"Napadalaw ka yatang mag-isa, bayaw. Halika maupo ka." Nakalahad ang palad ni Ronald sa maaga nilang bisita. Itinuro niya ang upuan patunay lamang na pinapaupo niya ito. "Salamat, bayaw. Siya nga pala nasaan si Nanay? Gusto ko sana kayong kausapin eh," seryosong tugon ni Paul. "Huh! Mukhang seryoso ka yata ngayon, bayaw? May problema ba? Hindi pa nga kita naaalok ng kahit kape man lang sana eh." Napahawak tuloy siya sa kaniyang batok. Hindi naman sila magkaano-ano ng asawa nito dahil alaga ito ng kaniyang ina. Subalit hindi ganoon ang trato nila rito. Para sa kaniya ay tunay niya itong kapatid lalo at hindi lingid sa kaniya kung ano ang pinagdaanan nito bago napadpad sa lugar nila hanggang sa nakapag-asawa. Masaya nga siya dahil noong lumabas ang baby nito ay sumabay din ang pagkakaayos