CHAPTER 7: Masamang Pangitain

1732 Words
Chapter 7 MIKAY Bagsak ang aking balikat nang makauwi ako. Binagsak ko ang aking katawan sa malaking sofa saka ako humilata. Wala naman akong masyadong ginawa pero pakiramdam ko pagod na pagod ako. Sobrang bigat ng ulo ko kahit alam ko namang limitado lang space sa utak. "Mikay, ayos ka lang ba? Nagluto ako ng miryenda." Hindi mawala sa isip ko ang sinabi ng teacher ko sa akin. Naapprove ang application ko para sa internship sa pinakamalaking hospital sa bansa. Pero bakit hindi ko magawang maging masaya? "Hindi naman siguro ako naapprove dahil nalaman ng school na related ako sa Ynares di ba?" tanong ko sa aking sarili. Kinagat ko ang aking ibabang labi. Kabado bente na talaga ako. Paano kung alam pala ng mga teachers ko na isa talaga akong Ynares? Baka mag expect sila sa akin. Jusmiyo naman! "Mikay?" "Ano ng gagawin ko?" Para akong kiti-kiti sa sofa na hindi mapakali. Nasabunutan ko pa ang aking buhok. "Ah hindi!" Bumangon ako mula sa aking pagkakaupo. "Nakapasok ako dahil sa magaling... pero hindi nga ako matalino!" pagmamaktol saka ko muling nagulo ang aking buhok. Hindi naman na bago sa akin ang maistress, pero ito ata ang unang pagkakataon na parang mababaliw ang aking pakiramdam. "Anak, okay ka lang ba?" Nabaling ang atensyon ko kay Nanay Cristy nang tapikin niya ang balikat ko.. "Nanay Cristy..." huhubels talaga! "May nangyari ba?" tanong niyang muli sa akin. Nanatili akong nakabusangot habang pilit kong kinakalma ang aking sarili. Kung siguro hindi ko nalaman na related ako sa mga sikat na Ynares siguro ay nagpaparty na ako ngayon... kasi sobrang laking achievement iyon para sa aming mga nursing student. M.Y Medical Foundation? Nasa kanila na ang lahat. Tipong wala ka ng hahanapin pang iba. Mga magagaling na Doctor at Nurse ang naroroon, nando'n nga 'yung favorite Nurse ko. Si Nurse Aye. Sobrang galing niya. Siya inspirasyon ko maliban kay mama. Ikinuweto ko kay Nanay Cristy ang lahat habang nagmimiryenda kami. "Naku! Huwag mong pagdudahan ang sarili mo, at huwag mong isipin na kaya ka naapprove ay dahil isa kang Ynares, anak. Napili ka dahil magaling ka, iyon ang isipin at panghawakan mo," nakangiting saad ni Nanay Cristy. Pero alam ko naman sa sarili ko na hindi ako gano'n katalino. "Hindi ko lang po maiwasang mag-isip." Paano kung totoo na naapprove ang application ko dahil may kapit ako? Huhubels! I can't talaga if ever. "Anak, ang mahalaga maaari kang makapasok sa hospital na pinapangarap ng lahat. Ipagpasalamat mo na lang ito," saad niya. Muli siyang naglagay ng bananacue sa aking pinggan. "Ang gawin mo na lang ngayon maghanda ka para sa gagawin mo para mapatunayan mo rin na karapat-dapat ka na makuha bilang intern." Bahagya akong napamaang sa sinabi ni Nanay Cristy. Tama siya. Bakit hindi ko agad iyon naisip? Ang kailangan kong gawin ngayon ay patunay ang aking sarili. "Tama! Lavarrn!" Patutunayan ko na karapat-dapat ako hindi dahil isa akong Ynares kung hindi dahil ako si Mikay. Ngiting-ngiti na nakatingin sa akin si Nanay Cristy na tila ba proud na proud ito sa akin kaya mas lalo akong natutuwa. Sobrang sarap makakita ng mga mata na proud na proud na nakatingin sa'yo. Huminga ako ng malalim. Kaya ko ito! --- DAMON Kunot noo kong pinapanood si Nanay si Cristy at ang bobong babae na nag-uusap sa veranda. Para bang may pinag-uusapan silang nakakatawa dahil sa malakas na tawanan nila. Napailing na lamang ako saka muling nagpatuloy sa paglalakad patungo sa kusina para kumuha ng miryendang niluto ni Nanay Cristy. I check my watch. It's too early. Bakit nandito na ngayon ang bobong iyon? Mamaya pa dapat ang uwi niya. Babalik pa ako sa eskwelahan niya mamaya dahil may lecture ako, at sigurado kong dapat nando'n din siya. Pero anong ginagawa niya rito? Is she planning to cut off school? "F*ck!" singhal ko nang biglang sumulpot sa harapan ko ang babaeng bobo na mukhang multo sa pustura niya. Natatakpan ang mukha niya ng gulo-gulo niyang buhok. I frowned when she suddenly fix her hair... she looks creepy stupid because of the smile on her face. "Hi," walang enerhiyang bati niya sa akin. Mukhang tanga pa rin itong nakangiti sa akin. Nagtaas ng bahagya ang kilay ko nang mataman itong nakatingin sa akin na tila ba sobrang dami niyang gustong sabihin. "What?" I asked annoyed. But instead answering me, she pass me by. She walk towards the fridge to get something. "Anyway, does your teacher already told you that your application got accepted?" Now, I get her attention. What the hell is wrong with this woman? She got lots of expression on her face. Kanina lang ay mukha itong tangang nakangiti ngayon ay para itong tanga na nakabusangot at mukhang ang laki ng problema nito. She opened her mouth as she took a deep breath... she was about to say something when she choose not to. She heaved a sigh again, but this time she looks more bothered. So stupid. Instead getting involve with her drama, I just turn ny back at her and walk outside the kitchen. Dealing with her is only a waste of time. Pagbalik ko sa kwarto ko ay kinuha ko ang tablet para tignan kung ano ang ginagawa ng babaeng iyon sa kusina. "Stupid," I muttered while shrugging my head. --- MIKAY Siguro ay tama nga ang nasa isip ko. Na kaya lang na tanggap ang application ko ay dahil Ynares ako. Nakakadismaya. Naiuntog ko na lang ang ulo ko sa ref habang patuloy na nagmamaktol sa aking isipan. "Ayoko na! Hindi na ako mag-aaral." Napapadyak na ako sa sobrang frustration na nararamdaman ko. Hindi naman niya sinabi sa akin na napili ako dahil isa akong Ynares, gusto ko sanang magtanong kanina kaya lang 'yong tingin palang niya sa akin alam kong nagbabanta na. Apaka suplado kasi eh! Nakuha ng cellphone ko ang atensyon ko nang tumunog ito. Bakit tumatawag si Juday? Sinagot ko ito. "Oh bakit? Huwag mong sabihing may klase tayo," wika ko pagkasagot na pagkasagot ko sa tawag. (May magaganap na lecture sa function hall ngayon, Sis. Mag l-lecture raw si Doc Damon baby loves so sweet.) Mabilis na nagsalubong ang kilay ko. May lecture si Master? "Eh nandito siya sa bahay eh..." Napakurap ako at hindi ko nagawang ituloy ang sasabihin ko... "Nandito ako sa bahay," ulit ko. (Uwi ka kasi nang uwi. Halika na rito! Baka mawalan tayo ng upuan sa function hall.) Ano ba naman 'yan! Wala pa naman akong ganang makinig ngayon ng lecture. Lalo pa't si Damonyo ang magsasalita. May question and answer portion pa naman baka mamaya tawagin niya ako at ipahiya katulad ng madalas niyang gawin sa iba. "Basta go ka na lang sa hall. Tabi tayo katulad ng dati," saad ko. Binaba ko na ang tawag. Bahala na nga si batman. Huminga ako ng malalim at inayos ang pustura ko. "Ako si Mikay! Hindi nagpapatalo. Kaya laban!" saad ko sa aking sarili. Tinungo ko ang aking kwarto. Mabilis akong nag shower at nag-ayos. Perpek na naman ang awra ko, pero mamaya baka malosyang na naman ako. Lumabas ako with confident... confidence... ah basta 'yon na 'yon. Sakto naman na paglabas ko ay lumabas din si Damonyo na as usual poker face na naman na binalingan ako ng tingin. Ang pustura nito ay hindi makabasag pinggan, tipong masasabi mo na hindi dapat siyang banggahin nino man. Simpleng polo at maong pants lang ang suot nito kaya lang iba na agad ang awra niya. "You're drooling." Napabalik ako sa reyalidad dahil sa sinabi niya. Chineck ko ang gilid ng labi ko. Wala namang laway! Ang epal! "What the hell?" singhal niya nang sagiin ko siya. Pinagtaasan ko siya ng kilay. "Stupid," may diing wika nito. Otomatiko talaga ang pagkulo ng dugo ko sa tuwing tinatawag niya akong bobo. Alam ko namang totoo ito, kaya lang kailangan pa ba talaga niyang ipaalala sa akin iyon ng paulit-ulit? Edi siya na ang biniyayaan ng talino. "Supladong Damonyo," pagtataray ko. Tinalikuran ko siya at naunang naglakad sa kanya. "Oh Mikay, akala ko ba wala ka ng pasok ngayon?" tanong ni Nanay Cristy nang makita niya ako. "Naku Nay, meron kasing bida-bida riyan sa tabi-tabi na mag l-lecture kuno raw. Kaya wala akong choice." Nakita ko ang pagbaling ng tingin ni Nanay Cristy kay Damonyo na palabas na sa bahay. "Siya?" tanong niya. Tumango ako. "Makinig kang mabuti, anak. Iba pa naman si Damon kung magtanong." Sa tuwing lalabas nga kami sa function hall ay trauma ang nararamdaman namin. Paano ba naman kasi, para kaming nakinig sa presidente na hawak ang buhay namin ang pakiramdam sa loob ng function hall. Wala talagang lalabas sa hall ng hindi umiiyak. "Prepare yourself," saad nito bago pa man ako makapasok sa loob ng sasakyan. Ang tono nito ay para bang may gagawin siyang kung ano. Bigla akong kinabahan at bago pa man ako makapagsalita ay pumasok na ito sa kanyang sasakyan. Parang ayoko na atang pumasok, pero kung gagawin ko naman iyon baka ipatawag na naman ako dahil sa attendance. Nakakainis! Lagi na lang akong walang choice. Muli akong hinatid ni Mang Kanor. Nang marating ko ang function hall ay may mga estudyante ng nagsisipasukan. Meron naman ng nakuhang upuan namin si Judy kaya hindi na muna ako makikipagsiksikan. "Pero nasaan kaya ang Damonyong iyon?" Inilibot ko ang paningin ko, pero hindi ko siya makita. Kailangan ko siyang makausap, dahil masama ang kutob ko sa lecture na ito. Panigurado akong gigisahin niya ako mamaya. Kailangan ko siyang makausap. Nakapasok na ang lahat ng estudyante pero wala pa rin si Damonyo. Sumilip ako sa hall pero wala pa naman siya sa loob. "Miss Mendoza, why are you still here?" Nagtaas ako ng ulo at halos umatras ang dila ko nang makita ko si Dean na as usual nagbabanta na naman ang tingin. Kasama niya si Damonyo na blangko pa rin ang tingin sa akin. "A-Ah Dean... hinihintay ko lang po si Tina. Yung kaibigan po namin," pagpapalusot ko. "Get inside now," utos ni Dean sa akin. Nauna siyang pumasok. Akmang papasok na si Damonyo nang pigilan ko siya. Wala naman ng tao sa paligid kaya okay lang. "Kung ano man ang binabalak mong gawin laban sa akin..." umpisa ko... "Utang na loob. Huwag!" pagmamaktol ko na para bang isang bata. "Then listen properly." Marahas niyang tinanggal ang kamay kong nakahawak sa kamay niya. "Stupid." Siguro, kailangan ko na talagang magdasal ngayon. ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD