“You said you liked me, Dylanne,” sumbat ni Jason sa kanya nang magkita sila sa isang coffee shop malapit sa kanilang bahay.
Pagkatapos na magpaalam ng dalaga sa kanyang coach ay namilit ang binatang makipagkita sa kanya. Agad siyang may hinuha na tungkol iyon sa nangyari kagabi.
Napatungo siya at napatingin sa kanyang kape. “I’m sorry, Jason. I thought it’d work out between us. That’s why I tried.”
“Yeah, thanks for saying that,” sarkastikong anito. Hindi maipinta ang mukha.
“I’m sorry, Jason. I really didn’t mean to hurt you or… whatever.”
“Really? You don’t sound sorry at all. But you tell that to Mark, Duke, Mark, Shawn or even Fred!”
“Tell that to… what?” Sumimangot siya.
Paano niya nakilala ang lahat ng mga lalaking naka-date ko? Pero si Fred? Hindi ko idi-nate iyon kahit kailan. Partners lang talaga kami sa ice rink!
Dalawa o tatlong beses niya naka-date ang mga lalaking binanggit nito. Sa tuwina, kapag hinahalikan na siya ay umaatras na siya at sinasabing hindi siya ready. Ang akala niya ay puwede na siyang lumampas pa sa pagde-date at makipag-steady na sa isa sa mga iyon. Kaya lang ay hindi niya pa rin kayang makipagrelasyon talaga dahil ayaw niyang lokohin ang mga ito, pati na ang sarili niya.
Si Coulter pa rin ang nasa puso at isip niya.
Ewan niya talaga kung ano ang nakita niya sa lalaking iyon bukod sa pagiging sobrang guwapo at sobrang bangong nilalang nito kahit na naninigarilyo ito noon. Hindi naman hamak na may nakita pa siyang mas guwapo at mas mabait pa sa binata kaya lang ay wala pa rin talaga.
Wala na ba akong pag-asa pang makapag-move on?
Gaga! Naging kayo ba para maka-move on? kutya ng isip niya.
Kailangan bang maging kami para mag-move on? Pareho lang ‘yon.
Napabuga siya ng hangin sa walang kuwenta niyang isip.
“You know what, Dylanne? I never thought what they said about you is true. I was a fool to believe that I could make you fall for me and that you would eventually reciprocate my feelings for you. I did everything…” Napabuntong-hininga ito, bumagsak ang balikat at napailing-iling.
“I’m really sorry, Jason,” sabi niya na naman. Guilty rin siya at naaawa siya rito.
Pero ano pa ba ang magagawa ko?
Ngumiti sa kanya nang matipid ang lalaki. “That guy last night, was it him?”
“No, he’s not,” deny niya.
Napailing ito ulit. “You know what, Dylanne? Why don’t you be honest even just for once in your life? At least with your feelings for him.”
Dinilaan niya ang mga labi at saka dinampot ang tasa para inumin ang kape. Napaso ang kanyang dila at lalamunan pero tiniis niya ang init. Parang pinarusahan ang sarili nang dahil sa ginawa niya kay Jason.
Tama ito. Dapat nga ay tumigil na siya sa ginagawa niya sa sarili niya at sa sariling damdamin. Siya rin naman ang nagdurusa hanggang ngayon.
Pero ang tanong, tama nga bang aamin na ako kay Coulter na mahal ko siya? Hindi ba mas lalo lang akong masasaktan kapag ni-reject niya ako? Parang hindi ko kaya!
“Just… have a happy life, Dy,” ang sabi sa kanya ni Jason at nagpaalam nito.
Naiwan lang siyang nakatulala.
Will I have a happy life without Coulter in it?
Maisip niya lang ang Mexicana na iyon ay parang dinurog na ang puso niya sa sobrang sakit. Uminit ang sulok ng kanyang mga mata at hindi niya mapigilang huwag umiyak. Pinagtitinginan man ng mga tao ay wala siyang pakialam.
Nang tumunog ang kanyang cell phone ay para siyang natauhan. Napasinghot siya at pinahid ang luha sa dinampot na table napkin. Nang tingnan niya ay si Fred pala ang tumatawag sa kanya. Malamang nabalitaan na nito ang tungkol sa pag-alis niya mula kay Coach Vaslek na tinawagan niya kanina.
Sinabi niyang family problem ang dahilan. Ayaw sana siyang pagbigyan dahil kailangan niyang mag-training para sa susunod na kumpetisyon pero sinabi niyang tungkol ito sa pamilya niya kaya napa-oo niya rin ang coach nila. Sabagay, siya naman talaga ang masusunod kung hindi muna siya magte-training. Iyon nga lang, masasayang ang oras niya. Pero sino ba ang magbibilang? Kapamilya niya ang nangangailangan at dapat lang nandoon siya para rito. Pagkakataon na rin ito para mabuo sila.
“Fred, I’m sorry, but I have to do this!” pakiusap niya sa partner.
“It’s not fine, babe! You still have to perfect that Axel jump,” ang salungat nito.
Napahigit siya ng hangin. Totoo naman ang sinabi nito. Kahit isang dekada na siyang nag-ii-skate ay mahirap pa rin para sa kanya o kahit na sa sinong figure skater ang pinakamahirap na Axel jump na iyan. May pagkakataon talagang hindi perpekto iyon.
“I know. I was lucky to be able to pull it through during the competition. But, Fred, I have to be there for my uncle. I hope you understand this. In the meantime, you can ask anyone to be your partner. You can ask Anna or Dasha or even Michelle.”
“It’s not the same, babe. You know that.”
Napabuntong-hininga siya. “Whether you like it or not, Fred, I’m still going. You can’t stop me. Even though we’re partners on the rink, you don’t own me. Okay? I have to do what I have to and what I need to, all right?” naiiritang pakli niya.
Nagtaas-baba ang kanyang dibdib dahil sa inis. Ilang saglit pa ay narinig niya ang pagbuga nito ng hangin sa kabilang linya.
“When are you coming back?”
“It’s indefinite. I’m not sure. I told Coach Vaslek that.”
“Are you kidding me?” Tumaas ang boses nito.
“This conversation is over, Fred. Okay? Bye!”
Magkasalubong ang kanyang mga kilay na tinapos ang usapan nila. Marahas siyang napabitiw ng hangin mula sa baga niya. Naisip niyang kung may ipapalit sa kanya na partner si Fred habang wala siya, ayos lang naman sa kanya. Pero kung susukuan siya nito, mahihirapan siya sa paghahanap ng kapalit nito. Gayunpaman, dapat lang niyang gawin ang nararapat.
Bahala na si Fred sa buhay niya!
Sa kabilang banda, alam naman niyang hindi siya madaling palitan nito. They were so good together on the ice. They made a good team. Napatunayan na iyon ni Fred lalo na noong nagdaang competition.
Pero si Coulter, kailan ko kaya maipapakita at mapapatunayan sa kanya na mahal ko siya at wala nang iba pang babaeng magmamahal sa kanya nang lubos kundi ako lang?
Hayun na naman at nag-iinit na naman ang kanyang mga mata.
Ah, s**t! I sound so pathetic and melodramatic!
Tumayo na lang siya at lumabas ng café. Kailangan niya pang i-check one last time kung ano ang ilalagay niya sa kanyang bagahe.
***
“Buti nandito ka na,” bungad ni Ate Claren kay Dylanne.
Dumating na siya sa kanilang bahay pagkatapos nilang magkita ni Jason sa hindi kalayuang coffee shop. Naratnan niyang naghihintay na ang limo ni Coulter sa labas at si Mang Luisito ay nakasandal sa hood niyon. Halatang hinihintay na nga siya.
Bigla siyang kinakabahan.
Nandito ba si Coulter?
Pero nang pumasok na sila sa loob ng mahabang sasakyan pagkalulan ng bagahe nila ay wala roon ang binata. Napabuga siya ng hangin na hindi niya alam sa kung ano talaga ang dahilan.
Nanghihinayang ba ako o natatakot o nae-excite?