"Mukhang hindi ko napansin ang anak natin sa buong maghapon, Honey? Nakita mo na siya?" tanong ni Christina sa asawa. "Iyan nga rin sana ang itatanong ko, Hon. Kaso naunahan mo na ako. I haven't seen him yet since morning," tugon nito. Magsasalita pa sana ang Ginang subalit hindi na nito nagawa dahil lumapit ang kasambahay nila. May iniabot na sulat. "Ano ito?" agad na tanong ng Ginang. "Ah, hindi ko po alam, Ma'am. Basta ang sabi po ni Sir Michael ay ibigay ko raw sa inyo pagdating n'yo. Sige po, Ma'am, babalik na po ako sa trabaho ko." Yumuko ang kasambahay at tatalikod na sana subalit pinigilan ni Christina. "Wait, wait for a moment. Sabi mo ay ipinabigay ito ng Sir Kael mo. Bakit saan ba siya nagpunta? Hindi na siya pumasok sa trabaho?" tanong nito. Kaya naman ang papaalis na san