Chapter 7: Favor And Pajama Party

1174 Words
Sinulyapan ni Coulter ang ekspresyon sa mukha ni Dylanne habang nagmamaneho. Sakto, nakita niya ang matalim nitong tingin sa kanya. Kahit galit itong nakatingin sa kanya ay hindi nababawasan ang ganda nito. Kahit hindi niya ugaling manloko o magbiro ay hindi niya mapigilan ngayon ang sarili na huwag tuyain ang dalaga. “Excuse me? Ba’t naman ako magseselos? Sabi ko nga pumunta ka na sa date mo, eh. Selos ba iyon? Kung nagseselos pa ako, sasabihin ko sanang huwag kang pumunta o kaya naman ay gagawa ako ng paraan para hindi ka makapunta doon sa babaeng may malaking puwet!” Napatawa siya sa sinabi nito. Inirapan naman siya ng babaeng napatingin na ngayon sa dinaanan nila. “May pagkakaiba sa puwet at sa balakang,” marahang sabi niya. Isang irap na naman ang nakuha niya. “I already know what type of women you like. Ang gaga ko para maniwala sa ‘yo noon na isang figure skater ang type mo!” inis na sabi nito sa sarili pero narinig niya. Inihinto na niya ang sasakyan sa tapat ng bahay nito. Napalingon ito sa kanya at pumihit siya rito. “Is that why you chose figure skating? Para magkagusto ako sa ‘yo?” seryosong usisa niya. He held her gaze. Napalunok ang babae. “Of course not! Nagkataon lang na gusto ko ang figure skating,” anito saka nag-iwas ng paningin. Binuksan na nito ang pinto pero pinigilan niya ito bago pa man makaibis ng kotse niya. “Liar!” Inilapit pa niya ang sarili sa dalagang parang itinulos sa kinauupuan nito. Hinawakan niya ang baba nito at pinilit itong salubungin ang dark gray niyang mga mata. Napalunok ang babae. Hinimas niya ang baba nito. “Have a great pajama party, Dylanne.” Binawi ng dalaga ang baba at tuluyan nang umibis ng kotse niya. Siya naman ay napangiti sa sarili at saka sumunod na rin para ilabas ang mga pinamili. Tinulungan sila ng mga kasamahan nitong nasa loob na ng bahay kaya nagpaalam na siya pagka-check na walang ibang lalaki sa loob ng bahay kundi si Tito Rafael na saglit niyang binati bago umalis. Sumulyap pa siya kay Dylanne bago nito isinara ang pinto. Nagpatuloy na siya pauwi sa kanyang sariling bahay na nasa mga tatlong kilometro lang ang layo mula roon. Nasa isang mamahaling neighborhood naman iyon kung saan nakatira ang ilan sa mga artista sa Hollywood. “I didn’t know you’d come over,” sabi niya sa dating nobya. “I wanted to ask some favor if it’s okay,” sabi ni Maria Adana. May matipid itong ngiti sa kanya. “Sure. If I can do it, why not?” tugon naman niya. Binigyan niya ng brandy ang dalaga at umupo sa tapat nito sa may sala. Bumuntong-hininga ang babae. “It’s about my father’s company. It’s… really bad, Coulter.” “Go on. Tell me.” *** Naunang matulog ang Daddy Rafael ni Dylanne pagkapaalam sa mga kasamahan niya sa figure skating team. Nasa sala sila, nagkatuwaan, nagkuwentuhan at higit sa lahat ay panay ang tudyuan kay Dylanne. Lalo na nang inihatid siya ni Coulter na may bitbit na mga pagkain mula sa convenience store. “Seriously, Dy! I envy you,” bungad ni Dasha. Nagsalin ito ng wine sa kopita para sa kanilang lahat. “What?” nagulumihanang aniya. “Why would you? It should be my line, Dash.” Inikot nito ang mga mata pagkalapag ng wala ng lamang bote sa sahig. “Did I ever have a doting partner like Fred or a handsome blond hunk as a date like Jason?” “Hey! Fred is just… strictly a partner on the ice. We never—ever—made out or something like that. And Jason? Well, I think I really don’t want to give him hope, right?” Kumislot ang kanyang mukha. “But you already did give him false hopes, girl,” sabi ng isa pa nilang kasamahan. Si Michelle. Isang Taiwanese-American. Kilala na ng mga ito si Jason dahil lagi itong sumusundo sa kanya pagka-practice. Nagtatrabaho ito bilang banker kaya kung tutuusin ay may magiging maganda siyang buhay sa binata kung ito ang pipiliin niya. Hindi mayaman katulad ni Coulter pero magiging maayos naman ang buhay niya kung saka-sakali. Ngumiwi siya. “Honestly, I wanted to date guys for the sake of dating them and wanting to divert my feelings for Coulter to them. But… I just can’t even do that all these years!” She sounded desperate. Uminom siya ng wine. Nandilat ang mga mata ng kanyang kasamahan. Ikinuwento na niya na matagal na niyang crush, mahal na rin niya ang lalaki at nasasaktan siya palagi dahil sa girlfriend nito. “Besides, we don’t have number of each other,” dagdag niya pa at bumuntong-hininga. “Really? Are you sure he doesn’t have your digits?” anang Dasha na may nanunuksong tingin. “Yeah. Because… I don’t have his,” giit niya at pinandilatan ito. Naiiling si Anna. “It looks to me that your feelings are mutual, Dy,” marahang sabi nito. Tumaas ang kilay niya at napatawa siya nang mapakla habang nakatingin sa kanya ang mga kasamahan na tahimik lang. Tingin ng mga ito ay para siyang tinubuan ng sungay. Napaluha siya sa pagtawa at sapo niya ang tiyan. “That’s a good joke, Anna,” sabi niya. Pinunasan ang mga mata. “Dy, seriously. The way he looks at you is just… urgh! Why can’t it be me?” anang Anna at patingin-tingin sa mga kasamahan. “Anna, that’s really very presumptuous of you to say that to me, you know? Me and him? It’s not ever gonna happen. Why? Because… that Mexican woman is in his house right now!” kumumpas pang aniya. “Huwatt?” sabay na bulalas ng mga kasamahan niya na nagsilakihan ang mga mata. Tumingin siya sa kisame at sinisimsim ang laman ng kopita. Ayaw niyang isipin kung ano na ngayon ang ginagawa ng dalawa sa bahay ni Coulter—specifically, sa kama nito. Surely, nag-e-enjoy ang mga ito. At heto siya. Miserable. Nagseselos. Nasasaktan. Parang sasabog na nga siya. Parang may bumara sa kanyang lalamunan at naninikip ang kanyang dibdib. Umubo na lang siya habang nagkatinginan ang mga kaibigan niya. Ilang saglit pa ay iniba na niya ang kanilang usapan. Tungkol naman iyon sa pinaghahandaan nilang senior-level synchronized skating. Magpapaalam nga pala siya sa coach nilang hindi niya alam kung kailan siya makakabalik o makakasali pa ba siya dahil pupunta siya sa Pilipinas kasama ang Ate Claren niya. She wanted to be there for her beloved cousin and her uncle. Ever since her mother died, si Ate Claren na ang pinakamalapit sa kanya, hindi rin ang daddy niya dahil nga sa nagtatampo pa rin siya rito. Hindi niya alam kung kailan sila magiging okay ng ama. Nakatira nga sila sa iisang bubong pero malayo ang loob niya rito at madalas nga silang nag-aaway. Napahugot siya ng malalim na hininga. I’m surrounded by people, but I’m all alone, mapait na bulong ng isip niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD