Chapter 2: Interview

1144 Words
“You brought honor to the country,” sabi ng nag-i-interview sa kanilang isang babaeng reporter. Nasa thirties ito, sexy at peke ang pulang buhok, pansin lang ni Dylanne. Ini-record lang iyon para sa isang weekend show kaya kahit hindi live ay ayos na sa kanila. At least may exposure din sila. Pangalawang taon na itong sumali ng international competition si Dylanne kaya may ilan na rin siyang commercial endorsements ng sports brands tulad ng sapatos at ilang sportswear. Sina Anna at Dasha naman ay may ilang sexy commercials na ring tinanggap. “What’s next in your bucket list, your next goal?” tanong ng nag-i-interview sa kanila. Isa-isa silang nagsalita. “I’d like to enter Hollywood!” sabi ni Dasha sabay tawa. Napatawa na rin sila. Nagsalita naman ang mga kalalakihang partners ng mga ito. “I will continue to skate until I get the gold next,” sabi ni Anna nang may buong kumpiyansa sa sarili. “As a matter of fact, I am going back in the rink as soon as possible.” Nang bumaling kay Dylanne ang interviewer ay ngumiti siya at nagsalita. “Even though I didn’t get the gold medal, but I am pretty satisfied with what I have achieved so far. Honestly, Fred, my partner, and I didn’t expect to get the silver medal in our category…” Napatingin siyang nakangiti kay Fred na humawak sa kanyang kamay. “Because I know there are a lot who have been training figure skating since they were little. So, they deserve the gold, I think. As for my next step, like Anna, I will continue what I love to do, and maybe until I become a professional.” Sa larangan ng figure skating, kahit na competitors sila ay hindi “professional” ang tawag sa kanila kundi paminsan-minsan ay amateurs. Ang professional skaters ay yaong hindi na sila eligible sa International Skating Union, tinapos na ang kanilang competitive career at nagpe-perform na lang sa ilang shows. Napatingin siya kay Ate Claren niyang nakatayo sa may likuran ng crew, nakakuros ang mga braso. Nakangiti itong nanonood sa kanila. May mga personal pang katanungan ang interviewer sa kanila bago tinapos ang taping. “Do you have intimate relationship with your partners on the ice?” nakangiting tanong ng interviewer. Her green eyes were suggestive enough. “Should we… I mean, are we supposed to really answer that question?” paninigurado ng dalaga rito. Napatawa naman sina Anna at Dasha at ang mga kalalakihan. “Come on, babe. Why not answer her question?” himok ni Fred sa kanya. Napatawa siya nang mapakla. Alam naman niyang ie-edit lang ang interview na ito ngayon. “I prefer to keep my intimate relationships and other personal matters private,” sagot niya sa wakas. “Oh, well. She and I have a special relationship,” sabi ni Fred sa interviewer nang nakangiti. It was juicy enough. Hindi na siya kumibo sa sinabi ni Fred. Sa tingin niya ay wala namang masama roon. Espesyal naman talaga ang relasyon nila ni Fred dahil sa pagiging partners nila sa ice rink. Guwapo rin ang Amerikanong ito pero bakit wala siyang malisya pagdating dito o sa kahit na kanino? Gawd! Bakit si Coulter pa rin ang pumapasok sa kukote ko? May tono ng desperasyon ang pagkasabi ng isang bahagi ng utak niya. Sa bawat taong lumilipas ay minamahal niya pa rin ang kapatid ng pinsan. Kaya nga naman ay panay na ang labas niyang kasama ang iba’t ibang lalaki pero hindi niya pa rin magawang kalimutan si Coulter. Buwisit! Siya pa rin hanggang ngayon. Bakit ba hindi ako makaka-move on? Hiningan na sila ng closing message para sa kanilang fans at sa mga may gustong sumunod sa yapak nila sa larangan ng figure skating. Medyo natagalan ang interview dahil sa ilang technicalities at dagdag-katanungan. Kaya naman ay ang maikling photoshoots ay na-delay na rin. Ginabi na sila nang matapos. Nag-iimpake na sila sa dressing room nang tumunog ang cell phone ng kanyang Ate Claren at nakita niyang namutla ito habang nakikinig sa kung anuman ang sinasabi ng kausap nito sa kabilang linya. Nalaglag ang kamay nitong may hawak ng aparato. “Ano iyon, Ate?” tanong niya rito nang marahan pero kinakabahan naman at nag-aalala. Napatingin na rin sina Dasha, Anna at ang iba pa nilang kasamahan sa ate niya. May pag-aalala sa mukha ng dalawa. Nakabukas na ang pinto at umalis na ang ilan. “We’ll go ahead. We’ll see you at dinner, right?” ani Anna sa kanya. Nasa tabi nito si Dasha. Tumango na lang siya bago bumaling sa pinsan at sila na lang ang naiwan sa loob ng dressing room. “Ate Claren?” Humikbi itong yumakap sa kanya. Medyo mas matangkad ito kaysa sa kanyang height na five feet and two inches. Five feet and six inches naman ang pinsan niya. Iyon sana ang ideal height niya pero ano pa nga ba ang ipagrereklamo niya kay Lord? Ayos na rin iyon. Buti na lang hindi siya masyadong matangkad dahil ayos iyon sa kanyang piniling career na figure skating. Hindi siya masyadong matangkad o mabigat para sa kanyang partner. “What’s going on?” tanong na naman niya. Hinagod niya ang likod nito. “Nasa ospital si Daddy. He tried to kill himself!” Lalo pa itong napahagulhol ngayon. Napamaang naman siya. “Ha? Bakit naman ginawa iyon ni Tito Richard?” nalilitong usisa niya. “I don’t know! Alam mo namang hindi na kami nagkausap matagal na,” sabi nitong suminok-sinok. Humiwalay ito sa kanya at pinapatahan itong muli. “So, what are we going to do now?” banayad niyang tanong. “We?” “Oo naman! Hindi kita pababayaan, ano? Kung pupuntahan mo siya sa Pilipinas, sasama ako. Why won’t I? Tito ko naman iyon, Ate Claren. Nag-aalala rin ako sa kanya kahit hindi rin kami masyadong nagkakausap.” “Thanks, Dylanne.” Ngumiti nang matipid ang pinsang nagpupunas ng luha gamit ang peach na panyong ibinigay niya. “Okay. Mukhang hindi ka fit sa pagmamaneho ngayon sa kotse mo kaya ako na ang magda-drive bago ako pupunta sa restorang pinagkasunduan namin nina Dasha at Anna. Saan kita ihahatid?” Nang sinabi ng kanyang pinsan ay napamaang siya. Iyon din kasi ang restorang sinabi ng mga kasama niya. Bumilis ang t***k ng puso niya dahil makikita na naman niyang muli si Coulter. Hindi niya alam kung ano ang gagawin o mararamdaman o kaya ay ikikilos kapag natatanaw na naman niya ang binata. Habang nagmamaneho siya ng kotse ay pakiramdam niya namamawis ang mga palad niya. Shit! Bakit ba, heart? Tumigil ka naman sa kakakabog diyan nang ganyan! Uso ang maging kalmado. Nang dumating na nga sila sa restoran ay agad siyang humiwalay sa pinsan pero pinigilan siya nito at humarap sa kanila ang binatang may kausap na isang magandang babaeng mukhang Mexicana.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD