3

2158 Words
"Kuya, kilala mo ba iyong ka-date ni Ninong Uno?" tanong ko kay Kuya Yze na busy na nagbabasa ng libro. Tungkol sa business ang librong binabasa nito. Nakapatong ang baba ko sa balikat nito, nakatalikod siya sa akin, habang nakaupo kami rito sa couch sa sala ng bahay namin. "No. Ikaw itong mas updated sa buhay ni Keiro. Mas updated ka pa nga, kaysa sa magulang n'ya." Sagot nito. "Hindi ah! Siguro dapat akong mag-hire ng private investigator, 'no? Para sundan siya. Tapos iu-update ako para alam ko kung sino iyon---" "Stop. Huwag mong gagawin iyan. Malalagot ka kay daddy. Madi-disappoint sila panigurado. Hindi dapat naghahabol ang babaeng katulad mo sa isang lalaking halata namang hindi ka gusto." "Pero love naman nila ako---" "Bit!" saway ng kuya ko. "Kuya, help mo naman ako. Hanapin natin si Ninong Uno." Pangungulit ko sa kapatid. Sa mga ganitong sitwasyon ay madalas kong ang kapatid ko. "Nope. Hindi ko ito-tolerate iyan." Umiling pa si kuya. "Si Kuya Anshil na nga lang ang ia-ask ko." Akmang tatayo na ako. Pero mabilis nitong inihagis ang libro n'ya, saka sinakal ako. I mean, pumulupot sa leeg ko ang braso nito. "Ouch!" exaggerated na reaction ko. Agad namang inalis ni Kuya Yze ang braso n'ya. Saka in-check kung okay lang ba ako. "Tsk. Akala ko nasaktan ka na." Napasimangot na ani nito nang makitang nagbibiro lang ako. "Kuya, masasaktan ako kapag hindi kami nagkatuluyan ni Ninong Uno." Lumabi pa ako. "Help me!" "Still no. Huwag matigas ang ulo. Maghugas ka na ng plato. Lagot ka kay mommy kapag nakita n'yang hindi pa nahugasan iyong kinainan natin kanina." Napatingin ako sa bagong manicure na mga kuko. Ang cute pa naman ng design. Nagpaawa effect na tinignan ko si Kuya Yze. Nakasimangot na namewang ito sa harap ko. Alam na nito ang ibig sabihin nang paawa effect ko na iyon. Kahit mayaman ang pamilya namin, pinalaki kami ng magulang namin na may idea sa gawaing bahay. Paminsan-minsan man, pero proud naman kaming magkakapatid na hindi inaasa lahat sa mga kasama namin dito sa bahay ang mga gawain. "I love you, kuya. Medyo expensive ang ganitong design ng nails. Kaya pwede bang ikaw na lang po ang maghugas ng mga plato ngayon? Ngayon lang po. Promise po." Ilang 'ngayong lang po' na ba ako? Madalas si kuya ang sumasalo ng trabaho ko kapag narito siya sa bahay. Kaya hindi na nakakagulat na nagrereklamo na ito. Dati kasi hindi. "Bit!" reklamo nito. "I love you." Ako pa rin ang bunso. Isa sa powers ko'y pasunurin ang mga ito. Gamit lang ang paglalambing ko. "You're so mean. Nangako ka na ikaw ang maghuhugas today." Inilapit ko pa sa mukha nito ang bagong manicure na mga kuko. "Tsk. Mamayang gabi ikaw, ha!" may pagbabanta pa ang tingin. Agad naman akong tumango. Aagahan ko na lang na matulog. Iniwan na ako ni Kuya Yze. Kaya naman nag-cellphone na lang ako. While scrolling sa social media account ko'y nakatanggap ako ng mensahe sa group chat. "Confirmed. May ka-date nga talaga si Kuya." Nag-send pa ng picture si Isabella sa group chat namin. Larawan ng kuya n'ya at ng isang babae. Nakatalikod ang girl, kaya naman hindi makita. Agad akong nag-angry react. Nakakainis. "Sino?" agad na in-send ko ang tanong kong iyon. "I don't know, Bithiah. Pero mukhang nasa mamahaling restaurant sila. Mukha ring expensive ang girl at mukhang mature." Reply ni Isabella. Angry react ulit. "Paanong expensive? Likod lang naman n'ya ang kita. Saka mature? Paano mo naman nasabi?" "Well, na sense ko lang." "Naku! Anong ginamit mong senses? Sense of smell? Wala. Hindi mukhang expensive. Mukhang matanda iyong kausap. Hindi iyan date. Baka business meeting lang iyan ng kuya mo." "Wow, Bithiah Verse. Napaka-desisyonism mo naman. For me, date iyan. Tignan mo naman iyong ambiance ng lugar. Tignan mo rin puro couple iyong nasa paligid." "Teka nga, Isabella. Masyado mong sinisiraan ang kuya mo sa akin. Hindi nagche-cheat ang kuya mo. Business meeting lang iyan." Hindi lang si Isabella ang tumawa sa mensahe ko. Pati na si Shengsheng na online na at ang iba pang girls sa group chat namin. "Hoy!" ani ni Shengsheng. May kasunod pa iyon. "Nag-iilosyon ka na naman." Tawang-tawa ito. Kainis. "Hindi ko sinisiraan ang kuya ko, Bithiah Verse." Reply ni Isabella sa akin. "No. Sinisiraan mo para ma-discourage ako sa kanya. Hindi ako lolokohin ng kuya mo." Kainis sila. Pinagtatawanan nila ako. Wala yata silang balak seryosohin ang mga sinasabi ko. "Bithiah, hindi ka naman niloloko. Kasi hindi naman kayo." Itong si Shengsheng doble kara ito. Minsan kampi sa akin. Minsan hindi. Nakakainis. "Tama si Shengsheng. Hindi ka naman niloloko ni Kuya. Matanda na ang kuya mo. Hayaan mong mag-jowa naman." Nakasimangot na nag-leave ako sa GC namin. Pero ilang segundo lang ay naibalik agad ako ni Isabella. "May paleave-leave ka pang nalalaman." Naka-roll eyes pa ito. "Girls, nahu-hurt na ako." Nakasimangot na ako. Tapos medyo maluha-luha pa. Hindi ko tanggap na magjo-jowa si Ninong Uno, tapos hindi ako iyong girl. Hindi pwede iyon. "So ayaw mo na ba sa kuya ko?" "Gusto pa rin. Parang kagat lang ito ng langgam. Ouchieeee." Feeling ko'y kahit isa sa group chat na ito ay hindi ako seseryosohin sa mga sad lines ko. Tawa lang sila nang tawa. Parang mga hindi ka-friendship. Maya-maya pa'y tumatawag na si Isabella. Sinagot ko naman agad. "Kanino galing iyon picture, Isabella?" curious lang naman. Mukhang magandang i-hire na imbestigador. "Secret. Bawal sabihin kasi tiyak na malalagot siya sa kuya ko. Huwag ka nang ma-sad girl d'yan." "Hindi na. Alam ko namang sa akin pa rin mapupunta ang kuya mo. Fighting." Sumagot na rin sa tawag si Shengsheng. "Alam ko kung saan iyang restaurant na iyan. Sabihin ko na ba, Isabella?" nanunudyong tanong ni Shengsheng sa kaibigan namin. "Noooo! Tiyak na kapag nanggulo kayo roon ay ako ang malalagot. Tapos tatanungin ako ni Kuya kung paano ko nalaman kung nasaan siya." Takot din naman ito sa panganay na kapatid n'ya. Sabagay, iyong poging Ninong ko ay pinaglihi yata sa sama ng loob. Sobrang sungit. "Sabihin lang natin na nagkataon lang---" "Bithiah, walang nagkataon sa 'yo. Tumigil ka." "Fine. Palalampasin ko na lang ito. Tiyak na sa akin pa rin naman ang bagsak ng kapatid mo, eh." Saka ako nagpaalam sa kanila. Tinungo ko ang kitchen at hinanap si Kuya Yze. Naghuhugas ito ng plato. Lumapit ako at sumilip sa ginagawa nito. Siyempre hindi nakalimutan i-display ang kuko. "Ano na naman iyon, Bithiah?" tanong nito na focus sa pagkuskos sa plato. "Wala naman, kuya." Huminto na ito sa ginagawa. Naghugas ng kamay. Saka tumingin sa akin. "Paanong wala? Pumunta ka rito na panay ang buntonghininga." Nagtaas-baba pa ang kilay nito. Nice. Hindi ko kaya iyon. Hindi ko rin napansin na panay pala ang buntonghininga ko. Very observant din talaga ang kapatid ko. "Wala nga." "Layas sa kusina ang sinungaling." Kumilos naman ako't akmang tatalikod. "See, nagsisinungaling ka." Nakangusong humarap ako rito. "Kasi kuya, nakipag-date si Ninong Uno sa iba." "Natural! Alangan namang sa 'yo?" "Oo! Sa akin lang dapat." "Ewan ko sa 'yo, Bithiah. Isusumbong na kita kina mommy dahil sa obsession mo kay Keiro." "Isusumbong mo ako?" may panghahamong tanong ko. Napairap ito. "Tsk. Hindi." Nagpunas ito ng kamay saka lumapit sa akin at sinapo ang magkabilang pisngi ko. "Huwag ka nang malungkot. Darating ang time na may makikilala ka ring lalaki na magmamahal sa 'yo kagaya nang pagmamahal mo." "Gusto ko iyong pagmamahal lang ni Ninong." "Ewan ko talaga sa 'yo. Ikaw na ang tumapos sa hugasan. Hayaan mo nang masira iyang manicure mo. Magpa-home service ka na lang ulit." Saka ito dali-daling umalis. "Kuya!" napapadyak na tawag ko rito. "Kuya Yze!" pero tuloy-tuloy na itong naglakad palabas ng kusina. Nakasimangot na itinuloy ko na lang ang paghuhugas na iniwan ng kapatid ko. -- Nang matapos ako roon ay pumanhik ako sa kwarto. Sinubukan kong tawagan si Ninong pero hindi n'ya sinagot ang tawag ko, eh. Kaya si Uncle Hendrix na lang. Luckily, sinagot nito ang call ko. "Hello, Bithiah?" malambing ang tinig ng ama ni Ninong. Mabuti pa itong si Uncle Hendrix marunong palambingin ang tinig. "Uncle, pwede po bang humingi ng favor sa 'yo?" "Sure, what is it?" see, mas madaling kausap ang ama ni Ninong kaysa sa kanya. "Uncle Hendrix, pwede bang tawagan mo si Ninong Uno tapos pauwiin mo?" natawa ang lalaki sa kabilang linya. "Why, hija? Nakikipag-date na naman ba ang Ninong mo?" waring nanunudyo ang tinig nito. "Opo. Please po, favor lang po. Pauwiin n'yo na muna po si Ninong Uno, uncle. Promise po gagalingan ko bukas sa school kapag tinawagan mo siya at napauwi." "Perfect score sa quiz sa subject ng Ninong Uno mo?" waring nanghahamong ani ni uncle. "Sure, Uncle. Perfect score sa quiz namin bukas." "Okay, tatawagan ko at pauuwiin si Uno. Pero tuparin mo ang usapan natin. Ayaw kong mabalitaan na bagsak ka sa quiz." "Uncle, bakit feeling ko'y nakaabot sa inyo na bagsak ako sa quiz ko?" nanulis ang ngusong tanong ko sa matanda. "Nakaabot talaga, Bithiah." Saka ito tumawa. Parang gusto ko na lang lumubog sa kahihiyan. "Uncle, nakakahiyaaaa!" "Ikaw talaga. Huwag mo kasing tungangaan ang Ninong mo sa tuwing nagklaklase siya. Feeling tuloy n'ya ay hindi enough iyong pagtuturo n'ya." "Uncle, he's soooo good in teaching. Ako lang iyong not good sa paningin ni Ninong." Wari'y biglang nakahanap nang pagsusumbongan. "Malay mo naman magiging good din soon." Feeling ko tuloy ay agad na na-uplift ang nado-down kong feelings. "Thanks, uncle! Gumaan po ang loob ko sa sinabi mo. Call mo na po siya. Tapos send ka po ng proof na nasa bahay na siya. Bye po sa poging boss ng The Alpha's town." "Bye, hija!" aliw na ani ng lalaki. Kumaway-kaway pa ako rito. Isang oras pagkatapos naming mag-usap ay may natanggap na akong larawan. Si Ninong Uno na nakaupo sa couch habang may hawak na papel. Mukhang about sa business ang idinahilan ni Uncle Hendrix para mapauwi ang binata n'ya. Good job, Uncle. "Bithiah, nandito na si Kuya Uno. OMG. Ang bilis naman natapos ng date nila no'ng girl n'ya." Chat naman iyon sa akin ni Isabella. "Really? Baka umuwi siya kasi alam n'yang may isang girl na tulad ko na madi-disappoint sa ginagawa n'ya. Na-touch naman ako." "Loka! Pinauwi siya ni dad dahil may kailangan silang pag-usapan about business." "Huwag mo namang sirain ang pantasya ko. Ito na oh, matutulog na akong nakangiti. Ako ang dahilan kung bakit natapos agad ang date." "Ewan ko sa 'yo. Matulog ka na nga." Saka ako nito binabaan nang tawag. Matutulog talaga akong nakangiti. -- Pumasok ako sa school na may goal ngayong araw. Ma-perfect ang score sa subject ni Ninong Uno. Nagtataka pa nga si Isabella at Shengsheng dahil super early ko. Kahit naman ako'y nagtaka rin. Pero feeling ko naman ay dahil ayaw kong biguin si Uncle Hendrix sa usapan namin. Kaya naman maaga ako at agad nag-advance reading sa lesson namin mamaya kay Ninong Uno. Nang pumasok nga ito sa classroom ay ramdam ko ang excitement ko. Naghintay akong tapunan nito nang tingin pero kahit isang sulyap simula no'ng pumasok ito ay hindi man lang ako natapunan, kahit saglit na tingin ay wala. Nagsimula itong mag-lesson. Focus na focus ako sa pakikinig. Sa tuwing iginagala nito ang tingin ay naghihintay ako na magkatitigan kami. Pero para lang akong invisible sa pwesto ko. Nakasimangot na ako. Ngayong handang-handa akong magtaas ng kamay at sumagot ay hindi man lang pinalad na matawag. Nananadya siya. Natawag si Isabella, ako hindi. Natawag iyong kaklase ko sa left side ko, ako hindi. Oras ng quiz namin. Wala na akong ganang magsagot. Pero naalala ko ang pangako ko kay Uncle Hendrix. Ipapasa ko ang quiz. Ako ang unang natapos sa pagsagot. Agad din akong tumayo at ipinasa iyon sa lalaki. Tumingin ka naman sa akin, oh! Pero naka-focus ang mata nito sa laptop. "Maupo ka, Bithiah. College ka na, hindi ka na kailangan pang sawayin." Napakagatlabi ako. Napatingin na kasi ang mga kaklase namin sa aming dalawa. Si Isabella at sinesenyasan akong bumalik sa upuan. Pero napahiya na ako. Hindi pwedeng gano'n na lang. "Tapos na po ako, Professor Uno." "Iche-check pa natin iyan. Maupo ka, Bithiah." Hindi pa rin binalingan ng tingin. "Okay, Professor Uno." May diing bigkas ko sa 'Professor Uno' kaya dahan-dahan nag-angat nang tingin ang lalaki sa akin. Pero bago pa kami magkatitigan ay tumalikod na ako't nagtungo sa upuan ko. "Bakit ka kasi tumayo roon?" bulong ni Isabella sa akin. "Magpapa-check." "Ikaw talaga para-paraan ka. Alam mo namang nagpapalitan lang tayo ng papers kapag nagche-check eh." "Ah, nakalimutan ko. Akala ko kasi iche-check n'ya tapos bibigyan tayo ng stars." "Siraulo." Natawang ani nito. Nang mag-angat nang tingin si Ninong sa pwesto naming dalawa ni Isabella ay agad akong yumuko. Ayaw n'ya akong tignan kanina, eh 'di iwasan ko rin siya nang tingin ngayon. Ngayon lang, hanggang ngayon lang din naman ang tampo ko rito. Tapos mamaya ay okay na. Marupok ako, eh.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD