Prologue

2017 Words
                          MASAYANG sinalubong ng isang batang babae ang kanyang ama na isang buwan niyang hindi nakita. "Papa!" Tumatawa naman ang kanyang ama na yumakap sa kanya saka siya binuhat. "I miss you, my princess." Hinalikan siya nito sa pisngi. "I miss you rin po." "Kumusta ang prinsesa ko?" Her father pinched her nose. "Okay lang po, Papa. Nag-aaral po ng mabuti." Sagot niya at humilig sa balikat ng ama. "That's good, my princess. Where's your Mama? I miss her." "She's preparing for dinner, Papa." Pumasok sila sa loob ng bahay. Nagpababa ang batang babae nang nasa sala na sila. "Put me down, Papa. I want to finish the book that I'm reading." "O-okay ..." Her father put her down. "Sa kusina lang ako, anak." Paalam ng kanyang ama. "Okay po. Mama misses you so much." Ani ng batang babae. Ngumiti ang kanyang ama at pumasok sa kusina. Siya naman ay kinuha ang libro na nasa sofa at ipinagpatuloy ang pagbabasa niya ng libro. Nang may biglang kumatok sa pinto. Inilapag niya ang librong binabasa at tinungo ang pinto. She opened the door but... "Papa!" She scream in fear. Napaatras siya dahil sa takot. Ang nasa pintuan kasi ay pugot na ulo ng isang patay na hayop. Halatang kapapatay lang nito dahil sariwa pa ang dugo na umaagos sa pugot nitong ulo. "Papa!" "Mama!" "Princess, 'nak ... anong nangyari?!" Humahangos na paglapit sa kanya ng ama. "Max, ano ba 'yun?" Sunod na lumabas sa kusina ang kanyang ina. She cried. "Papa!" Nanlaki ang mata ng magulang niya nang makita ang ulo ng hayop. Natutop ng kanyang ina ang bibig niyo. "Oh my god!" Binuhat naman siya ng kanyang ama ay hinagod ang kanyang likod. Humikbi siya. "Don't cry, princess ... shhh ... tahan na." "B-but—" "It's just a toy—" "—no, Papa. It's not..." Hindi umimik ang kanyang ama at patuloy lang sa paghagod sa kanyang likod at pinapakalma siya. Her heart is pounding. Kinakabahan siya. Ngayon lang siya nakakita ng ganun. And she can't take it. Hindi siya sanay na makakita ng ganun. "Michelle, kunin mo si Max at titignan ko lang sa labas." Ani ng kanyang ama. Agad naman siyang kinuha ng ina at binuhat. Yumakap siya sa leeg nito. Her mother sat on the sofa while she's in her lap. "Tahan na, Max..." Patuloy pa rin siya sa paghikbi. Her mother kissed on her forehead. Kalahating minuto ang lumipas bago bumalik ang kanyang ama. "What is it?" Tanong ng kanyang ina. "It's a threat." Sabi ng kanyang ama. Hindi niya naintindihan 'yun dahil bata pa siya. "What do you mean?" Nagtatakang tanong ng kanyang ina. "Nasa paligid sila at nagbabantay, Michelle, pero hindi ko sila hahayaan na makalapit sa inyo. Poprotektahan ko kayo." "Let's talk about this later. Halika na at kumain na tayo." Sabi ng kanyang ina. Her father nod his head. Buhat siya ng ina habang patungo sila sa kusina. Tumigil na rin siya sa pag-iyak. Kaunti lang ang nakain niya dahil nagpabalik-balik sa isipan niya ang nakita niya sa pintuan nila. Hindi niya maiwasang manginig dahil doon. Bata pa siya kaya marami pa siyang hindi naiintindihan. Bakit sila naglagay ng ulo ng hayop sa kanilang pintuan? Ngumuso siya. "Goodnight, princess." Hinalikan siya ng kanyang ama sa noo. "Goodnight din po." Inayos nito ang kumot niya at pinatay ang ilaw ng kanyang kwarto. She closed her eyes. Pero bigla niyang nakita ang dugo na nagkalat sa sahig. Bigla siyang nagmulat. Nagsimulang bumilis ang t***k ng puso niya. She's scared. Mabilis siyang bumangon at natungo sa kwarto ng kanyang mga magulang. "Mama? Papa?" "Oh, princess, bakit ka nandito?" Umakyat siya sa kama. "Natatakot po ako." "Sige, dito ka na matulog." Sabi ng kanyang ina. Humiga siya sa gitna ng mga ito. Agad naman siyang niyakap ng kanyang ina. And she felt secure. Ipinikit niya ang kanyang mata pero hindi agad siya nakatulog. "Allen, papaano kung kunin nila ang anak natin?" Natatakot na tanong ng kanyang ina. "Not happening, Mi Amore. Hindi ko hahayaang mangyari 'yun." Madiing sabi ng kanyang ama. "Pero noon pa man gusto na nilang kunin ang anak natin para gawing fighter. Ayaw kong pageksperimentuhan ang anak natin, Allen. Hindi tayo lobo tulad nila." Sabi ng kanyang ina at naramdaman niya ang paghigpit nito ng yakap sa kanya. Narinig niya ang pagbuntong-hininga ng kanyang ama. "Oo hindi tayo lobo tulad nila at wala tayong laban kung sakali man. Marami na ang batang nadamay sa illegal na gawain ng Dark Moon Pack. Ang ibang bata na hindi kinaya ang mga gamot na naipapasok sa katawan nila ay namamatay." "Anong gagawin natin, Allen? Ayaw kong mamatay ang anak natin." "Aalis tayo dito sa Italy, Mi Amore—" "—pero ikaw na ang nagsabi. Nasa paligid sila at nagbabantay. Kumukuha ng tiyempo para kunin si Maxine." Her father sighed. "Matulog na tayo, Mi Amore. Bukas na lang tayo mag-usap." Hindi na umimik ang mga ito. Naging banayad ang kanyang pahinga hanggang sa gupuin siya ng antok. NAGISING kinabukasan si Maxine na wala na ang kanyang mga magulang sa kanyang tabi. Isang lugar lang alam niyang sigurado siyang matatagpuan niya ang mga ito. Sa kusina. Kinukusot niya pa ang kanyang mata habang papasok siya sa kusina. Naamoy niya agad ang amoy ng paborito niyang pagkain. Pancake. "Princess, come and eat. Later, I'll show you something." Sabi ng kanyang ama. Agad naman siyang umupo sa tabi nito. "Sigurado ka ba sa gagawin mo, Allen? Six years old pa lang si Maxine." Ani ng kanyang ina habang nilalagyan nito ng pancake ang plato niya at nilagyan ng chocolate syrup. Ngumiti ang kanyang ama. "She can do it,Mi Amore. She's my daughter." "Allen—" "—Mi Amore, hayaan mo na ako please ... gusto kong turuan ang anak natin kung paano protektahan ang sarili niya." Sabi ng kanyang ama at hinaplos ang kanyang buhok. Ngumiti naman siya. Ipinagpatuloy niya ang pagkain ng pancake. "Ang sarap po talaga ng pancake, Mama." Sabi niya. Her mother smiled. "I'm glad you like it." Nilagyan niya pa ng chocolate syrup ang pancake niya. NAGTATAKA na tinignan ni Maxine arnis na nasa mesa. Kinuha niya ito at iwinasawas sa ere. "Princess, I want you to know that you need to know how to use swords." Sabi ng kanyang ama. "Ahmm..." Nagkamot siya ng ulo. "Bakit po, Papa?" Her father sighed. "Because you need it." "Why?" "You need it to protect yourself." Sabi ng kanyang ama at kumuha ng isa pang arnis. "I'll teach you the basic way. Just follow my move, okay?" "Okay po..." Sinusundan niya lang ang mga ginagawa ng kanyang ama. Sabi nito basic ang ituturo nito pero kalahating oras pa lang ay masakit na ang braso niya. Ngumuso siya. "Papa, I'm tired." Reklamo niya. "Okay ... rest and we will continue again." "Yes po." Wala sa sariling napatingin siya sa isang direksiyon at nakita niya ang isang lalaki na nakatingin sa kanya. Nakaramdam siya ng takot. Nagmamadali siyang pumasok sa pintuan at pumunta sa kanilang sala. Sinilip niya sa bintana ang nakita niyang lalaki pero wala na ito. Pumunta siya sa kusina at kumuha ng tubig na maiinom. The she went out. Nakita niyang magkatabi ang kanyang magulang at nag-uusap ng seryoso kaya hindi na niya dinistorbo ang mga ito. "Allen, alam kong magaling kang hunter. Huwag mo naman sanang turuan ang anak mo na sumunod sa yapak mo." "Mi Amore, hindi ko tinuturuan ang anak natin para maging kagaya ko. Tinuturuan ko siya kung paano ang lumaban para protektahan ang kanyang sarili—" "—pero sigurado ka ba na hindi nila tayo guguluhin dito. Ang anak natin ang habol nila. They want her to become their fighter. Hindi ko gustong maging ganun ang anak ko. Ayaw ko siyang pumatay ng kahit sino. I don't want her to experience violence ... kaya mangako ka sa akin, Allen, mangako ka na poprotektahan mo ang anak natin. Huwag mong hayaan na maging kagaya niya tayo." Pakiusap ng kanyang ina. "Don't worry, Mi Amore. We will teach her what we know but not to become a hunter like us. Tuturuan lang natin siya kung paano niya protektahan ang sarili niya. I'll teach her how to use weapons and martial arts. I know, they are after her but we will protect her together." She sighed. Hindi niya talaga maintindihan ang mga sinasabi ng mga magulang niya. Days passed...patuloy siya sa pagsasanay. Tinituruan siya ng kanyang ama kung paano humawak ng espada at dagger. Kahit papaano ay may natutunan naman siya. And she started training martial arts. NAALIMPUNGATAN si Maxine nang may narinig siyang kalabog sa labas ng kanyang kwarto. And she heard a growled and howled outside their house. Kinalibutan siya. Pero bigla niyang naalala ang palaging sinasabi ng kanyang ama habang tinuturuan siya. 'Be brave, my princess. Don't let your fear  defeat you ... be brave...' Kahit kinakabahan ay lumabas siya ng kanyang kwarto. Pero magulong sala ang sumalubong sa kanya. Nagkalat ang mga basag na picture frame at salamin. Nakataob rin ang mga sofa. Anong nangyari? "Allen!" She heard her mother scream outside their house. Tumakbo siya palabas but only to see her father, bathing with his own blood. "Papa!" Lahat ay tumingin sa kanya. "Maxine, run!" Sigaw ng kanyang ina. "Mama—" "Run!" Pero bago pa siya makatakbo ay may brasong pumalibot sa kanya. "You can't run away from us, child." A deep and dangerous voice said to her. "Let go of my daughter, Alpha! She has nothing to do with this!" Her mother shouted. But the Alpha who was holding her just laughed. "I want your daughter to be my pet, Michelle, or should I say hunter." "Let go of me, Mister!" Sinubukan niyang kumawala sa hawak nito pero masyadong mahigpit ang pagkahawak nito sa kanya. "Stop or I will kill your mother." Banta nito kaya tumigil siya sa pagpupumiglas. "Alpha, anong gagawin natin sa hunter?" "Kill her." "Yes, Alpha." The man bowed his head as if he was respecting a high almighty. "Mama!" She cried. "I love you, Maxine. Mahal na mahal ka namin ng Papa mo." Sabi ng kanyang ina. Nasa likod nito ang isang lalaki na may hawak na espada. Her eyes widen. "No!" "Mama! No!" Her mother smiled. Itinaas ng lalaki ang hawak nitong espada. "Mama—No!!!" Bigla nitong ibinaon ang espada sa tapat ng puso ng kanyang ina. "Mama!" Pinakawalan siya ng Alpha kaya tumakbo siya sa kanyang ina. "Mama..." Niyakap niya ito. "M-maxine ... b-be ... b-brave ..." "Mama ... no ... please, don't leave me." Umiiyak niya saad. Her mother smiled. Umubo ito ng dugo. "I-I ... love you—" nawalan na ito ng buhay. "Mama! Mama!" "That's enough." May kumuha sa kanya at inilayo siya sa kanyang magulang. "Burn them and leave no trace." "Yes, Alpha." "Mama! Papa!" "They are gone." Balewalang sabi ng lalaking nakahawak sa kanya. Umiling siya habang walang patid ang pagtulo ng kanyang luha. "Mama..." "Papa..." Bigla na lang nagdilim ang paningin niya at nawalan siya ng malay. NAGISING siya sa isang silid. Madilim at mainit ang lugar na kinalalagyan niya. Biglang tumulo ang kanyang luha nang maalala ang nangyari sa kanyang mga magulang. "Mama—" Biglang bumukas ang pinto at pumasok ang isang babae na walang emosyon ang mukha nito. "Mabuti at gising ka na. Halika at tignan mo ang nasa labas." Atubili naman siya pero sa huli ay sumunod siya dahil para na siya nitong susunugin sa uri ng tingin nito sa kanya. Pinunasan niya ang kanyang luha at sumunod sa babae. Marami silang nilampasan na pinto. Hanggang sa makarating sila sa parang arena. Napakalawak ito at may mga bleacher. Ang ipinagtataka niya ay maraming mga bata katulad niya ang nasa gitna ng Arena at nagsasanay. "Nakita mo na?" Tanong sa kanyang ng babae. Naguguluhan man ay tumango na lang siya. "O-opo..." "Sige, halika na at makipagsanay ka sa kanila." "Po?" "Magsasanay ka kung paano lumaban kasama sila. Darating ang araw na gagamitin kayo ng Alpha para pabagsakin ang iba pang pack lalo na ang Cresent Golden Moon Pack." Hinawakan siya nito sa pulsuhan at hinila papunta sa gitna ng Arena. Napapatingin sa kanya ang ibang bata. Halos kaedad niya ang mga ito. Sa di kalayuan ay may mga nakita siyang mga ... lobo? "Mga lobo ang mga 'yan at nilalapa nila ang sinumang bata ang tatakas." Sabi ng babae. And that day, the werewolf that she know that it's just an imagination became real. Nasaksihan niya kung gaano ang mga ito kabangis. Kung paano ang mga ito magalit. "Welcome to Dark Moon Pack, Maxine Romano." Sabi ng Alpha na lumapit sa kanya. Since that day, her world and life change. She was trained how to fight and how to kill as the Alpha of Dark Moon Pack command. Everytime she was fighting inside the Arena, all she need to do is to kill or defeat her opponent so that she will survive and no lashing at her back if she lose the fight. This is her, Maxine Romano.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD