CHAPTER ONE

2277 Words
"Lumayas ka ngayon din sa pamamahay ko, Anna! Wala akong anak ma mangmang!" malakas na sigaw ni Don Amador sa anak. "Iyan lang ba ang kaya mong sabihin, Daddy? Huwag kang mag-alala dahil balang-araw ang mangmang mong anak ay siya ring titingalain ng mga tao," mapait na sagot ni Anna sa ama. Masakit para sa isang tulad niya ang laging nilalait ng sariling ama, laging ikinukumpara sa mga kapatid na lagi raw honor student sa school. At pagdating sa college ay mga kilalang kurso naman ang kinuha samantalang siya? Isang hamak na manunulat. She belongs to the Journalists. dahil iyon naman talaga ang idinidikta ng damdamin niya. "I think you're out of your mind already, Anna! Ikaw? Titingalain ng mga tao? Impossible!" muli ay sigaw ni Don Amador banaag pa rito ang panglalait. "Hindi ko naman kayo pinipilit maniwala at bakit pa ninyo pinapakialaman ang bagay na iyon samantalang hindi n'yo naman ako anak 'di ba? Dahil wala kayong anak na mangmang." She smiled bitterly, saka hinila ang katamtamang maleta saka walang lingong lumabas ng malaki nilang bahay o mas tamang sabihin na mansion. Siya si Anna Marie Garcia ang bunsong anak ng kilalang businessman sa buong bansa as well as international investors. Masaya siya bilang Journalists pero disgrace siya kung tawagin ng ama. Dahil ang panganay niyang kapatid ay isang abogado at kasalukuyang nagtatrabaho sa isang kilalang law firm at ang pangalawang kuya niya ay siyang sumunod sa yapak ng ama, isa rin itong negosyante. Siya? She's a disgrace of the family kung tawagin ng sariling pamilya. "Huwag mo siyang pigilan, Rosa! Kapag ginawa mo iyan mas mabuting sumunod ka na rin sa kanya at manirahan kung saan-saan!" dinig pa niya na sigaw ng kanyang ama. Marahil ay sinubukan siyang sundan ng mabait niyang yaya. Hindi man ito ang nagluwal sa kanilang magkakapatid ay hindi naging sagabal iyon upang mahalin at ituring na parang tunay silang anak. Marahil nga ay pinigilan ito ng kanyang ama pero hindi ito nagpapigil, ramdam niya ang paglapit nito pero hindi siya lumingon dahil ayaw niyang lumingon sa tahanan nila pero naging saksi rin sa galit ng pamilya niya sa kanya. "Anak, pasensiya ka na dahil wala man lang akong magawa upang pigilan ka sa iyong pag-alis. Sana maunawaan mo si Nanay. Heto, kunin mo itong envelope na may lamang kunting halaga anak, pero pagpasensiyahan mo na lang dahil iyan lang ang nakayanan namin ng mga kasamahan ko. Nariyan na rin ang address namin sa probinsiya, doon ka na lang muna para maging panatag ako at alam ko kung nasaan ka. Huwag kang mag-alala anak tatawagan ko ang Tatay para ipaalam na parating ka. Mag-ingat ka lagi anak, ingatan mo ang 'yong sarili. Mahal ka ni Nanay." Umikot pa talaga ito para mayakap siya sa harapan saka pasimpleng iiniabot ang airmail envelope. Nasabi nito ang mga katagang binitawan pero halos pabulong na patunay lamang iyon na takot din ang mga ito sa ama. "Hindi ko ito tatanggihan, Nanay. Dahil kunti lang din ang laman ng bangko ko. Maraming salamat Nanay dahil sa totoo lang hindi ko alam kung saan ako tutungo ngayon. Ikaw rin po Nanay mag-ingat ka po. Sige na po pasok ka na po, dahil baka tuluyan silang magalit sa iyo." Pumiyok na siya ng tuluyan. Muli siyang niyakap ni Nanay Rosa ang taong nagmamalasakit, namgmamahal ng tunay sa kanya. Mahigpit din niya itong tinugon. Hinintay niyang kumalas sa kanya ang Nanay Rosa niya bago siya muling nagpatuloy. Pagkalabas niya sa malaking gate ng mansion nila ay saka pa lamang niya pinakawalan ang kanina pa niya pinipigil na luha, luha dulot ng sari-sari niyang emosyon. "Ma'am Anna, saan ka po pupunta? Aba'y anong oras na po ah." Napatakbo palapit sa kaniya. "Okay lang ako, Mang Roman. Sige na po balik ka na po sa trabaho mo baka pagalitan ni daddy," she answered instead. "Hindi naman siguro, Ma'am. Halika Ma'am, ipapara na lang kita ng taxi para ihatid ka kung saan ka pupunta," sagot nito saka hinila ang maletang hawak niya. Sakto namang may dumaan na taxi kaya hindi na nahirapan si Anna. "Maraming salamat po, Mang Roman," may luha pa rin sa mata na wika ni Anna. Naisip niya tuloy na mas mabuti pa ang ibang tao dahil may pagpapahalaga sa kaniya kaysa ang sarili niyang pamilya na walang awa siyang itinaboy dahil lang sa hindi siya kasing-talino ng pamilya. Dahil sa pag-iyak niya ay hindi na niya namalayang nakaparada na pala ang taxi. "Miss, okay ka lang ba?" tinig na nagpabalik sa kanyang kamalayan. "Okay lang po ako, Kuya. Siya nga po pala maari mo po ba akong ihatid sa terminal ng bus pauwi sa Ilocos Sur? Vigan City, Kuya," aniya. "Oo naman, Miss. Wala namang problema sa bagay na iyan dahil iyan ang trabaho ko pero nag-aalala kasi ako na baka may problema ka dahil simula kanina ay umiiyak ka na. Siya nga pala ako si Paolo, pero maari mo akong tawaging Paul. At tubong Sta Catalina rin ako. Saan ka pala sa Vigan para pag-uwi ko ay mabisita rin kita." Inilahad ni Paul ang palad tanda ng pakikipagkilala. "Anna Marie Gar---Anna Marie Garcia. Sa katunayan Kuya Paul sa Paratong Sta Catalina po ang tungo ko sa lugar ng Yaya ko." Nakatungo siya. Nais man niyang itago ang tunay niyang pangalan lalo an ang kanyang apelyido para hindi siya makilala ng mga tao pero naisip din niya na marami namang magkakapareha ng last names kaya itinuloy na rin niya ito. "Sa tingin ko naman, Miss Anna, anak mayaman ka kaya hindi na nakapagtataka na may Yaya ka but wala akong balak alamin ang puno't dulo ng pag-iiyak mo unless na ikaw mismo ang magkukuwento. Sa Poblacion Sta Catalina ako, Anna. Kaya maari kitang bisitahin doon pag-uwi ko pero sa ngayon ay ayusin mo na ang sarili mo dahil nandito na tayo sa terminal. Tutulungan na sa pagsakay para maihabilin kita sa driver at kondoktor. Sigurado akong bukas na makakarating ang bus sa Vigan lalo at matraffic pa," senserong saad ng binata. Hindi niya maunawaan ang sarili pero naawa siya sa pasahero niyang halata namang may kaya sa buhay. Sa narinig ay mas napahagulhol ang dalaga, naisip tuloy niya na mas mabuti pa ang ibang tao may malasakit sa kanya kaysa ang pamilya niya. No one cares about her at all. "Need this, Anna?" dinig ng dalaga kaya't napatingala siya. Ang driver na may nakalahad na puting panyo. Hindi na rin niya ito tinanggihan bagkos ay malugod niya itong tinanggap. "Thank you, Paul," sagot niya ng sa wakas ay nahamig ang sarili. "Your welcome, Anna. Okay ka na ba? Ihahatid na kita sa ticketing booth para makapuwesto ka ng maayos," tugon niya. "Nakakahiya man, Paul. Pero puwedi ba? Total naabala na rin kita ay lubos-lubusin ko na lang lalo at first time ko rin itong bumiyahe ng bus at mag-isa pa ako," nakakahiya man pero kinapalan na lang ng dalaga ang damdamin. Bagong kakilala niya ito ngunit wala siyang magawa kundi ang sumugal para sa pakikipagsapalaran niya sa probinsiya pagkatapos siyang palayasin ng mga magulang. "Walang problema, Anna. Lahat tayo ay nangangailangan ng tulong. Nagkataon lamang na ako ang I mean ako ang driver nang nasakyan mo at sigurado naman ako na ganoon din ang gagawin mo kapag ako ang nasa kalagayan mo," pahayag ni Paul saka inalalayan ang dalaga upang makalabas ng maayos. "Maupo ka muna rito at ikukuha kita ng ticket mo. Ako na ang bahalang makipag-usap sa driver at konduktor," ani Paul ng nakalapit sila sa mga nakahalirang upuan. Tututol pa sana si Anna dahil nakakahiya namang pati ang pamasahe niya ay libre ng mabait na driver pero naging mabilis ang kilos nito namalayan na lamang niyang nasa tabi na niya ito ulit. "Here take this, Anna. Huwag mong iwala iyan ha dahil iyan ang ticket mo pauwing Ilocos Sur. Okay na ang lahat kinausap ko na ang conductor kaya ipanatag mo na ang sarili mo. If you want doon ka na sa loob ng bus maghintay." Tinapik niya ng bahagya ang dalagang nakapikit na. Naging mabilis lang naman siya dahil hindi naman mahaba ang pila ngunit pagbalik niya ay halatang hapong-hapo ang katawan. Kaya naman wala siyang choice kundi ang tapikin ito. "Maraming salamat, Paul. Napakabait mo sa bagong kakilalang tulad ko. Sana balang-araw ay magkikita pa tayo malay mo masusuklian ko na that time ang kabutihan mo," ani Anna sabay hila sa maleta pero naging maagap si Paul. Ito na ang gumawa sa paglagay ng maleta ni Anna sa lagayan ng mga bagahe ng pasahero. "Halika na, Anna. Lubos-lubusin ko na kaya't ihahatid na kita sa seat number mo." Banalingan ng binata ang dalaga nang naisaayos ang maleta. She's tired both physically and emotionally kaya hindi na siya tumutol pa. She want to rest at pag-isipan ng mabuti ang dapat niyang gawin sa kanyang buhay. "Thank you so much, Paul. Pero ano na pala last name mo para pagdating ng araw when I'll be able to write down again I'll write and give you some copies souvenir kumbaga." Pumikit na ang dalaga habang nagsasalita dahil na rin sa pagod. "Paolo Marcus ang buong pangalan ko but take note I'm not related to any Marcos in town. Sige na magpahinga ka na gigisingin ka na lang ng conductor pagdating n'yo sa Vigan terminal," tugon ni Paul. "Again and again thank you so much and may God pour you more blessings." Nakapikit na talaga si Anna. Hindi na niya namalayang nakatulog na siya nang tuluyan at mas hindi na niya napansin ang pag-picture sa kaniya ng taong naging knight in shining armour niya. "Ang ganda mo, Miss Anna. Ang ganda na hindi nakakasawang pagmasdan," bulong ng binata bago bumaba ng bus. Pero dahil hindi siya mapakali ay muli siyang lumapit sa pamunuan ng bus terminal. "Boss, maaring iwan ko muna ang taxi ko dito? With all my papers for your security," wika ng binata. "Wala namang problema roon, Boss. Subalit maari ba naming malaman kung bakit for record purposes lang naman," sagot ng manager. "Hindi kasi ako mapakali, Boss. Kaya ihahatid ko na lang iyong kasama ko sa Vigan. Dibale dalawa naman ang nabili kong ticket," pahayag ng binata saka inilabas ang papeles ng taxi, I.D, at susi saka inilapag sa harapan ng manager. "Iyan ang kumpletong papeles, Boss. Nandiyan din ang ID ko. Bukas ng gabi o sa makalawa ko iyan babalikan dito. Ako rin Boss ang kukuha," aniya. Ilang minuto din ang lumipas bago muling umakyat ang binata sa bus dahil ginawan pa nila ng waver ang pag-iwan niya sa taxi. Dala ng pagod, nakatulog agad ang dalaga sa biyahe. Tuloy nag-aalangan si Paul kung gigisingin o hindi lalo at himbing na himbing ito. Kumbaga sa isang pusa ay para itong kuting na namamaluktot. "Kawawa ka naman parang kay bigat nang pinagdadanan mo. Dito na lang din ako hindi na ako lalabas para mabantayan kita. Ewan ko ba bakit magaan ang loob ko sa iyo samantalang ngayon lang kita nakilala," piping sambit ni Paul saka umayos sa pag-upo. Ipipikit pa lang ng binata ang kanyang mga mata para sabayan sana ito sa pagtulog ngunit humikbi naman ito. Hindi na sana niya ito papansinin pero makaraan ng ilang minuto ay humagulhol na ito kaya naman hindi na siya nag-alinlangan na gisingin ito. "Anna, gising nanaginip ka." Tinapik niya ito sa balikat kaso mas lumakas ang iyak nito. Mabuti na lang at sila lamang ang nasa loob ng bus dahil nagsibaba ang mga ito para kumain at magbanyo. "Hey, Anna. Wake up, Anna." Tinapik niya ito ng ilang beses kaso walang saysay kaya naman at wala na siyang ibang choice kundi ang yugyugin ito na para tuluyang magising. Pero imbes na magulat ito o anu pa man ay pagmulat ng mata'y agad yumakap sa binata. "No one loves me. Mabuti pa ang ibang tao may pagpapahalaga sa akin pero sarili kong pamilya ay walang pakialam sa akin." Sumisinok na ito. Ramdam ng binata kung ano ang pinagdadanan nito kahit pa sabihing hindi niya alam ang puno't-dulo ng paghihinagpis nito. Hinaplos-haplos niya ang nakalugay nitong buhok . "Hindi ko alam ang puno't-dulo ng paghihinagpis mo, Anna. Ngunit kung ano man iyan ay kalimutan mo na muna para hindi masira ang ganda mo. Kahit ngayon mo lang ako nakilala ay ipinapangako ko sa iyo Anna, you can count on me as your friend," he said in very comforting voice. Hindi nga siya nagkamali dahil ng sa wakas ay nahamig ang sarili ay kumalas ito at pinunasan ang luha gamit ang panyong ibinigay ng bagong kakilala tulad niya saka ngumiti at nagwika. "Akala ko ihinabilin mo lang ako sa driver at konduktor? Maraming-maraming salamat ha, kahit hindi mo pa ako kilala ng lubusan pero nandiyan ka nag-aalala't nagmamalasakit sa akin. Thank you, Paul," nakangiting sambit ni Anna saka walang malisyang hinagkan ang pisngi ni Paul. Nagulat naman ang binata dahil sa inasta ng dalaga pero agad ding nakabawi dahil ayaw niyang ma-offend ito. "We are now friends, Anna Marie, kaya dapat lang na tulungan kita. Nagugutom ka ba? O gusto mo bang magrefresh? Nandito tayo ngayon sa bus stop." He smiled sincerely. "Hmmmmm hindi ako nagugutom, Paul. Pero kung gusto mong kumain sige lang sasamahan na lang kita," tugon ng dalaga. "Sabay na lang tayo, Anna, para mainat din ang likod at pang-upo natin. Want ice cream, Anna?" tanong niya, bagay na nagpabilog sa mga mata ni Anna Marie. "Sure I want it, Paul, please," tugon nito na tuwang-tuwa. Patunay lamang ang amusement na nakabalatay sa mukha. Iyon nga ang ginawa nila, lumabas sila mula sa bus saka bumili ng ice cream. And as the hours passed, naging maluwalhati ang biyahe nila pauwi sa probinsiya ng Ilocos Sur.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD