“I’ll see you later, Coulter.” Maganda ang ngiti ng Mexicana na hinaplos sa dibdib ang binata. Pagkuwa’y hinalikan nito nang marahan sa gilid ng bibig ang lalaki bago umalis nang may nang-aakit na ngiti. Parang sinasabi nitong “Sumunod ka sa ‘kin agad, ha?”
“Okay!” sagot ng binata na nakangiti.
Si Dylanne naman ay parang tangang nakangangang nakatitig sa dalawa, lalo na sa lalaki. Naka-polo shirt ito ng puti na pinaresan ng black dress shoes at gray slacks. Kitang-kita ang matitipuno nitong biceps, malapad na balikat at medyo maskuladong dibdib, magandang porma na tiyan at lean hips, pati ang muscled thighs nitong mahahaba. Matangkad si Coulter na nasa six feet yata, sa tantiya ng dalaga. Pakiramdam niya ay kahit na adult na siya ay parang bata pa rin siya kung itatabi sa binata dahil sa height niya.
Gawd! I never realized I missed him so much! desperada na namang sigaw ng utak niya. Teka, puso ko yata iyong sumigaw ng ‘Coulter!’ s**t. Whatever! Hindi naman niya siguro naririnig, eh.
Iyon ang pakiramdam niya. It had been almost a couple of years since she saw him last.
Pero… pero ang ngiti niya… Hindi siya ngumiti sa ‘kin nang gano’n. Ang sad. I’m so hurt, Coulter. Kainis ka talaga! Gusto niyang bugbugin ang lalaki dahil sa sakit na nadarama niya.
Napatitig siya nang husto sa guwapong mukha ng lalaki kahit na nasasaktan siya. Pansin niyang maikli pa rin ang maitim na buhok nito, saka matangos ang ilong na parang gusto niyang pisilin, tapos medyo deep set ang mga matang mana sa Greek-American na ama nito na kulay dark gray, maganda rin ang pilik-mata, hindi masyadong kakapalang parang inukit ng iskultor na mga kilay at pinkish ang mga labing tila kay sarap halikan. Nanghahalina kay Dylanne, feel niya lang.
Buwisit! Tumigil ka na sa katititig sa kanya, Dy! Obvious ka na talaga! Kinastigo niya pa ang sarili sa isipan at lumunok.
Ilang saglit pa ay pasimple na lang siyang napasunod ng tingin sa Mexicana na may malaki ang puwitan na parang gustong lumabas sa mini-skirt na suot, may maliit na baywang na mahahawakan lang ng dalawang kamay ng isang lalaki, may malaking dibdib na animo’y kumakaway sa mga titingin at maganda ang mukha at itim na buhok na mahaba at maalon. Bawat hakbang nito ay maganda ang pagkaindayog ng balakang dahil na rin sa suot na heels. Kaya naman ay lalo lang itong sumeksi.
Peste lang. Ang ganda-ganda ng karibal ko! Mas matangkad pa kaysa sa ‘kin. Ito talaga ang tipo ni Coulter! Gigil ako, ah!
“Kuya, I’ll just go to the ladies’ room muna,” pagpaalam ni Ate Claren. She still sounded upset and worried.
“A-Ate Claren, pupuntahan ko lang sina—”
Naputol iyon nang umalis lang nang basta ang pinsan at humakbang sa harap niya si Coulter na kanina pa pala nakatitig sa kanya at nakapamulsahan. Bahagya na lang siyang napabuga ng hangin, naisip na hindi siguro mapakali si Ate Claren niya dahil sa balitang natanggap.
Biglang nanunuyo ang lalamunan ni Dylanne dahil sa binata. Kumusta naman ang puso niya? Siyempre, lumundag-lundag na parang bunny. Napamura siya nang ilang ulit sa kanyang isipan. Para kasi siyang minamagneto ng mga matang iyon at dagdagan pang nilulukob siya ng mabangong amoy na unique na Coulter lang.
Musky. Woody. Spicy. Sensual. Plus, Coulter. Amoy pa lang ay para na siyang mababaliw. Not to mention, natu-turn on na siya. She softly groaned inwardly.
“Congratulations on your latest achievement,” bati nito sa baritonong boses.
Laglag ang panga niya sa sahig ng restoran na gawa sa pulang tiles.
Huh? Alam niya?
Lumunok siya at tumikhim, pilit nagpatay-malisya lang. “T-thanks. H-hindi nga pala ako sumama kay Ate Claren para makita ka. B-but I have my colleagues here, in this same restaurant,” defensive na aniya na nagkautal-utal pa. Gusto na naman niyang murahin ang sarili sa kapalpakan.
Gumala ang mga mata niya sa palibot ng restoran. Pero s**t lang. Hindi niya nakikita ni anino ng isa sa mga ito.
Nasaan na ba sila? Gusto na niyang mataranta. Baka sasabihin ni Coulter na gawa-gawa niya lang iyon.
“Really? I’d like to meet and congratulate them, too,” sabi nitong simpleng lumingon din. Parang hindi naniniwala sa kanya.
Napakagat-labi siya. Iniwan ba siya sa ere ng mga kasamahan niya? Pero bakit?
Nasaan na ba kasi ang mga letseng ‘yon? Si Coach Vaslek naman na palaging maaga sa bawat meeting ay wala rin dito? Ano ba ang nangyayari?
Gusto na niyang mag-panic. Feeling niya ay trinaydor siya ng mga kasamahan sa mga sandaling ito. She also felt embarassed. Baka sasabihin pa ng lalaki na kating-kati siyang makita ito habang nasa LA ito.
“Yes, really!” taas-noong sabi niya sa matangkad na lalaki. Kahit sa suot niyang high heels ay mas matangkad pa rin ito sa kanya. Obviously and naturally. Ang layo ng agwat nila.
“Hey, babe! Sorry we’re late,” hinging-paumanhin ni Fred na inakbayan siya. Iyon naman talaga ang gawain nito kahit saan pa sila. Familiar na familiar ito sa kanya. Siya naman ay wala lang dahil partner niya naman ito sa rink pero iba kasi ngayon dahil nasa harap sila ni Coulter.
Hindi niya napansing kapapasok lang nito sa restoran kaya napaigkas siya ng ulo sa direksyon ng Amerikanong nakangiti. Matangkad din ito pero hindi kasing-tangkad ni Coulter.
“Who’s this, babe?” tanong nitong nakatingin sa love of her life.
Napansin niyang tumiim ang tingin ni Coulter sa lalaking nakaakbay sa kanya. Sinundan pa nito ng tingin ang mukha ni Fred hanggang sa bisig at kamay nitong simple at mukhang pamilyar nga ang pagkapatong sa balikat niya.
“Coulter Eugrafia of Amerisia Inc.,” maagap na sagot ni Coulter. Stoic ang mukha nitong nakatingin sa partner ni Dylanne.
Tch! Ipinamukha ba naman niya talaga iyon kay Fred? Ang yabang talaga! sa isip pa niya na naiinis. Malaking kompanya ang Amerisia, global ito.
Alam niyang mahilig mang-intimidate ni Coulter sa ibang mga tao kaya naman ay na-question na niya ang sarili kung bakit napamahal siya sa ganitong klaseng lalaki. Isa pa, halatang hindi naman talaga mutual ang damdamin nila. Ilang beses lang siyang kinausap nito nang masasabi niyang matino sa isang dekadang pagkakilala nila sa isa’t isa. And it always left her exhausted and hurt. But still, her heart was still strongly beating for the man, and she was helpless. It was damnably frustrating.
Napamangha si Fred sa narinig. “Seriously, dude?”
Bahagya niyang siniko si Fred para bitiwan na siya at maalis ang brasong nakaakbay sa kanya. Para na kasing nag-iba ang titig ni Coulter sa kanya at sa partner niya. O imahinasyon niya lang iyon? Wala naman kasing ibang sinabi ang binata.
Napaubo nang bahagya si Fred na nagbawi na ng kamay at hinimas-himas ang tadyang na tinamaan samantalang dumating naman sina Anna, Dasha, Coach Vaslek at ang iba pa. Nalaman niyang pinilit lang pala ng mga kasamahan niyang sumama ngayon ang kanilang coach kaya na-late ang mga ito sa pagdating sa restoran.
“Hi, honey!” bati ng isa pang kararating lang na lalaki saka agad na humalik sa kanyang labi.