Chapter 13 : His True Feelings

1020 Words
[Charm's POV] Lumipas ang ilang araw nang hindi ko man lang nasisilayan ni anino ni Primo. Pabalik-balik ako mula hospital papuntang condo para lamang magbihis ng mga damit at mag-ayos ng aking sarili nang sa gano'n ay maging presentable ako sa paningin nito oras na magising siya. I want to look good for him. I want to see his breathtaking smile again while staring at me. Gusto kong malaman niya na mayroong babaeng naghihintay sa kaniya kahit gaano pa katagal. Sa ilang araw na lumipas ay nakagawian ko na ring kumain sa cafeteria ng hospital habang nag-aabang kung sinong nurse ang makikita kong dadaan mula sa kwarto ni Primo. Umaasang ang nurse 'yon ang bantay niya ngayong araw at may konti itong nalalaman tungkol sa kaniya. At maniwala man kayo o hindi, sa ganitong paraan ko nalalaman ang lahat patungkol sa kalagayan niya. At ayon sa sinabi ng nurse ay nagiging maayos na raw ang kalagayan nito kung ikukumpara sa dati. Palagi siyang kwenekwentuhan ng mom niya, naging payapa na daw ang reaksyon ng katawan niya at kung minsan ay gumagalaw na ang mga daliri nito sa kamay. Sabi pa ng nurse sa akin ay konting panahon na lang daw ang kailangan at magigising na ito at makaka-recover. Mag-antay lang daw ako at manalangin na mas mapabilis ang recovery niya. Kung alam lang nila kung gaano ko kagustong makita at mayakap si Primo. Miss na miss ko na ang kasungitan ng lalaking yon. Halos araw araw din kaming nagkikita ni Red sa tuwing tapos na ang ginagawa nito. Minsan naman ay off ito sa shift nito pero maaga paring pumupunta ng hospital para sa akin. Minsan dala dala pa nito ang bagpack at naka-civilian. He looks good talaga lalo na pala kapag nakasimpleng kausuotan lang ito. Yung simpleng Oxygen shirt at short tapos naka vans shoes. Magulo ang buhok pero gwapo pa ring tingnan sa mukha niha. Sinasabayan pa ito ng mga naniningkit niyang mga mata. How I wish ganito nalang ang status naming dalawa ni Primo. Iyong simple lang at walang nangingialam sa buhay namin. Yung tipong malayo kami sa media at sa mapanghusgang mga mata ng mga taong nasa paligid. Sana si Primo nalang ang simple at si Red nalang ang naging mayaman. Shit! Napailing nalang ako sa mga naiisip ko. "Okay ka lang ba Charm? Hayaan mo. Makikita mo din siya." pinulot ni Red ang apple na nasasahig. Hindi ko kasi sinasadyang mabitiwan ito dahil sa dami ng iniisip ko. Kanina ko pa din kasi ito hawak hawak dahil umaasa pa rin akong pwede ako pumasok ng palihim sa kwarto ng mahal ko. But it seems that all odds were against me kaya naman wala akong nagawa kundi hawakan ang apple at hayaang lumamig. "Can I have this?" napatingin ako sa apple na pinapagpagan niya. Babawiin ko sana ito sa kanya pero mukhang he's gripping harder on it. "Akin nalang." Napatingin ako sa kanya. "Akin ka nalang din, pwede?" Mula sa kinauupuan ay nagitlang ako sa narinig. "Ano?" bigla kong tanong. Ngumiti lang siya sakin at binawi ang sinabi. "Akin nalang itong apple. Please?" aniya na nakapagpatahimik sa akin. Hinayaan ko nalang siyang kinakain ang apple at tahimik akong naupo. "Ano bang pwede kong gawin para mapangiti ka, Charm? Kung pwede lang akong magsakrispisyo ng kung anong mayron ako ay nagawa ko na para sa'yo. Kaso." natigilan siya. Nag aantay lang ako ng susunod niyang sasabihin ng biglang dumaan sa harapan namin ang nagtatakbuhang mga nurse. May dala dala silang gamit at parang tuwang tuwa sa kanilang nalaman. Tumigil ang isa sa harapan namin at ngumiti sakin. "Gising na si Primo Rivera, Miss! Kaya tuwang tuwa ang mga nurse na may crush sa kanya!" yun nalang ang nasabi niya saka tumakbo ulit papunta sa kinaroroonan ng kwarto ni Primo. Panginoon, salamat at gising na siya. Salamat at nakaligtas siya. Maraming salamat po. Tuwang tuwa ako sa mga oras na'to. Tumayo si Red at napatitig muli sa akin. "Puntahan mo na siya. Ang tagal mo ding hinintay 'to." Umiling ako. Bahalang bahala namang napatingin sakin si Red. Hindi ko alam kung nararamdaman niya ang lungkot na nararamdaman ko. "Hindi kami bagay ni Primo Rivera. Hayaan mo na silang makita siya at ilayo mo nalang ako dito Red." "P-pero..." napahawak ako sa kamay niya. Kita ko sa mukha niya ang paghihinayang. Napabuntong hininga pa ito. Hinawakan niya rin ang kamay ko pero natigilan ito ng makitang tumulo na ang luha mula sa mga mata ko. "Please? Ilayo mo ako dito." I will not be imprisoned by the love I have for him anymore. I will set my conscience free. I will set him free for his safety. This is the best thing I can do. Napalitan ang kagustuhan kong makita siya ng takot na itaboy niya ako. Natatakot akong pumunta doon at ipagtulakan lang palayo ng mga magulang niya. Marahil ay sapat lang ang mga pang-iinsultong natikman ko. Mas nanaisin ko pang mamatay kesa makaramdam ng ganito klaseng sakit. Para akong sinasaksak ng daan-daang kutsilyo. Parang akong kinakain ng takot ko. Malapit na sana kaming makalabas ni Red sa hospital nang maharang kami ng media. May dala-dala itong kanya kanyang mga camera at recorder. Lahat ay excited na makibalita sa pagmulat ni Primo. Sinubukan ko namang iwasan ito pero mukhang na-corner na kami ni Red. "Miss Fierro. Gising na daw ho ba si Primo Rivera? Nagkita na ba kayo? Alam niya ba ang nakaraan mo?" parang mauubusang tanong sakin ng isang babae. Napailing nalang ako. "We're not fiance anymore. Walang namamagitan sa amin ni Primo Rivera. Palabas lang ang lahat at kahit kelan ay hindi niya ako mamahalin." yun nalang ang nasabi ko saka hinila palayo si Red. Sinubukan naming takasan ang media hanggang sa makakaya namin. Kasabay noon ay ang pagtitiis ko sa bigat na aking nararamdaman. Gusto kong umiyak sa sakit. Gusto kong manlumo sa panghihina. I want to tell him how much I love him. Pero mas ninais kong paniwalain ang sariling kahit kelan ay hindi niya ako mamahalin kahit na alam kong mahal niya ako. Tinatago niya man ito, pero mahal ako ni Primo Rivera.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD