Nabigla si Dylanne sa halik na iyon kaya napatingin siya sa lalaking humalik sa kanya. Napanganga siya dahil nandito pala si Jason. Bigla siyang pinamulahan ng mukha nang masulyapang nakatitig nang husto sa kanila si Coulter. Matalim itong nakatingin sa kanya pero sandali lang iyon. Siguro ay nagmalik-mata lang siya dahil nais niyang magseselos ito kahit paano.
As if naman. Asa ka pa, Dy! kantiyaw ng isip niya.
“Jason! I didn’t know you’d be here,” wika niya sa kararating lang na Amerikano.
Ito ang latest na dini-date niya na walang label. Hindi fling. Hindi boyfriend. Hindi rin MU. Plano niyang ito ang gawing boyfriend katulad ng iba pang mga lalaki para mapabaling ang kanyang damdamin mula kay Coulter. Iyon nga lang ay palpak siya palagi dahil si Coulter pa rin ang nasa puso at isip niya. Pati nga yata sa kaluluwa niya ay sinakop na nito. Sagad na sagad talaga ang pagmamahal niya sa lalaki. Nag-uumapaw pa hanggang langit at impyerno. At sa halip na tumuloy nga sa pagiging boyfriend niya ang mga nai-date at wala naman palang patutunguhan sa bandang huli kaya naman ay tinatawag siya ng mga itong “paasa.”
“Anna called me and I wanted to surprise you. So, here I am!” tugon ni Jason.
Nakangiti ang guwapong blond na Amerikano. May ibinigay pa ito sa kanyang isang kahon. Napilitan na lang siyang tanggapin iyon.
Nagnakaw siya ng sulyap kay Coulter na nakaharap pa rin sa kanila habang sina Dasha at Anna ay nakatitig dito. Hindi naman nito iyon alintana dahil nakapokus lang ito sa kanya.
“Um… T-this is Fred, my partner, and this is Jason…” umpisang pakilala niya sa mga ito kay Coulter.
“Her boyfriend,” dagdag ni Jason.
Sandaling napapikit ng mga mata ang dalaga. Gusto niyang itama iyon pero hinayaan na lang niya. Bahala na si Coulter. At least maisip na nitong naka-move on na siya sa kanyang “munting pagka-crush” dito.
“Are you?” simpleng anang Coulter.
Nakatitig nang husto kay Jason, tapos kay Dylanne.
“I’m Dasha,” anang kasamahan niyang iniabot ang kamay nito.
Saglit pang tiningnan iyon ni Coulter bago inilabas ang kamay mula sa bulsa para tanggapin iyon.
“I’m Anna!” saad rin ng isa pa niyang kasama na naglahad ng kamay.
Saglit lang din nakipag-shake hands si Coulter sa mga ito at sa iba niyang mga kasamahan.
“Congratulations to you all. So, it’s my treat tonight,” sabi ng lalaking may matipid na ngiti sa mga kasamahan niya. “If you’ll excuse me, I still have a dinner date with my dear sister.”
“Oh,” anang mga babae na halatang dismayado.
Napangiti si Ate Claren ni Dylanne nang makabalik mula sa banyo. Kumaway lang ito sa mga kasamahan niya at sumama na sa kapatid patungo sa isang mesa na pandalawahan.
Siya naman ay hinila na ni Jason patungo sa isang malaking mesa kung saan sila magkakasyang lahat. Mga tatlong mesa rin ang pinagdikit-dikit para sa kanila, nasa tapat lang nina Coulter.
“You didn’t tell me you’ve got a hunk of a cousin!” sabi ni Dasha na tinudyo siya habang kumakain sila ng dinner.
“He’s hawt!” sabi ni Anna na kumindat.
Lumipad ang paningin nito sa mayamang binata.
Mayayaman din sina Anna at Dasha dahil may kani-kanyang negosyo ang mga magulang sa Russia at dito sa America. Siya lang yata ang “pinakamahirap” sa kanila dahil hanggang ngayon ay isa pa ring general manager ang kanyang ama sa factory ng chocolates.
Gayunpaman ay nakayanan pa rin siyang papag-aralin ng figure skating kahit mahal. May mga part-time jobs din naman siya sa isang bar at coffee shop noon para pandagdag-gastos at mabait ang may edad na si Coach Vaslek sa kanya. Pero ngayong kumikita na siya sa pinalanunang kompetisyon ay maayos-ayos na rin siya.
Bumuga siya ng hangin.
“He’s not my cousin!” pasigaw na bulong niya. “We’re not even close!”
Uminom siya ng kanyang wine pagkalulon ng kinain.
Kumurap-kurap ang dalawa. Mabilis naman niyang ipinaliwanag sa mga ito ang relasyon nila. Napa-oh ang dalawa.
Dahil busy si Jason sa pakikipag-usap kina Fred at Coach Vaslek ay dumutdot ang dalawa sa kanya.
“Does this mean… Wait. Wait!” anang Dasha sabay kumpas.
“Yes, wait! You b***h!” segundang tudyo ni Anna sa kanyang nakangisi. “You are—”
Tinutop na niya ang bibig ni Anna bago pa nito masabi iyon. Napahalakhak naman si Dasha na tuwang-tuwa.
“Oh. My. God! You didn’t tell us, Dy!” anang Dasha. Nanlaki ang mga mata nitong kulay asul. Tila nae-excite para sa kanya.
Itinabig ni Anna ang kamay niya. “Seriously, Dy! But you’re dating Jason!” parang naeskandalong anito.
Napasulyap ang light brown na mga mata sa lalaking kausap pa rin sina Fred at Coach Vaslek.
Dylanne’s face fell. “I know, right? But…” Kumibit siya. Hindi naman talaga niya alam kung paano ipaliliwanag ito. Nahihirapan siya.
“We need a pajama party for this!” sansala ni Dasha.
Nag-facepalm ang dalaga. Ipinagkakalat ba naman nito sa ibang mga kasamahan na may instant pajama party sila mamaya sa bahay niya? Kahit na umayaw siya ay ayaw paawat ng dalawa.
“I’m coming, too!” sabay pang sabi nina Fred at Jason nang nakangisi, pagkatapos ay nagkatinginan ang mga ito sa isa’t isa.
Napangiwi si Dylanne.
“No, you’re not. It’s exclusive for girls!” taray ni Dasha.
Parang gustong pasalamatan ito ni Dylanne.
“Duh! It’s a pajama party, boys!” dagdag ni Anna.
“Burn, guys! Burn!” sabi ng ibang kababaihan na kasamahan nila saka nagkatawanan.
Ang iba ay nag-thumbs down.
Nang mapasulyap si Dylanne sa kinaroroonan nina Coulter at Ate Claren ay seryosong nag-uusap ang mga ito. Pero bago pa siya makabawi ng paningin katulad ng kanyang ginawa kanina nang ilang ulit ay nagkabanggaan na ang paningin nila ngayon ng binata.
Gusto niyang magbawi pero parang hinawakan nito ang paningin niya nang hindi niya mawari. Nang maramdaman niyang nag-iinit ang kanyang mukha ay napaiwas na siya ng paningin sa mapanuring dark gray eyes na mga iyon.
Nilagok na niya ang natitirang white wine sa kopita.
Ilang minuto ang lumipas ay naramdaman na lang niyang may humawak sa kanyang kamay bago pa niya mainom ang pangalawang kopita ng white wine. Napatingin siya sa kamay, sa bisig at sa mukha ng may-ari niyon. Biglang sumirko ang puso niya at naramdaman ang libo-libong boltahe sa katawan niya dahil sa mainit nitong palad na nakahawak sa kanya.
“I want to talk to you,” sabi ni Coulter sa mababang tono. His eyes dared her to refuse in front of everyone.
Napatingin sa kanila ang kanyang mga kasamahan, lalo na sina Fred at Jason. Napasulyap siya sa mesa nito at nakitang wala na roon ang kanyang pinsan. Tumayo na lang siya pagkalapag ng baso gamit ang kabilang kamay. Dinala siya ng lalaki sa isang sulok ng restoran kung saan may malaking paso ng halaman. Binawi na niya ang kanyang kamay nang wala nang makakita sa kanila.
“Nasaan si Ate Claren?” bungad niya.
“She has some office emergency. She asked me to send you home before you get drunk again.”
“What?” Napapikit siya nang saglit at marahas na bumuga. Inignora niya ang nag-iinit na mukha dahil sa malagkit na titig nito. “I can take care of myself, Coulter!”
“Right. Right. I forgot you have your two boyfriends with you. But Claren asked me, I said yes and I will do it. Okay?”
Napamaang siya sa sinabi nito. Mukhang tinutuya siya nito nang sadya. “W-what two boyfriends are you talking about?” Kunot ang noo niya.