Chapter One

2095 Words
Chapter One MAYUMI SABI nila, ang sagwa raw tingnan kung sa magjowa ay mas matanda ang babae kaysa sa lalaki. Sabi ko naman, keri lang basta yung lalaki ay ituturing kang mas bata sa kanya. Sa paanong paraan? Una, baby ang turing niya sayo. Pagagalitan at papaluin ka niya pag pasaway ka. Pangalawa, aalagaan ka niya kahit ang totoo ay dapat siya ang inaalagaan mo. Panghuli, sagana ka sa bitamina... este, pagmamahal na galing sa kanya. Lukaret. Kerengkeng. Maingay. Ganyan kung bigyan nila ng depinisyon ang pangalan ko. Mayumi D. Garcia. Twenty Seven years old na ako at nananatiling single and virgin. Hindi ko problema kung virgin pa ako dahil wala naman akong jowa. Ang problema ko lang ay ang magkajowa para masolusyonan yung problema ko sa pagiging virgin sa ganitong edad. Mayumi. Mahinhin kung tutuusin pero kalog talaga ako. Ayaw ko sa pademure at pabebe kaya nagkasundo kami agad ni Ruby noong una siyang pumasok sa kumpanyang pinagtatrabahuhan ko. Nakakarami na siyang anak. Every birthday ng mga anak niya ay present ako dahil dakilang ninang ako ng mga ito. Bakit ganon? Napaka unfair naman yata? Bakit ako wala pa? Noong araw na nagfirst birthday si Baby Beatrice  , ang unica hija nila ni Baste ay ang araw rin na makikilala ko ang lalaking magpapatibok sa virginity ko. Well, sige, pati na rin sa puso ko. Isa siya sa mga barkada ni Baste at una pa lang ay nagtatalunan na ang mga egg cells ko dahil nakita na nila ang lalaking gagawa ng punla para mapisa sila. Well, may kahalayan talaga ako magsalita pero I am sooo mmmeee. Kailangan kong maging ako dahil walang lugar sa akin ang pagpapakitang tao. Kaso, napahiya ako sa sarili ko nang tawagin niya akong 'Ate.' "Girl, ipakilala mo naman ako diyan sa kaibigan ni Baste. Noon ko pa talaga iyan gusto kaso mukhang hindi ako papasa sa kanya dahil sa edad ko," siniko ko si Ruby habang kumukuha ako ng cake mula sa mesa. "Alin ba? Si Kuya Arc o si Amir?" itinuon namin ang atensyon namin sa dalawang lalaking magkatabi sa sofa. Kasalukuyan ang inuman ng barkada kaya hindi nila kami napapansin. "Yung mukhang fresh tapos medyo may kahabaan ang buhok. Vladimir yata ang name," tumatagilid na ang labi ko da pagsasalita. "Si Amir nga. Sige halika," niyaya niya akong lumapit sa grupo. "Mga kumpare, siguro ang ilan sa inyo ay kilala na si Yumi, pero gusto ko ulit siyang ipakilala sa inyo. Ninang din siya ng mga inaanak niyo," nakangiting pagpapakilala ni Ruby sa akin. "Lagi nga siyang tinatanong sa akin nitong si Nathan eh," sabi ni Baste. Hmp. "Hi ate. Ngayon lang kita nakita. Parang wala ka nung binyag nitong si Harry ah," lumapit siya sa akin at nakipagkamay. "Wala kasi ako dito noon. Umuwi ako sa probinsya ng tatay ko kaya di ako nakadalo,"sagot ko. "Ang mahalaga ate, nakapunta ka ngayon," ngumiti siya. Okay na rin eh. Kaso tinawag akong ATE. "Naku, Yumi na lang," sabi ko pa. "Siyempre igagalang kita kasi mas matanda ka sa akin. Katulad din ng kay Ate Ruby," saka siya bumalik sa kinauupuan. Napilitan akong ngumiti. EEHHHH. Ayaw ko sa ATe. "Siya si Leo, si Nathan, si Arc, si Kiel, si Macky, syempre asawa ko kilala mo na, tapos si Amir," inisa isa talaga ni Ruby ang mga nasa sofa. Isa isa rin silang kumaway sa akin pero isa lang talaga ang gusto kong mapansin. Si Amir. Parang anghel ang mukha niya. Tapos napaka inosente at ang ganda ng ngiti. Bilugan ang mga mata pero pag ngumiti singkit na singkit. Ang labi mamula mula. Yung ilong niya ang tangos. Tas yung jaw-line ang ganda rin. Shocks ang perfect lang talaga niya. May katangkaran siya at medyo may pangangatawan din. Mahilig siya sa oversized shirt. Alam ko ito dahil lagi ko siyang iniistalk sa social media. "Maupo ka muna dito," yaya ni Baste. "Sige lang," sabi ko pa. "Oh ate, dito ka na sa kinauupuan ko oh. Kukuha na lang ako ng upuan," napaka gentleman din niya kaso Ate pa rin talaga. Kaya't naupo na lang ako. Marami ring taong dumating katulad ng mga kapatid ni Ruby, magulang niya at iba pang mga kaibigan ng pamilya. Kaya't puno ang bahay. Maya-maya ay naupo si Amir sa tabi ko. Well, advantage ko na naman ito. "Umiinom ka?" tanong ni Arc. "Naku hindi," tanggi ko. "Iinom na yan. Sige na ate," tsk. Iinom ako kung titigilan niya akong tawaging Ate. Uminom siya mula sa shot glass saka kumain ng pulutan. "Oh eto Ate, sasalinan na kita. Uminom ka kahit isa lang," sabi pa niya. Well, kung sa parehong shot glass kami iinom ay pabor sa akin. Shocks, saliva to saliva. "Inumin mo na ito ate oh," iniabot niya sa akin ang shotglass na may lamang alak at saka isang basong tubig. Kinuha ko ito at saka ko ininom. Wala akong malasahang laway pero at least diba? LoL. "Yoowwnn. Nice one ate," nagrequest pa siya ng apir sa akin. Nakipag-apir na lang din ako. "Hoy bruha. Baka malasing ka na niyan hindi ka makauwi ng maayos," biglang sumulpot si Ruby mula sa kusina. Nandito kami ngayon sa bahay nila sa bayan at dito ginaganap ang birthday celebration ni Baby Beatrice. Isang sakayan lang naman ako mula dito hanggang San Gabriel kaya okay lang. Huwag lang gagabihin. Speaking, alas otso na pala. "Mards, may sasakyan pa kaya ako niyan?" tanong ko. "Sa tingin ko maya maya wala na. Dito ka na matulog. Pahihiraman na lang kita ng damit ko," sabi pa niya habang pinupunasan ng face towel ang likod ni Harold na pawisan sa paglalaro. "Paano ako bukas? Buti ikaw at nakapagleave," "Ipapahatid na lang kita ng maaga. Maaga namang nagigising iyang si Baste. Pwera lang kung lasing na lasing," "Sure ka ha?" "Ikaw pa ba. Dito ka na lang muna. Tawagan mo na sila tita para alam nila. Matanda ka na at alam mo na gingawa mo. Pwera lang kung mamaya diyan, malasing ka tapos maglupasay ka. Sasabihin mo na naman, bakit wala kang jowa?" natatawa niyang sabi. Naalala ko tuloy nung party ng kaibigan namin. Nakakahiya talaga ako. "Hindi na ako maglalasing," sabi ko. "Wehhh? Sa dami na ng boteng naubos nila ilan doon ang sumali ka?" natatawa siya. Nagbilang ako at tatlong malaking Emperador na nga pala ang naubos. Pakiramdam ko ay tinatraydor ako ng alak kaya nang tumayo ako ay biglang parang gumagalaw ang paligid ko. "Oh ayan na nga ba sinasabi ko," natatawa si Ruby. "Amir, alalayan mo ng itong Ale na ito," utos ni Ruby kay Amir. "Huwag na. Kaya ko naman,"pigil ko. "Saan ka ba pupunta ate? Aalalayan na kita," "Hindi na kaya ko naman," pabebe pa talaga ako. "Sige na Bruha," sabad ni Ruby saka siya nagtaas ng kilay at pasimpleng ngumiti. Alam kong sinadya niyang utusan si Amir at pumapabor ito sa plano ko. Hmmm..Kumare ko nga talaga siya. "Naiihi kasi ako. Sasamahan mo ako?" tanong ko. "Oo ate," Luh. Sasamahan niya ako? "Sure ka?" "Aantayin po kita sa pintuan ng CR," Feeling disappointed. "Oh sige," Saka siya tumayo at pinaakbay niya ang kamay ko sa kanya. Yung isang kamay niya nakaalalay sa bewang ko. Hanggang balikat niya lang ako dahil may katangkaran nga talaga siya. Mula sa tagiliran niya ay amoy na amoy ko ang natural niyang bango na humahalo sa gamit niyang perfume. Lalaking lalaki. Alam niyo ba yung pabango na Bench I Rock? Yung kulay brown? Ganun ang amoy niya. Alam ko ito dahil ganito ang pabango ng kapatid ko. Langhap sarap mula sa kili kili hanggang sa tagiliran. Sana malayo pa yung CR. "Mards kapit ng maigi ha?" sabi pa ni Ruby. Nilingon ko siya at sabay kumindat pa ako sa kanya para sabihing... "Success Mards." Pagpasok ko sa CR ay inalalayan niya pa ako. Saka ako nagsara ng pinto. Pwera biro, nahihilo na talaga ako. Ngayon ko lang nadama ang epekto ng Emperador Traydor. Ayaw ko nang uminom. Suko na ako. Ibinaba ko na ang suot kong pants saka umihi. Ang pangit lang talaga pag umiinom ako ay ihi ako ng ihi. Kaya malamang, mamaya ay iihi na naman ako. Pagkataas ko ng pants ko ay agad na akong nagbukas ng pintuan. Pagbukas ko ay nakita kong nakasandal lang si Amir sa gilid at nakayuko. Nakapikit lang siya habang nag-aantay sa akin. Ang haba rin pala ng pilik-mata niya. Bigla siyang nagmulat ng mga mata at napatingin sa akin. "Tapos ka na ba ate?" tanong niya. Napatitig ako sa mga mata niya. Namumula ang mga ito. Parang gustong umiyak. "Ah, oo," "Halika na po," inalalayan niya akong muli. "May problema ka ba?" tanong ko sa kanya. "Wala ho," tanggi niya. Naamoy ko ang alak sa hininga niya. Mukha pa naman siyang okay pero namumula lang talaga siya. Pagdating ko sa upuan ay kinausap ako ni Ruby. "Mards, magpahinga ka na. Inihanda ko na yung tutulugan mo. May damit na rin doon sa kwarto kung gusto mong magbihis," "Mards, kung hindi ako magising ng maaga, paki gising naman ako," sabi ko. "Oo na. Sige. Ahm Amir, pakialalayan nga ulit si Yumi. Pasensya ka na ha? Ikaw na lang yata kasi ang walang tama sa mga barkada mo," baling niya kay Yumi. Nakita ko naman na ang mga kasama ko kanina ay pipikit pikit na rin. "Walang problema ate," saka siya tumayong muli. Tumayo na rin ako at inalalayan niya akong maglakad papasok sa isang kwarto. Pagpasok ko ay naupo na ako sa isang malambot na kama. Tinitigan ko si Amir habang naglalakad paalis. "Bata," sigaw ko. Lumingon siya sa akin. "Mukha ba akhoong alee sayo ha?" tanong ko. Nagsisimula nang mapraning ang isip ko dahil da alak. "Bakit ate lagi ang tawag mo shakenn?" "B-bata pa ako ha," itinuro ko pa siya. Nagkamot lang siya ng ulo saka ngumiti. "Matulog na po kayo ate," saka siya naglakad palabas. "Hmp. Tsk. Ate? Hik. Mapapasakin ka ring bata ka," Kinuha ko yung damit saka ako nagbihis. Ibinaba ko na ang pants ko at tinanggal ang damit ko. Underwear and bra na lang ang naiwan. Tapos laking gulat ko nang bumukas ang pinto. "Ate, gisingin mo na lang ako bukas kung--," napatalikod siya mula sa pintuan. Oh My God. "Aaayyyy. Ang Yamashita's Treasure, namataan naaaa," sigaw ko. "Sorry po. Hindi ko naman kasi alam na nagbibihis po kayo," "Hindi ka kasi kumakatok," nainis ako. Alam ko namang lukaret ako pero syempre babae pa rin naman ako. Kailangan ko pa ring ipreserve ang Yamashita's Treasure sa one and only guy na makakahanap nito. Pwede na din siya. Pero huwag ngayon. "Lalabas na ho ako. Gisingin niyo na lang ako bukas kung magpapahatid po kayo," sabi niya pa bago lumabas ng pinto. Parang nawala ang kalasingan ko nang mga sandaling iyon. For sure si Ruby na naman ang may pakana ng lahat ng ito. Well, nagugustuhan ko ang mga pangyayaring ito. KALAGITNAAN ng gabi ay nakadama ako ng iritasyon dahil sa naiihi ako. Madilim ang paligid pero kabisado ko ang daan palabas. Kakapa kapa akong naglakad at naramdaman kong may mga paa sa sahig. Hhhmmm. May iba pa bang tao dito? Inaninag ko ito at napagtanto kong may mga taong natutulog sa ibaba at may nakalatag ding mga foam. Yung mga bata pala. Anak ni Leo at Lara at ang ilan pa sa mga anak ni mareng Ruby at Baste. Wala si Lara dahil may pinuntahang seminar sa kabilang probinsya kaya't ang mga anak lang nila ni Leo ang nandito. Naglakad na ako palabas at kahit medyo nahihilo ako ay nahanap ko pa rin ang daan papuntang banyo. Bukas naman ito kaya pumasok na ako. Nakapikit pa akong nagbaba ng salawal nang mapagtanto kong hindi pala ako nag-iisa sa banyo. Gusto kong sumigaw pero napigilan ko nang bigla siyang tumalikod. Mula sa likod niya ay kilala ko siya. Naka hairbond siya dahil medyo mahaba ang buhok niyang bagsak na bagsak. Wala siyanv pang itaas kaya nahantad sa akin ang makinis niyang likuran. "Anong ginagawa mo rito?" napatayo ako at pigil na pigil ang ihi ko. "Nagsisipilyo po ako," sabi niya. "Kanina ka pa ba?" naiirita kong tanong. Saka siya nagmumog at naghugas ng kanyang toothbrush. "Bago ka po pumasok, nandito na ako. Kanina ka pa ah," parang naiinis siya. "Hindi ko naman alam na nandito ka pala. Sorry. Kasalanan ko ba kung hindi ka naglamock ng pintuan," umirap ako. "Kumatok ka kasi," aniya. Humarap siya sa akin at nakita ko ang dibdib niyang may Chinese character. Ang sexy lang tingnan sa kanya. "Bakit kaninang nagbibihis ako? Kumatok ka ba? Hindi pa nga tayo fair eh kasi nakita mo lahat sa akin, samantalang ako pang itaas mo lang!" hindi ko inakalang nasabi ko iyon. My Goodness. Ganito ako pag nalalasing. Eskandalosa. Nakakahiya. "Abah gusto mo pang makitang hubo ako?" aniya. Bigla akong napaatras. Nag-eecho sa banyo ang sagutan naming dalawa. "Hindi iyon ang ibig kong sabihin," sabi ko. "Pero yun ang nasabi mo, ATe," may diin ang huling salita niya saka niya isinandal sa pader ang mga braso niya dahilan para macorner ako. Ang bilis namang mahanap ang Yamashita. Huwag ngayon please. Huwag ngayon. "Huwag," sabi ko sabay pikit. "Di ba gusto mo ako?" mahina ang boses niya. Ha? Saan at kanino niya nalaman? "Sagot," aniya. "Nagkakamali ka. Palabasin mo na ako," "Lalabas ka kung aamin ka. Kanina pa kita nahahalata ATE," ngumiti pa siya. Shocks. Bakit parang nag-iba ang ugali niya? Magalang lang siya kanina. Ngayon naman, medyo bastos na. Perfect Combination. Maginoo pero medyo bastos. Aamin na ba ako? Heelllppp. . Thanks for reading.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD