Nang malaman ng pamilya ni Coulter ang nangyari kay Payne ay naawa sila rito. Sang-ayon ang mga ito sa naging desisyon ng binata na mananatili ito sa bahay ng Tita Loren niya at walang nagawa si Dylanne. “Why are you doing this?” tanong ni Dylanne nang makorner niya rin si Coulter sa kusina habang ang iba ay nasa dining room ang kanilang mga ina. Dahil mag-a-alas dos na ay tanging ang ina niya at ang ina nito ang nandoon para magpatuloy sa pagkukuwentuhan at pag-iinuman samantalang nasa guest room pinatuloy si Payne at tumuloy na sa sariling kuwarto si Ate Claren niya at sinamahan muna ni Rhyland ang anak sa kuwarto nito. “I’m just doing what’s right,” ang suwabe nitong tugon at kumuha ng karton ng soy milk para isalin sa basong hawak. Sumandal si Dylanne sa island table nang nakahalu