Ngumiwi si Dylanne nang magising kinabukasan. Masakit na naman ang ulo niya dahil sa hangover. Nagkalat ang ilang mga chocolate at iba’t ibang junk food wrappers at saka bote ng wine at glasses dahil sa nagdaang gabi.
Tulog pa ang mga kasamahan niya sa couch o kaya sa carpeted floor samantalang nagising siya dahil sa tumunog ang kanyang cell phone. Si Ate Claren niya.
“Dylanne! Can you get ready in five hours? Sabi ni Kuya Coulter na aalis siya dahil sa emergency ko para naman makita ko na si Daddy. May inaasikaso lang siya at aalis din ang private jet niya mamaya,” sabi nito.
Napabalikwas siya sa kinahihigaang sahig. Nasipa niya pa tuloy si Anna sa ulo nang hindi sadya. Umungol at nagising ito.
“Aww!” Hinampas siya nito sa paa.
“Sorry!” hinging paumanhin niya sa kaibigan at tumayo na.
“O, ano?” usisa ng pinsan.
“Magpapaalam lang ako kay Dad at kay Coach Vaslek,” tugon niya.
“Great! Magagawa mo naman iyan in just a few mminutes, ‘di ba? Nag-iimpake na ako. I’ll be there at your house in about two hours tops. May tatapusin lang ako sa office. Tapos, dadaanan tayo ng limo ni Kuya Coulter. Si Mang Luisito ang maghahatid sa ‘tin sa airport.”
Pagkatapos ng usapan nila ay naghilamos muna siya at nag-toothbrush bago naghanda ng almusal para sa lahat ng mga kaibigan niya at ama. Weekend naman ngayon kaya walang pasok ang ama. At least, lately hindi na ito pumapasok sa factory kapag weekends para panoorin siya sa kanyang pagsasanay sa ice rink o kaya naman ay ipinagluluto siya ng paborito niyang pagkain.
Pagkatapos nilang mag-almusal lahat ay nagpaalam na ang mga kaibigan niyang umuwi at pinasalamatan ang ama niya. Kinausap na niya ang ama tungkol sa nangyari sa nakatatandang kapatid nito at nasorpresa ito.
“Bakit hindi mo agad sinabi sa ‘kin kagabi?” sumbat nito.
Bumuntong-hininga siya.
“Mag-aalala kayo at baka hindi kayo makatulog. Pero sa tingin ko ay ayos naman na si Tito Richard. Bibisitahin nga namin ni Ate Claren doon sa Pilipinas. Kung gusto mong sumama, sasabihin ko kay Ate.”
“Private jet ba ni Coulter ang gagamitin?” tanong nito.
“Yes, Dad.”
“Then, walang problema. Sasama ako!”
Napataas ng kilay si Dylanne sa sinabi ng kanyang ama. Inubos niya ang kanyang kape saka napatitig na lang siya sa mukha ng ama. Kita niya ang pag-aalalang bumahid sa mukha nito. Siyempre naman kasi kapatid nga nito ang Tito Richard niya.
“Kelan n’yo huling nakausap si Tito Richard, Dad?” naitanong niya habang nililinis ang mahabang mesang gawa sa salamin. Inilagay niya sa dishwasher ang mga pinagkanan nila. Ilang metro lang naman ang lababo mula sa hapag.
Mukhang guilty ang ama niya.
“Just as I thought. You’re always busy that you don’t even have time to check on him.”
“We’re not fighting again, Dylanne,” babala ng amang tumayo mula sa kinauupuan nitong high-backed chair na may pakurbang korte at nakaukit na geographical design na diamond sa kahoy. Kumiskis ang paa ng upuan sa naka-tiles na sahig.
Muntik nang mapakislot si Dylanne sa iritasyon nang marinig iyon. “I’m just saying, Dad. But don’t worry. I’m also guilty here. The last time I talked to him, it was about a month ago because I’ve been busy preparing for the competition, too.”
Humugot ng malalim na hininga ang kanyang ama na moreno at wala itong bilbil kahit na busy sa trabaho. Mas matangkad lang ito sa kanya ng ilang pulgada.
Sumagi pa sa isip niya na halos kasing-tangkad lang ito ng kanyang namayapang ina. Ewan niya na lang kung ano ang nakita ng magandang ina niya sa kanyang ama. Average looks lang naman ang meron ito at hindi talaga over-over ang pagkaguwapo. Sabagay, hindi naman mapipili ng sinuman kung sino ang iibigin dahil puso ang magdidikta. At alam niyang mahal na mahal ng mga magulang niya ang isa’t isa.
“I’m sorry for yelling at you,” hinging despensa ng ama at tumalikod na para pumanhik sa silid nito.
“Me, too,” aniya na lang at saka pinaandar na ang dishwasher. “We’ll leave in less than two hours!” pahabol niya.
“Got it! I’ll just have to check everything before we’ll leave.”
“Okay lang kayong mag-leave sa trabaho?” pahabol niya ulit.
“May paid leave pa naman akong dalawang araw at may marami pa akong vacation leave. Gagamitin ko na ang mga iyon para mabisita ang kapatid ko roon. Isa pa, hindi ko na rin nabisita ang lola mo sa probinsya. Baka siya ang nag-aalaga roon ngayon. Kawawa naman.”
“Alam n’yo ba kung ano’ng problema ni Tito Richard, Dad?” Sinabayan na niya ang ama na pumanhik ng hagdan.
Kumibit ito. “Pagkatapos nilang mag-divorce ni Tita Loren mo, nalulong na siya sa bisyo.”
“Huh?”
Hindi niya alam ang istoryang ito. Akala niya ay busy lang sa trabaho si Tito Richard bilang CEO ng isang real estate company na Manila branch ng pinagtatrabahuhan nito sa LA dati. Nagpa-relocate ito sa Pilipinas pagkatapos ng divorce.
“Anong bisyo naman, Dad? Babae ba?”
Napatawa ang ama niya. “Mukha ba kaming babaero, anak?”
Umismid siya sa ama. May punto nga naman ito. Hindi nagde-date ang ama niya pagkamatay ng ina niya. Pero malay nga ba niya kung sekreto lang iyon para huwag siyang magalit dito?
“Sa sugal siya nalulong. Iyon ang narinig ko kay Nanay nang minsan kaming nagkausap sa telepono.”
Napa-ah siya pero napakislot ng mukha. “Siyanga pala, Dad. Bakit ayaw ni Lola rito sa LA? Mag-isa lang siya sa probinsya, ah.”
Ilang beses lang siyang nakapagbakasyon doon, noong high school lang. Lately ay hindi na siya nakapunta roon dahil sa busy siya sa kanyang career. Hindi man maganda ang dahilan kung bakit mapauwi sila ng Pilipinas ay mabuti na rin ito kaysa hindi talaga magawi roon.
“Ewan ko ba sa kanya, anak. Ayaw niya raw sa America, eh. Nag-petition na ako dati pero inayawan niya. Gusto niyang magbubukid lang. Pero ngayong may problema si Tito Richard mo, kailangang mag-meeting nga tayo roon. Kawawa nga naman ang tiyo mo.”
“I think Ate Claren will do something about it, Dad.”
“Well, then that’s good. At itong nangyari sa kanya, baka nga mapabuti na ang buhay niya. We just need to be there for him.”
Dumating na sila sa huling baitang sa second floor at napapihit si Dylanne para makaharap sa ama.
“Dad… what you’re saying now is… really good, you know?”
Hinaplos nito ang kanyang pisngi at may malungkot na ngiti. “I’m sorry for not being there for you, anak. I promise that it’s different this time, okay?”
Rumolyo ang mga mata niya. “Malaki na ako, Dad. Noong mas bata pa sana ako ginawa n’yo na ‘yon.”
“Well, I was trying to make a living. Your mom was sick and—”
“Everyone was stressed and depressed, I know.”
Kapwa sila napabuntong-hininga. Kinabig siya ng ama at niyakap, hinagod ang kanyang likod habang namumuo ang mga luha sa kanyang mga mata.
“I miss Mom, Dad. So much!”
“Me, too, baby.”
Narinig niya ang pagbuntong-hininga nito at napatulo ang luha niya.