4

1053 Words
"Tumayo kayong lahat." Utos ni Ninong Uno. Kumilos naman ang mga estudyante n'ya para tumayo. Nakuha na namin ang mga papel namin at katatapos lang check-an iyon. Napangiti pa nga ako sa nakuha kong score. "Maupo ang mga may score na mababangit ko." Utos nito sa amin. "Ano sa tingin n'yo ang pinaka-lowest score para roon tayo magsimula?" tanong ng professor. Lahat ay napatingin sa akin. I mean, hindi lahat. Dahil iyong nag-check ng papel ko ay may sariling mundo. "Five, sir?" nagtaas pa ng kamay iyong nasa harap ko. "Okay, maupo ka na." Kumilos naman ang babae sa harap at naupo. "Six? Seven? Eight?" sunod-sunod na naupo ang mga estudyante na may mababang score. Ilan na lang agad kaming natira. Hindi ko tinitignan si Ninong Uno, nagtatampo nga kasi ako. Napahiya kaya ako kanina. Well, hindi ako nahihiya sa mga kaklase ko. Nahiya ako sa sarili ko. Excited masyado kasi. "25? 26?" kami na lang ni Isabella ang nakatayo. "Isabella, what is your score?" "29, kuy... Professor Uno." Magalang na sagot ni Isabella sa kuya n'ya. "Very good." "27? 28?" saka lang ako nag-angat nang tingin. Nakaangat na ang kilay ng gwapong professor na wari'y hinihintay akong maupo. "29?" naupo na si Isabella. "30 ka, Bit?" tanong ng isa kong kaklase. Parang gulat na gulat ito. Porke ba bagsak ako sa last quiz namin? Judgemental sila, ah. "Yes, 30 ang score n'ya. Ako ang nag-check." Sagot ng isa kong kaklase. Buti naman saglit itong lumabas sa sarili n'yang mundo. "Palakpakan natin siya." Seryosong ani ng professor. Naupo na ako. Wala man lang very good d'yan? Bakit kapag iyong iba ay puring-puri n'ya? Tapos ako palakpakan lang? "Congratulations, Bit! Masyado ka namang nagpakitang gilas today." Biro nito sa akin. "Nangako kasi ako sa daddy n'yo---" "Kanino?" pabulong na tanong ni Isabella. "W-ala. Nangako ako kako sa sarili ko na babawi ako today sa quiz." "Ah, akala ko nabanggit mo ang daddy ko." "Si Uncle H? Bakit ko naman babanggitin?" painosenteng tanong ko rito. "Wala lang. Naisip ko lang kasi baka kinulit mo ang daddy namin para lang mapauwi si Kuya sa date n'ya." Nakangising ani nito. "Naku! Nakakahiya naman sa daddy n'yo kung gawin ko iyon. Saka nakakahiya naman sa kuya mong magaling magturo kung ibabagsak ko lang ang quiz ngayong araw." "Pero hindi mo nga siya tinitignan. Iniiwasan mo ang tingin n'ya." "Hindi ah. Siya nga itong hindi tumitingin sa akin. I-congratulate mo na lang akong nakapasa ako. Ipapa-laminate ko ito." Nakangising ani ko. Sabay kindat dito. Tawang-tawa ito pero nagpipigil dahil nasa harap pa ang professor. "Congratulations! Sana sa susunod ay ganyan ulit." "Oo naman! Ipapasa ko ulit ang quiz." Medyo hambog na ani ko sa kaibigan. Alam kong pasulyap-sulyap ang masungit na professor sa side namin, dahil pasimple akong sinisiko ni Isabella dahil doon. Pero hindi ko pa rin tinignan ang kapatid n'ya. Mamaya na lang. Tiyak na humupa na ang tampo ko sa kanya. "Pwede na kayong lumabas." Dinig namin ani ni Ninong Uno. Nagmadali ang mga kaklase namin sa paglabas. Kami lang ata iyong relax na relax na kumilos habang nag-aayos ng gamit namin. Hinintay rin naming makalabas lahat, dahil wala kaming balak makipagsiksikan. "Isabella, sumabay ka sa akin." Napalingon kami kay Ninong Uno. Ako ba isasabay rin n'ya? "Why, Kuya?" Kuya na ang tawag nito dahil tapos na ang klase. Lumapit pa si Isabella sa kapatid n'ya na inaayos na ang laptop sa bag n'ya. "Hindi raw available ang driver mo today. Kaya sa akin ka na sasabay." "Bit, may sundo ka ba ngayon?" baling ni Isabella sa akin. "Hindi ba't makikisabay ka sana sa akin dahil wala kang sundo today?" sabay kindat nito. "Oo, wala si manong driver. Kaso wala ka naman palang sundo. Magta-taxi na lang ako." "Sumabay ka na rin." Medyo masungit na ani ng lalaki. Sabay pa kaming napa-yes ni Isabella. It's time to make papansin sa aking future husband. Dali-daling inilabas ko ang phone ko. Nakita ko agad ang message ng Kuya Yael ko. "I'm on my way, Bithiah." Ito ang susundo sa akin? Dali-daling tumipa ako nang mensahe rito. "Noooo. Pauwi na kami ni Isabella. Sumabay kami kay Ninong Uno. Don't make sundo na, Kuya. I love you." In-send ko agad iyon. Pina-ring ko pa nga ang number nito para mabasa nito ang mensahe ko. "K." Tipid na reply ng lalaki. Saka ako nag-angat nang tingin sa magkapatid. Nakatingin na pala sila sa akin at naghihintay. "Aalis na ba tayo?" excited na tanong ko. Hindi naman siguro halata, 'di ba? "Let's go." Tipid lang na yaya ng lalaki. Agad ko namang binuhat ang bag ko. Saka sumunod na sa kanila. Buti pa si Isabella, iyong kuya na n'ya ang nagbitbit ng bag n'ya. Napatingin ako sa bag ko. "Akin na." Bigla na lang nawala sa kamay ko ang hawak na bag. Nang tignan ko si Ninong Uno ay bitbit na n'ya at nagpatiuna na sa paglalakad. Halos yugyugin ko si Isabella sa labis na kilig ko. "Huwag kang masyadong kiligin, girl. Gentleman lang talaga ang masungit kong Kuya." "Iyan ka na naman, sinisira mo na naman ang kasiyahan ko." Agad kong reklamo rito. "Hindi, ah. Nagsasabi lang ako ng totoo. Tignan mo, kahit magpustahan pa tayo. Kapag may nakita siyang nahihirapan ay tutulungan n'ya." Tamang may lumabas na babaeng professor sa kabilang classroom. May bitbit itong mga notebook. Magaan naman iyon. Pero inalok pa rin ni Ninong Uno na tulungan ang professor. Agad namang pumayag. Kinilig pa nga eh. "Tama ako, 'di ba?" nakangising tanong ng babae. Tipid lang akong tumango. Nakasakay na sila sa elevator. Nakaharang ang kamay ni Ninong Uno sa pinto para hindi iyon sumara. Hinila na ako ni Isabella papasok. "Professor Uno, baka gusto mong sumama sa amin mag-merienda. Marami sa member ng faculty ay magpupunta sa pinakamalapit na restaurant. Pwede kang sumabay na sa akin." "No, thanks. Isasabay ko sa pag-uwi ko ang mga kapatid ko." Sabay tingin nito kay Isabella at sa akin. Napasimangot na talaga ako nang malala rito. Alam kong huling-huli ang pagsimangot ko. Sino ba naman ang matutuwa? Isinama ba naman ako sa mga kapatid n'ya. No. Gusto kong maging Zimmer, pero hindi bilang kapatid n'ya. Gusto kong maging Zimmer, at makukuha ko iyon bilang asawa n'ya. Nang tignan n'ya ulit ako ay napairap na ako. Mapapangasawa ang nais ko... hindi kapatid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD