Chapter 6: Chocolates

1311 Words
Hindi inasahan ni Coulter Eugrafia na makikita sa restoran si Dylanne kasama ang kanyang kapatid sa ina. Si Claren. Nasaksihan pa nito ang eksena nila ni Maria Adana. Ang Mexicana ay dati niyang nobya, noong high school pa sila. Nagkahiwalay sila dahil nawalan sila ng interes sa isa’t isa. Maraming taon na rin ang nakalipas. Isa pa, nagsimula na siya noon na maging busy sa murang edad sa negosyo dahil maagang pumanaw ang kanyang amang may-ari ng airline. Ang ina niya ay hindi kayang patakbuhin ang negosyo dahil walang alam. Siguro ang alam lang nito ay ang gumastos at ang pag-aalaga noon sa nakababatang kapatid na si Claren na nasa elementarya pa lang. Bago lang ito naging businesswoman. Tinapos ni Coulter ang pag-aaral sa America pero dahil nagkasakit ang kanyang maternal grandmother ay kaya nagpresinta na siyang mag-aalaga rito at doon na sa Pilipinas namamalagi hanggang sa tuluyan na nga itong pumanaw pagkalipas ng limang taon. Gayunpaman ay doon na siya sa Pilipinas naka-base dahil na rin sa isa pang rason. Si Dylanne. Gusto niyang takbuhan ang tukso. Sa murang edad ng dalaga ay nakuha na nito ang pansin niya. Nalaman niyang crush siya nito noon dahil inamin nito kaya lang ay hindi niya pinatulan dahil fraternal cousin ito ng kanyang kapatid at mas bata pa. Magmistulang p*****t siya kapag pinatulan niya pa. Mapagkamalan pa siyang s*x offender kapag nagkataon. Mahirap na. Kung tutuusin ay dapat na kapatid kung hindi man pinsan ang dapat na turing niya rito pero hindi. Kakaiba ang bulong ng kanyang puso kahit sa malaking agwat ng kanilang edad. Pinilit niyang ibaling ang damdamin niya sa ibang babae o kaya naman sa trabaho pero hindi iyon epektibo. Sa halip, sa bawat taon na lumilipas, sa bawat pagkakataong nakikita niya ito sa personal man o telebisyon, lalo lang tumitindi ang kanyang damdamin para sa dalaga. He watched her blossom from an innocent girl to a full-bloom figure skater, a successful one at that. Katulad ng ama nito, kung puwede lang siyang magsalita noon ay hindi siya sang-ayon sa desisyon nitong hindi magpatuloy sa kolehiyo para magpokus sa figure skating. Kaya lang ay matigas ang ulo ng babae, gaya ng kuwento ni Claren sa kanya. Ito ang source niya sa mga personal na nangyayari sa buhay ng pinsan nito kahit hindi niya itinatanong. Alam kaya ng kapatid ko ang tungkol sa itinatagong damdamin ko para sa pinsan niya? Pero wala akong panahon para arukin iyon. I don’t want to. Hindi lang siya halos makapaniwala na talagang figure skating ang pipiliing career in Dylanne. Noong tinanong siya nito kung ano ang tipo niyang babae ay pabiro lang sana iyon dahil alam niyang hindi ito marunong kahit mag-roller skate man lang. Let alone ice skating and figure skating! That was way out of her league. But he was sourly mistaken. Pursigido ang babae na maging figure skater. Noon niya napagtantong gustong-gusto talaga siya ng babae. Pero nagpatuloy pa rin siyang pinanatili ang distansiya mula rito. He had to. For his sanity and dignity’s sake. At kanina, nagkataon lang na nagkita sila ni Maria Adana. She looked more gorgeous than they were in high school. Still, he did not feel anything for her. Friendly naman sila sa isa’t isa. Iyon nga lang ay hindi pa rin nito maiiwasan ang huwag maging malambing sa kanya kapag nagkikita sila kahit nang hindi inaasahan sa tuwing nasa LA siya. At alam din nitong nakabase siya sa Pilipinas. Ipinarada niya ang asul na sports car na madalas niyang ginagamit kapag ayaw niyang nagpapamaneho sa driver niyang si Mang Luisito, isang Pinoy. Ito rin ang tagapagbantay sa kanyang bahay sa LA na minana sa kanyang amang namayapa. Hindi naman iyon malayo sa bahay ng kanyang ina at ng pangatlo nitong pamilya. Gusto sana niyang si Claren ang tumira sa bahay niya pero ayaw kasi nitong mag-isa roon dahil malaki raw. Gusto niya sanang imungkahi na isama na roon si Dylanne para mas kampante siyang ligtas ito pero ayaw niyang mabuking o kaya naman ay tanungin ng kapatid. Isa pa, baka ayaw rin ni Dylanne dahil mag-isa na sa buhay ang ama nito. Kahit alam niyang hindi masyadong maganda ang relasyon ng mag-ama simula nang mamatay ang Amerikanang ina ng dalaga ay ayaw niyang mas lalong magkalayo ang damdamin ng dalawa. Napatingin si Dylanne sa kanya. “Ano’ng gagawin mo rito? Akala ko ba ay nagmamadali ka para sa date mo?” Inignora niya ang paggiit nito ng salitang date. “Get out,” sabi niya at napamaang ito. Siya naman ay lumabas ng sasakyan. “Huh! So, dito mo lang ako ido-drop off? Ang lakas mo pang sabihin sa akin na gagawa ka ng eksena sa restoran tapos ay dito ka pala eeksena?” Inis nitong binuksan ang pinto ng sports car. Itinaas nito ang kamay para pumara sana ng taxi pero hinawakan niya ang kamay ng dalaga at hinila sa loob ng convenience store habang nakangangang napilitang sumunod sa kanya. Hindi naman siya nakatingin dito habang iginala ang paningin sa loob. “You said you have a pajama party. You have to buy some things like snacks or whatever. Huh! At your age? Hindi ko inakalang nagpa-pajama party ka pa,” sarkastikong aniya. Inis nitong binawi ang kamay. “Tch! Pakialam mo ba kung ano ang gagawin ko sa buhay ko, ha? Magpa-pajama party ako kahit kailan ko gusto at kahit na uugod-ugod na ako!” Pinukulan siya nito ng tingin. Parang gusto niyang matawa nang imagine-nin ang eksenang iyon. Si Dylanne na matanda at ang mga kaibigan nito na puro nakatungkod at walang ngipin. Itinagis na lang niya ang bagang. Hinila na niya ang isang cart at itinulak iyon papunta sa isang aisle. Isinilid niya roon ang mga junk foods, noodles, ice cream, wine at chocolates. “You love chocolates, right?” aniya sa babae. Ikinuros nito ang mga braso habang naglalakad sa tabi niya at hindi nakatingin sa kanya. “I hate chocolates! Anyway, you don’t know that and you don’t know me, Coulter.” Napatingin siya rito nang kuryuso. Umiwas na naman ito ng paningin. “Girls love chocolates,” saad niya. “I’m not like your typical girls,” pabulong-bulong na anito. Pansin niya pa ang paglaki ng butas ng maganda nitong ilong. Ang ganda talaga ng tisay na babae na ito. Pero sa tingin niya ay hindi nito iyon alam nang dahil sa kanya. He never paid her any compliment. He was afraid to do so, and she might know what he felt about her. It was enough that he slipped once. “Nagtatrabaho sa chocolate factory si Tito Rafael,” wika niya na itinutulak pa rin ang cart. “That’s exactly the point why I don’t like chocolates!” inis na pakli ng babae. Halos manggalaiti ang dalaga. Seryoso nga ito, sa tantiya niya. Well, at least may nalalaman siyang bagay ngayon ukol dito. “Palagi na lang siyang nagtatrabaho noon at walang oras para sa akin pero na-stuck naman siya sa kanyang posisyon hanggang ngayon.” Nagbabaga ang kulay-champagne na mga mata nito. Hindi na lang siya umimik. Nauna itong naglakad pero wala man lang itong inilagay sa cart kahit na anuman. Binayaran na niya ang lahat na nandoon at ipinasok sa kanyang kotse. Bago pa man siya makapagpaandar sa sasakyan ay tumunog ang kanyang cell phone. “Sir, nandito si Miss Maria Adana. Naghihintay na sa inyo,” pagpaalam ni Mang Luisito sa kanya. “Okay, tell her to wait. May ginagawa pa ako, Mang Luis,” maiksing sagot niya. “Opo, Sir,” anitong tinapos na ang tawag. “Tch! Sabi ko na nga ba sa ‘yong mauna ka na dahil may date ka, eh!” iritang sabi ng babae sa tabi niya habang pinapaandar na niya ang kotse. “Nagseselos ka ba dahil may date ako samantalang may pajama party ka lang, Dylanne?” 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD