CHAPTER TWO

2508 Words
"Magandang umaga po, Tatay," magalang na bati ni Anna sa may edad na ring si Tatay Romeo. "Mas maganda ka pa sa umaga anak, halika na at sabay-sabay na tayong mag-almusal," tugon ni Tatay Romeo. "Salamat po, Tatay. Siya nga po pala si, Kuya Ronald, nasaan po?" tanong ng dalaga sabay hila sa upuan. "Parating na iyon, anak. Maagang nagtungo sa bukid pero umuuwi siya para kakain," sagot ng matanda saka akmang pagsisilbihan siya ngunit naging maagap siya. "Ako na po, Tatay. Hindi po ako amo rito para pagsilbihan n'yo. Nahihiya na nga po ako sa inyo." Napatungo siya dahil sa hiya akmang ipagtitimpla pa siya ng matanda. Ang tanggapin siya ng mag-amang Romeo at Ronald ay okay na pero ang pagsilbihan pa siya ay kalabisan na. "Anak na rin ang turing ko sa iyo, Anna, kaya huwag ka ng mahiya. Alam kong hindi ka sanay sa mga gawain kaya hayaan mong tulungan ka namin ng Nanay at Kuya Ronald mo. Ituring mo kaming pamilya anak dahil ganoon din kami sa iyo." Nakangiti si Tatay Romeo. Dahil sa ingay dulot ng kalansing ay hindi namalayan ng dalawa na dumating na pala ang hinihintay nila. "Ang aga-aga pa para magdramahan kayo, Adeng( ilokano word for younger than you), Tatay. Anong ulam?" wala namang ibang ibig sabihin ang binata dahil ang nais lang niya ay ma-feel at home sa kanila ang alaga ng kaniyang ina. "Hindi naman, Kuya, halika ka kain na po tayo," tuloy ay pinamulahan ng mukha ang dalaga. "Ayan anak, sana tuloy-tuloy ang pagngiti mo dahil sa pagliwanag ng mukha mo ay mas gumaganda ka," aniya rin ng matanda sa pagitan nang pagsubo. "Totoo iyon, Adeng. Maganda ka naman talaga ka at sa katunayan may mga nagtatanong kung maari raw ba silang mamasyal dito at makipagkilala sa iyo pero sabi ko ayaw kitang pangunahan kako itatanong ko muna," sabi rin ni Ronald. Yes! It's true, that she's living now with the family of her nanny in Paratong Sta Catalina for more than two weeks already. Mahirap ang malayo sa sariling pamilya pero para sa kaniya ang Nanay Rosa, Tatay Romeo at Kuya Ronald niya. Ang kaniyang pamilya and she's happy with it. "Hindi po ba iyon nakakahiya, Kuya? Eh kasi..." Ayaw niyang maging bastos pero ayaw rin niyang lumalabas dahil hindi naman talaga siya sanay. Kahit noong masa poder pa siya ng magulang ay hindi siya nagpapabisita sa kanilang tahanan. "Hindi iyon nakakahiya, Adeng. Baka naman siya ang hinihintay mo?" Panunukso tuloy ni Ronald. "Ha? Sinong siya , Kuya?" Nagtataka si Anna dahil clueless naman talaga kung sino ang tinutukoy ng binata. "Aysus anak kunwari ka pa. Papunta ka pa lang anak pabalik na ako kaya alam kong si Paul ang nais mong makita. Miss mo siya ano?" Matanda ka na nanunukso ka pa! "Eh, totoo naman po Itay, hindi ko po alam kung sino ang tinutukoy ni Kuya eh..." lumabas ang tunay na Anna Marie dahil sa pagsasalita ay nakanguso na siya. Tuloy ay mas nagmukha siyang bata kaysa sa edad. Tuloy, napahalakhak ang mag-ama. "Anak, nakalimutan mo na ba ang knight in shining armour mo? Mabait na tao iyon, masuwerte ka nga dahil siya ang tumulong sa iyo ng gabing iyon," sa wakas ay sukong wika ng matanda na agad sinundan ni Ronald. "Hindi man kami close ni Paolo pero kilala ko siya. Taga Poblacion siya at batch ko dati sa High School. Sadya lang siyang matulungin kaya hindi na nakapagtataka na agad ka niyang tinulungan," anito. "Hmmm, hindi naman sa hinihintay ko siya, Tatay. Malapit lang ang loob ko sa kaniya lalo at siya ang tumulong sa akin. Sabi nga niya ay puwedi ko raw siyang ituring na kaibigan." Sansala ng dalaga bago bumaling sa binata. "Kuya, sama ako sa bukid mamaya ha," muli ang taong hindi nakaranas sa buhay probinsiya ay nagniningning ang mata sa kaisipang mararanasan na ang buhay na hindi naranasan kahit kailan. "Totoo? Naku, anak baka mangati ang katawan mo riyan lalo at palay ang trabaho ng Kuya mo ngayon doon," maagap na pigil ng matanda sa kaisipang baka mapaano pa ang dalaga. "Hindi naman po siguro Itay sa gilid na lan po ako," sagot ng dalaga. "Sa isang araw ka na lang sasama, Adeng. Para maraming tao roon dahil magpapaani tayo sa isang araw. Sabi nga ng nabasa ko, The more, The Merrier." Sang-ayun na rin ni Ronald sa pagtutol ng ama hindi naman sa ayaw niya itong isama pero nag-aalala lang siya dahil para itong babasaging crystal. Sasagot pa sana ang dalaga ng biglang napatigil dahil sa sinabi ng radio o sa narinig mula dito. "Good morning Philippines, good morning Luzon lalo na dito sa Ilocos Region. We are in need of newscaster, news reporters, drama writers, and news writers. If you know that you are qualified bring all the documents and please report here at Bomboo Vigan Station here at Tamag, Vigan City. Ano pa ang hinihintay n'yo mga kapatid, heto na ang pagkakataong pinakahihintay ninyo upang magkaroon ng trabaho at hindi lang iyan malay ninyo kayo na ang susunod na mapili bilang kalahok sa national writing contest na gaganapin sa Bomboo Naga, Naga City. This is a limited slots, kaya ano pa ang hinihintay ninyo come and visit us personally in our station here at Tamag Vigan City. Iyon lamang po at maraming salamat," pahayag ng radyo. Bilang isang manunulat at graduate ng Journalism, magandang balita iyon para sa dalaga. She love to write novels. Hindi pa siya nakapag-published pero that's her ultimate dream to have her own book even they always say na walang yumayaman na writer. 'You're a disgrace to our family, Anna Marie!' Umalingawngaw sa pandinig ni Anna nang paulit-ulit kaya naman sa kaisipang pinalayas siya ng ama dahil sa passion niya sa pagsusulat ay natigilan siya bagay na hindi nalingid sa mag-ama. "Anna, hindi man namin alam ang buong kuwento kung bakit ka umalis sa inyo pero susuportahan ka namin sa anumang gusto mong gawin. Naikuwento na rin ni Inay ang hilig mo sa pagsusulat at graduated ka ng Journalism kaya kung gusto mong mag-apply sa Bomboo sige lang sasamahan kita. Kung gusto mo nga eh ipasa mo ang mga akda mo." Tinig na pumukaw sa nalulungkot na namang isipan ng dalaga pero bago pa man siya makapagsalita ay sinundan ni Tatay Romeo ang tinuran ng anak. "Hindi ka namin inuubligang magtrabaho, anak. Subalit sa tuwing nakikita kitang nalulunglot kaharap ang laptop mo ay mas nahihirapan ako. Hindi man ako nakapag-aral pero alam kong nagsusulat ka kaya kung gusto mong maging writer o maging reporter diyan sasmahan ka ng Kuya mo para mag-apply. Alam naman naming kaya mo iyan anak. Tiwala sa sarili at panalangin ang katapat niyan anak," anito. Mabuti pa ang hindi niya kadugo dahil buong puso siyang susuportahan kaysa ang mismong pamilya niya! "Maraming-maraming salamat po ,Kuya, Itay. Gustong-gusto ko po talagang maging writer lalo na sa nobela. At iyan din po ang dahilan kung bakit ako pinalayas ni Daddy, dahil wala daw akong mapapala dito pero iyan po talaga ang nais ko, ang magsulat. Salamat po kahit hindi ninyo ako kaano-ano ay nakasuporta pa rin kayo sa akin." She almost cried upon saying those words! "Asahan mo ang suporta namin sa iyo ni Itay, Adeng ko. Kaya tapusin na natin ang almusal para makapaghanda ka na. Dalhin mo ang mga expected documents na magagamit sa pag-apply mo. Mas magandang maaga tayo dahil sigurado ang pila," pampapalubag-loob ng binata kay Anna. Iyon na nga! After they ate their breakfast ay naghanda na si Anna Marie para sa pag-apply ng trabaho. And all of them are praying and hoping that everything gonna be alright. Sa kabilang banda, nagtungo si Paolo sa opisina ng Boss. "Oh, kanino ko utang ang pagdalaw mo, Marcus?" agad nitong tanong. "Ganyan ka na ba ngayon, Sir? Hindi mo pa nga ako sinasagot sa aking saludo interrogation na agad?" Ismid din ng binata. Kahit naman mga alagad sila ng batas ay nagbibiruan din sila. "Huwag ka ngang magpatawa, Marcus. Dahil alam ko namang mas malakas ka pa sa kalabaw kaya kahit hindi kita tangunin kung okay ka kaya huwag mong ibalik ang tanong," sagot ng opisyal sabay lahad sa palad para paupuin siya. Yes! Paolo Marcus is one of those undercovers of the NBI. Nagkataon lamang na hiniram niya ang taxing mimamaneho ng kaibigan as part of his mission ng napadaan siya sa tahanan ng mga Garcia. "Ang harsh mo talaga, Sir, huh! By the way high way, baka naman maari mo na akong ilipat sa Ilocos Sur branch? Panahon na rin siguro para sa sariling probinsiya ako makapagsilbi," seryosong wika ng binata. "Aba'y sabi ko na nga ba't may sasabihin ka, kanino ako nagkautang, Marcus?" hindi pa rin makapaniwalang sabi ng opisyal. "Seryoso ako,Sir. Hindi naman siguro lingid sa iyo na kaming mag-ina na lang sa buhay pero lagi ko siyang iniiwan kaya napag-isip-isip ko na panahon na siguro para doon ako sa Ilocos Sur magtrabaho," giit ng binata. Dahil ramdam din ng opisyal na seryoso ang kausap ay itinigil din ang pagbibiro. "Yes of course, Marcus. You can, dahil will mo iyan. Pero ang tanong kaya mo na bang ipaalam sa publiko na isa kang alagad ng batas? Kaya mo bang harapin ang magulong buhay ng mga tunay na mambabatas? I admire you since then alam mo iyan, Marcus. Dahil isa ka sa mga matitinong alagad ng batas kahit isa kang undercover. Kung iyan ang decision mo ay ikakasa ko iyan sa taas hindi ka naman bago para hindi alam ang law of protocol." Sang-ayun ng opisyal. Kaya na nga ba niyang lalantad sa publico bilang isang mambabatas? Hindi lingid sa kaniya ang buhay mayroon ang mga alagad ng batas. Kaya pinakiramdaman niya ang sarili and he feel it na masaya siya bilang mambabatas even public or not. "Yes, Sir. I'm ready to face the reality," may ngiti sa labing sagot ng binata. "Abah himala, Marcus, marunong ka nang ngumiti ngayon ah. Is there's something fishy hmm?" Pang-aarok ng opisyal. "Ha? Sir, naman bawal na bang ngumiti? Aba'y kung nagkataong masaya ako dahil sa sariling probinsiya na ako magtratrabaho ay makukulong ako dahil lang sa nakangiti ako?" Nakatawa na rin siya. Anong magagawa niya kung masaya siya. "Okay, okay, kung iyan ang gusto mo, Marcus. Wala tayong magagawa kundi ang ipasa ang papel mo sa taas pero you still need to wait some other time alam mo iyan," sukong sagot ng opisyal. "So, I'll go ahead, Sir. Basta ang gusto ko Boss ay this week malalaman ko ang resulta. By the way, I'm going home this weekend at sa Sunday night na ako luluwas muli. Ikaw na ang bahala rito, Sir. An you know what I mean," muli ay wika ng binata saka tumayo at sumaludo na tinanguan ng opisyal. Hindi na rin magtagal si Paul matapos nilang nag-usap ng boss niya ay muli siyang sumakay sa taxi na hiniram sa kaibigan. "Miss Anna Marie Garcia," tawag sa pangalan niya ng tumatanggap ng mga application nila. Marami-rami din silang pumila sa trabahong offer ng stasyun ng radio lahat sila ay umaasa na makuha ang puwesto. As they called her name she walked forward and get closer to them. Heads up and standing straight as she walk towards the interviewers. "What's your reason that you want to have this position, Miss Garcia? You're qualified with this position as a reporter as well as newscaster because you're graduated in a prestigious university." Pinalipat-lipat ang paningin sa bio-data at sa kaniya. "Since I was young I dream to become a novelist and the nearest course to my dream is to take Journalism, Sir. And now that I'm in a right age I want to pursue my dream and I know that this is it, with you here in your radio station it's my time to let the other people to know that I'm a writer. Thank you, Sir, and I'm hoping that you're satisfied with my answer," deretsahang sagot ng dalaga. "Very good answer, Miss Garcia. One last question before I'll give you the final verdict. If ever that you'll be the one to be selected on this position what's the title of your first story?" tanong ng interviewer. Muli ay napangiti ang dalaga dahil sa tanong nito ay pakiramdam niya ay tanggap na siya bilang writer sa naturang radio station. "STARTING ALL OVER AGAIN, Sir. Why? It's just simply because I was inspired to start a new life without anyone of my kinn. Here with you in the province I want to spend my life in writing what's on my mind even they're saying that no one on this profession get rich. I don't mind those murmuring because I'm happy with it. I'm writing from the bottom of my heart and that's what makes me happy. That's all and thank you, Sir." She smiled. Heads up that makes the interviewer to clapped his hands several times. "Very well said, Miss Garcia. I love it and I'm very impressed of what you've answered at dahil diyan ay tanggap ka na. Maari ka ng magsimula bukas bilang news writer and drama writer here. Don't worry about the wages dahil completo ang ating benefits. Again, congratulations and see you soon here as our writer," masayang sabi ng manager sa radio sabay lahad ng palad para makipagkamay. "Thank you, thank you very much, Sir." She almost cried upon hearing those words! Sino nga ba ang hindi matutuwa sa resulta ng pag-apply sa trabaho? Naturally, wala dahil ng oras na iyon ay natanggap agad si Anna Marie Garcia bilang isang writer sa Bomboo radio station. "Dahan-dahan kapatid aba'y baka matumba tayo niyan," bakas din sa mukha ni Ronald ang tuwa. Hindi man nila tunay na kadugo ang dalaga pero itinuring nila itong mas higit pa sa kapamilya. Sa pagkakakita pa lang sa maliwanag na mukha nito ay alam na ng binata na may maganda itong balita. "Tanggap ako, Kuya! Yes, matutupad na rin ang pangarap ko bilang writer, Kuya. Uwi na tayo para maibalita natin kay Itay ang tungkol dito," hindi mawala-wala ang saya sa mukha nito. "Wow! Ang galing naman ng kapatid ko ah. Pa-cantoon na iyan. By the way, masaya ako para sa iyo, Anna at sana ingatan mo rin ang sarili mo at lagi mong isipin na kalusugan ang puhunan sa pagtratrabaho. So, uwi na tayo o daan muna tayo sa mall para makabili ng gamit mo?" nakangiting tanong ng binata. "Uwi na tayo, Kuya. Marami naman akong gamit sa bahay. Saka doon na tayo bibili ng pansit cantoon. Ay, hindi joke lang iyon, Kuya. Kapag ako ang malaluwag-luwag mamamasyal tayo nila Nanay at Tatay sa Baguio. Matagal ko ng pinapangarap ang makarating sa Baguio City." Nagniningning ang mga mata ng dalaga dahil sa kaligayahang lumulukob sa kanya. "Joke lang din, Deng. Ang makita kang masaya ay masaya na rin kami kaya huwag kang mag-alala dahil susuportahan ka namin." Nakangiti rin siyang sumang-ayon sa dalaga. Nag-aabang pa lang ang dalawa ng masasakyan pauwi sa lugar nila nang biglang may tumigil na isang owner type jeep sa harapan nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD