“Dylanne!” Tila napaos ang nanghihinang boses ni Payne. Napaungol ito at halos hindi makahinga sa sakit. Tatakbo sana si Dylanne para tulungan si Payne pero pinigilan siya ni Coulter, hinawakan siya sa braso at kaya nabangga ang katawan niya sa matigas nitong bulto. “Where the hell are you going? You stay here!” mariin nitong babala sa kanya na may matalim na tingin sa kanya at saka pinapasok siyang muli sa sports car ng binata. Napalunok siya habang nakikitang napaluhod na si Payne sa sidewalk. Agad na nagsitakbuhan ang mga lalaking nambugbog kay Payne bago pa man maabutan ni Coulter. “Sino kaya ang mga iyon? Bakit ba nila binugbog si Payne? Mga walang hiya ‘yon!” nausal niya sa sarili. Wala sa sariling napakagat-kagat siya sa kanyang kuko ng kanyang hinlalaki. “Isusumbong ko talaga a