CHAPTER THREE

2193 Words
"Sakay na kayo, Anna, Ronal." Paanyaya ni Paul. Ang nagmaneho sa owner na tumigil sa harapan ng dalawa. Ang kabang biglang sumalakay sa dalaga ay agad ding naglaho ng napagsino ang may-ari sa owner type jeep na tumigil sa harapan nila. "Paul! Kumusta?" agad niyang tanong na para bang nakakita ng taong ilang taong hindi nagpakita sa kanya. "Okay lang, Anna, mukhang nahiyang ka na rito ah. You look so beautiful," sagot ni Paul bago bumaling sa dating kaklase. Totoo naman kasi malayong-malayo na ang itsura nito sa Anna na tinulungan niya more than two weeks ago. "Ikaw, Pare, kumusta ka na? Kailan ang long table?" tanong niya rito. "Matagal pa siguro, Pare. Alam mo naman ang buhay dito sa probinsiya. Ikaw nga mukhang may nakabihag na rin sa mailap mong puso ah." Pinaglipat-lipat nito sa kanilang dalawa ng dalaga ang paningin. "Kung papalarin Pare mayroon pero kung hindi wala pa rin hanggang ngayon." Nakangiti siya saka bumaling kay Anna na nasa harapan o sa tabi ng driver's seat. "Okay ka lang ba, Anna? Kumusta pala ang lakad n'yo ni Ronald? Galing ako sa inyo pero sabi ni Uncle Romeo nandito raw kayo kaya nagbakasakali akong maabutan kayo and thanks God nakaabot pa ako," aniya sa dalagang bakas pa rin sa mukha ang saya na nakalarawan. Sa narinig ay mas nagliwanag ang buong mukha ni Anna. Mababaw man siguro ang kaligayahan niya pero sa simpleng gestures ng binata ay kumakabog-kabog na ang puso niya. "Tanggap na ako sa trabaho, Paul. Sa wakas ay mapapatunayan ko na ang lagi nilang sinasabi na wala akong mapapala sa writing industry. Ipapakita sa kanilang lahat na mali sila. Simula bukas may trabaho na ako at maisusulat ko na ang ipinangako ko sa iyo." Nagniningning ang mata na para bang laging may luha. "Wow! Congratulations, Anna." Abot hanggang taenga ang ngiti niya. Masaya siya sa dalagang sinisinta. Ahem! "Thank you, Paul, baka hanapin ka ng Boss mo," ani Anna Marie. "That will never happen, Anna," sagot ng binata pero ang mga mata ay nakatutok na sa daan. "Mabuti naman, Par, at naisipan mong magbakasyon dito? Aba'y kung hindi mo pa yata ihinatid si Anna noong isang linggo rito ay baka hindi ka pa nauwi ah," sabad ni Ronald. "Dito na rin ako maninirahan, Pare. Kaya kunin mo na ako para may makasama ka sa bukid ninyo," pabirong sagot ni Paul. Hindi alam ng nakakarami ang tunay niyang trabaho. Tanging ang ina niya ang nakakaalam sa tunay niyang trabaho o ang pagiging alagad ng batas niya. Ang tanging alam ng mga taga roon ay isa lang siyang hamak na taxi driver. "Kalokohan iyan Pare, ikaw pa? Naku mas nababagay sa iyo ang buhay siyudad kaysa rito." Napatawa tuloy siya. Hindi man ito magsalita ay alam niyang may itinatago ito tungkol sa trabaho. "Naku, Kuya Ronald, ikaw talaga oo anong mayroon sa siyudad? Alam mo, Kuya, kung ako ang papipiliin nga mas gusto ko dito maninirahan," segunda tuloy ni Anna. "Tama ka, Anna. Mas masarap talagang manirahan dito sa probinsiya. Kapag masipag ang taga-rito ay mabubuhay na. Siya nga pala, Anna, Pare, magtake- out na lang tayo ng pagkain dito sa Vigan para hindi na kayo magluluto pagdating natin. Daanan na rin natin si inay sa bahay at sabay-sabay na tayong mananghalian doon sa inyo kung okay lang sa inyo ni Uncle Romeo." Nakangiting suhestiyon ni Paul. Bagay na labis namang ikinatuwa ng dalaga. Aminin man niya o hindi ay namimiss din niya ang binata. But it's still early to say that her heart is saying something. Ibubuka pa lamang niya ang kaniyang labi ay naunahan na siya ni Ronald. "Sure, Pare. Aba'y bakit hindi? Mas gusto ko pa iyan ah lalo at alam kong gusto mo ring makasama si bunso Anna. Sigurado naman akong masaya si Itay kapag may bumibisita sa bahay." Napangiti siya dahil sa naiisip. "Ha? Sinong bunso ninyo, Kuya? You're the only child of Nanay Rosa ah." Hindi tuloy napigilan ni Anna ang sumabad. "Naku, Deng, ikaw ang tinutukoy ko. Ikaw ang bunso kong kapatid. Pustahan tayo ikaw ang rason kung bakit nauwi si Pareng Paul," nakatawa pa ring sagot ni Ronald. Kaya naman agad pinamulahanan ng mukha si Anna tuloy hindi makatingin ng deretso sa katabi niyang si Paul. "Ikaw talaga,Pare. Kung ano-ano ang pinagsasabi mo pero hindi naman masama kung totoo iyun. Ayan tuloy namumula na si Anna." Napailing tuloy si Paul. Ngunit totoo naman talaga na isa si Anna sa dahilan ng pagbabalik niya sa nakagisnan niyang lugar. Ayaw nga lang niyang mapahiya ito dahil baka mabulilyaso pa ang plano niyang paglapit dito. "Zip my mouth," abot hanggang taenga ang ngiti na nakabalatay sa mukha ni Ronald. Hindi siya manhid para hindi maramdaman ang damdamin ng kababata para sa alaga ng kaniyang ina ganoon din ang dalaga para sa binata kaya masaya siya para sa mga ito. Sa kabilang banda, sa tahanan ng mga Garcia. "Bakit mukhang biyernes santo ang mukha mo?" tanong ni Don Amador sa panganay na anak. "I'm just mad, Daddy. Kailan pa naging makupad ang daloy ng ating kumpanya?" hindi maipinta ang mukha dahil sa inis. "I don't understand you, Iho. What's the problem with our company? Even we have annual inventory so anong problema ngayon?" nagugulimihang tanong ng Don. "Daddy, the board of directors show me the financial situation of the company so how can you be sure that the company is still stable? My God! Daddy, it's almost falling apart. Kung noon pa sana nalaman baka may magagawa pa tayo but now what, Daddy?" Palakad-lakad siya sa mismong harapan ng ama. "No! That's not true, Armando! I know! I,know that the company is stable so you don't have to say those fuckin' words. Come and let's go to the office and we'll check it. Hindi maaring pabulusok ang kumpanya I'm sure of it!" may igting na sabi ng Don. Hindi na nito hinintay na makapagsalita ang anak, mabilis itong lumabas at nagtungo sa sariling sasakyan. "Dominador! Bilisan mo may pupuntahan tayo ngayon din!" sigaw nito sa personal driver na nasa guard house kasama ang guwardiya. "Nandiyan na, Boss." Nataranta rin ang driver dahil hindi naman sila sanay na nakikita ang amo na galit. Ang huli lang ay ang pagpapalayas nito sa bunsong anak. Samantala, pagka-alis ng ama ay naging mabilis din ang naging kilos ni Armando o ang panganay na kapatid ni Anna. Pinuntahan nito ang kapatid na abogado. "Bilisan mo, Christina, on the way na si Daddy, papuntang kumpanya, kailangan maging makatutuhanan ang lahat." Utos niya. "Ikaw naman, Brother, napaka-atat mo saka wala namang ibang mapupuntahan ang kayamanan ni daddy kundi sa atin lang ah." Napangisi pa ito. "Huwag kang kampante kapatid alam mo namang sa talino at skills niya tayo nagmana. Isipin mong maari tayong mademanda kapag malaman niyang we falsify all those documents." Ismid ng binata pero hindi natinag ang dalaga. "Nakalimutan mo yatang abogada ako, Kuya? Baka nagaya ka na rin sa kapatid nating mangmang? Aba'y sayang lang din ang ipinantustos ni Daddy at Mommy sa pag-aaral mo kung nagiging bobo ka na ring tulad ni Anna Marie? Haler! Gumising ka nga, Kuya. Huwag kang tatanga-tanga dahil mas makakahalata silang lahat kapag ganyan ka. Kung ako sa iyo ay maging panatag ka. Huwag kang maging siraulo kagaya ni Anna Marie o baka naman gusto mo ring matulad sa kaniya na tuluyang ng kayamanan?" tanong ni Christina. Kaya naman ay napatahimik ang binata. Halata namang pinakaiisip ang bawat salitang binitawan ng pangalawang kapatid pero muling nagsalita makalipas ang ilang sandali. "Kahit ikaw ang abogado sa pamilya, Christina. Ngunit hindi ibig sahihin ay ikaw na ang masusunod. Alahanin mong buhay pa si Mommy, si Daddy, at higit sa lahat ako. Buhay na buhay ako bilang Kuya mo at ngayon kung inaakala mong mapapasakamay mo ang lahat nagkakamali ka dahil gaya nang sinabi ko ay ako pa rin ang Kuya!" mariing sambit ni Armando. "Relax, big brother. You don't have to worry dahil gaya ng napag-usapan natin hahatiin natin ang lahat para pantay-pantay pagkatapos ay maari na tayong magkaniya-kaniya kung iyan ang gusto mo. Tatapatin kita, Kuya. Ayaw ko sa bahag ang buntot na tulad mo. Kung hindi lang kita kapatid ewan ko lang baka kung ano na ang nagawa ko sa iyo," wika ng dalaga bago tumayo saka nagsimulang naglakad pero pagdating sa pintuan ay muling tumigil at nag-iwan ng salita. "If I were you, Kuya. Mas mabuting umakto ka nang naaayon sa agos nang pangyayari kung ayaw mong makalabuso. Mark my word, Kuya. I am a lawyer and I can do anything," sabi pa nito bago tuluyang umalis. Pagka-alis naman nito ay napasabunot sa sarili si Armando hindi niya maunawaan kung bakit ganoon na lamang ang kagustuhan ng kapatid na mapasakamay agad-agad ang kayamanan ng kanilang pamilya. Samantalang nakalaan naman iyon para sa kanilang magkakapatid lalo at pinalayas na ng kanilang ama ang bunso nilang kapatid. "s**t! s**t! What shall I do now!" Ngitngit niya sa sarili bago ibinagsak ang katawan sa sofang nandoon. Sa kabilang banda, sa isang kuwarto sa tahanan ng mga Garcia. "Ano iyan,Helen?" maang na tanong ni Yaya Rosa, may iniaabot ang amo niyang babae na isang aklat. Hindi naman siya ganoon kabobo upang hindi malaman kung ano iyon pero nais niyang makasigurado. "Itago mo iyan, Rosa. Heto ang pera umuwi ka na sa inyo at hanapin ang anak ko," sagot nito halata namang nahihirapan ito pero pinilit ang sarili na masabi ang ninanais. Yes it is! Ang ilaw ng tahanan ng pamilya Garcia ay bed ridden na. Dahil sa kadahilanang ipinagbuntis ang bunso o si Anna Marie. Ay ito ang pinakamaraming dahilan kung bakit naging mainit ang dugo o hindi maganda ang pakikitungo ng ama. Naging lumpo ito at kailangan pa ang personal assistant para makakilos. Nahihirapan din itong magsalita dahil sa stroke. At ang lahat iyon ay isinisisi ni Don Amador sa bunsong anak na si Anna Marie. "Pero hindi kita maaring iwanan, Helen. Oo alam ko at sigurado ako kung nasaan siya pero ikaw ang iniisip ko. Sino na lang ang mag-aalaga sa iyo kapag aalis ako?" Umiling-iling si Aling Rosa tanda nang pagsalungat sa among babae. "Makinig ka, Rosa. Alam kong hindi mo pababayaan ang anak ko kagaya nang pag-aalaga at pagmamahal mo sa aming mag-iina kaya sa iyo ko siya ihahabilin. Itago mo ang librong iyan dahil para kay Anna iyan. Huwag mong hayaang makita iyan ng iba lalo na ang Sir mo at ang dalawa kong anak. Salamat sa pag-aalala mo sa akin, Rosa. Hindi mababayaran ng kahit ilang sentimo ang lahat pero please gawin mo ang sinasabi ko as soon as you can," nahihirapan man pero nagawa pa ring tinapos ang sinasabi. Dahil alam naman ng lahat na si Aling Rosa ang personal na tagapag-alaga ng Ginang ay walang mag-aakalang binibilinan ito. At dahil naguguluhan ang kaawa-awang alalay ay hindi agad nakasagot. "Please, Rosa, leave my home to protect my daughter at heto rin ang envelope itago mo nang maayos. Huwag mong hayaang makita ng iba ang lahat ng iyan. Ibigay mo lahat iyan kay Anna kapag magkita na kayo. Go now, Rosa. Gumawa ka ng dahilan mo sa Sir mo para payagan kang makauwi ngayon din." Pakiusap ng Ginang na halos ipagtulakan na ang kausap sabay abot sa isang brown envelope, sobreng naglalaman ng malaking halaga at ang libro. "Naguguluhan ako, Helen. Pero gagawin ko ito para sa inyo ni Anna. Sana magkita pa tayong muli. Hindi ka na iba sa akin, Helen. Kahit pa amo kita pero hindi mo ako itinuring na iba. Mag-ingat ka lagi, Helen." Yumakap siya sa amo. Ramdam niyang iyon na ang huli nilang pagkikita. "Thank you so much, Rosa, ikaw rin mag-ingat ka palagi. Hug and kisses for my daughter," naluluhang sagot ng Ginang. Yakap ang mga dukumentong ihinabilin sa kaniya ay tahimik na tinungo ni Aling Rosa ang kuwarto nilang mga kasambahay. Kinuha ang bag at doon itinago ng maayos ang lahat. Hindi naman para sa kaniya ang mga iyon kaya hindi na niya pinakialaman pa hindi siya interesadong malaman kung ano ang laman ng envelope at ang nakasaad sa libro. Alam niyang nasa piling ng mag-ama niya ang alaga niya kaya't ibibigay niya ang mga iyon kasama ng pera. Sumasahod siya ng higit sa napag-usapan kaya't malaki-laki rin ang ipon niya. May allowance rin siyang ibinibigay ng mag-asawa kaya't hindi niya gagalawin ang pera sa sobre. Samantala hindi matatawarang saya ang lumukob kay Anna Marie dahil sa pagkakatanggap sa trabaho bilang writer sa radio station. "Napakabuti mo, Ama, sa akin kahit na hindi ako suportado ng sarili kong pamilya pero biniyayaan mo pa rin ako ng pamilyang tumanggap sa akin bilang isang tunay na kapamilya. Thank you ,God." Nakatingala at nakapikit siya patunay na umusal siya ng panalangin. Kahit wala pa naman siyang naisusulat sa ngayon pero marami naman siyang nagawa bago pa man siya mapadpad sa Ilocos Sur. Maari niya itong ayusin para iyun ang ipasa sa pamunuan ng radio bilang panimulang akda. She's about to step out from the room that she's occupying when her phone rang! Her mobile is ringing continuously! Kaya naman agad niya itong kinuha sa bag niya only to find out who's calling her early in the morning!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD