Chapter 2

2060 Words
                       MARIING NAKAPIKIT si  Maxine habang tinitiis ang ang bawat hampas ng latigo sa kanyang likuran. She lose the fight. Nanalo ang kalaban niya kaya bilang parusa ay kailangan niyang tumanggap ng limampung hampas ng latigo. Ramdam niya ang dugong umaagos sa kanyang likuran. Pinipigilan niyang sumigaw dahil sa sakit. Ilang beses na siyang natalo kaya ilang beses na rin niya itong dinanas. Ramdam niya ang panghihina ng katawan niya. Nanlalabo na rin ang paningin niya. "Five more lashes, Maxine—" "Do it!" She said. Bumigay na ang paa niya. Mabuti na lang at nakatali ang kamay niya at nakakonekta ang tali sa bakal na nasa kisame dahil kung hindi ay kanina pa siya nakahandusay sa maruming sahig. Halos dumugo na rin ang kanyang labi dahil sa diin ng pagkakakagat niya. "Fifty!" Malakas ang huling hampas ng latigo. Naramdaman niya na tinanggal ni Javier ang tali sa kamay niya. He was Alpha Dexter's Beta. Ito ang nagpaparusa sa mga katulad niyang natatalo sa isang laban sa loob ng arena dito sa Dark Moon Pack. Nang matanggal ni Javier ang tali sa kamay niya ay bumagsak siya sa maruming sahig. Nagdidilim na ang pangingin niya. "Next time, Maxine, don't let your opponent defeat you para hindi ka maparusahan ng ganito." Sabi ni Javier at iniwan siya. A tear fall from her eyes. "M-mama..." Ang huli niyang nasambit bago tuluyang nagdilim ang paningin niya. "Mama! Papa!" Nakita niya ang kanyang mga magulang na masayang kumakaway sa kanya habang nakaupo ang mga ito sa isang bench at magkaakbay. Ngumiti siya at kumaway pabalik. Lalapitan niya sana ang mga ito nang makita ang isang lalaki na nasa likuran ng kanyang mga magulang at may hawak na espada. "Mama? Papa?" "I love you, Maxine, my princess." Masayang sabi ng kanyang ama. "I love you, Max." Sabi ng kanyang ina. Nakita niyang itinaas ng lalaki ang hawak nitong dalawang espada. "Mama! Papa!" Ibinaon ng lalaki ang hawak nitong mga espada sa likuran ng kanyang magulang. Lumaki ang mata niya. Nakaramdam siya ng takot. Kahit nasaksak na ng kanyang mga magulang ay nakangiti pa rin ang mga ito. Ipinikit niya ang kanyang mata pero pagmulat niya ay mas lalo siyabg natakot ng makitang kulay pulang likido ang nasa paligid niya at hanggang sa beywang niya ito. "Maxine..." Malalim ang boses na 'yun at nakakatakot. "Sino ka?" Nag-echo ang boses niya. Wala siyang makita sa kanyang paligid kung hindi kulay pulang likido. "Your nightmare!"  Sabi ng isang boses sa mula sa kanyang likuran at  binuntutan nito ng nakakakakot na tawa. Napasigaw siya nang pagharap niya sa kanyang likuran ay isang napakalaking lobo ang nakita niya. She screamed... BIGLANG napamulat ng mata si Maxine. Nakadapa siya sa matigas na kama at balot ng benda ang katawan niya. She sighed. Ilang araw na naman kaya siyang nakatulog? "Mabuti at gising ka na." Sabi ng isang boses. She closed her eyes. "Sinabi ko naman sa'yo, Maxine. Kapag nasa gitna ka ng arena, huwag ka dapat maging malambot sa mga kalaban mo. You need to kill them para hindi mo ito danasin. Ngayon, tignan mo ang nangyari sa'yo. You are whipped again." She sighed. "Mas maganda na'to kaysa makapatay pa ako, Nancy." Aniya habang nakapikit ang mata. Si Nancy ang babaeng una niyang nakausap. Ito ang tagaluto ng pagkain nilang mga fighters. Ito ang babaeng una niyang nakita noong nandito na siya sa Dark Moon Pack. Ito ang umaasikaso at gumagamot sa mga sugat niya. She heard Nancy sighed. "Mamaya darating si Dr. Elvis, hindi ko alam kung ano na naman ang gamot na ituturok niya sa'yo." She smiled bitterly. "How I wish na sana pinatay na lang nila ako noon." "Maxine..." Naramdaman niyang hinaplos ni Nancy ang buhok niya. "Be brave while you are here, okay? I know, isang araw makakalaya ka rin." She doubt that. Mahigpit ang mga bantay. Walang sinuman ang nakakalabas sa teritoryo ng mga lobong nandito. Naalala niya na noon ay may tumakas na dalawang bata pero nahuli ito ng mga bantay. Sa mismong harapan nila ay pinatay ang dalawang banta at ganun ang mangyayari sa kanila kung balakin nilang tumakas. "Nancy?" "Hmm?" "Thank you for always taking care of me." Aniya. "Your welcome, Maxine. Anyway, you need to eat. Narinig ko na sa susunod na araw ay may laban ka ulit. Promise me, Maxine, you will win." She nod her head. "I'm going to win." "Good now eat para bumalik ang lakas mo, tatlong araw kang tulog." Anito. She opened her eyes. Nanatili siyang nakadapa habang kumakain at matiyaga naman siyang sinusubuan ni Nancy. Nang matapos siyang kumain ay pinalitan nito ag bendahe sa katawan niya dahil puno na ito ng dugo. Nang makaalis ito ay sunod na pumasok si Dr. Elvis. He sighed. "May laban ka sa susunod na araw kaya kailangan kitang magamot." Anito at kinuha ang isang syringe at nilagyan ng gamot. Itinurok nito sa balikat niya at hindi man lang niya naramdaman. Siguro dahil sanay na siya na makaramdam ng pisikal na sakit kaya parang wala na lang ito sa kanya. Sana lason na lang ang itinurok nito sa kanya para matapos na ang buhay niya. Para minsanang matapos ang paghihirap niya. Ilang na taon na ba siyang nakakulong dito sa Dark Moon Pack. She was just six years old nang kinuha siya ni Alpha Dexter ... ngayon, 21 years old na siya. "Magpahinga ka. Mamaya ay kakausapin ka ni Alpha Dexter." Sabi ni Dr.Elvis. "Doc?" Tawag niya. "What?" "Next time ... pwedeng lason na lang ang iturok mo sa akin?" Hindi agad nakapagsalita ang doktor. Narinig niya ang pagbuntong-hininga nito. "Maxine, huwag kang mawalan ng pag-asa na makaalis sa lugar na 'to." Sabi nito at umalis na. She sighed. Unti-unting bumibigat ang talukap ng mga mata niya. Alam niyang umiepekto na ang gamot ni Dr. Elvis. Ipinikit niya ang kanyang mata hanggang sa makatulog siya. NAGISING siya na nasa tabi niya si Nancy. "Gusto kang makausap ni Alpha Dexter." Sabi nito. "Ganun ba ... sige." Bumangon siya. Wala siyang maramdamang sakit pero alam niyang panandalian lang 'yun. This will last for just an hour. Hinanda ni Nancy ang susuutin niya. Pumasok siya sa banyo at naligo. After that, nilagyan ulit ni Nancy ng benda ang sugat niya. Nagsuot siya ng itim na damit at itim rin na pantalon. Pinaresan niya lang ito ng itim na rubber shoes. Nancy tied her hair into a bun. Kaagapay niya si Nancy, nagtungo sila sa pack house kung nasaan ang Alpha. Pinapasok naman agad sila. "I'll accompany you to Alpha Dexter's office." Sabi ng isang bantay. Tumango siya. Pagdating nila sa opisina ng Alpha. Kumatok muna ang bantay bago sila pumasok. "Alpha." The guard bowed his head. Pero siya, hindi siya yumuko. Hindi dapat respetuhin ang isang Alpha na katulad niya. They are dangerous and savage creatures. Nakatatak na 'yun sa kanyang isipan. Si Nancy lang ang alam niyang mabait na lobo dahil ito ang nag-aalaga sa kanya. If they have the time, tinuturuan siya nito ng mga bagay na dapat niyang matutunan. "You call for me." Aniya sa walang emosyon na boses. "Alpha..." Madiin nitong sabi. "Call me Alpha." "You call for me, Alpha." Diniinan niya ang huling salitang binitawan niya. Ngumisi ito at sinenyasan ang bantay na umalis na. Nang sila na lang dalawa ay iminuwestra nito ang upuan. "Have a seat." Umupo naman siya. Sa totoo lang nakakaramdam na siya ng hilo dahil sa mga tinamong sugat niya. "Pinatawag kita dahil gusto kong sabihin na I'm very disappointed on you." Dinuro siya nito. "Come with me." Tumayo ito at lumabas. Sumunod naman siya. Nakasunod lang siya kay Alpha Dexter hanggang sa makarating sila sa training ground. Nakita niya ang ibang mga kasamahan niya na nagsasanay. Ang mga kasama niyang mga bata na lumaki dito sa Dark Moon Pack. "You are my pet, Maxine. Now, if you failed in your next fight. I will kill, Nancy!" "No!" Sigaw niya. Ito na lang ang taong nagmamalasakit sa kanya. Hindi siya papayag. "Don't embarrass me to other Alpha's. If I say you will kill your opponent, kill him!"  Then Alpha Dexter looked at the trainers. "Attack her!" Tinuro siya nito. Napaatras siya. Nasa lima ang mga ito. Lobo sila at alam niyang wala siyang laban sa lakas ng mga ito. Tumingin siya kay Alpha Dexter. Nakangisi ito sa kanya. Tumalim ang mata niya.  Sinugod siya ng mga ito at tumalon siya sa ere para iwasan ang atake ng mga ito. "Maxine ... Maxine ... huwag kang gumaya sa ama mong duwag!" Sabi ng Alpha na ikinangitngit ng kalooban niya. "Hindi duwag si Papa!" Sigaw niya at nang lumapag ang paa niya sa lupa. Isang malakas round house kick ang pinakawalan niya. Natamaan ang isang trainers at napaatras ito. Mabilis niyang kinuha ang isang mahabang stick at ipinalo sa ulo ng isang pang trainer. Napangisi siya nang makitang dumugo ang ulo nito. Natigilan siya. Dugo? Mabilis na nag-flash sa isipan niya ang dugo ng mga magulang niya na naikalat sa lupa. Tumalim ang mga mata niya. This people ... this creatures killed her parents. Sinugod niya ang mga ito. Mabilis ang galaw ng kamay at paa niya. Sunod-sunod niyang hinataw ng pamalo ang mga trainers na kalaban niya. Hindi na niya binigyan ang mga ito ng pagkakataong gumanti. Mabilis niyang sinipa ang isang panga kaya bumagsak ito. Three more to go... Naglakad ang mga ito paikot sa kanya. Nakita niya rin ang mga kasama niyang fighters na nanonood at ang ilang bata na baguhan lang. "Beat them, Maxine." Nakangising sabi ni Alpha Dexter. Masama na ang tingin sa kanya ng tatlong trainers na kalaban niya. Nang magkakasabay na sinugod siya ng mga ito. She jumped in mid-air. Gamit ang hawak niyang mahabang stick. Pinalo niya ang mga ito sa mukha, sunod sa vital parts ng kanilang katawan para manghina sila. Binigyan niya ng isang malakas na sipa sa ulo ang isa at bumagsak ito. Two more to go... Sisipain niya sana ang isa pa pero nahuli nito ang paa niya. Binuhat siya nito at pinaikot-ikot sa ere. Nakaramdam siya ng hilo. Bigla siya nitong binitawan at bumagsak siya sa lupa. Hindi na ako magpapatalo. Tama si Nancy, dapat sa isang labanan, huwag kang maging malambot. Hindi ka dapat makaramdam ng awa! Tumayo siya at binitawan ang stick na hawak niya. Mabilis niyang sinugod ang mga ito. Gumanti naman ang mga ito sa mga suntok at sipa niya pero mabilis naman niyang naiiwasan. Hinuli niya ang braso ng isang trainer na susuntok sana sa kanya at pinilipit ito. Sumigaw sa sakit ang trainer pero hindi na niya pinansin. Sinipa niya pa ito sa panga at bumagsak ito sa lupa. Namilipit naman ito sa sakit. Sunod niyang sinugod ang natitirang isa at sinipa ang tuhod nito pero agad namang nakailag. She tsked. Hindi niya napansin ang kamay nito at nasuntok siya nito sa gilid ng kanyang labi. Napaatras siya. Pinunasan niya ang dugo sa kanyang labi at tinignan ng masama ang trainer. Ito ang trainer na laging nagpapahirap sa kanya. Lagi siya nitong sinisipa kung mali ng ginagawa niya. Now, it's my turn. Sinugod niya ito. Binigyan niya ito ng isang round house kick at suntok sa mukha ang ginawa niya. Suno-sunod na sipa ang pinakawalan niya at hindi na niya ito binigyan ng pagkakataon na makaganti. Nasasalag nito ang ibang sipa niya pero agad niya itong sinusuntok kaya hindi na nito alam kung ano ang sasalagin nito. Tumalon siya at pumunta sa likod nito. Mahigpit niyang iniyakap ang braso sa leeg nito. Iniharap niya ito kay Alpha Dexter at galit na binali ang leeg ng trainer. She even heard a c***k. Their audience gasped. Binitawan niya ang trainer at wala na itong buhay na bumagsak sa sahig. "My father is not a coward." Madiin niyang sabi at mabilis na umalis sa training ground. Habang naglalakad pabalik sa tinutuluyan niya ay naramdaman niya ang paghapdi ng sugat niya sa kanyang likuran. Nawawala na ang gamot na itinurok sa kanya ni Dr. Elvis.  Nang makarating siya sa tinutuluyan niya ay nandun si Nancy at mukhang hinihintay siya. "Maxine!" Nag-aalala nitong sabi. "I want to rest." Sabi niya. Tumango ito at inalalayan siya papasok sa loob ng kwarto. Ramdam niya ang panghihina ng katawan niya. Naibuhos niya yata lahat ng lakas niya sa laban niya sa limang trainers kanina. Nakakalungkot nga lang dahil napatay niya ito. Umupo siya sa kama at tinignan ang mga palad niya. Hindi na bababa sa sampu ang napatay niya sa pakikipaglaban niya sa loob ng arena. Ang ilang laban, nagpapatalo siya. "Matulog ka na, Maxine. Magpahinga ka at gagamutin ko ang mga sugat mo." Sabi ni Nancy. Dumapa siya sa kama at ipinikit ang kanyang mata. "Thank you again, Nancy." "Walang anuman..." Bumuga siya ng hangin. She promise, once they will get the chance ... tatakas silang dalawa ni Nancy. Aalis sila sa lugar na 'to.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD