Chapter 15 : Bring Her Back

1003 Words
[Charm's POV] I want to go back secretly to the hospital para makita si Primo but I don't think I can. I made my decision and it's final, kahit pa komontra at magpumilit ang puso kong ito wala nang atrasan. I need to do it, kailangang-kailangan para sa kabutihan naming dalawa. I could even stop this heart from beating, if that's the only thing I can do to save you, Primo. Life is full of sacrifices, iyon ang sabi nila dahil hindi sa lahat ng oras ay kailangan nating ipilit ang mga kagustuhan natin. Hindi rin palaging nakapanig sa atin ang tadhana na kung may gusto tayong mangyari ay matutupad agad sa itinakda nating oras. Kahit ang pagmamahal ay walang magagawa kung mabigat na circumstances na ang usapan, lalo pa kung ang mga taong MAS mahalaga ang kumokontra. Hindi ako lumaking makasarili at walang modo. I respect his family's decision even though it hurts because I know there are times when we need to sacrifice our own happiness for the person we love. "Sana tissue na lang ako." I felt someone's thumb wiping my cheek. Nanatili akong tahimik hanggang sa maramdaman ko ang palad nito sa aking mukha, hindi iyon magaspang kung tutuusin katamtaman lamang ang lambot nito. Agad akong napahinto ng subo hanggang sa napako na ang paningin ko kay Red. Mahinhin akong ngumiti sa kaniya para pagaanin ang atmosphere sa pagitan naming dalawa. "Sorry, ha. Hindi ko napansing tumutulo na pala ang luha ko. I'm just too broken and frustrated, Red. Napakaraming pumapasok sa isipan ko, hindi tuloy ako makapag-focus sa kinakain ko. Pasensya na." Ginamit ko ang sarili kong kamay para pahiran ang luhang nag-uunahan na namang tumulo sa pisngi ko. Luminga-linga ako sa paligid, mabuti na lang at walang nakapansin sa kadramahan ko dito. Baka mamaya mapagkamalan pa ng mga taong pinapaiyak ako ni Red. Nahigit ko ang aking hininga. "Sorry ulit at nadamay ka pa sa problema naming dalawa ni Primo. Tumayo si Red sa kinauupuan niya at makahulugang tumingin sa akin. "Don't worry, it's okay. Lahat gagawin ko para lang sumaya ka..." aniya habang nakangiti sa akin. "Kung pwede nga lang kitang agawin sa kaniya baka matagal ko nang ginawa." Napansin kong bumuka ang mga labi ni Red pero napakahina ng boses nito. Wala man lang akong naintindihan sa huling sinabi niya. I got the first line pero the rest, wala na. Hindi nagtagal bumalik siya sa kinauupuan baon ang abot tengang ngiti habang hawak-hawak sa magkabilang kamay ang dalawang baso ng tubig. Tipid na lamang akong ngumiti sa kanya at nagpasalamat bago ipinagpatuloy ang aking kinakain. "Where do you plan to stay after this?" tanong ni Red na naghatid ng matinding kaba sa aking dibdib. Ngumiti ako para iparamdam sa kaniyang normal na tanong lamang ang binitiwan nito. Pero sa kabila ng pagpapanggap ko, mabilis akong napadampot ng soft drinks na sinundan naman agad ng tubig na dala niya kanina. Hindi naman halatang tense, ano? "Somewhere na hindi niya ako makikita at mahahanap. Malayo sa media, malayo sa syudad at malayo sa kaniya." I smiled at him, nakakahiya naman at mukhang napahaba yata ang sagot ko. Ngumiti naman ito at kinuha ang wallet niya. Napansin kong humugot ito ng ilang cash. "Kung balak mong ibigay sa akin 'yan, hindi na kailangan, Red. I have my own money, I can manage." Kinuha ko ang aking cellphone sa bag at sinabihan na lang itong i-save ang number niya sa phonebook. Dali-dali niya naman iyong ginawa. "At isa pa, kailangan mo ring bumalik doon para sa trabaho mo. Let me stay here," sabi ko habang hindi ito nilulubayan ng tingin. "Ang mabuti pa bumalik ka na bago dumilim. I'll just call you kung kailangan ko ng tulong, okay?" I heard him release a deep sighed. Seryoso na naman itong napatingin sa akin. May mali ba akong nasabi? "Even if you don't want me to stay, I'll stay." Mabilis na sumibol ang lungkot sa mga mata ko. Hindi ko alam kung bakit gusto nitong manatili sa tabi ko ngayong alam niya namang kapahamakan lamang ang naghihintay sa aming dalawa. Iniwan ko si Primo para mabigyan ng katahimikan ang buhay nito pero may nagpupumilit namang pumasok sa magulo kong buhay. [Primo's POV] She's not in her condo, not in the studio at hindi din alam ng mga kaibigan niya kung nasaan siya. Where the hell are you? Pinahirapan mo pa ako sa paghahanap sa'yo, Charm. Iniwan mo na ba talaga ako? I'm expecting you to be there when I wake up but I didn't saw you waiting for me. Hindi mo ba ako hinintay? Bakit? Mga walang kwentang newspaper! Kung ano-anong ipinagkakalat na paninira tungkol kay Charm! That bastard should have not let the story out! Magdudusa ang demony0ng 'yon, I'll bring him to hell! Fuck! Pinunit ko ang newspapers na naglalaman ng kung ano-anong mga balita tungkol sa nakaraan ng babaeng mahal ko. Dahan-dahang kumalma ang sistema ko when I saw Charm's picture on the newspaper, nakaputi itong daig pa ang isang anghel na bumaba mula sa kalangitan. She's so pretty, so solemn, gorgeous and I'm so blessed to have her. Kaya nga lang wala akong nagawa to stop her from leaving me. Wala rin akong kaalam-alam sa masasakit na salitang sinabi sa kaniya ni Dad. Ang alam ko lang, I'll do everything to found her and bring her back. Gusto ko nang makita ulit ang mga malalaki mong mga mata na naniningkit sa tuwing kinukulit kita. I want to be there with you sa tuwing may photoshoot kayo. Gusto na kitang mayakap ulit. I know I am mean and cold to you pero... Mahal na mahal kita. I just don't know know how can I let you feel it because everyone knows how heartless and unexpressive I am before. Ikaw ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko, Charm. Pinakilala mo sa akin ang totoong Primo. Hindi 'yong mayaman, hindi mayabang, hindi mataas ang ego at hindi mataporbe. Pinakilala mo sa akin ang Primo na nagmamahal lamang ng isang Charm Fierro.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD