CHAPTER FORTY

2114 Words

"Mano po, Lola. Siya po pala si Michael Carrick ang boyfriend ko, Michael Carrick, siya naman ang Lola Rosa ko. At sila naman sina Mama Sharon at Papa Ronald." Pagpapakilala ni Jullianna sa abuela, sa nobyo at sa mga biyanan ng kapatid niya. "Kaawaan ka ng Diyos apo," tugon ng matanda saka bumaling sa lalaking kasama ng apo. Samantalang ang mag-asawang Sharon at Ronald ay tahimik sa tabi. Hinayaan nilang ang may edad na si Lola Rosa ang nagsalita. Alam naman nilang iyon ang dahilan kung bakit nagpursige itong pasamahin ang kasintahan ng bunso nila. "Mano po, Lola. Kumusta ka po?" Magalang na inabot ni Michael Carrick ang palad ng matanda saka nagbigay-galang dito. Naiilang siya sa mapang-usig nitong paningin subalit hindi siya nagpahalata. Ayaw niyang mapahiya ang kasintahan niya dahil

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD