taimtim na nagdasal ng ilang segundo bago ko pinihit ang doorknob. "Have a seat," saad nito sa isang kalmadong tinig. Ito ang mas nakakatakot sa lahat, yung kalmado. "Miss Cruz, kabado bente na ako ah," wika ko sa isang nanginginig na tinig. Namamasa na nga ang palad ko eh. Ngumiti siya sa akin. "Nato-trauma ka na ba?" "Medyo lang po." Awkward akong ngumiti. "So here's the news, Na accept ang internship application mo sa M.Y Medical Foundation." "Tapos po..." Huh? "Ano po?" Napatayo pa ako dahil sa gulat nang mag proseso sa utak ko ang sinabi ni Miss Cruz. "You heard me loud and clear. Congratulation Miss Mendoza." Oh my gosh! I can't! Sobrang imposible para sa isang tulad ko na pasang-awa ang grades na makapasok sa M.Y Medical... wait! Tila nawala ang excitement ko nang marealize ko ang sitwasyon. Nakuha ba ako dahil related ako sa hospital? "However, to officialy enter the hospital. You will be having an orientation and a face to face medical situation wherein you will show to the board on how nurse should act during emergency. Here." Wala sa sariling inabot ko ang papel na ibinigay sa akin ni Miss Cruz. "Review this. I'm counting on you, Miss Mendoza." Hanggang sa makalabas ako sa opisina ni Miss Cruz ay wala pa rin ako sa aking sarili. Hindi magawang iproseso ng aking sistema ang lahat. Napayuko ako. "Mukhang natanggap talaga ang application ko dahil isa akong Ynares," malungkot na saad ko
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD