Chapter 7 : Living With A Heartless Man

1649 Words
[Charm's POV] Naku naman. Heto na naman si kamatayan. Sunod sunod na putok ang naririnig ko. May kakaonting tama na din ang sasakyan namin. Nakayuko ako at patuloy pa rin sa pagmamaneho si Primo. Napatakip nalang ako ng marinig kong pumutok ang isang gulong ng sinasakyan namin. "f**k!" Napahawak nalang ako sa kamay ni Primo. May magagawa pa kaya kami? Sobrang bilis na ng kabog ng dibdib ko. Si Primo naman mukhang nag iisip ng paraan kung paano namin malalagpasan 'to. I move my face to him when I felt his hand on mine. Nakadating na kami sa isang tulay. Wala na kaming mapupuntahan, butas na ang isang gulong at kapag bumaba kami mababaril kami. "Do you believe in life after death Primo?" napahawak na din ako sa kamay niya. Nasa gilid na ang kotse namin at unti unti ng bumubukas ang pinto malapit sakin. Gusto ko ng pumikit ngayon palang, wala na talaga. Parang umiikot na lahat ng nasa paligid namin. Marahil ay dahil wala na ding direction ang koste namin. Paunti unti ko ng pinipikit ang mga mata ko ng marinig ko ang sigaw ni Primo. Kinakabig niya ang katawan ko palapit sa kanya. "Listen to me Charm. Naniniwala ako sa buhay after the wedding natin." napahigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Pulling me closer. "Kapag sinabi kong talon. Sabay tayong tatalon!" punong puno ng tapang ang boses at ang mga mata niya. Sa aming dalawa ako itong pinanghihinaan ng loob, eh kung iisipin ako naman ang pakay ng mga taong ito. Nadadamay lang si Primo. Gosh. Mamatay siya dahil sakin. "Sigurado ka ba dyan Primo?" nanghihina na ang katawan ko sa plano niya. May pag asa pa ba kaming mabuhay sa ganun set up? "We're in a bridge Charm. Tubig ang nasa baba natin. Wala na tayong iba pang pwedeng puntahan. Life is all about taking risk and facing death. Wag kang matakot. May tiwala sakin di'ba?" tumango ako sa kanya at doon ay tumulo na ang luha ko. Niyakap ako ni Primo kasabay ng pagbulusok ng sasakyan. Dinig ko ang mga putok at ang amoy ng umuusok na makina ng sasakyan. Hindi ko na namalayan pa ang sunod na nangyari, basta ang alam ko kasama ko si Primo at nagtiwala ako sa kanya. Wala naman kami sa action movies para maranasan namin 'to. Simpleng tao lang kami na kumakain three times a day. Walang something special. Isa akong rape victim na nakamove on na at si Primo naman ay isang hambog na may puso. Anak ng teteng papatayin pa talaga kami ng pagkakataon. "Miss! Are you okay?" Napalingon lingon ako. May benda na sa ulo ko at napalitan na din ng medical gown ang damit ko. Basa ang buhok at may nakakabit na gapos sa kamay ko. Nasa harapan ko ang isang nurse na mukhang may ginagamot pang gasgas sa tuhod ko. Pinilit kong tumayo mula sa kinahihigaan ko. "Nasan 'yong lalaking kasama ko Miss? Yung gwapo na matangkad? Gising na ba siya?" gusto kong kalagin ang dextrose sa kamay ko. Okay naman ako. Gasgas lang naman ang natamo ko pero si Primo. "Answer me Miss! Kelangan kong makita si Primo. Kelangan ko siyang puntahan." naglakas loob akong tumayo. Naiiyak na ako kasi wala siya sa tabi ko. Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanya. Ito namang nurse pinipigilan ako sa gusto kong gawin. "Pakalmahin niyo siya. Nakainom pa naman yan ng tubig sa tulay." natigil ang pagwawala ko ng marinig ko ang boses na iyon. Napangiti na din ang nurse na nakahawak sakin. Pumasok ang isang lalaking may benda sa kaliwang braso. Nakasout ng kulay asul na med gown at pangiti ngiti pa rin. "Bagay ba?" sabi niya sakin sabay ikot. "You're wearing pink and I'm on blue. Kaso wala akong dextrose, hindi ako nakagapos." tinaasan niya ako ng kilay. "Oo, nakagapos ako pero may pilay ka naman. Sorry talaga Primo." I want to hug him pero ayaw naman akong pakawalan nitong nurse. Eh kung siya nalang ang yumakap kay Primo. Para gustong gusto ng epal na'to eh. Lumubog ng kaonti ang kama ng maupo siya sa tabi ko. "So san ka naniniwala sa life after death or life together with me?" nagkibit balikat nalang ako. Hindi ko pa rin alam kung bakit niya ginagawa sakin 'to. Basta ang alam ko lang madami na akong utang sa kanya. Sobrang dami. At handa akong maging katulong niya para lang mabayaran lahat ng 'yon. Asawa s***h katulong. "Charm!" Kumabog ang dibdib ko upon hearing his firm voice. I just nod at him as I looked at him open-mouthed. It's been a week simula ng mangyari samin ang insidenteng 'yon. Wala naman akong nagawa when he told me to stay in his place. Pangunahing dahilan is for my safety, second is for him to watch over me habang nagpapagaling ako and ang huling dahilan ay para maalagaan ko din siya. Unfair naman daw kasi kung siya lang ang mag aalaga sakin. And mukhang hindi naman ako nagkulang sa pagiging nurse niya. Palagi kong chinecheck kung masakit pa ba ang balikat niya at pinapalitan ang benda sa tuwing nababasa niya. Palagi kong din siyang inaalalay para sa lifter nito. Hindi pa rin kasi pwedeng tanggalin ang benda niya sa kamay hanggang walang advice ang doctor. Tapos na kami sa unang check up niya. Next month na naman daw uli. When he saved me, yakap yakap niya ako ng bumagsak kami sa tubig. Doon ay natama pala ang balikat niya sa isang broken cement. Hindi ko na tinanong kung anong details nito dahil baka masadagdagan pa ang guilt ko. Dahil sakin hindi siya pwedeng magbuhat ng mabibigat, he can't even drive at bawal din sa kanyang pumwersa. Lahat ng mabibigat bawal sa kanya and how I wish na bawal din sa kanya ang pagbubulyaw. Heto siya sa harapan ko at pilit akong pinapakain ng apple. "Eat this apple!" bulyaw niya sakin. "Primo! Wala na akong sakit. Ikaw na ang kumain niyan! Eat the apple." Nakailang sabi pa ako sa kanya before I convinced him to eat it. Kelangan niyang magpalakas. "Nabasa mo na ba ang laman ng newspaper? Alam na ng lahat na may gustong magpapatay satin dalawa. Other said that it is politically related, business related at may haka haka ding baka ex boyfriend mo daw na gusto kang agawin sakin." hawak hawak ng kanang kamay niya ang isang apple. Hindi ko na siya sinubuan dahil naghahanda na ako ng makakain niya. Gabi na din at kelangan ko ng bumalik sa kwarto ko. Yeah. I'm in his place but it doesn't mean na magkasama kami sa isang kwarto. Binibisita ko lang siya sa tuwing may kelangan siya. "Just call me if you need me. Okay?" tumayo na ako sa kinauupuan ko. Nilagay ko sa tabi niya ang cellphone niya para kung may kelangan siya matatawagan niya agad ako. Para kasing sa paa may deperensya ang taong ito at tinatamad ng tumayo. Gusto niyang inaalalayan ko siya parati. Pagkarating na pagkarating ko sa guess room ay nahinga na agad ako. Masaya naman palang makasalo ang pamilya niya sa hapagkainan. Parang naalala ko tuloy noong kumpleto at masaya pa ang pamilya ko. Hindi pa nawala si Dad at wala pang longingness sa puso ng Mom. Hindi kami kumakain ng hindi sabay sabay. At habang kumakain kami, smiles are on our faces. May kanya kanya kaming baong kwento, alam naman kasi naming every dinner lang kami nagkakasama. Minsan kasi hindi na nakakapag breakfast si Dad dahil maaga siyang may travel. Kung tutuusin napakaswerte pa ni Primo dahil buo pa ang pamilya niya. Siya ang dapat maging jolly at masigla dahil madami pang nagmamahal sa kanya. Hindi tulad ko na nanlilimos nalang ng pagmamahal mula sa ibang tao. Ang drama naman. Tama na nga at baka maiyak pa ako. Kinuha ko ang kumot at nagtakip ako. Nagring naman agad ang phone kaya sinagot ko na. Si Primo may kelangan ata. "Yes?" dinig kong napabuntong hininga siya sa kabilang linya. "Can I ask for a milk? Hindi kasi ako makatulog." parang gusto kong matawa sa favor niya. Umiinom din pala ng gatas bago matulog ang isang Primo Rivera. "Umiinom ka ng gatas? Whe?" diskumpyado kong tanong. Nakarinig naman ako ng kalabog mula sa kabilang linya kaya dali dali ko na siyang pinagtimpla ng gatas. Dinala ko agad ito at bumalik na naman sa kwarto ko. 10:30 pm na din. Siguro tulog na yun at wala ng inuutos pa di'ba. Dinamihan ko naman ang gatas nun kaya sigurado akong aantukin siya agad. Makatulog na nga rin. Dinalaw na nga ako ng antok ko ng muling nag ingay ang phone ko. Tumatawag na naman siya. "Hindi ka pa tulog? Ano pong kelangan niyo?" I heard him groan. Mukhang nakatulog na ata siya kaso nagising lang. "Kelangan ko ng bed warmer." Shit! Binaba ko na ang phone. Sira talagang ang lalaking 'yon. Gagawin ba naman akong bed warmer eh inaantok na nga ako sa pagod. Gusto ko na din ng rest. Di nagtagal muling tumunog ang phone ko. Natagalan pa akong sagutin ito dahil wala na sana akong balak at baka kung anong kabulastugan na naman ito. "Oh ano na namang kelangan mo Primo?" mahina na ang boses ko. Pakiramdam ko nga malalaglag na mula sa pagkakahawak ko ang phone. Nakarinig ako ng malademonyong halakhak mula sa kabilang linya na ikinatindig ng lahat ng balahibo ko. "Kumusta na Charmaine? Mabuti naman at hindi pa kayo magkasama ng ina mo. Namiss mo ba ang Tito? Hahahaha. Kasi ako miss na miss na.... Naibagsak ko ang hawak ko sa sahig. Hindi ko maipaliwanag ang bilis ng t***k ng puso ko. Ang panlalamig ng mga daliri ko at ang panghihinang nararamdaman ko. Pinaghalong kaba, takot at galit ang tumatakbo sa mga ugat ko sa mga oras na'to. Walang hiya talaga ang hayop na yun! He's a living nightmare. Demonyo siya! Hindi ko din namalayang umiiyak na ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD