Tumahip ang dibdib ni Dylanne dahil sa ginawa ng binata at nagtama ang kanilang paningin. Nasamyo niya rin ang pabango nitong lalong nagpapagulo sa bawat selula ng kanyang katawan. “Don’t ever try to provoke me, Dylanne!” babala ng binata sa mahina ngunit mariing tono. Kitang-kita niya ang bahagyang paglagablab ng magaganda nitong mata. Binawi ni Dylanne ang kanyang baba na hawak nito at binigyan ito ng matalim na tingin. Ayaw niyang magpapa-terrorize sa lalaki. Naalala nga pala niyang bossy ito ayon pa kay Ate Claren niya. “Don’t boss me around, Coulter. I’m not your employee!” Napahinga nang marahas ang lalaki sa pamamagitan ng ilong nito na bahagyang lumaki ang butas dahil sa pagkainis sa kanya. If he was being difficult to her, then she could be to him. Amanos lang sila. And it’s