2

1477 Words
"Sa dami ng pogi sa lugar na ito. Bakit si Kuya Uno pa?" tanong ni Shiloh sa akin. Anak ito ni Uncle Mec and Auntie Mace. Bunso at tulad ko'y 'mabuting bata' rin. Ako, si Shiloh at si Isabella ang kasama ko. After class, pagkauwing-pagkauwi ko. Initsa lang ang gamit sa kama, nagbihis lang ng pambahay at agad nang nagtungo sa The Alpha's Foodie. Dito ko na inabutan ang dalawa. "Dahil gwapo . . . mabait . . . saka naiiba." Tugon ko. "What do you mean naiiba? Si Kuya Uno ay kamukla rin naman ng mga kuya ko pang iba." Sabay dampot ni Isabella sa shake n'ya. "Naiiba . . . I mean, old na at papasang ancient man. Kung gusto mo ng unique, dapat doon sa mga pang-history na ang peg. Kasi iyong mga bago ngayon very common na." Balewalang tugon ko. Bumunghalik nang tawa ang dalawa. "Grabe ka naman, Bithiah. Ang tanda-tanda naman na ng tingin mo sa kapatid ko." Reklamo ni Isabella. "Parang alak, Isabella. Tignan mo ang mga alak ng mga daddy natin, old na old. Sabi nila ang old na alak ay masarap, mas lalong tumatapang at sumasarap, gano'n din si Ninong Uno. Old na old, mas masarap." "Kilabutan ka nga d'yan sa mga sinasabi mo, Bithiah." Saway ni Isabella. Habang si Shengsheng ay tawang-tawa. "Wait nga . . . totoo bang may kasintahan na ang kapatid mo?" curious na tanong ko. Dapat ko nang alamin ngayon. Para makagawa ako nang plano kung paano sila paghihiwalayin. Akin lang ang Ninong ko. Hindi pwedeng mag-girlfriend ito ng iba. Ako lang dapat. "Wala naman akong nababalitaan. Meron ba?" takang ani ni Isabella. Mahinhin din nitong pinunasan ang labi gamit ang tissue paper. Sa aming tatlo, ito ang may table manners kahit saan ito lumugar. I mean, kami kasi ni Shengsheng ay kapag nasa harap lang ng hapag tapos abot tanaw ng magulang. Kurot sa singit ang tiyak na aabutin namin kung ipapakita namin sa kanila kung gaano kami kabalahurang kumain. "Iyon kasi ang sabi n'ya. Naku! Imbento rin iyong lalaking iyon, akala ba n'ya mapapahinto n'ya ako dahil lang sinabi n'yang may jowa na siya? Tsk. Baka gusto n'yang sa bawat date nila ay samahan ko pa siya." Hindi talaga nababawasan ang fighting spirit ko. Hindi pwedeng mabawasan. "Bithiah, isama mo rin ako. Galante iyon si Kuya Uno. Baka ilibre pa tayo ng steak kapag sumama tayo." Nakangising ani ni Shengsheng. Agad naman akong tumango. "Sige, sasama tayo." "Guys, maawa kayo sa kuya ko." Nakikiusap na ani ni Isabella. "Naku! Naaawa nga ako sa kapatid mo, sa totoo lang. Kasi tumatanda na siya, pero wala pa rin ako sa buhay n'ya. Kaya ikaw, dapat tulungan mo ako." Umiling-iling si Isabella na waring hindi makapaniwala sa sinasabi ko. "Girls, narito pala kayo." Pukaw ni Auntie Batsy na papasok ng The Alpha's Foodie. Puro tauhan na lang nito ang kadalasan naming inaabutan dito. Bihira naming matiyempuhan na ito ang tao sa kusina. "Hello po!" bati namin sa ginang. "Buti at nakita ko kayo. Sama kayo sa akin." Yaya nito. Kahit hindi pa sinabi kung saan n'ya kami niyayang isama. "Saan po?" agad na tanong ni Shengsheng. "Sa bahay ng mga Martin. May bible study roon." "Naku! Pass ako d'yan, Auntie Batsy. Baka po masunog ako." Agad na tumayo si Shengsheng. Nakuha naman nitong bitbitin ang shake nito na hindi pa nakalahati. Ito ang ayaw ko kapag nasa mood ang mga ginang. Basta-basta na lang nanghihila sa mga trip nila. Bible study kuno. Pero hindi naman talaga iyon totoo. Parang tea time ng mga iyon ang 'bible study' nila. Tumayo ako at binitbit na rin ang shake ko. "Auntie Batsy, si Isabella po ang yayain n'yo. Magmamadre po iyan. Saka hindi po s'ya busy ngayon. Ako po kasi may binigay pang assignment si Ninong Uno sa akin." Paalam ko rito. Saka tumakbo na palabas. Narinig kong tinawag ako ni Isabella. Pero hindi ko na ito nilingon pa. Sa pagmamadali kong makalabas ay bumungo ako sa lalaking papasok. Ang shake na hawak ko'y tumama sa dibdib nito. Malakas ang naging impak nang pagbungo naming dalawa, pero mabilis na pumulupot sa bewang ko ang braso ng lalaking hindi tumitingin kanina sa dinaraanan. Tumapon sa aming dalawa ang shake. Sisinghalan ko na sana, kaso nakita kong si Ninong Uno pala iyon. Agad akong ngumiti nang pagkatamis-tamis dito. Kahit na may talsik pa ng shake ang mukha ko. "Damn!" iretableng ani nito na parang napapasong lumayo sa akin. Saka sinipat ang damit nito na ngayon ay may kulay yellow stains na. "I'm s-orry, Ninong Uno." Nakalabing ani ko nang ma-realize ko ang nangyari. Akmang hahawakan ko ang t-shirt nito nang muli itong umatras. "Basa ka na." "Tsk. Stupid girl, ikaw rin." Saka ko lang na realize na ako rin pala. Napayuko pa nga ako, dahil basa ay bumakat na ang bra ko. Bago ko pa muling naibalik ang tingin ko rito ay may kamay nang humawak sa braso ko, saka ako hinila patungo sa parking lot. Siyempre hindi ako umangal. Nagpatianod lang ako, kahit nang buksan nito ang pinto ng passenger seat ng sasakyan nito. Sinenyasan n'ya akong sumakay, kaya naman agad akong sumakay. Hindi rin ako nagtanong kung saan n'ya ako dadalhin, dahil kahit kidnap-in pa n'ya ako . . . ayos lang. Hihi! Talandi rin talaga. Isinama n'ya ako sa mansion nila. Pwede namang ihatid n'ya ako sa bahay namin, pero feeling ko'y gusto akong masolo ng lalaki. "Hello, Auntie Keia, my beautiful future mother-in-law!" pakaway-kaway pa ako kahit na karay-karay ako ng panganay n'yang anak. "Oh, anong nangyari sa damit ninyo? Akala ko ba may lakad ka, Keiro Uno?" takang ani ng ginang. Sa aming dalawa nakasentro ang naghihinalang titig nito. "Something happened." Tipid lang na sagot ng anak nito. "Saan mo dadalhin si Bithiah?" ani ng ginang nang tahakin na namin ang hagdan paakyat. "Mag-utos ka sa maid na kumuha ng pamalit ni Bithiah, mommy. Pakidala po sa room ko." Dere-deretso ani ng lalaki. Nang lingunin ko ang ginang ay bagsak ang panga nito. Mabilis ko naman siyang kinindatan na ikinatawa nito. Pagpasok namin sa silid ni Ninong Uno ay agad s'yang naghubad ng t-shirt n'ya. Akmang gagayahin ko nang mabilis nitong pinigilan ang kamay ko. "What the heck are you doing, young lady?" asik na tanong nito. Kapag talaga matanda'y mabilis nang uminit ang ulo. Kailangan kong intindihin iyon. Matanda ba naman kasi ang napili kong mahalin. "Ninong, gano'n din sa ginawa mo. Maghuhubad din. Basa ako eh." "May banyo, Bithiah! Pumasok ka roon." Utos nito sa akin. "Sasama ka?" hindi ko naman talaga intension na itanong iyon. "Nonsense." Masungit na ani ng lalaki. Saka iniwan ako at pumasok sa kanyang walk-in closet. "Bithiah, Keiro Uno?" tinig iyon ng ginang. Kaya mabilis akong lumapit sa pinto at binuksan iyon. "Ito ang pamalit, Bithiah. Hindi pa iyan nasuot ni Isabella." Malambing na ani ni Auntie Keia sa akin. "Okay lang po kaya?" alanganin ani ko. Lalo't wala si Isabella na siyang may-ari. "Tinawagan ko siya bago ko kinuha. Pumayag naman ang aking anak." "Salamat po." "Sige, pupunta pa ako sa bahay nila Auntie Nazneen mo at may bible study raw kami." Napatingin ako sa isang kamay nito na may hawak na bag. I don't think bible ang laman no'n. "Ingat po." Magiliw na ani ko. "Okay, ingat din ang anak ko." Napahagikgik ako sa hirit nito. Safe na safe naman si Ninong Uno sa akin. Wala itong dapat ikabahala. Nang makaalis ito'y pumasok ako sa banyo. Floral dress iyon na abot lang sa kalahati ng hita ko. Dahil magka-size kami ni Isabella, walang naging problema ang damit sa akin. Ang maruming damit ko'y isinama ko lang sa labahan ni Ninong Uno. Saka ako lumabas. Inabutan ko itong nakaupo sa gilid ng kama, hinihintay ako. "Let's go." Parang iritable ito. Dahil ba late na siya sa lakad niya? Sinadya ko pa ngang bagalan ang pagbibihis eh. "Okay." Sagot ko. Bumuntot ako rito nang humakbang na siya palabas. "Saan ka pupunta, Ninong Uno?" nakuha ko nang hawakan ang braso nito. Sa campus kasi'y halos hirap akong makalapit dito. Kaya naman susulitin ko na ang opportunity. "It's none of your business, Bithiah Verse." Patience na lang talaga sa matanda. "It is, you are my business. Isusugal ko ang kagandahan ko, para makuha ka." "Tsk. Dream on." Masungit pa ring ani ng lalaki. "Don't worry, kasama ka talaga sa mga pangarap ko. Ikaw iyong pangarap kong balak kong unahing abutin." "Shut up, Bithiah. Ihahatid na kita pauwi. Dahil may date pa ako." "Ninong Uno, date lang sa kalendaryo ang tiyak kong mayroon ka. Pero iyong ka-date, wait . . . pumapayag na akong makipag-date sa 'yo." Confident na ani ko. Kung makikipag-date man siya, dapat ako lang. Ako ang magdedesisyon. Napangisi pa ako. Pero nabura ang ngisi na iyon nang ihatid nga n'ya ako sa bahay. Hindi raw ako kasama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD