Chapter 3

1788 Words
                         PAGPASOK NI MAXINE sa loob ng arena ay napakaraming tao. Huhulaan niya. Mga taong walang ginawa kundi ang magsugal sa mga walang kwentang bagay. Sigurado siyang hindi lahat ng nandito sa Dark Moon Pack ay mga tao. Napailing siya at pumuwesto sa harapan. Mas lalo pag naghiyawan ang mga tao nag lumabas ang isa pang fighter. Ngayon ang laban niya. Hindi pa man lubusang gumaling ang sugat niya pero walang pakialam doon si Alpha Dexter. Ang importante dito ay pera. Mabuti na lang at may natitira pang kabaitan kay Dr. Elvis at tinurukan na naman siya nito ng gamot para hindi niya maramdaman ang hapdi ng mga sugat niya. Sa hindi kalayuan ay nakita niya si Nancy. Ngumiti ito sa kanya at nginitian naman niya ito pabalik. Tumingin siya sa kanyang harapan. Isang undefeated fighter ang kalaban niya. Marami na itong magagaling at malalakas na fighter na nakalaban at hindi niya alam kung bakit siya ang itinapat dito. "I'm waiting for this day to come, Max. Sa wakas ikaw na ngayon ang kaharap ko. Hindi ako makatulog kagabi dahil sa excited na akong mapatay kita!" Sabi nito. Ngumiti siya. "Then let's start." Naghiyawan muli ang mga manonood. "I can't wait to kill you!" Nanggigigil na sabi ni Haley. Hindi niya alam kung ano ang nagawa niya dito at ganun na lang ang init ng dugo nito sa kanya. Ito ang kaaway niya simula nang dumating siya dito sa Dark Moon Pack. "Ang mananatiling nakatayo hanggang sa matapos ang laban na ito ay siyang magwawaging panalo!" Sabi ng Beta na nasa tabi ng Alpha. "Ang laban! Umpisahan na!" Mabilis na sumugod si Haley. Minsan na niyang napanood ang laban ni Haley. Sugod lang ito ng sugod hanggang sa matalo nito ang kalaban. At tama nga siya dahil sunod-sunod ang sipa na pinapakawalan nito sa kanya. Mabuti na lang at magaling siyang umilag. "Yan lang ba ang kaya mo, Max? Ang umilag?!" Nang-iinsultong sabi ni Haley. Sinenyasan niya itong huwag muna sumugod. Umupo siya at tinali ang sintas ng sapatos niya. Huminga siya ng malalim at tumayo. Hinarap niya si Haley. "Minsan na kitang napanood, Haley. Sa laban na 'to ... isa lang ang mabubuhay sa atin." Sabi niya. "Tama ka, Max! Isa lang ang mabububay sa atin at ako 'yon!" Muli siya nitong sinugod. Sinalubong niya ito. Hinuli niya ang paa ni Haley at sinipa ang isa pa nitong paa bago niya ito malakas na itinulak. Napaatras ito at tumalim ang tingin. Sinugod siya nito at sinalubong niya ulit pero biglang umiwas si Haley at sinipa siya sa kanyang likod. Napasigaw siya sa sakit. Damn! Marami na nga ang sugat sa likod niya. Dadagdagan pa nito! Tumayo siya mula sa pagkaluhod niya sa lupa. Mabilis siyang umilag nang maramdaman niya ang atake ng kalaban niya. Pero hindi niya naiwasan nang mabilis siya nitong nilock mula sa likod. Mahigpit ang nakapalibot ang braso nito sa leeg niya. Mas lalo pang lumakas ang hiyawan ng mga nanonood. "Mukhang talo ka, Max." Nang-aasar na sabi ni Haley. Sinubukan niyang baklasin ang braso nito sa leeg niya pero masyadong mahigpit ito kaya malakas niya itong siniko sa tiyan. Napaurong si Haley habang hawak ang tiyan nito na siniko niya. Mukhang ininda ni Haley ang pagsiko niya dahil nakangiwi ang mukha nito. Lumapit siya rito at malakas na sinipa sa mukha. Bumagsak si Haley. Nilapitan niya ang kalaban at pinilipit niya ang braso nito. Napasigaw sa sakit si Haley. She wanted to stop but no! She will not. "Haley..." Aniya. "I'm sorry." Binali niya ang leeg nito. Binitawan niya si Haley na wala ng buhay. She sighed. Tumingin siya sa direksiyon ng Alpha at nakita niyang nasisiyahan ito. Nilapitan siya ni Javier at itinaas ang kanyang kamay bilang tanda na siya ang nanalo. Mabilis siyang umalis gitna ng arena at lumapit kay Nancy. Inabutan siya nito ng tubig na agad naman niyang ininom. Kinuha niya ang hawak nitong panyo at pinunasan ang kanyang pawis. Bumuga siya ng hangin. "Hindi ko akalain na sa isang laban, isang buhay ang mawawala." Sabi niya kay Nancy. Malungkot na ngumiti si Nancy. "Marami na ang mga buhay na nawala dahil sa mga gawain ni Alpha Dexter. Nasisiguro kong hindi pa ito alam ng Alpha King." Ani Nancy na nakakuha ng atensiyon niya. "Alpha King?" Ngumiti si Nancy. "Bumalik na tayo sa kwarto mo at doon ko sasabihin ang lahat ng alam ko. At para magamot ko rin ang mga sugat mo." Agad naman siyang sumunod dito. Bumalik sila sa kanyang kwarto. Habang ginagamot ni Nancy ang mga sugat niya ay nagkukwento ito. "Ang Alpha King ay ang pinakapinuno ng mga lobo. Siya ang hari at batas. Siya ang nagpaparusa sa mga Alpha na lumalabag sa batas nilang mga lobo." Sabi ni Nancy at pumunta sa kanyang likuran. Itinaas nito ang laylayan ng damit niya. "Siyempre ang nagpaparusa naman sa mga Luna na lumalabas sa batas ng mga lobo ay ang Luna Queen. Ang kabiyak ng Alpha King." Tinanggal ni Nancy ang bendahe na nakapalibot sa katawan niya at pinalitan ng bago. "Pwede bang malaman kung ano ang batas ng mga lobo?" Ngumiti si Nancy. "May tatlong batas na dapat sundin ng mga lobo. Unang batas, mahipit na ipinagbabawal ang  pumatay ng tao. Ikalawang batas, bawal agawin ang pag-aari ng iba. Halimbawa, ang Luna ng isang pack ay hindi pwedeng agawin ng ibang Alpha para gawin niyang Luna sa kanyang pack." Napatango siya. "Ikatlong batas, bawal gamitin ang tao o ang mga omega para sa pansariling interes. Ang sinumang makagawa ng bagay na ito ay kamatayan ang kaparusahan." Kumunot ang noo niya. "Kung ganun bakit hanggang ngayon ay hindi pa patay si Alpha Dexter?" "Dahil magaling siyang magtago." Bumuntong-hininga si Nancy. "Matagal na panahon ng nagsimula si Dexter sa ganitong gawain mula ng mamatay ang kanyang kabiyak na si Luna Ariana. Napaslang ito ng mga rogue" "Rogue?" "Ang mga rogue ay ang mga rebeldeng lobo na napapalayas sa kanilang mga pack." Napailing si Nancy. "At hindi ko alam kung ano ang kinalaman ng pagkamatay ni Luna Ariana sa mga ganitng gawain ni Alpha Dexter." "Kung hindi pa ito alam ng Alpha King..." Napatigil siya. "Dapat may magpaalam ng mga ito sa kanya para wala ng buhay ang—" "Tama ka, Max, pero sino?" Nangalumbaba siya. "Hindi ko alam."                         NAPATINGIN si Maxine sa kalangitan, maraming bituin ang nagkalat. Malalim na rin ang gabi. Nang humapdi ang sugat niya sa likuran. Bumuntong-hininga siya. Ilang linggo na ang lumipas hindi pa tuluyang gumagaling ang mga sugat niya pero naparusahan na naman siya. She sighed. Hindi lang niya nasunod ang utos ni Alpha Dexter na magsanay dahil nagpapagaling pa lang siya pero pinarusahan na naman siya nito ng sampung hampas ng latigo kaya naging sariwa ulit ang mga sugat niya. Balot pa rin ng benda ang katawan niya. Tumingin siya sa kanyang paligid. Siguro ito na ang tamang oras. Hindi na niya kayang manatili pa sa lugar na ito. Tatakas siya ngayong gabi. Bahala na. Tahimik siyang naglakad palabas ng tinutuluyan niya. Alerto siya at tumitingin siya sa kanyang paligid. Matalas ang pakiramdam ng mga lobo. Tao siya at wala siyang laban sa mga ito pero iba pa rin ang magbasakali. Mahigpit ang hawak niya sa patalim na kumislap pa ng mataman ng liwanag. Walang ingay na naglakad siya. Tahimik ang paligid. Alam niyang may mga nagbabantay sa buong paligid kaya 'yun ang iniiwasan niya. Ang sabi ni Nancy ay may pack boarder ang bawat pack. Kailangan niyang hanapin 'yun para makalayo siya sa lugar na 'to. Nang may makita siyang dalawang bantay na paparating. Agad siyang nagtago sa isang puno. Pero tumigil ang mga ito sa tapat ng puno na pinagtataguan niya. Kung minamalas ka nga naman. "Naamoy mo ba ang naamoy ko?" Ani  ng isang bantay. Bakit pareho ba kayo ng ilong? "May tao dito." Pareho nga sila. Humigpit ang hawak niya sa patalim. Sinilip niya ang mga ito. Palapit ang mga ito sa punong pinagtataguan niya. Pero humahapdi ang mga sugat niya. Nang may biglang humawak sa pulsuhan niya. Pagtingin niya ay ang isang bantay. Mabilis siyang kumilos at sinaksak ito. Mabilis siyang tumakbo palayo. Pero hinabol siya ng isang kasama nito. Nakalimutan niyang dalawa pala sila. "Tumigil ka!" Pagpapahinto nito sa kanya pero hindi siya nakinig. Hindi siya hihinto dahil alam niyang delikado ang buhay niya oras na mahuli siya ng mga ito. Tuloy lang siya sa pagtakbo. Sumabit pa ang damit niya sa isang sanga at napunit ito. Sumagi rin ang braso niya sa isang matulis na sanga kaya nasugatan siya sa braso. Liningon niya ang kanyang likuran at  nakita niyang marami na ang sumusunod sa kanya. Naka-anyong lobo na ang iba. She was panting and tired but she didn't give up. Hindi siya pwedeng tumigil. Nang biglang may humablot sa kanya at tinakpan ang kanyang bibig. "Don't make a noise." Ani ng taong humablot sa kanya. Tinanggal nito ang kamay na nakatakip sa kanyang bibig. Pagtingin niya ay agad niya itong namukhaan, ito ang pinuno ng mga bantay. Kinabahan na siya. Ito na ba ang katapusan niya— "Doon ang daan." Sabay turo nito sa isang direksiyon. "S-salamat..." Tumango ito. Patalikod siyang naglalakad habang lumalayo dito. Then humarap siya sa direksiyon na tinuro nito at tumakbo doon. Naramdaman niyang basa ang kanyang likuran. Puno na naman ng dugo ang benda niya. Alam niyang batid na ni Nancy ang pagtakas niya at alam niyang nag-aalala na ito sa kanya. Nang makita niya ang pack boarder ay mabilis siyang lumabas. Napahawak siya sa isang puno nang makaramdam siya ng pagkahilo. "Hanapin niyo!" "Nasa paligid lang siya!" She gasped. Lumingon siya sa kanyang likuran at nakita niyang may mga bantay na patuloy na nanghahanap sa kanya. She sighed and she ran again. Kailangan niyang makalayo agad. Hindi pa siya ligtas. Patuloy lang siya sa pagtakbo at hindi niya alam kung saang lugar na siyang napadpad. Malapit na ring mag-umaga. Kahit hindi pa maliwanag ay nakikita niya na luntian ang lahat ng nasa paligid niya. Napaluhod siya nang mas lalong lumala ang pagkahilo niya. Humahapdi rin ang mga sugat niya. Napahawak siya sa kanyang ulo nang maramdaman niya ang mainit na likido na umagos sa kanyag nuo. Pagtingin niya ay dugo. Nanlalabo na ang mata niya. Nanghihina na rin siya.  "M-mama..." "Papa ... h-help me ..." "God, p-please, help m-me..." Sa nanlalabo niyang mata ay hind na niya alam kung nasaan na siya. Basta madilim at parang may puti siyang nakita sa madilim na parte ng lugar kung nasaan siya. Dahil sa paghihina ay hindi na niya kayang imulat ang mata niya. Then may narinig siyang nagsalita. Hindi niya masyadong maintindihan ang sinasabi ng mga ito. Naramdaman niyang may bumuhat sa kanya. No! Nakita na ba siya ng mga bantay? Hindi pwede! But she inhaled a unique scent that make her calm. It's a manly mix with mint scent. Hindi niya alam kung ano ang meron sa amoy na 'yun dahil unti-unti siyang hinila ng antok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD