Laking pasasalamat ng pamilya Sanchez ng dumating sa wakas ang bunso ng pamilya nila. Si Jullianna Marie Marcus. Ang dalagang natulog sa bus sa buong biyahe. Ang babaeng nakipaglambingan pa sa kasintahan via cellphone bago tuluyang nagparamdam sa mga nasa loob ng kabahayan. "Hello, everyone. I'm home," masaya niyang sabi nang nakalapit na siya sa pintuan. Hindi nga siya nagkakamali dahil buong pamilya ay nandoon pa. Ang Lola Rosa niya ay nasa higaan. Nais tuloy niyang batukan ang sarili dahil pinag-isipan pa niyang sipain ang driver ng tricycle dahil sa sinabi. Totoo namang baka dahil sa kaniya ay hahaba pa ang buhay nito. "Mano po, Lola. I miss you." Lumapit siya rito at niyakap ito nang mahigpit. Nakahiga man ito subalit hindi naging hadlang upang makapagamano siya. Nayakap pa nga ni