Chapter 5: Hatid

1111 Words
Nakatitig lang si Coulter kay Dylanne nang walang salita. Lumunok ang dalaga. “Isa pa, may pajama party kami sa bahay ko. So hindi mo na ako kailangang ihatid dahil may kasama naman akong pauwi.” “I don’t care if you bring everyone in town to your house, Dylanne. I promised Claren, so I’m keeping it. That’s the end of the story. Since I have somewhere else to be, tell them we’re going now. If they still want to stay, then let them. But you, I’m taking you with me!” Biglang sumikip ang dibdib niya. Somewhere else to be, huh? This sounds familiar. Napakagat-labi siyang nakatingin dito. Matalim ang tingin. Pero pilit niyang pinakalma ang sarili kahit nagsusumidhi ang pagseselos niya. Naalala niya kasi ang Mexicana na nagsabing “I’ll see you later, Coulter.” Puno iyon ng pangako. Isang pangako ng magdamag. Shit! Ang sakit talaga! Parang pinunit ang puso niya maisip pa lang kung ano ang gagawin ng dalawa mamaya. Parang gusto niyang umiyak, now na. Kaya lang ay pilit niyang pinigilan ang sarili. She did not want him to see how pathetic she was. “Puwede mong sabihin kay Ate Claren na inihatid mo ‘ko nang hindi lasing. Kaya ikaw, puwede ka nang umalis para hindi ka na ma-late sa date mo! I don’t want to be in your way, so you have my blessing to go right ahead,” sarkastikang aniya. Pinakawalan pa niya ang isang mapanuyang ngiti bago tumalikod. Kaya lang ay mabilis siya nitong sinunggaban sa kamay at hinila nito. Dahil dito ay bumangga ang kanyang katawan sa matipuno at matigas nitong bulto. Para na naman siyang nakaramdam ng sparks sa pagitan nila at tumakbo sa buong katauhan niya ang boltaheng hatid niyon. Conscious na conscious sa pagkakadikit ng katawan nila kaya lumayo rin siya kaagad na parang napaso. Pero nang babawiin niya na sana ang kanyang kamay ay mas mahigpit iyong hinawakan ni Coulter at magkahinang ang kanilang mga mata. Nasamyo na naman niya ang mabango nitong hininga at pabango. At hayun na naman. Tumahip nang husto ang kanyang dibdib. “Let go of me, Coulter!” inis na utos niya sa lalaki. “I will if you promise to come with me now. Magpapaalam ka lang sa kanila at walang eksenang mangyayari. Or else, I’d think you would enjoy a great scene. Gusto mo ba iyon, ha? Because I won’t care at all. Pagbibigyan kita.” Nanlaki ang mga mata niya. “A-anong eksenang sinasabi mo?” nauutal na aniya. Humina ang kanyang boses. Inilapit ng lalaki ang mukha sa kanya. Ilang pulgada na lang iyon mula sa kanya. Mas lumakas pang lalo ang pagtambol ng puso niya. Para na ngang lalabas na ito mula sa kanyang dibdib at siguro ay naririnig na nito yaon. Nakakahiya! “I know how you feel, Dylanne.” Napadako ang tingin nito sa kanyang pulsuhan na hinahawakan nito. Bahagya nitong hinimas iyon at napasinghap siya dahil sa dulot na kakaibang sensasyon. Shit! Ang letse, naramdaman ang pulso ko na hindi normal ang pagpintig. Ibinalik nito ang dark gray na paningin sa kanyang kulay-champagne na mga mata. “Now, are we going to make that scene, Dylanne?” paanas na tanong nito, nanghahamon. It just didn’t do any good to her heart even more. Erotic kasi ang dating. At ang utak niya ay puno na ngayon ng erotic images dahil sa suggestive words na binitiwan nito. “Damn you, Coulter!” she hissed. “I’m well aware of that, Dylanne,” tuya nito sa kanya. “I’m damned. I have been for a long while now.” Mahina pa rin ang boses nito. Parang nang-aakit. Para talagang pinaglalaruan siya nito at pati na ang damdamin niya. Naalala na naman niya ang Mexicana. Peste talaga. Kaya naman ay itinulak niya ang lalaki palayo sa kanya. Pinilit niyang humigit ng hangin para pakalmahin ang sarili. Nang bumalik siya sa mesa nila ay nagpaalam na siya. “I’ll go right ahead of you, guys. Something came up, so I’ll see you later. That is, if you still want the pajama party,” sabi niya sa mga kasamahang babae. Napadako ang tingin ng mga ito sa may likuran niya. Kahit hindi na siya lumingon ay alam niyang nandoon si Coulter. Parang pakiramdam niya ay magkakaroon siya ng butas sa likod dahil sa tindi ng pagkaka-conscious niya sa tingin nito sa kanya. “I have paid everything, so you don’t have to worry about it. Just enjoy yourselves,” pormal na anang lalaki sa teammates niya. Napalunok siya at hindi niya sinalubong ang tingin nina Fred at Jason. Alam niyang disappointed ang dalawa. Lalo namang hindi niya sinalubong ang mga mata nina Dasha at Anna na nanunudyo. Hindi niya matanggap ang mga iyon lalo na’t wala namang katuturan iyon. Kinuha na lang niya ang kanyang dalang bag at saka nagpaalam na sa kanilang coach na tumango lang. Mukhang nanantiya ang asul na mga mata. Ipinagbukas siya ni Coulter ng pinto ng dala nitong asul na sports car. Akala niya ay dala nito ang limousine para mas may privacy kasama ang Mexicana kapag susunduin mamaya at mag-e-enjoy lang habang may nagmaneho para rito. Tch! Kainis talaga at ang sakit! Nagngingitngit talaga siya habang ikinabit ang seatbelt. Itinukod niya ang siko sa may bintana at iniwas ang paningin, hindi alintana ang masuyong tingin ng lalaki sa kanya. Puno ng nakakasakit na eksena ang utak ni Dylanne. Para na nga siyang maiiyak ngayon. Nagbabadya ang kanyang luha at nagsisikip ang dibdib. Lumunok siya nang paulit-ulit habang hindi pansin ang mga diner, café at kung anu-ano pang shops at apartment buildings na kanilang dinaanan. Nandito nga sa tabi niya si Coulter pero hindi siya masaya. Kung masaya man siyang makita ito kanina dahil nami-miss niya, nag-uumapaw lang din naman ang sakit na kanyang nararamdaman dahil alam na alam niyang ang Mexicana pa rin ang gusto nito. At siya? Wala na talaga akong pag-asa sa kanya. Kahit na ano’ng gawin ko, kahit na nga naging figure skater ako nang dahil sa kanya, hindi niya pa rin susuklian ang damdamin ko para sa kanya. I should have known better. I should have foreseen this. Pero hindi. Wala akong alam. Ang tanga ko lang talaga. Sinaktan ko pa ang mga lalaking may gusto sa ‘kin nang totoo dahil nagpakabulag ako sa pagmamahal ko kay Coulter. Gusto niyang magsisi pero huli na ang lahat. Nakasakit na siya ng damdamin ng mga lalaking dumaan sa buhay niya. Iyon nga lang. Kung papipiliin siya ay si Coulter pa rin ang mamahalin niya. Tanga na kung tanga ang puso niya. Si Coulter lang talaga kasi ang ipinipintig nito simula’t sapol.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD