Chapter 14 : Love Distance

1495 Words
[Charm's POV] "Iniwan ko siya dahil alam kong yun ang tama. Alam kong walang kasal na maaring maganap sa pagitan ng dalawang taong wala naman talagang nararamdamang pagmamahal sa isa't isa. Alam kong kahit kelan hindi niya ako mamahalin. Isa lang akong gamit para sa kanya, isang dekorasyong sinasama sa mga lakad niya at isang babaeng napilitang sumunod dahil sa isang sugal. Inaamin kong peke lang ang lahat ng nakikita niyo sa pagitan namin ni Primo Rivera." yan ang huling sinabi ko sa isang reporter na sinubukan pang maghabol sa amin ni Red. I have no choice. I need to sacrifice something. Wala na akong nagawa kundi mag deny at itigil na ang lahat ng bagay na nagkokonekta sa aming dalawa ni Primo. Alam kong makakarating ang mga ito sa kanya, alam kong masasaktan siya pero kung ito ang tanging paraan para tigilan siya ng step father ko ay gagawin ko. It doesn't mean that I don't love him. Because I do. I just made a decision for his parents. Dahil alam kong sila ang mas nakakaalam ng mas makabubuti sa kanya at hindi ako. Sa dinami dami ba naman ng mga babaeng makikilala niya at lalapit sa kanya, alam kong balang araw ay makakalimutan niya rin ako. Hindi everlasting ang pagmamahal, lalo na't everything changes. Feelings, change. People change. He can chance, his love for me can change. Makalimutan niya man ako pero hindi ko kelanman ibabaon sa limot ang pagmamahal na nararamdaman ko para sa kanya. Makakilala man ako ng taong magmamahal muli sakin ay hinding hindi ko papalitan si Primo sa puso ko. "Gusto kong sabihing okay lang ako kaso ang hirap palang magsinungaling." Sabi ko sa sarili ko sabay napahalukipkip sa katawan ko. Nakaupo lang sa tabi ko si Red at tila hinahaplos-haplos ang buhok ko. Ako naman ay nagpipigil muli ng mga luha. Ayoko nang umiyak. Ayoko ng maging mahina. "Promise. Babalik din tayo. Gusto ko lang kasing puntahan ang taong unang nagmahal sakin. Ang taong minahal ako ng sobra." humingi ako ng tawad kay Red dahil sa padalos dalos na desisyon ko. Sinama ko pa siya sa isang bus papuntang probinsya kahit alam kong may trabaho siya. "Sorry talaga Red. Naistorbo pa tuloy kita. Gusto ko lang ng makakasama. Yung may makakausap ako sa panahong lugmok na lugmok ako. Akala ko kasi kaya kong harapin mag-isa lahat ng problemang darating sa buhay ko pero mukhang nagkamali ako, hindi ko di pala kaya ang pressure at ang galit ng mundo sa akin." napatingin ako kay Red. Seryoso lang itong nakatingin sakin, kita sa kanyang mga mata ang malungkot na expression at paghihinayang. Napakagat ito sa kanyang labi at napabuntong hininga. "I don't know what to say Charm. Don't even know how to make you feel better. Ito lang ang alam kong maitutulong ko sa ngayon." nabigla ako sa biglang paghigit niya sakin mula sa kinauupuan ko. Naramdaman ko nalang ang katawan niyang nakalapat sa katawan ko at ang labi niyang nakalapat sa labi ko. He gave me a hug with a kiss. A kiss that's so warm and tender. *Pak!* Napahawak siya sa kanyang mukha. "Sorry, Red. Sorry." doon ay naiyak na ako. Medyo nakakakuha na din kami ng attensyon mula sa ibang mga sakay ng bus. Nasampal ko siya dahil sa ginawa niyang iyon sa akin. Alam kong nasaktan siya dahil pagmasahe ito sa mukha niya. Medyo namumula pa ito. Napangiti pa sakin si Red. Tuluyan ng tumulo ang luha sa mga mata ko. Lalo akong naguilty sa ginawa ko sa kanya. "Yon ang gusto kong gawin mo. Ang ipasa sakin ang sakit na nararamdaman mo Charm. Hindi ko kasi alam ang gagawin ko. Wala naman akong magawa kaya ayun. Hahaha. Niyakap nalang kita at nagpasampal sa'yo." Napasabunot ako sa aking sarili. Naramdaman ko naman ang muli niyang pagyakap sa akin. "Sorry Charm. Ako na ang hihingi ng kapatawaran sa lahat ng sakit na nararanasan mo noon hanggang ngayon." lalong humigpit ang pagkakayakap niya sakin. Sabay na din ang pintig ng mga puso naming dalawa. Doon ay tuluyan akong napabitiw sa buhok ko at napayakap nalang din sa kanya. "I want to go to my mom Red. Gusto kong bumalik sa kung saan nagumpisa ang lahat ng gulo na ito. Gusto kong maalala ang masasayang oras bago dumating ang demonyo kong step-father. Samahan mo ako please?" Hindi ako nabigo sa taong sinabihan ko ng mga saloobin ko. Pumayag siyang samahan ako sa puntod ng mom ko. Bumalik kami sa luma naming bahay sa may Pangasinan. Dito sa lugar kung saan ako namulat na kasama ang aking papa at mama. Lugar kung saan ako nagkaroon ng kumpleto at di nagtagal ay nasirang pamilya. Who would have thought sa dito sa bahay na ito ay magagahasa ako ng tinuring ko pangalawang ama and worst dito din nawalan ng hininga ang aking inang pinatay niya. Sa likod ng bahay ay nagpagpasyahan kong ipalipat ang labi ng yumao kong mama tatlong taon na ang nakalipas. And after so many years ngayon ko lang ulit siya nabisita. How I miss her hugs and kisses. I miss the way she took care of me and Dad. How she packed my lunch bago ako sabihang parating na ang school bus at kelangan ko ng pumasok for my future. She's been there for me kahit naunang nawala si papa. Siya ang naging ina at ama ko at the same time. Kung iisipin napakaganda ng lugar na kinatatayuan ng bahay namin dahil malamig ang ambiance dito, payapa ang lugar, may mga puno sa paligid at napapalibutan ito ng mga berdeng kawayan. Ilang metro lang mula sa balcon ay makikita na ang berde at payapang ilog, mga taniman ng palay at mga gulayan. Nakakapanghinayang lamang dahil noong nandito kami ay wala pang mga bahay sa malapit kaya walang tumulong sa akin at sa aking mama. Nabuwag ang kapayapaan ng kamatayan ng pinakamahalagang tao sa buhay ko. "Mom I want you to meet my friend Red." umupo ako sa harapan ng puntod ng mama ko at ganun din si Red. "Kung tutuusin ito ang first time na may pinakilala ako sa'yo Mom. Sabi ko noong bata ako I will let you meet my prince charming but it seems that knight and shining armour lang ang kaya kong ipakilala sa ngayon." napangiti ako and let my heart speak for me. I close my eyes and prayed. "Your daughter loves you so much madam. She miss you so much. And I'm so lucky at nagkakilala kami. Happy Mother's Day po." napamulat ako sa narinig kong sinabi ni Red. Nakalimutan kong mother's day nga pala ngayon. Sa sobrang dami ng iniisip ko ay nakalimutan kong ang araw na ito pala ay dapat kong ilaan sa mama ko. I felt Red's hand on mine. Inilayo ko naman ang kamay ko mula sa kanya. Si Primo lang ang taong mamahalin ko at ayokong gumamit ng ibang tao para maibsan ang lungkot ko. Hinding hindi ko nana-ising magmahal ng iba. Si Primo lang ang mahal ko at siguro balang araw magiging karapat-dapat na ako para sa kanya. Kelangan ko lang ayusin ang lahat, I need to defeat my enemy para makabalik ako sa mundo ng isang Primo Rivera. [Primo] I heard her voice. Hindi ko alam kung gaano katagal akong nakatulog basta ang alam ko, si Charm lang ang tanging laman ng mga panaginip ko. Boses niya ang naririnig ko kaya nagkaroon ako ng lakas ng loob na bumangon. "Mom where is she?" I'm still lying on this f*****g hospital bed with a dextrose. Kanina ko pa siya hinahanap. Kung pwede lang ako tumayo at gumalaw, siguro itinulak ko lahat ng taong pumasok sa kwarto ko para lang mahanap siya. Humarap si mom sakin. She looks tense. "Where is Charm Mom?!" inulit ko. Nakayuko ito. Hindi man lang ako matitigan sa mata. "What happened when I'm lying in this stupid bed?!" napasuntok ako sa kama. "s**t! Tell me Mom. Nasan siya?!" pumanhik ang nurse dahil mukhang nag alala sila sa reaction ko. Wala akong pakialam. Gulo kung gulo! I need her! "Tangina. Nasan si Charm?" Tumayo ako mula sa kama. Tatangalin ko na sana sa kamay ko ang dextrose ng mag salita si Mom, ngunit naputol ito ng pumasok si Dad sa kwarto. "Umalis nalang last time ang babae mo na may kasamang ibang lalaki." "Iniwan ka niya para sa ibang lalaki. Sinamantala ang kondisyon mo para makatakas." Nag-iinit ang mga mata ko when I stared at the newspaper. Hinagis ni Dad at nasa front page ng celebrity column si Charm with an unknown guy. "s**t! Hindi maaari. Hindi magagawa sakin ni Charm ang sinasabi niyo!" hinila ko ang dextrose sa kamay ko. Wala akong pakialam kahit nanghihina pa ako o may dumugo man sakin. He's evil. "f**k! Alam kong may ginawa ka Dad. You can't fool me!" kwinelyohan ko siya. He's such a demon, napakawalang kwenta niyang ama. "She's the only happiness I have Dad. Kapag hindi siya bumalik, wag mo na akong tawaging anak."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD