Chapter 11 : Losing Him

1467 Words
[Charm's POV] "I think you should go home, hija." nabigla ako sa pag tap ng mama ni Primo sa balikat ko. Nakaidlip na pala ako sa pagod, kahihintay na magising siya. Ilang minuto pa bago nagawang magsink-in sa utak ko ng sinabi ng mama ni Primo. Hmm. Gusto na niya ba akong pauwiin? Inayos ko ang sarili at napatitig sa kanya. Tila nagsusumamo na hayaan niya munang ako ang magbantay dito. Sana hayaan niya muna akong manatili sa tabi ng anak nila. Mayuming ngiti lang ang binigay nito sakin saka napabuntong hininga. "Please tita?" pagmamakaawa ko. Hawak ko ngayon ang kamay ni Primo. Hawak hawak to the point na wala akong kahit konting kagustuhang bitawan ito. "Please Tita? Gusto kong nasa tabi ako ni Primo hanggang sa magising siya." "But I want you to leave." Sabay kaming napalingon ni Tita ng marinig kung sinong nagsalita. Ang papa ni Primo. "But Sir." tumayo ako mula sa kinauupuan ko at walang nagawa kundi bumitiw sa anak nila. "This is my fault, I should stay." I said firmly. Nakakatakot ang mukha ng papa ni Primo. Halatang galit ito dahil sa porma ng balat niya sa noo. Nagsasalubong din ang mga kilay niya. "Wala kang magandang maidudulot sa kanya. Matagal ko ng sinasabi sa kanya yun. Nagpapantasya siya sa maling babae." napalunok ako sa mga narinig ko. Hindi ko inaasahang may ganun palang alam ang papa ni Primo. "I should stop this nonsense! Napapahamak lang siya dahil sa walang kwentang babae. So leave!" tinuro niya ang pintuan. Saglit akong napalingon kay Primo para tingnan kung magigising siya pero wala pa rin. Hinawakan nalang ako ni Tita at tinulungang makalabas ng pinto. Pakiramdam ko kasi wala akong lakas para maglakad. My knees turned into jelly. Gusto ko nasa tabi ako ni Primo...Gusto kong manatili kahit hindi pwede. As we reach the bench sa labas ng room ni Primo. Wala akong nagawa kundi maupo nalang. Tahimik na nagdarasal para sa paggaling niya at nag iisip ng hakbang na gagawin. "Hija. I want to thank you for loving my son. For making my little boy happy." I shrugged my shoulders as I slowly bite my lips to gain courage to speak. "Did I really make him happy Tita? I cause him pain. Hindi siya naging masaya." sabi ko nalang sa mama ni Primo. Nakangiti pa rin ito sakin sa kabila ng lahat. Kahit muntik ng mamatay ang anak niya dahil sakin. "I never cared about anybody else simula noon. Kay Primo lang Tita. Hindi ko din ginusto na mangyari ito sa kanya at magalit sakin si Tito." sambit ko habang naluluha. Tumitig lang ito sakin. "He loves you hija. He admires you so much. Kahit pa noong nagmomodel ka palang. Wala siyang ibang ginawa kundi utusan akong bumili ng magazines na cover ka. Kabisado niya ang biography mo, hindi ko lang alam kung pati ang mga investigators namin ginamit niya to know everything about you. Dati its too hard for him to utter the word I love you, pero alam mo ba hija my son learned how to love because of you." Napayuko nalang ako. Napagtanto ko ang mga magazine na nakita ko sa office ni Primo, mga information na alam niya sakin at kung bakit ganun nalang ang treatment niya. I can stop myself from feeling happy. Kahit patago lang. Mahal ako ni Primo. Hindi niya lang masabi. Tinatago niya lang na mahal niya ako. Another two days have passed. Wala pa ring sign na magigising si Primo. Hindi ko magawang kausapin ang doctor niya dahil hinaharang na agad ito ng Dad ni Primo sa kalayuan. Sabi ng mom niya, hayaan ko nalang daw. Baka mas lalo akong palayasin ng dad niya kung magpumilit ako magtanong tanong at pumasok sa loob. Kaya imbes na may malaman ako, I still have no idea. Ang tanging nagagawa ko nalang ay silipin si Primo, ipagdasal siya at patagong umiyak sa loob ng comfort room. I really miss him. Minsan nagpupumilit ang media na tanungin ako ng kung ano ano. Gusto kasi nilang malaman ang kalagayan ni Primo at ang status namin. Laman na ng pahayagan ang nangyari sa kanya. Nakasulat na din dito ang dahilan kaya syempre pangalan ko ang nakasulat dito. The most admired lady almost get Primo Rivera killed. Hay naku. I just can't take it kaya pinupunit ko nalang ang mga nababasa ko. I also gained the courage to leave at pumunta ng condo ko para kunin ang baril na binigay ni Primo sakin. Natatandaan niyo ba noong bago palang? When he ask me about the gun or d**k thingy? Ngayon mas magiging okay na ang sagot ko. I want the d**k and the gun. Parang ibig sabihin lang nito ay love and courage. The next day may nag painit na naman sa tabloid. Ito na ang nagpaluha ng sobra sakin. Parang gusto kong gisingin si Primo dahil sa hindi ko mapigilan ang mga luha ko. Hindi ko alam kung paano nangyari basta ang alam ko naungkat na ang nakaraan ko. In just five days na wala si Primo. Patuloy na ang pagsira ng demonyong iyon sa buhay ko. You don't belong here. Get lost and exclude yourself from this topic. Stop caring for Primo, be ashamed. I know your an intelligent woman, you should understand the situation and leave everything on us. Lumayo ka muna sa anak namin. "Miss. Wake up. Sasakit ang leeg mo niyan." hindi ako nagsalita sa narinig ko. Hindi ko siya pinansin, pinatong ko nalang ang braso ko sa kahoy at sinubukang matulog ulit. Wala naman akong pwedeng puntahan. Ayokong lumayo kaya dito nalang ako nagpahinga sa Chapel ng hospital. At least dito alam kong walang sinomang mantataboy sakin. Alam ko kasing wala na akong makakapitan sa mga oras na ito kundi ang paniniwala ko sa Diyos. Gusto ng pamilya niyang layuan ko siya. They want me out of his life. Hindi ko naman pwedeng ipagpilitan ang sarili ko dahil maaring mas lumaki pa ang galit nila sakin. The more I force them, the greater chance of rejection I get. I remained silent kahit pa umupo na sa tabi ko ang lalaking iyon. Siya yung janitor na tumulong sakin kahapon, nakasout na siya ngayon ng uniporme ng nurse. Fake janitor pala ang isang 'to, marahil ay nabigyan siya ng parusa ng head nurse. Naramdaman ko nalang ang dahang dahang pagbuhat niya sa akin para mai-ayos ako sa pagkakaupo. He guided my head to lean on his shoulder habang tulala pa rin akong nakatitig sa cross. I don't care who he is. I just want to rest. Niiyak pa rin ako. Naiinis ako sa sarili ko. How I wish ako nalang ang nasa kalagayan ni Primo. How I pray for his fast healing. Sana lahat ng bagay na gusto ko, mabilis ko lang na makukuha. Why so hard? Why so painful? Why? "How are you Miss?" hindi ko na naman siya pinansin. Kahit pa nakakahiyang isipin na nakikihiga ako sa kaliwang balikat niya. Napabuntong hininga lang ako. "Frustrated." I tried to remove my head from his but he stop me. "Sino ka ba? Bakit napakabait mo sakin?" "Your guardian angel? Maybe? Iron man? Superman? Batman? Basta. I can be anyone, always here to save you." patigil tigil siya kung magsalita. Marahil ay pinag iisipan niya ang mga sinasabi. "Life is no fairytale, mister. Life is not of heroes and heroines." I said convincingly. I just felt him draw a deep breath. Mula sa pagkakasandal ko ay iniharap niya ako sa kanya. Napayuko ako but he hold my chin to keep my eyes on him. I saw him smiled at me. Kitang kita ang pag iiba ng depth ng mga mata niya. Nagitlang ako. Those eyes. That smile. Ngayon ko lang napagtanto ang mga iyon, ang nunal sa gilid ng kanang mata niya tulad ng sa papa ko. Is he the reincarnation of my Dad? Did heaven sent me an angel? Hindi ko mapigil ang panlalaki ng mga mata ko. Dilat na dilat ako napatitig sa kanya. Examining the parts of his face. May resemblance talaga sila ni Dad. Parang nabuhay tuloy ang mga ala-ala ng yumaong kong ama ng makita ko ang lalaking 'to ng malapitan. I tried to touch his jaw. Siguro nabigla ito sa kilos ko kaya napaiwas siya sakin. Baka akalain niyang nababaliw ako. I just miss my Dad. He reminds me of him. "I'm a stranger. Hindi kita kilala miss. Nurse ako dito sa hospital na'to at noong nakita kitang nadulas dahil sa kapabayaan ko, when I saw you crying. I just felt something. As if I'm obligated to save and stop you from those tears." natigilan siya. Saglit na natawa sa sarili kaya napabitaw sa akin. Napangiti naman ako. He have this cute gestures. "Ang bakla di'ba?" dagdag pa niya na lalong nakapagpangiti sakin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD