"Hindi ka ba nagsasawang ipagtabuyan ni Kuya Michael Carrick, Ate? Sa pananalita niya ay may nagawa ka na namang labag as kalooban niya. Ate, mahalin mo naman ang sarili mo," ani Monaliza SA kapatid. "Just keep quiet, Mona. Hayaan mo ako sa diskarte ko," tugon ng dalaga. Malakas ang loob niyang ipagpatuloy ang nasimulan dahil alam niyang backup niya ang ina ng lalaking pinapangarap niya. "Pero, Ate, hindi ka na nakakatuwa. Kapag malaman ito nila Papa at Mama ay hindi rin sila sasang-ayun sa pinaggagawa mo. Kako magpakatotoo ka naman kahit iyan lang ang magawa mo para sa aking kapatid mo." Nagpakawala ng malalim na hininga si Monaliza. Kapatid niya ito subalit hindi siya sang-ayun sa pinaggagawa nito. Ilang beses na niya itong sinabihan subalit parang wala lang ang mga sinasabi niya. Hin