“What? Anything, if I can,” sagot naman ni Dylanne. “I-I’m sorry, Dylanne. I-it’s just that…” Agad niyang na-gets ang problema nito. “Is it your stepdad again? Did he hit you this time?” Baka kasi nakatunog na ang stepfather nitong bakla si Payne at ayaw nito sa mga homo. Kaya naman ay laging inaabuso si Payne ng kung anu-anong salita habang wala namang ginagawang matino ang ina nitong lasengga. “I-I just need somewhere to crash at just for the night.” Biglang parang kinuyumos ang puso niya dahil Christmas Eve pa naman, tapos ito ang nararanasan ngayon ng kanyang kaibigan. He was in a worse situation than her. “Okay. I’ll tell my mom you can come over to our house tonight,” tugon niya at biglang nakita sa sulok ng mga mata ang paglabas ni Coulter. Ewan ba niya pero lumuksong bigla a