"Ngayong 18 na ako, legal age. Ang hiling ko'y mapasaakin ang panganay na anak ni Uncle Hendrix." Nawala ang atensyon ng lahat sa akin pagkatapos kong sabihin iyon, agad sumentro ang tingin nila sa lalaking nakaupo sa pinakamadilim na parte nang malawak na venue.
Pati ang spotlight ay sumentro rito. Kitang-kita ko ang pagbabago ng expression ng mukha nito. Humigpit din ang pagkakatahawak nito sa kopita, ang tingin ay naging matalim. "Kung kayang tuparin ni Uncle Hendrix and Auntie Keia iyon, mas mabuti. Pero kung hindi naman, hindi pa rin ako susuko. Kukunin ko ang lalaking iyon." Itinuro ko pa ang lalaki.
It's my 18th birthday celebration, narito ang lahat ng mga kaibigan, classmates and family. Witness ang lahat sa hiling ko. Hinintay kong mag-react si Ninong Uno, ngunit maingat nitong inilapag ang kopita. Kalmadong tumayo, hindi ako nag-expect na lalapit ito at kakausapin ako. Mas inasahan ko na ang sunod nitong action. Nakapamulsang humakbang patungo sa exit ng venue. Napangisi ako habang pinanonood itong lumayo.
"Makukuha rin kita." Nakangising ani ko. Lumapit na si Mommy Bible sa akin at tinapik ako sa balikat. Hinawakan ang kamay ko, saka iginiya paalis sa harap ng microphone.
"Ikaw talagang bata ka, puro ka kalokohan!" sermon ni Mommy sa akin. Matamis lang ang ngiti ko. At least, wala na akong kailangan itago pa. Matagal ko nang crush si Ninong Uno, kahit na malaki ang agwat ng edad namin ay hindi iyon naging hadlang, hinangaan ko ito. Close kami nito, pero ngayon sa tingin ko'y magbabago na ang friendship namin pagkatapos kong mag-confess. Nang lingunin ko ang mga kaibigan at pinsan ko'y natatawa sila. Naiiling pa nga dahil sa confidence ko sa harap nang maraming tao.
"Hindi ako nagbibiro rito at nanloloko, Mommy. Gusto ko ang panganay na anak ni Hendrix Zimmer. Hindi na iyon magbabago pa." Lumapit na si Auntie Keia na naiiling, pero nakuha pa rin nitong ngumiti sa akin.
"Darling, that's so brave." Puri pa nito. "Pero hija, malabo naman iyang sinabi mo."
"Wala pong malabo sa pusong baliw sa pag-ibig---" napangiwi ako nang marinig ko ang pagtikhim ni Daddy. Narinig nito ang sinabi ko, nang makita ko ang expression ng mukha nito'y halatang hindi ito natuwa.
"Pag-aaral ang asikasuhin mo, Bithiah." Seryosong ani ng aking amang si Yko Aragon.
"Hindi po ba pwedeng pareho kong seryosohin? Pag-aaral at pag-ibig? Marunong naman po akong mag-multitask."
"Tsk. Enough, makakalimutan mo rin iyang mga sinasabi mo na iyan kapag busy ka na sa school. Bumalik na tayo sa party." Yaya ni Mommy Bible na mukhang paniwalang-paniwala sa sinabi nitong makakalimutan ko iyon.
Pero paano ko makakalimutan iyon, kung isa si Ninong Keiro Uno Zimmer sa professor ko?
HABANG busy ang lahat sa pagsusulat, tutok na tutok naman ang tingin ko sa lalaking nakatayo sa harapan. Nilalaro nito ang ballpen, habang ang isang kamay ay nasa pocket nito. Siya ang prof namin sa Principles of management. Pero habang nakatayo ito sa harap, para lang itong modelo.
"Matunaw si kuya." Siniko pa ako ni Isabella nang mahuli na naman ako nitong titig na titig sa kuya nito. Pero dahil ako na yata ang may pinakamakapal na mukha sa lahat ng babae rito, wala akong pakialam kung mahuli man nila akong titig na titig sa lalaki. Nakailang tingin na nga si Ninong Uno sa akin, pero agad ding nag-iiwas nang tingin ang lalaki. Nanunulis tuloy ang nguso ko, pero sige pa rin sa pagtitig.
Napakaperpekto ng mukha nito, marami itong malalampasong modelo at artista kung gustuhin nitong pasukin ang larangang iyon. Pero hindi, malabong gustuhin nga nito. Ito ang panganay na Zimmer. Malaki ang responsibility nito sa corporation ng pamilya nito. Kahit na may katulong itong mga kapatid, iba pa rin ang obligation nito bilang panganay.
Alam ng buong university na gusto ko ang lalaking ito. After ng 18th birthday ko, ako ang laman ng mga group chats ng mga estudyante sa university. Pero kahit na gano'n . . . taas noo pa rin ako, bakit ko ikakahiya ang feelings ko sa lalaki? Ginagawa ko pa nga itong inspiration --- "Bithiah Verse Aragon, 2/15." Parang mapait sa panlasa ng lalaki na binigkas ang score ko. Nagbungisngisan ang mga kaklase ko sa narinig nilang score ko. Napasimangot ako, bakit naman kailangan pa nitong i-announce iyon? Para ipahiya ako? Hoy! Hindi ako bobo, ah.
"Okay lang iyan, Bithiah. Bawi ka na lang sa next quiz." Pangche-cheer ni Isabella.
Hindi naman talaga dapat dos ang score ko. Nakalimutan ko lang talagang magsagot, dahil napatitig ako sa gwapong mukha ng lalaki.
"Isabella Zimmer, 15/15." Mas lalo akong nahiya. Hindi ko na tuloy maiangat ang ulo ko para tignan si Professor Uno. Iyon ang gusto n'yang itawag ko sa kanya, kaso paano ko naman iyon gagawin? Mas prefer ko ang Ninong Uno, dahil ibig sabihin no'n ay nag-iisa lang ako na tatawag sa kanya no'n. Ako lang naman ang inaanak nya.
"Tumayo ang mga nakapasa." Seryosong ani ni Ninong Uno. Agad tumayo si Isabella, at lahat ng mga kaklase ko. Ako lang ang bagsak. Pwede bang maging invisible na lang ako? Tapos hindi na nila makita pa.
"Tapos na ba kayong magsulat?" tanong ng lalaki. Boses pa lang nito ay nakaka-inlove na. Tipong marinig mo lang ay maiisip mo agad na ang may-ari no'n ay gwapo at matikas na lalaki.
"Yes, Professor Uno." Sagot ng mga kaklase ko.
"Pwede na kayong umalis." Dahil ako lang iyong nakaupo. Hindi ko alam kung kasama ako roon.
"Bithiah, paano ka?" mahinang tanong ni Isabella. Pilit akong ngumiti rito.
"Ayos lang, baka kakausapin lang ako ni Professor Uno. Kita na lang tayo sa The Alpha's Foodie later."
Tumango na lang ang babae. Pinagmasdan kong lumabas ang mga ito. Hanggang sa ako na lang ang naiwan at ang professor na abala sa pag-aayos ng mga papel namin. Pinaiwan n'ya ba ako para ipamukhang bagsak ako? Time na, dapat makalabas na rin ako.
"Wala ka bang balak seryosohin ang klase ko, Bithiah?" napatitig ako sa labi nitong mamula-mula. Sa pagkakaalam ko, naninigarilyo ito. Pero bakit kaya gano'n pa rin ang lips nito?
Hinila nito ang upuan sa harap ng mesa n'ya. Saka siya roon naupo. Sumunod naman ang tingin ko at nakipagtitigan dito.
"I'm asking you. Wala ka bang balak seryosohin ang klase ko?" kahit maliit na detalye sa mukha nito ay pansin na pansin ko. Ang kilay nitong bahagyang nagsasalubong, ang labi nitong napakaperpekto nang pagkakagawa nila Uncle Hendrix at Auntie Keia, ang mga mata nitong waring galit at matalim ang tingin sa akin.
"Seryoso ako sa 'yo, Ninong." Para akong hinihipnotismo. Ang utak ko'y lutang at walang maisip kung 'di ang pagkagusto ko rito. Nawala na naman iyong hiya, confident ko na itong tinitigan. Saka ako ngumiti nang pagkatamis-tamis.
"That's it!" inilagay na nito sa bag n'ya ang laptop n'ya. "Hindi ako magiging easy sa subject na ito, Bithiah. Kung hindi mo ito seseryosohin, kailangan mong i-take ulit ito." Galit siya. Kinikilig naman ako.
"Basta ikaw ang professor ko, ayos lang." Buo ang loob na ani ko.
"Bithiah!" naibagsak pa nito ang libro n'ya.
"Bago ko matutunan ang lesson . . . natutunan na kitang mahalin." Banat ko na ikinailing n'ya. Pakiramdam ko'y sobrang sakit na ng ulo nito sa mga pinagsasabi ko sa kanya.
"Bago ka bumanat, tiyakin mo munang hindi ka babagsak." Pasaring nito sa akin. Ang sungit, simula no'ng nag-confess ako na gusto ko siya, ganito na ang pakikitungo n'ya sa akin. Mailap na ito, parang napapaso palagi sa tuwing nasa malapit ako.
"Pero na fall na ako . . . sa 'yo." Napapikit ito dahil sa muli kong banat.
"Pwes . . . ayaw ko sa estudyanteng bobo." Ouch! Isumbong ko kaya ito sa dean? Makabobo naman wagas.
"Sorry naman, natatanga kasi ako sa kagwapuhan mo. Pero pwede mo akong i-test, tiyak kong papasa ako . . . sa standard mo."
"Stop it, Bithiah. May nobya na ako, at ito ang tandaan mo. Hindi ako pumapatol sa bata." Saka n'ya itinuro ang mga upuang magulo. "Ayusin mo ang mga iyan."
Iyong sinabi nitong hindi ito papatol sa bata, sa pagkakaalam ko na kwento na ni Daddy Yko iyon, wala raw itong planong pumatol sa bata. Kaso na fall ito kay Mommy Bible ko, si Uncle Abram na fall kay Auntie Batsy, si Uncle Mec naman ay na fall kay Auntie Mace.
For sure, itong si Ninong Uno ay kakainin din n'ya ang sinabi n'ya. Fighting, Bithiah Verse. Kailangan mong masungkit ang panganay na anak ni Hendrix Zimmer.