[Charm's POV]
"I guess. Boys with sense of humor are interesting." maiksi kong sambit.
"But not that loveable as the bad boys." Napatawa nalang siya. I smiled at him. Reminiscing every figure of my Dad through his face.
Naniningkit ang mga mata ng lalaking ito kapag tumatawa. Hmm. May difference din pala silang dalawa. Ito ang kulang sa Dad ko, minsan ko lang kasi siya makitang tumatawa noong bata ako dahil sa daming ng problema na kalaunan ay narealize kong pinipigilan niya lang pala dahil he's maintaining his tamed image. He's not into emotions. Hindi din naman siya nagagalit dahil labis itong pinagbabawal ng doctor niya. My Dad have a serious heart ailment since birth, but I think hindi yun ang nagpaiksi ng buhay niya kung hindi dahil sa stress.
Sayang talaga at hindi ko man lang nakitang sumingkit ang mata ni Dad dahil sa tuwa.
On the other hand, Red is right. Yes. Tama Red ang pangalan niya. Tanda ko pa naman ito kasi nakakahiya naman kung bigla ko nalang siyang matawag ng maling pangalan.
Bad boys are lovable and those boys with sense of humor are interesting. Para lang iyon sakin, maybe it's because of the bad boys' attitude or on how they behave and protect their mysterious and thug image to the public. I think...That made me wanting. Nakaka-amaze ang kasungitan nila kung sa madaling salita at nakaka-challenge din at the same time. Habang ang mga lalaking nakakatuwa naman ang kadalasang ginagawang bestfriends.
"Red?"
Mula sa kaninang pagtawa niya ay biglang pumagitna ang katahimikan sa aming dalawa ng may dumaan na kasamahan niyang nurse. Saglit itong napatingin sa amin pero umalis din ng may baong ngiti sa mga labi nito.
"Nakita kita sa harapan ng isang room kagabi at umiiyak ka na naman. Sino bang pasyente niyo roon?" So nakita niya pala ako kagabi?
I shrugged my shoulders bago ako napabuntong hininga. Hindi naman siguro masamang magshare di'ba? Medyo palagay din naman akong magkwento sa lalaking ito dahil mukha naman siyang mapangkakatiwalaan. Siguro wala din namang masama kung makipagkaibigan ako. Mabuti na rin iyon para may nakakausap na ako at kahit papano may magtatangol na sakin.
"He's Primo Rivera. My..." napatigil ako. Do I need to tell him that Primo is my fiance? Uhm. Sabi nga ng pamilya nito puro lang daw kapahamakan ang dala ko kay Primo.
Napayukom ako. Tila nag-uunahan ang puso at isip ko sa pagsagot. Tama nga silang minsan dumadating sa puntong hindi nagkakasundo ang puso at isipan.
"He's my ex-fiance. Nandito lang ako because I am the reason kung bakit siya bed-ridden."
"Ako ang dahilan kung bakit siya naghihirap ngayon. Nagkamali akong hayaan siyang pumasok sa magulong mundo na ginagalawan ko. Maling mali na pinayagan ko siyang mahalin ako." Nangingilid ang luha sa aking mga mata. Gusto kong maiyak sa sinabi ko. I want to tell everyone that I am his fiance and I love Primo Rivera but then alam ko sa sarili kong madaming hadlang. Pinipilit kong paniwalain ang sarili ko na tama ang sinabi ko. Isang pagkakamali lang na minahal ako ng isang Primo Rivera. Maling mali ang minahal namin ang isa't isa.
"Ang sama ko di'ba? Wala man lang akong naidulot na mabuti sa kanya?" Mapait akong ngumiti sa kanya as he lend me a handkerchief. Napatingin lang ako dito.
"Tsk. If you want to cry. Don't hesitate. Nandito naman ako." mala-anghel talaga siya kung ngumiti.
"Kahit kelan hindi naging pagkakamali ang magmahal. Marami lang talagang hadlang at pagsubok. Siguro mahirap at masakit pero hindi kelanman naging pagkakamali ang hayaan mong maging masaya ang sarili mo sa piling ng taong lubos na nagmamahal sa'yo."
He stared at me like he's an expert on love advices. Yung mga titig niya parang bihasang bihasa na sa usapang pag-ibig. Napayuko nalang ako. Mabait at matalino siyang tao. Siguro hindi naman masamang magtiwala ako sa kanya.
"I also saw you on a newspaper. Alam kong matapang kang babae. You surpassed the past, successful ka na ngayon. Everyone adores you, even me."
Pilit niya pa ring inaabot ang panyo habang nagsasalita.
"Thanks." kinuha ko ang panyo at pinunasan ang namumuong luha sa mga mata ko. Ibabalik ko sana sa kanya pero pinigilan niya ako.
"Kung alam lang niya kung gaano siya kaswerte dahil minahal mo siya ng sobra sobra. Habang ako nga ayan hawak mo lang ang panyo na may nakaburdang pangalan ko, tuwang tuwa na ako. Mas natuwa pa ako dahil nakausap ko ang isang Dyosa na katulad mo." napabuntong hininga siya. Ewan ko kung bakit ako napatungo at napatitig sa kanya. Maliban kasi sa may similarities sila ng Dad ko ay parang matagal ko na ring siyang kakilala. Hindi ko nga lang alam kung sa present pa 'yon o sa past life naming dalawa.
"Kitang kita ko sa matang mong you're worried about him. And it seems that you left your heart inside that room." muling naningkit ang mga mata niya. Tama ba ang sinabi niya? Naiwan ko ang puso ko sa loob ng kwartong iyon? Puso maging ang diwa kong ipinagkaloob ko kay Primo ng walang hinahangad na kapalit? Pero mahal din ako ni Primo di'ba?
Magsasalita na sana ako but my tummy stopped me. Nakarinig kami ng di kaaya-ayang tunog dahilan para matawa siya.
"May cafeteria ang hospital. Gusto mo ba akong samahang kumain doon?"
Nakakahiya naman. Siya pa ang naunang nagyaya sakin na kumain e, ako naman ang halatang gutom dito.
Shems. I have no choice. Kinapa ko ang bulsa ko. Muntik ko ng mapalo ang noo ko ng mapansin kong wala ang wallet ko. Naiwan ko ata sa kwarto ni Primo.
Tama. Pinatong ko pala yun sa side table niya. Tanging cellphone lang ang dala-dala ko ngayon.
"I left my wallet. Wag nalang Red." pagtanggi ko.
Napailing naman siya sabay pulot ng kung ano sa bulsa niya. "Sa lahat ng nurse dito ako lang ang may dalang card sa pocket ko. Mabilis lang kasi akong gutumin kaya ready ako palagi."
"Wag na Red, nakakahiya." I sighed.
Siguro sa mga oras na ito nagbubunyi naman ang demonyong ama ni Primo. Bahala na. Ligtas naman kung kumain muna ako. Baka kasi dahil sa gutom pa ang ikamatay ko.
"Have you tried kissing him? Malay mo magising siya. Tulad ng mga nababasa natin sa books." napadiin nalang ang pagkakahawak ko sa tinidor. I manage to smile at him saka napahiwa sa steak na nasa aking harapan. Saglit na napatingin sa kanya saka napasubo.
Ngayon lang ako nakakilala ng lalaking paniwalang-paniwala sa fairytales, magic, witchcraft at prince charming. It seems that red is really great when it comes to stories kahit pa sabihin nating isa siyang nurse.
Natapos kaming kumain at malayo-layo na din ang naabot ng aming kwentuhan. Madami na din akong nalaman tungkol sa kanya maging sa pamilyang kinalakihan nito. Napaka-perfect pala ng pamilya niya kaya hindi nakakapagtakang lumaki din siyang masayahin, mabait at may respeto sa mga babae.
Naglalakad na kami pabalik ng hospital ng may madaan kaming isang matandang babae. Nakawheel chair ito ngayon bakas sa mukha ang saya at excitement na nakabangon na mula sa matagal na pagkakahiga sa ICU. Hmm. Sabi ni Red isa daw si lola sa mga inagalaan niya. Ang akala ng lahat ay hindi na siya makakarecover pero heto at nasa wheel chair na siya. Mabilis siya naglakad palapit dito, nabigla naman ako ng hinawakan ako sa braso ni Red para mahila papunta sa kinaroroonan ni lola.
"Magandang umaga lola. Kumusta na po kayo?" nakangiti niyang sabi sa lola. Wala akong nagawa kundi batiin nalang si lola at ngumiti sa kanya.
Ngumiti naman sakin ang matanda sabay baling ng tingin kay Red. "Masaya akong nakita ko pa ang irog mo apo. Naalala ko tuloy noong buhay pa ang pinagkamamahal kong asawa. Ganyang ganyan din kami." napabuntong hininga si lola. Tila iniisip ang nakaraan nila ng asawa niya. Gusto ko sanang sabihing hindi ko boyfriend si Red kaso baka sumama ang loob ni lola. Baka ako pa ang dahilan kaya mababalik siya ulit sa ICU. Tsk. Lalo na't tinuring niya palang apo ang lalaking kasama ko.
"Alam mo ineng. Mabait na bata ang lalaking kasama mo. Hindi siya nagsawang alagaan ako dito sa ospital. Alam kong hindi din siya magkukulang sa pag-aalaga sa iyo. Magalak ka't magpasalamat hija." dagdag pa niya. Napatango nalang ako at napangiti. Hindi na ako sumagot dahil ayokong magsinungaling.
Magsasalita pa sana si lola ng dumating ang isang babae at sinabing mag i-ikot ikot na sila. I release a sighed of relief ng maiwan kami ni Red na nakatayo lamang. Napatingin si Red sakin saka napahawak sa harapang bulsa ng uniporme. "Hatid na kita sa sleeping prince mo? Maya maya ay sasamahan ko na naman ang doctor na magrounds."
Ewan ko pero nakaramdam ako bigla ng lungkot. So wala na naman pala akong makakausap. Maiiwan na naman akong mag-isa at paikot ikot sa hospital.
Hindi naman kasi ako pwedeng makalapit sa kwarto ni Primo. Mula sa malayo ay patanaw-tanaw lang ako, umaasang dumating ang oras na magising na si Primo at lumabas din sakay ng isang wheel chair.
"Bakit mukhang malungkot ka? Nandito lang naman ako Miss. Hayaan mo babalikan kita agad pagkatapos, okay?" naramdaman ko ang kamay niya sa magkabilang pisngi ko. Hinahaplos niya ang mukha ko at sinusubukang pangitiin ito. Halata pala. Nalulungkot talaga ako. Ayokong mag-isa. Natatakot akong maiwan na naman. Nakakatakot akong dumating na naman ang oras na mag-isa ako't madidinig ang usap-usapan ng mga taong nasa paligid ko. Kung pwede lang sana akong maging invisible hanggang sa bumalik siya. I want Red to stay. I don't want him to leave.
Pakiramdam ko kasi sa kaonting oras na nagkakilala kaming dalawa ay gumaan ang loob ko sa kanya. I want him to be my knight and shining armour while I'm waiting for my sleeping prince to wake up.
I want to have a best friend like Red.