Chapter Two

2618 Words
Chapter Two AMIR HABANG nag-iinuman kami sa celebration ng birthday ng inaanak naming si Harry Ismael ay hindi matanggal sa isipan ko yung pagkuha ng madrasta ko sa perang ipon ko na pang-enrol ko sana sa susunod na semester. Nakatago iyon sa cabinet ko at hinalughog niya kaninang umaga. Wala akong magawa kundi mainis sa sarili ko. Sabi niya, babayaran daw niya pero kailan pa? Ang sabi niya, pambili daw ng projects ng mga kapatid ko dahil hindi pa nagpapadala si tatay. Tsk. Hanggang kailan kaya ako magtitiis sa kanila? Takte, six thousand din iyon at mahirap kumita lalo na at isa akong estudyanteng nagsasariling sikap para matustusan ang pag-aaral ko. Sa totoo lang, gusto ko na sanang umalis sa bahay na iyon dahil wala naman akong magandang napapala kapag nandoon ako. Minsan, ako pa ang dumedelehensya para makakain sila. Puro sila luho. Kung hindi ko lang talaga iniisip ang mga kapatid ko, umalis na ako doon. Maraming mga binabae ang nag-aalok sa akin na tumira sa bahay nila, karamihan mga naging teacher ko at mga kaibigan nila. Pero ang nasa isip ko ay ayaw kong abusuhin ang kabaitan nila. Sila ang lumalapit sa akin kaya nahihiya akong hindi pumansin. Kung sana ay ginusto ko lang, matagal nang maganda ang buhay ko. Pero hindi ako ganung klase ng tao. Barka-barkada lang, wala ng iba pa. Sila ang nagkukusang magbigay, ayaw kong abutin pero pinipilit. Anong magagawa ko? May mga taong umaabuso sa kabaitan ko, lumalagpas sa linya na ginawa ko kaya umiiwas ako. Mabuti na lang talaga at may mga kaibigan akong nagiging takbuhan ko sa lahat ng oras. Hindi ko man masabi sa kanila lahat ng pinagdadaanan ko ay napapasaya naman nila ako katulad ngayon. Sila yung mga taong nagturing sa akin na higit pa sa isang barkada. Ako ang pinakabunso sa kanila at nararamdaman ko iyon. Naramdaman kong magkaroon ng kapatid mula sa kanila. Kaya’t lumalakas ang loob ko kapag sila ang kasama ko. Wala na rin kasing pakialam sa akin ang ama ko. Kaya’t sila ang itinuturing kong mga magulang. Nagtapos ako noong highschool na wala ni isang pumunta sa mga kadugo ko. Huminto ako ng ilang taon dahil na rin sa kakulangan sa pera pero nagpursige akong magtapos para sa sarili ko. KANINA ko pa nahahalatang nakatingin sa akin ang kaibigan ni Ate Ruby. Sanay naman akong maging tampulan ng atensyon ng mga tao pero iba kasi itong babaeng ito. Nahuhuli ko siyang pasimpleng nakatingin sa akin at kapag nahuhuli ay saka naman siya nagkukunwaring tatayo o kaya ay kukuha ng pagkain. Naramdaman ko ring gusto niya akong makilala kaya noong iharap siya sa amin ni Ate Ruby ay alam ko na agad kaya ako na ang unang gumawa ng moves para makamayan niya ako. Generous ako kung atensyon lang ang hihingiin ng tao. Ako pa ang mismong lalapit. Alam kong mas matanda siya sa akin kaya ‘Ate’ agad ang itinawag ko sa kanya. Halata kong nadismaya siya sa pagtawag ko sa kanya ng Ate kaya ipinagpatuloy ko ito. Alam ko rin na gumagawa ng paraan si Ate Ruby para maging close kami nung babae dahil laging ako ang inuutusan niyang mag-alalay dito. Ayos lang naman sa akin. Wala naman masama kung magkagusto siya sa akin. Yun nga lang, mas matanda siya sa akin. Baka hindi niya ako mapasensyahan. Ngayon naman ay pumasok siya sa banyo habang nagsisipilyo ako. Katatapos ko lang maligo dahil hindi ako komportableng matulog na nanlalagkit. Nabigla ako nang pipikit pikit pa siyang nagbukas ng pintuan at saka nagbaba ng salawal saka naupo sa bowl. Hindi ako naka-imik kaya’t tumalikod na lang ako para hindi makita ang pwedeng makita sa kanya. Tsk. Nananadya ba siya? Ngayon at kami na lang dalawa ay hindi na ako mahihiyang komprontahin siya. Nagmumog ako at nagpunas ng bibig. Ikinagulat niya naman nang maramdaman niyang hindi pala siya nag-iisa sa loob ng banyo. “Abah. Gusto mo pa talagang makitang hubo ako,” wika ko sa gitna ng pag-uusap naming dalawa sa loob ng banyo. “Hindi iyon ang ibig kong sabihin,” napaatras siya. “Pero iyon ang nasabi mo, ATE,” ipinagdiinan ko ang tawag ko sa kanya. Idinikit ko sa pader ang pareho kong mga kamay dahilan para makulong siya. Ayaw niyang tumingin sa mga mata ko pero titig na titig ako sa kanya. May epekto na sa akin ang alak kaya hindi ko na rin kontrolado ang naiisip kong gawin sa ngayon. “Huwag,” pigil niya. Luh. Wala naman akong gagawing masama sa kanya. “Di ba gusto mo ako?” bulong ko sa kanya. Hindi siya makapagsalita. “Sagot,” bulong ko. “Nagkakamali ka. Palabasin mo na ako,” “Lalabas ka kung aamin ka. Kanina pa kita nahahalata, ATE,” nginitian ko siya. Nasa ganoong posisyon kami nang may kumatok sa pintuan. “Amir, hindi ka pa ba tapos? May naliligo pa kasi sa banyo sa loob ng kwarto,” si Ate Ruby. Paktay kang bata ka. Napaatras ako at hinayaan ko na lang na siya ang magbukas ng pintuan. “Huh? Kanina pa ba lumabas si Amir? Ikaw pala iyan mards?” hindi ako nakikita ni Ate Ruby dahil nasa likod ako ng pinto. “Ah eh,” hindi niya masabi. Bigla akong sumulpot at napatakip ng bibig si Ate Ruby. Nagkamot ako ng ulo saka sinabing: “Pinasok niya ho ako,” kunwari ay sumimangot pa ako. “Huh? Hindi kita pinasok ha? Feeling nito,” tanggi niya. “Ikaw na nga itong pumasok tapos gusto mo pa akong makitang hubo,” baling ko sa kanya. “Hindi ko sinabing gusto kitang makitang nakahubo. Pwede ba?” “Wait. Wait. Wait,” naguguluhan na si Ate Ruby sa aming dalawa. “Sino ba naunang pumasok sa banyo?” tanong ni Ate Ruby. Itinuro ko lang si Yumi. “Wait lang mards, nagkakamali ka ng iniisip,” gusto niyang mgapaliwanag pero natatawa na si Ate Ruby. “Okay mards. Sige na. Magpahinga na kayo,” natatawang wika ni Ate Ruby. “Amir, kung hindi magising ng maaga ang kuya Baste mo, pwedeng ikaw na lang maghatid kay Yumi bukas? Gamitin mo na lang yung tricycle. Papasok ka rin naman diba?” request ni Ate Ruby. “Sige po Ate. Kaso gusto niya kayang ako ang maghatid sa kanya?” “Aarte pa ba siya?” Tumingin kaming pareho kay Yumi. Nakapikit na ito at nakasandal sa may hamba ng pintuan ng banyo. “Hoy mare, dalhin ko na ba yung kumot mo dito?” tinapik siya ni Ate Ruby sa braso. “Ha? Ahm, nag-uusap tayo diba?” kunwari ay nakikipagkwentuhan pa siya. “Haayy naku naman mare. Sige na pasok ka na sa kwarto,” Naglakad na ito paalis. “Amir, dala mo ba yung uniform mo para bukas?” tanong ni Ate Ruby bago pumasok sa banyo. “Opo. Dinala ko na po,” umiinom ako ng tubig sa kusina. “Saan ka matutulog niyan? Mukhang puno na lahat ng pwedeng higaan,” “Maghahanap na lang ho ako mamaya ate,” “Sige na. Feel at home ka na lang at magsashower lang ako. MAtulog ka na rin at maaga ka pa bukas,” “Sige po ate. Salamat,” Nagsiuwian na ang mga bisita kaya’t mga barkada ko na lang ang naiwan maging ang mga anak nila. Pagkainom ko ay naghanap ako ng pwedeng matulugan. Kanya kanya nang hilata ang mga barkada ko sa sofa, may mga naglatag na rin ng foam sa lapag. Malalaki ang katawan kaya mukhang wala akong mahihigaan nito. Kumatok ako sa kwarto ng mga bata at walang sumasagot. Binuksan ko ito at laking pasasalamat ko dahil bukas pa pala ito. Pumasok ako at mula sa ilaw ng cellphone ko ay tiningnan ko ang lapag. Mga bata ang nakahiga sa foam. Hindi ako makakatulog nito kapag kaunting galaw lang, agad na akong magigising. Inilawan ko ang kama at nakita kong nag-iisang natutulog doon si Yumi. Tsk. Mukhang dito lang talaga ang bagsak ko. Bahala na. Isinuot ko ang sando kong itim saka ako dahan dahang tumabi sa kanya. May espasyo pa naman sa pagitan naming dalawa kaya hindi niya mararamdamang may katabi na pala siya. Huwag lang siyang umusog ng umusog at baka mag-away kaming dalawa. MAYUMI NAGISING ako mula sa alarm ng phone ko eksaktong 05:00 A.M. N akadantay ang ulo ko sa isang matigas na bagay at ang mga paa ko sa isa na namang matigas na bagay. Kinapa koi to at shemayyyy, iba na ang naramdaman ko. Napaatras ako at kamuntik nang mahulog sa higaan. Inilawan ko kung sino ang nasa tabi ko at nagulat ako nang si Amir ang tulug na tulog sa kama. Nakapasok ang kanang kamay niya sa loob ng shorts at ang kaliwa ay naka-unat sa higaan. Iyon pala ang inunan ko. Tiningnan ko ang sarili ko at nakita kong maayos naman at nakasuot pa rin ang damit ko. Anong ginagawa niya dito? Bakit dito siya natulog? Bigla siyang gumalaw at nakita kong nagmulat siya ng mata pero nasilaw agad siya dahil nakatapat sa kanya yung flashlight ng phone ko. “Oooyy, yang ilaw mo,” nagtakip siya ng kamay sa mukha. Kita ko ang mga labi niyang sumimangot. “Hoooy, anong ginagawa mo dito? Bakit dito ka natulog?” napalakas ang boses ko. Nagulat ako nang bigla niyang takpan ang bibig ko gamit ang kanang kamay. Shocks. Iyon yung ihinawak niya sa???? Oh My God. Amoy kulob na…. pero mabango. “uuhhhmmm,” pilit kong tinatanggal ang kanang kamay niya pero yung kaliwa ay nasa batok ko na. “Ang aga aga ang lakas ng boses mo,” bulong niya. “Uhhhhmmm,” ang lakas niya lang at hindi ko matanggal. Hanggang sa nagkusa na rin siyang tanggalin. Habul-habol ko ang hininga ko nang mga sandaling iyon at sure akong hindi mawawala sa pang amoy ko ang amoy ng kamay niya. Kainis. “Alam mo ba kung saan mo ihinawak iyang kamay mo ha?” mahina kong sabi sa kanya. Nahiga siyang muli at prenteng inunan ang dalawang kamay niya. “Hindi ko alam,” saka siya pumikit. Maliwanag pa rin ang kwarto dahil nakailaw ang cellphone kong nahulog sa tabi ng unan ko kanina bago niya ako takpan ng kamay sa bibig. “Gago ka. Hawak mo lang kanina iyang compass mo tapos inihawak mo sa bunganga ko,” kinuha ko yung unan at saka ko ihinampas hampas sa kanya. Napabangon naman siya para umilag sa paghampas ko ng unan sa kanya. Maya maya ay kinuha niya rin ang isang unan at gumanti sa akin. Agad akong tinamaan sa tagiliran at sobrang nasaktan ako. Para kaming mga batang naghahampasan ng unan sa dilim at ang repleksyon naming mula sa ilaw na galing sa flashlight ng cellphone ang nagpapagulo sa paligid dahil sa mga anino naming animo ay mga higanteng nag-aaway. Bigalng bumukas ang pintuan ng kwarto at may nagsalita. “Ang aging labing labing niyan ah. Ang sweet,” si mareng Ruby. Tumigil kami sa paghahampasan. Aayusin ko na sana ang higaan pero umisang hampas pa siya ng unan sa pwetan ko sabay takbo palabas. Napahalakhak si mareng Ruby dahil malakas ang tunog ng unan na humampas sa pwetan ko. Nakakainis naman talaga ang lalaking iyon. Napaka-childish. Pagkaayos ko ng higaan ay lumabas na rin ako at nagtungo sa kusina. Nag-iinit si mareng Ruby ng mga tiring pagkain habang si Amir naman ay nagtitimpla ng kape. Tatlong mugs ang tinitimplahan niya kaya alam kong kasali ako doon. “Ate Ruby, matapang po ba kape niyo?” tanong niya kay mare. Naupo ako sa tapat niya. “Sakto lang,” “Ikaw Ate? Matapang ba gusto mo? Yung amoy pa lang mapapahigop ka na?” tumaas baba pa ang mga kilay niya. Alam kong dalawa ang ibig sabihin niya dahil sa nangyari kanina. Tiningnan ko siya ng may sarkastikong ngiti. “Gusto ko yung matapang. Para kaya akong ipaglaban,” sagot ko. “Hindi naman lahat ng matapang kaya kang ipaglaban. May mga matapang na sayo din lang ginagamit at hindi sa karibal o kalaban,” sabad niya. “Ang aga aga naman ng mga hugot niyo,” tumabi si Ruby sa akin. “Hinugot ko naman, bakit may nabuo? Boom!” singit ni amir. “Ikaw talaga Amir ha? Saan mo natutunan iyang mga ganyan?” natatawa si Ruby sa kanya. Hmmmp. Manyak mode yang Amir na iyan. “Wala naman ate. Naisip ko lang,” nagkamot pa siya ng ulo. Naghain na kami ng pang-almusal. “Oh siya, kumain na muna kayo. Maag pa kayong papasok. Nakaleave ako kaya hindi ako aalis ngayon. Sinasabi ko na nga bang knock out pa rin si Baste. Mahina talaga iyon sa alak,” naupo na si mare sa tabi ko. PAGKATAPOS naming kumain ay naligo na ako kaagad. Nang makapagbihis na ako ay saka ako nagsuklay at nagmadaling lumabas ng kwarto. “Mards, naghihintay na si Amir sayo sa labas. Tricycle na lang muna ang gamitin niyo. Hindi ko alam kung saan dinala ni Baste ang susi ng sasakyan,” buhat buhat ni Mareng Ruby si Baby Harry Ismael. “Salamat mards. Una na ako. Kita tayo bukas,” paalam ko saka ako humalik sa bata. “Say bye to ninang,” hinawakan niya pa ang kamay ng bata saka ikinaway ito. “Sige mards. Bye na,” lumabas na ako ng bahay. Nasa kalsada na si Amir at nakasakay na sa tricycle. Nakastart na rin ito at mukhang ako na lang talaga ang inaantay. “Ang tagal mo naman ate,” reklamo niya. Tumakbo ako paikot para sa loob ako sasakay. “Pasensya ka na,” umirap pa ako. Nakauniporme na siya at ang bango bango niyang tingnan. Makintab din ang buhok niya na ayus na ayos dahil siguro sa gel o kaya ay pampaayos ng buhok. Maya maya ay lumiko siya sa isang kanto at hindi ito papunta ng San Gabriel kung saan ako nagwowork. “Bakit ibang way tayo?” tanong ko. “May idadaan lang ako sa bahay ng teacher ko,” aniya. Tsk. Ten minutes bago mag alas syete na. Malelate ako nito. Huminto kami sa isang magarang bahay na may yellow na gate. Bumaba siya at tinawag ang may-ari nito. “Maaanggg,” Huh? Mang? “Maaanngg,” Ilang saglit pa ay lumabas ang isang lalaki ay este binabae yata iyon na medyo may edad na, sa tingin ko ay 30s na at nagbukas ng gate. “Buti na lang nandiyan ka sa kabilang kanto. Salamat ha? See you later. Daan ka muna, mukhang 8 pa naman ang pasok mo,” yaya nito pagkaabot ng isang blue na supot. “Naku mang, may ihahatid pa kasi ako eh,” saka siya lumingon sa akin. “Ate mo?” tanong ng teacher. Kung ako ang ate, ikaw ang lola. Kainis! “Ah hindi po. Kaibigan ng asawa ng barkada ko,” sagot niya. “Ah ganun ba? Sis pasok muna kayo,” tawag nung teacher sa akin. “Naku huwag na ho. Malelate na rin po kasi ako,” sinadya kong sabihin iyon para tigilan na nila ang pag-uusap. “Oh siya, kita na lang tayo mamaya,” sabi ng teacher. “Sige mang,” saka siya naglakad pabalik sa kinaroroonan ko. “HHmmmmm, tagal makipag-usap,” parinig ko. “Sana nagcommute ka na lang ate kung nagrereklamo ka,” sagot niya. “Hindi naman. Sige na. Andar na,” utos ko. Wala siyang kibong nagmamaneho. “Bakit man gang tawag mo sa kanya?” maya maya ay tanong ko. “Bakit mo tinatanong?” “Wala lang. Curious lang ako,” “Sabi niya kasi ay man gang itatawag ko sa kanya,” “Okay,” teka pang din ba ang tawag nito sa kanya? Jusko, naunahan ako ng beki? “Ano yung ibinigay mo?” tsk. Ano nga kaya? Gamit na brief? Boxer shorts? O baka naman gamit na condom? Naku huwag naman please. “Gamot iyon. Para sa nanay niya. Pinabili niya sa akin kahapon,” sagot nito. Haaayyy gumaan ang loob ko. “Close kayo ano?” tanong ko ulit. “Bakit po ang dami mong tanong?” “Bakit bigla kang nagsusungit?” balik tanong ko. “Hindi naman ho kasi tayo close,” sagot niya. “E di maging close tayo,” alok ko. “Ayaw ko sa babaeng naghahabol,” “Gusto ko sa batang tulad mo,” awww umamin agad ang beauty ko. “Katulad niyan. Wala man lang paghuhunus-dili,” “Mabuti na yung tapat. Una pa lang sinabi na ang balak,” sagot ko. “Saan ba ang trabaho mo? Malapit na tayo sa boundary,” pukaw niya sa usapan. “Sa mismong boundary,” sagot ko. Ilang saglit lang ay nakarating na kami. Bumaba na rin ako. “Salamat. Ingat ka. Deretso ka nan g school niyan,” “Yes,’ ngumiti lang siya. “Okay,” saka ako tumalikod. Please tawagin mo ako para kunin mo ang numbe rko. Please. Sigaw ng utak ko. Dahan dahan pa akong naglakad. “Ate,” sigaw niya. Napahinto ako sa paglalakad. “Bakit?” lumingon ako. Lumapit siya sa akin. Kinabahan ako. Shocks, hahalikan na ba niya ako? Ang bilis naman. “Tumalikod ka po,” abah at inopo ako. Tumalikod ako. Agad kong naramdaman ang mga kamay niya sa bandang puwitan ko. “Abah bastos ka,” hinawakan ko kaagad ang kamay niya. “Sige, hayaan na lang nating nakabukas ang zipper ng suot mo,” ngumiti siya sa akin. Shocks ang haba pa man din ng zipper sa likod ng skirt ko. At kita mula doon ang panty na suot ko. My goodness. Agad kong isinara ito. Nakuha ko pang maglandi bago ayusin ang sarili ko. Kainis! Pahiyang pahiya ako. End of Chapter Two. Thanks guys. Kindly follow the story and also the author para updated kayo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD