ZEUS CROSSED his arms while looking at his three brothers, chasing each other while in their wolf form. Hindi niya mapigilan ang matawa nang makitang dinaganan ng lobo ni Zion at Zeke ang lobo ni Zane. Isip bata na naman si Zane at Zeke, dinamay pa nila si Zion.
"Hindi ka ba sasali sa kanila?" His father said.
Hindi niya namalayang nasa tabi niya na pala ito.
Umiling siya. "It's better to watch them, Dad."
Ngumiti ang kanyang ama habang nakatingin sa mga kapatid niyang nakahiga sa damuhan, nasa anyong lobo pa rin ang mga ito.
His father chuckled. "They are so childish. Dinamay pa ni Zane at Zeke si Zion." Naiiling nitong saad.
"Ang dalawang 'yan naman palagi ang magkasama sa kalokohan, Dad. Pareho rin ang ugali nila." Aniya.
"At kayo naman ni Zion ang magkasundo." Sabi ng kanyang ama na ikinangiti niya.
"I guess ..."
Nang may biglang yumakap sa kanya mula sa likuran.
"Bakit hindi ka nakikisali sa mga kapatid mo?" Malambing na tanong ng kanyang ina.
"They're acting like a five year old kid, Mom." Sagot niya.
Nagsimula na naman kasing maghabulan ang mga ito sa malawak na harapan ng palasyo.
Tumawa ang kanyang ina at pinakawalan siya ng yakap. Lumapit ito sa kanyang ama at hinalikan sa pisngi. Her mother looked at him. "Sabi sa akin ni Zade at Dennis, ganyan daw kayong apat noong mga bata kayo."
He rolled his eyes. "Whatever, Mom."
His father kissed his mother before grinning at him. Iba ang ngisi ng kayang ama. Alam niyang may naisip itong kalokohan. Sinubukan niyang pasukin ang isip nito para basahin pero nakataas ang mind barrier ng kanyang ama. Ganun din ang mga kapatid niya.
Tumingin siya sa kanyang mga kapatid at nakita niyang nagbalik na ang mga ito sa anyong tao at nagsusuot na ng damit.
Biglang may pumulupot sa kanya na baging. Tinignan niya ng masama si Zeke na siyang may kontrol ng mga halaman. "Tanggalin mo 'to, Zeke."
Ngumisi lang ang kanyang kapatid. Lumapit ang mga ito sa kanila. Hindi niya maigalaw ang mga kamay at paa niya dahil may mga nakapulupot na baging sa kanya.
"Zeke!" He warned.
Napailing si Zion. "Huwag kang umasa na tatanggalin niya 'yan, Zeus."
"Tsk!" Nasabi niya. "Zeke, ayaw kong sunugin ang—"
"Blah ... blah ... blah ... didn't hear anything." Sabi nito at tinakpan ang tenga.
Tumingin siya sa kanyang mga magulang. Napapailing lang ang mga ito sa kanilang apat.
"What happened?" Paglapit sa kanila ni Uncle Warren, his father's beta.
His father and mother shrugged their shoulder. Tumawa naman ang mga kapatid niya. Napailing siya.
"Uncle, can you help me?"
Uncle Warren narrowed his eyes to him. "Kahit hindi kita tulungan, alam kong kaya mong tanggalin 'yan." Sabay nguso nito sa mga baging na nakapulupot sa kanya.
He rolled his eyes.
"Mom?" Aniya sa ina.
"Kaya mo na 'yan, anak." Sabi nito.
He groaned. Wala siyang nagawa kung hindi ang sunugin ang mga baging na na nakapulupot sa kanya.
"Anyway, Zeus, tapos mo na ba ang trabaho mo?" Tanong ng ama.
He nod his head. "Yes, Dad."
"Okay..."
He sighed. Nagsimula na namang mag-asaran si Zane at Zeke. Napatingin siya kay Zion na tahimik at nakatingin sa malayo. Noon pa niya napansin na ganito ang kapatid niya. Hindi ganito si Zion, yes, he's quite pero sinasabi naman nito sa kanila kung ano ang problema. Hindi katulad nito na mukhang may problema pero hindi naman nagsasalita. At napansin niyang may nagbago dito, noon kasi ay tahimik lang ito sa isang tabi at nagbabasa ng libro. Hindi ito nakikipaglokohan kay Zane at Zeke at ayaw nito ng nakukulit pero napansin niyang nag-iba ito mula ng dumating ito galing Pilipinas.
After their 21th birthday, sinabi ng kanilang ama na pwede silang pumunta kahit saan nila gusto. It's their tradition and part of their training as the prince of werewolves. At dapat hiwa-hiwalay sila. So, he explore the world alone. Marami siyang napuntahang bansa. Nakita niya ang mga hindi niya nakita sa loob mg palasyo at pack nila. Nakita niya kung gaano kabayolente ang ibang tao. And there are innocent people that need to be protected. Just like in their pack, others treating omegas as weak and outcast but he saw how his father treated them fairly. Walang mababa at mataas. He sighed.
Being the first born, siya ang tagapagmana ng trono. Siya ang papalit sa kanyang ama oras na matagpuan niya ang kanyang mate. And speaking of mate, he's already 28 but he haven't found his mate yet. Kung sakaling matagpuan niya na ang kanyang mate, sana kaugali ito ng kanyang ina, mabait at malambing sa kanila. But one thing that he will do for sure, he will love his mate more than his life.
"Zion?"
Agad naman itong tumingin sa kanya. "Yes?"
"Are you okay? Ang layo ng tingin mo." Aniya.
Umiling si Zion. "Wala 'to." Pero napansin niya ang lungkot sa mga mata nito.
Inakbayan niya ito. "May problema ka ba? You can tell us or you can tell me."
"Wala akong problema, Zeus." Bigla itong ngumisi at hinawakan siya sa balikat. "Tag your it!" Saka ito tumakbo palayo.
"What?" Nasabi na lang niya.
Tumawa si Zane at Zeke.
"Ibig sabihin, habulin mo kami." Nakangising sabi ni Zane.
"And don't be KJ, Zeus." Dagdag ni Zeke at tumakbo na ang mga ito palayo.
Napailing naman siya. Hinubad niya ang suot na leathet jacket at ibinato kay Uncle Warren. "Pakihawak, Uncle."
Nasalo naman agad nito ang jacket na binato niya at hinabol ang tatlo niyang kapatid. Una niyang hinabol si Zane. Tumatawa naman ito habang umiiwas sa kanya. Mas lalo pa niyang binilisan ang kanyang takbo hanggang sa mahabol niya ito.
"Tag your it!" Aniya.
He can't believe this! They're now 28 years old but they are acting like 5 year old kid.
Hinabol naman ni Zane si Zion pero mabilis ito. Then dumating si Gerald, kasama nito ang kambal na Cassy at Aled. Nakisali ang mga ito except kay Cassy na hindi isip bata.
"Let's go in the Dark Forest!" Sabi ni Zeke.
"Let's go!"
"Mom! Dad! We are going in the Dark Forest!" Sigaw ni Zeke na hinahabol ni Gerald.
"Okay! Be back before dinner!"
"Yes, Luna Queen!" They said in unison.
Hindi niya talaga alam kung anong pumasok sa isipan niya at sumali sa kalokohan ng mga kakambal niya.
He tsked.
He push his feet to run more faster hanggang sa maunahan niya ang mga ito.
"Hey! Zeus, wait for us!"
Hindi niya pinansin ang mga ito hanggang sa una siyang makarating sa Dark Forest. Sa bungad pa lang ay nandoon na ang kanilang Auntie Zaya na mukhang hinihintay sila. Huhulaan niya, sinabihan ito ng kanilang ina na pupunta sila ngayon rito.
"Hi, Auntie." Bati niya at umupo sa ugat ng puno. Hinintay niya ang mga kapatid at kaibigan niya.
Napailing ang kanyang Auntie Zaya. "Nag-unahan na naman kayo 'no?"
He shrugged his shoulder. "Lagi naman po, eh." Sagot niya.
Magkakasunod na dumating ang mga kapatid niya at nahuli si Gerald at Aled.
"Hi, Auntie!" Bati ng mga ito kay Zaya.
"Sinabihan ako ng Luna Queen na pupunta kayo. Anyway, kayo na ang bahala. Maglilibot pa ako dito sa buong Dark Forest." Sabi nito.
"Sige lang po, Auntie."
"Ingat po."
Bumuka ang pakpak nito at lumipad paitaas. Sila naman ay nagkatinginan at pumasok sa loob ng Dark Forest.
Walang pinagbago ang Dark Forest. Berde ang paligid. Maraming halaman at mga bulaklak ang nasa gilid ng pathway na nilalakaran nila.
"Nakakawala talaga ng pagod dito sa Dark Forest." Sabi ni Gerald.
Nilingon niya ito. "May problema ba sa Academy?"
Ito pa rin kasi ang School President at magiging Beta lang ito kapag naging Alpha na siya.
Aled sighed. Ito pa rin ang vice-president. "Araw-araw naman may problema sa Academy."
"Makabisita nga dun minsan." Sabi ni Zion.
Inakbayan siya ni Zane. "Try mo minsang sumama kay Dad sa company baka dun mo mahahanap ang mate mo." Nakangisi nitong sabi.
Napailing siya. "Sa limang taon na paglilibot natin sa buong mundo. Sa dinami ng lugar na pinuntahan ko, hindi ko siya nakita kaya malabo rin na makikita ko siya dun. Ilang beses na ba tayong sumasama kay Dad na pumunta sa Company pero wala, e." Aniya. "Siguro hihintayin ko na lang kung kailan siya ipapakita sa akin ng Moon Goddess." Dagdag niya. "Ikaw ba?"
Ngumisi lang ito. "Ewan ko. Hihintayin ko na lang rin siguro siya. Tama ka, sa dinami-dami ng lugar na napuntahan ko, hindi ko rin siya nakita."
Nang tumabi naman sa kanilang dalawa si Zeke. "Wala ba kayong napapansin kay Zion?"
Sabay silang tumungin kay Zion na nasa gitna ni Gerald at Aled. Nauna ang mga itong naglalakad. Papunta sila sa kweba kung nasaan ang white dragon, si Dawn.
"Meron." Sagot niya.
"Actually, he became different when he came back here." Sabi ni Zane. "Tingin niyo may nangyari sa kanya sa Pilipinas?"
He and Zeke shrugged.
"We don't know. Wala naman siyang sinasabi sa atin." Aniya.
Zeke put his hand on his chin. "May nagbago sa talaga sa kanya. Hindi siya nakikisali sa atin ng kalokohan at laging libro ang hawak niya pero ... hmmm ..." Napailing ito. "Hindi ko mabasa si Zion. Bagay sa kanya ng hangin na abilidad niya dahil hindi natin malaman kung ano ba ang problema ng kakambal natin."
"At bagay sa'yo ang Earth dahil laging ako ang napagdidiskitahan mo." Sabi niya at naunang lumakad.
Tumawa lang ang mga ito.
Habang naglalakad ay nakikita niya ang ilan sa mga tauhan ni Auntie Zaya na abala sa pag-asikaso ng mga halaman. May mga bata naman na naglalaro. Mga dating rogue na gustong magbagong buhay.
He used his unhuman speed. Agad siyang nakarating sa kweba kung nasaan si Dawn. Nakasunod naman agad ang mga kasama niya.
Nang maramdaman niyang biglang sumakit ang likuran niya.
"Damn!"
"Zeus, are you okay?" Tanong ni Gerald.
Tumango siya.
"Bakit, Zeus?" Tanong ni Zion.
Umiling siya.
Bakit kaya biglang sumakit ang likod niya? Para siyang hinampas ng latigo. Pumasok sila sa loob ng kweba at lumabas sa parang lagusan. Agad nilang nakita si Dawn na nakahiga sa damuhan at mukhang natutulog.
"Ano bang gagawin niyo dito?" Tanong ni Aled.
Nagkibit sila ng balikat. "Wala. Binibisita lang si Dawn."
"E, mukhang natutulog naman si Dawn." Sabi ni Gerald.
"Hindi 'yan." Sabi ni Zeke.
Lumapit sila dito.
"Dawn." Aniya.
Bigla ito nagmulat ng mata na ikinagulat ni Aled at Gerald. Hindi niya mapigilang matawa sa dalawa.
Ganun din ang tatlo niyang kapatid.
"Kumusta, Dawn?" Nakangiting sabi ni Zion at hinaplos ang mukha ni Dawn.
Umupo ito. "Bakit hindi mo siya binalikan?" Ang sabi ni Dawn kay Zion.
Natigilan si Zion. Bigla na lang itong tumalikod at umalis.
"Anong nangyari dun?" Sabi ni Zane.
He sighed. "Susundan ko siya." Aniya at mabilis na sinundan ang kakambal nila.
Nasa labas na ito ng kuweba nang abutan niya. "Zion!"
Tumigil ito at lumingon. "Ano 'yun, Zeus?"
"Anong sinasabi kanina ni Dawn?"
Nawalan ng emosyon ang mukha ni Zion. "Wala 'yun."
Aalis na sana ito nang hawakan niya ang braso nito. "I promise, I won't tell anyone."
Zion sighed. "Hind ko alam kung ano ang sinasabi mo."
"May problema ka—"
"—wala akong problema." Malakas na hangin ang tumama sa kanya at biglang nawala ang kanyang kakambal.
Napailing siya.
***
Few weeks later...
TAHIMIK silang kumakain nang biglang natigilan ang kanilang ina. Tumingin ito sa isang direksiyon.
"Avery, bakit?" Tanong ng kanyang ama.
Tumingin sa kanila ang ina. "May nakapasok sa Dark Forest."
"Huh?"
Tumayo ang kanilang ina. "Nararamdaman ko."
"Ally or enemy?" His father asked.
His heart pound. Hindi niya alam kung bakit.
I can't feel the something will happen this day. His wolf, Hell, said. Hindi niya alam kung bakit niya ito pinangalanan na 'Hell'. Maybe because he have the ability of fire.
Ano naman 'yun? Tanong niya.
I don't know but I can feel it. Something will happen.
Napailing siya. Wala naman siyang nakitang nakaka-excite na mangyari ngayong araw maliban sa sinabi ng ina na may nakapasok sa Dark Forest.
"Hindi ko alam pero kailangan kong pumunta." Sabi ng kanilang ina at bigla itong nawala.
"Let's go." Sabi ng kanilang ama.
Zion sighed. Sa isang iglap lang ay nasa labas sila ng kweba at nandun din ang kanilang ina kasama si Auntie Zaya.
"Sinong nasa loob, Zaya?" Tanong ng kanilang ina.
He inhaled a unique scent. The scent is like lavender pero may naamoy siyang ... dugo?
Mate! Mate! Mate! Hell shouted.
What the hell are you talking about, Hell? Tanong niya.
Mate! Our mate is here ...
Kumunot ang noo niya.
"Hindi ko alam, Avery, pero may naamoy akong dugo." Sabi ni Auntie Zaya.
"Tao ang nasa loob ng kweba." Ani ng ina.
Mula sa loob ng kweba ay nakita niya si Dawn na may nilapitan at inaamoy-amoy.
"Titignan ko kung sino." Sabi ng ama.
Pinigilan niya ang ama. "Wait, Dad. Let me."
Tumango ang kanyang ama.
"Ingat ka, Kambal."
Pumasok siya sa loob ng kweba. Napako ang tingin niya sa taong nakahandusay sa lupa. Kapansin-pansin ang suot nito na puno ng dugo.
Mate! It's her!
What?
It's her, Zeus! Our mate!
Dali-dali niyang nilapitan ang babae. Tinignan niya si Dawn at lumabas ito ng kweba.
Dahan-dahan niyang ipinatong ang ulo ng babae sa hita niya. Hinawakan niya ang buhok nito na tumatabing sa mukha nito. Pakiramdam niya ay tumigil ang oras nang masilayan niya ang mukha ng babae.
Napakaganda nito. Maamo ang mukha...nang may naramdaman siya sa kamay niya na nakahawak sa ulo nito. Nang tinignan niya ay nakita niyang may dugo.
Agad niyang pinangko ang mate niya at lumabas ng kweba.
"Zeus—"
"Kailangan niyang magamot, Mom." Agad niyang sabi.
Kung sinuman ang gumawa nito sa mate niya. They will pay!