"Sa ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Espirito Santo. Amen," paunang sabi ng Parish Priest na siya ring officiating priest sa kasalang magaganap. Ang Marcus-Garcia nuptials. "Magandang umaga sa ating lahat mga kapatid kay Kristo. Tayo ay naririto sa tahanan ng ating Amang Lumikha upang saksihan ang pag-iisang dibdib ng ating mga kapatid. Sina Jullianna Marie Marcus at Michael Carrick Garcia. Pero bago tayo magpatuloy sa kasalang ito ay nais ko munang itanong kung may tumututol sa inyong nandito sa kasalang ito. Kung mayroon man ay maaari nang magsalita dahil kung hindi ay mananahimik na habang-buhay." Iginala ng pari ang paningin upang kumpirmahin kung mayroon nga bang nais tumutol sa kasalang nagaganap. Subalit makaraan ng ilang minuto ay nagpatuloy ito dahil nanatili namang tahimik ang buo